Friday, June 27, 2014

NASAAN NA ANG INIT NG MAGDAMAG


NASAAN  NA ANG INIT NG MAGDAMAG

NI Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Init ng iyong mga yakap aking hinahanap hanap

Mahabang panahon iyong pinatikim, pinalasap

Matatamis na suyuan ay muling  pinapangarap

Sa gabing malamig dasal na huwag maging mailap

 

Kailan muling maangkin iyong  angking kagandahan

Mag salo sa tuwa’t saya sa kabilugan ng buwan

Muli kay sarap mangarap kahit na panandalian

Sa magandang panaginip ito’y  syang  nararamdaman

 

Pinukaw ang pusong uhaw  sana’y muling kang maangkin

Nang  magising  sa paghimbing ito’y hirap intindihin

Paano tanggapin  wala  ang sinisintang bituin

Nag laho ang suyuan hulina noong mapansin

 

Maiinit na mga labi dumadampi sa katawan

Pumatid sa pusong uhaw na siyang nararamdaman

Ipinikit ang mga mata  nadamang  katotohanan

Isang kahapon lumipas siyang binalik balikan

 

Nasan  pagsuyong pangako muling ipadama, mahal

Kumupas iyong  pag ibig  nag laho ang  pagmamahal

Sino ang dapat sisihin  sa  suyuan di nagtagal

Pag ibig ibalik laging dasal  sa Poong Maykapal

6/17/14  10:30pm  rhea hernandez

NAG WAKAS NA ANG PAG HIHIRAP


NAG WAKAS NA ANG PAGHIHIRAP

NI Rhea Hernandez

Pinoy poem


                Bagong dating ako dito sa banyagang lupain ng America. Diko alam anong bukas ang nag hihintay sa akin. Nakipag sapalaran na di tiyak kung ano ang magiging kinabukasan. Sa mga kamay ng Poong Maykapal ibinibigay ang hinaharap na bukas. Mataimtim na dalangin na huwag pababayaan ang sisimulang pag lalakbay . Ang bagong pakikibaka sa agos ng buhay.

                 Unang mga araw anong saya. Wala pang pinoproblema. Pasyal dito gala doon. Halos sa loob ng isang buwan nalibot na yata lahat ng magagandang pasyalan .  Napapahanga sa lahat mapuntahan. Kakaiba sa kabukirang aking kinalakihan. Minsan nga naitatanong sa sarili ako ba’y nanaginip lang ba? Sana’y huwag na akong magising. Kay sarap kain tulog pasyal ang  routine sa loob ng isang buwan.

                   Ganitong buhay akala di pag sasawaan. Pero isang umaga nagising sa katotohanan. Kailangan kumayod para sa kinabukasan ng pamilya. Kailangan mag hanap ng ikabubuhay. Dito nakita dipala totoo yong sinasabi ng marami na halos napupulot lang ang dollars . at hindi rin madaling humanap ng trabaho. Lalu na wala kang legal na papeles na hawak. Pumasok dito bilang isang turista . Ang balak talaga ay mag hanap ng trabaho.  Mag TNT ( tago ng tago) at mag hanap ng pag kakakitaan. Tapos na ang pag papanggap na bilang isang turista sa banyagang bansa.

                   Hindi pala madali mag hanap ng trabaho na under the table. Aplay dito aplay doon. Kay dami ng inaplayan hindi pa rin sinusuerte. Marami din mga kapwa Pilipino na may hawak na agency. Pero pag nalaman nila na wala kang papel ikaw kanilang sinasamantala. Halos kalahati lang ng regular salary ang ibibigay sa iyo. Dahil wala ka nga papel na pinaghahawakan susunggaban mo na ang opportunity binibigay sa iyo. Kahit alam mo na wala pa sa kalahati ng regular  wage.

