HUWAG MO AKONG MAHALIN
chapter 11
Ni Rhea Hernandez
Pinoy Poems
Sa ipinagtapat ni Andrea naliwanagan si Kelvin. Ang mga
katanungan sa kanyang isipan nag karoon ng
kasagutan. Ang buong akala niya hindi na niya malalaman kung ano ang mga
secreto ng kanyang pag katao. Hindi niya akalain na pinagdaanan ng kanyang ina
ang lahat ng mga iyon. Sa puso niya nakakaramdam siya ng matinding pag ka
awa. At galit sa kanyang ama kung sino man ito. Sana hindi
siya patahimikin ng kanyang kunsensya. Ang mahina bulong sa kanyang sarili. Ano
pa nga ba ang magagawa niya sa ngayon kundi mahalin ng husto ang kanyang ina upang malimutan ang mga mapapait na
karanasan. Sana matabunan ng kanyang pag mamahal ang lahat ng sakit at
masasamang karanasan pinagdaanan ng kanyang ina. Isususlit niya ang mga araw na
darating na mag kasama sila. Babawiin niya ang mga araw at taon nawala dahil sa
kanilang pag kakahiwalay ng mahabang
panahon .
Wala salita lumabas sa kanyang mga labi kundi “Mama kalimutan
na natin ang kahapon , isipin na lang natin ang bukas”. Mama isang araw lumabas
tayo para muli kayong mag kita ng boss naming ni Kuya Mando. Matagal tagal
narin kayong hindi nag kikita. Saka wala kana ring aalalahanin na makakasakit
ka ng damdamin ng iba. Matagal nang walang mag seselos sa iyo. Di tulad ng dati
kaya ka lumayo natatakot kang makasira ng isang
pamilya. Ngayon single na si Mr Ricky Ramirez kaya lang paano na sa pag babalik ng kanyang anak na si Alice
itutuloy ko ang naudlot na panliligaw sa
kanyang anak, ang litanya ni Kelvin sa kanyang mama. Isang matamis na ngiti ang
tinugon nito sabay sabi sana nga kayo
ang mag katuluyan ng anak ni Ricky.
Mabuting tao si Ricky at natitiyak ko na may busilak din
puso ang kanyang anak. Ginawan ng paraan
ni Kelvin na muling mag kaharap ang dating matalik na mag kaibigan. Kahit
matagal na silang di nag kikita sa mga
sandaling iyon masasabi mo na parang walang maraming taon ang namagitan sa
kanilang dalawa. Sa muling pag kikita nabuhay ang pag asa ni Ricky sa pag ibg na
inuukol niya kay Andrea. Kahit kaunti
walang nabawas sa kanyang nararamdaman para kay Andrea. Bagkus lalu pang pinatatag ng
maraming mga taon. Ang buo niyang akala nakalimutan na niya si Andrea. Pero nag
kubli lang pala ito sa puso niya nang mga panahong lumipas.
Ngayon wala na ang hadlang sa nadarama niyang pag ibig kay
Andrea gusto niyang ligawan ito. Palagay
niya hindi pa huli ang lahat upang itama
niya ang malaki niyang pag kakamali noon. Panahon na para ituwid ang kanyang
ginawang di maganda kay Andrea. Kay habang panahon niyang dala dala sa kanyang
konsensya. Hindi niya alam kung bakit niya nagawa ang ganoon kay Andrea. napaka buting kaibigan nito sa
kanya. Ang akala ni Andrea ay super bait niya sigurado siyang pag nalaman nito ang buong
katotohanan sigurado siyang isusumpa siya nito.
Sa nakitang pagiging
close ng dalawa nag karoon ng lakas ng loob si Kelvin sabihin kay Mr Ramirez kung ano ang nararamdaman niya sa anak nitong
si Alice. Sa sinabi ni Kelvin parang binuhusan ito ng isang timbang tubig
na may yelo. Kahit hindi niya tunay na anak si Alice pero sa puso at isipan niya ito ay tunay
niyang anak. Si Alice ay anak ng kanyang asawa sa ibang lalaki. Noong una hindi
niya ito matanggap. Kaya pala hindi siya
nahirapan ligawan ito at ang mga magulang ay walang tutol sa kanilang pag
papakasal. Yon pala nag dadalantao na ito at nag pakasal sa iba ang ama ni
Alice. Kaya naman inilaan niya ang lahat ng kanyang oras at panahon sa pag
papalago ng negosyo ng pamilya. Dahil sa pangarap niyang maging isang
mayaman. Hindi naman siya nabigo na
palaguin ng husto ang negosyo ng pamilya. Ngayon isa na sila sa mga
kinikilalang higante sa larangan ng industry. Isa na sila sa kinikilala sa
buong bansa. Hindi nasayang ang lahat ng kanyang pag sasakripisyo ng kanyang
kaligayahan.