                  Kinabagsakan trabaho ay isang caregiver isang marangal na trabaho.  Walang experience sa pag aalaga ng may sakit. Pero noong interviewhin ako Ang  tanong  alam mo ito alam mo ganito mayroon kanabang karanasan sa ganitong situation. Laging sagot ko oo alam ko kahit walang alam. Sa loob loob ko bahala na si batman sa akin . hindi naman ako pababayaan ng Poong Maykapal. Ang puhunan lakas ng loob tiwala sa sarili na kakayanin lahat . lahat magagawa basta kumita lang ng pera.

                  Hindi ko akalain madali kung matutunan ang lahat. Noong una mahirap nangangapa  lagi kong kasama si common sense. At paganahin ang sintido common.  Naalala ko pa nga unang pasyente ko. Bagong opera kalalabas lang ng hospital . sabi ng aking agency babantayan ko lang  sa gabi kasi nag haha hallucinate siya dahil sa dami ng gamut na iniinom. Pero di sinabi na kakabitan ko siya ng  comdom  catiter . paano nga ba mag kabit nito. Di naman sanay gumamit ni walang training . wow! Nginig ang aking mga kamay sa pag kakabit. Sasabayan pa ng tanong noong asawa mayroon kabang karanasan  bilang isang caregiver? Bakit ang tagal parang di mo alam ang iyong ginagawa mo. Ang lamig lamig ng gabi ako’y gagamungo ang pawis sa noo. Ano ang aking gagawin nangangapa.  Sa wakas naikabit ko rin .

                Pag uwi sinabayan ko ng pag salampak sa sofa at sinabayan ng isang malakas na panangis. Bakit ganito ang hirap mag paalila sa ibang tao. Samantala sa Pilipinas ako yong  boss ako yong nag uutos sa mga kasangbahay. Naalala ko pag nag kakamali sila pumapalpak sa trabaho nakataas na ang tono ko . ngayon sya kong nararanasan. Hindi lahat mababait sa kanilang caregiver mayroon sobra akala mo kay baba mo compare sa kanila.mayroon naman na pag napalapit ka sa kanila itinuturing kanang isa sa ka  kapamilya nila. Pag natapos mo na ang kontrata sa kanila iniiyakan ka ayaw na ikaw umalis . pag gumaling na sila sa kanilang karamdaman.

                Minsan kasi 2 weeks lang kailangan nila . mag alalay habang di pa gumagaling ang opera. Pag kaya na nilang mag isa dina nila kailangan ang caregiver. Kahit gusto pa rin nila na mag stay ka sa kanila hindi puede kasi di sasagutin ng insurance ang ibabayad sa iyo. Mayroon naman napapahaba nila ang pag stay mo sa kanila ng 2 months. Pasalamat kung  gumagaling ang hinahawakan mong pasyente. Di nag tagal napamahal na sa akin ang trabaho ko. Nag karoon ako ng passion sa pag aalaga ng matatanda na may sakit. Dumating na sa punto na masaya na ako sa aking ginagawa. Masarap na sa pakiramdam ang makatulong mag lingkod sa may sakin at sa mga matatanda.

                Dahil dumadami na ang karanasan sa pag aalaga ng matatandang may sakit . tumataas na rin ang natatanggap kong bayad. Dumating ang pangangailangan ng malaking kita kaya lumipat sa ibang agency. Ang hawak nila ay mga hospice. Nag tagal ako dito dahil sa pangangailangan . pero habang tumatagal ako sa naturang agency nararamdaman kong nadedepres na ako. Kasi lahat ng mahawakan kong pasyente namamatay sa loob ng isang linggo suerte na abutin ng isa o dalawang buwan.hindi ko namamalayan napupuno na pala ng mga pighati at awa ang puso ko. Habang nakikitang ko unti unting nahuhulog ang inaalagaan sa kamatayan. Makikita mo sa mukha nila ang hirap na kanilang  nadarama. Parang unti unting napupuno ng kalungkutan ang buhay ko.