Pero ngayon puede na siyang lumigaya. Wala nang dahilan para
maging malungkot muli. Alam niya sa piling ni Andrea magiging masaya siya.
Kahit noon pa ito ang nag patibok ng kanyang puso. Siniil lang niya ang
sariling kaligayahan para matupad lang
ang kanyang mga pangarap. Ang akala niya magiging lubos ang kaligayahan niya
kung magiging matagumpay sa negosyo. Yong tinitingala sya na isa sa mga
malaking kompanya. At kung papalarin siya at tugunin ni Andrea ang kanyang pag
ibig wala ng problema. Magiging anak na niya si Kelvin sa mata ng tao. Hindi na
niya kailangan ipag tapat ang kanyang ginawang kasalanan. Sasarilinin na lang
niya ito dadalhin hanggang sa kanyang hukay ang buong katotohanan na siya ang
ama nito. Siya ang lalaking walang kunsensya na nag samantala sa pag kababae ni
Andrea. Laking papasalamat niya noon at hindi siya nakilala nito. Nag sisi man
siya kung bakit niya nagawa ang ganoon kay Andrea wala na siyang magawa kasi
tapos na at nasakatuparan na niya ang makamundo niyang pag nanasa dito. Huli na noong mahimasmasan siya na mali
ang kanyang ginawa.
Ilang araw at gabi rin siyang binagabag ng kanyang
kunsensya. Masasabi rin niya na hanggang ngayon dala dala niya ang ginawa niyang
kasalanan sa nag iisang babae na minahal niya ng lubusan. Hindi niya alam o
hanggang ngayon tinatanong pa rin niya ang kanyang sarili kung bakit niya nagawan ng ganoon si
Andrea. Ang alam lang niya ng mga sandaling yaon gustong gusto niyang maangkin
ang babaeng kanyang iniibig. Hindi niya napigilan ang makamundong pag nanasa
para dito. Kahit na noong makita niya na durog na durog na buong pag katao nito
di niya magawang aminin dito na siya ang lalaking may takip ang mukha.
Kaya pala ganoon na lang ang gaang ng loob niya kay Kelvin
ito pala ang anak nila ni Andrea. Bunga ng kanyang kabaliwan. Sadyang kay liit
ng mundo. Hindi mo akalain na pag tatagpuin silang mag ama sa mga sandali na di
nila inaasahan. Sana tanggapin ni Andrea ang pag ibig na iaalay para mabuo na ang kanilang pamilya. Sa
pag iisip at pag babalik tanaw sa kahapon ni Ricky Ramirez. Sa pananahimik ni Ricky
Ramirez inisip ni Kelvin na ayaw sa
kanya para sa kanyang nag iisang anak. Hindi mapigilan ni Kelvin ang kabahan ng mga sandaling iyo. Mahal na mahal niya si Alice gagawin
niya ang lahat para mapasang ayon ang ama nito. Kahit ano gagawin niya kahit gamitin pa niya ang kanyang ina. Para lang mapapayag ito na ligawan niya si Alice. Noong mag salita ulit si Kelvin at
tinatanong muli kung ok lang dito na ligawan niya si Alice. Parang naalimpungatan si Ricky sa kanyang pag babalik
tanaw sa kahapon. Saka palang bumalik ang kanyang isip na kaharap pa pala niya
ang kanyang tunay na mag ina.
Ok lang Kelvin kahit sinong ama ikatutuwa nila kung isang
tulad mo ang mangingibig ng kanilang
anak. Sa tinuran ni Ricky Ramirez natuwa si Andrea kaya naman nagawa nitong
hawakan ang kamay ni Ricky sabay pag papasalamat at tinanggap nito ang pag
papaalam ng kanyang anak na ligawan ang nag iisa nitong dalaga. Bulong ni Ricky kung alam mo lang kung pupuede
ipakasal na niya ito agad upang maging anak na rin niya si Kelvin .
Ano kaya ang gagawin ni Kelvin pag natuklasan
niya na si Ricky Ramirez ang hinahanap niyang nag walanghiya sa kanyang
ina?***** ABANGAN*****