                   Nag iba ulit ako ng agency . dito ko na meet ang isang naging pasyente ko na noong mamatay tumulo ang aking luha 3yrs ko syang nakasama araw at gabi sa loob ng 5 araw sa isang linggo. Napamahal sya sa akin.Parang ko syang ina napalapit ako sa puso niya . itinuring niya akong isang anak. Sabik sya sa pag mamahal ng dalawa niyang mga anak. Lumilipas ang maraming mga araw at linggo na di man lang siya sinisilip.sinasabi niyang madalas buti pa ako hindi ko sya iniiwan.hindi ako nag sasawang alagaan siya asikasuhin. Kahit sabik siya sa pag mamahal ng mga anak namatay siyang masaya. Namatay siyang may ngiti sa mga labi kasi naramdaman niya na di siya nag iisa. Lagi niyang binabangit iiwan niya sa akin ang isang bahagi ng kanyang kayamanan. Namatay siya na di niya nabago ang kanyang last will kasi nga tinututulan ko ayaw ko na isipin ng kanyang mga anak na sinamantala ko ang pag kagiliw ng kanilang ina sa akin.

                  Pag kamatay ng alaga ko bumalik uli ako sa agency para magbigay sa akin ng bagong pasyente. Balik nanaman ako sa halos linggo linggo iba’t iba ang hawak kong pasyente. Mahirap mag adjust pero pinipilit kong maging madali . hanggang isang umaga nakatanggap ako ng tawag sa dati kong pasyente. Na gumaling na ang kanyang operasyon kaya nawala na ako sa kanya. Pero noong nangangailangan ulit siya ng caregiver ako ulit ang kanyang tinawagan . dahil nga maganda ang aming samahan noon sa loob ng ilang buwan di niya nakalimutan ang ginawa kong pag aalaga sa kanya.

                    Napirme na ako sa kanya  kahit minsan natatalo kami ng kanyang asawa. Nag stay ako sa kanya kasi super bait ng alaga ko. Dito na ako nag tagal sa kanya sa loob ng sampung taon. Hindi ko akalain 10 yrs napala ako sa kanya. Mga masasaya nangyari  sa buhay ko nasaksihan niya pati na ang pinakamalungkot sa buhay ko. Siya ang nakaalalay sa akin lalu na noong mamatay  ang aking ina na di ako makauwi . pati na rin ang pag panaw ng aking ama. Nakita niya kung paano ako nasaktan sa pangungulila sa aking mga magulang.

                    Siya na yong tumayong ama sa akin . sabi nga niya huwag daw akong mag alala nandito naman siya kung na miss ko daw yakap ng aking ama puede ko daw siyang yakapin at isipin kong si ama ang kayakap ko.kay dami masasayang  pangyayari sa buhay ko na siya ang kasama ko. Tuwing mag babakasyon na ako ang isinasama  niya. Isa o dalawang linggo na bakasyon sa tabing dagat.  Tuwing umaga na nag lalakad sa buhangin sa tabing dagat. Manood ng pag sikat ng bukang liwayway at pag lubog ng araw sa tabing dagat. Na ramdam mo yong maliliit na alon na humahampas sa iyong mga paa. Kay sarap ng pakiramdam. Habang nag lalakad sa buhanginan ay parang tinatangay ng alon ang lahat ng mga pasan mo sa iyong balikat. Pag naaamoy mo ang sariwang hangin lumuluwag ang iyong dibdib. Parang nag lalaho lahat ng agam agam.

                      Minsan dumating ako mayroong mag asawa bisita ang alaga ko. Todo ang ngiti sabay biro. Sabi sinong magandang binibini dumating . sabi siya ang aking tagapag alaga. Wow! Binabayaran mo siya ng malaki para matulog kasama sa kuarto ng asawa mo. Parang gusto ko na ring mag kasakit pag ganyang kaganda naman ang mag aalaga sa akin. Pag karinig ko sa binitiwan biro namula ang buo kong mukha. Pero di ako nag padala sa biro sabi ko kung kasing bait naman niya ang makakasama ko sa kuwarto wala akong pangamba. At saka nandito ako para maging kanyang caregiver hindi matulog sa tabi niya. Sabay bawi ng kaibigan niya at humingi ng despensa. Nag bibiro lang daw siya at ganoon lang daw sila mag biruan mag kaibigan. Saka sinabayan ng isang matamis na ngiti. Alam ko naman nag bibiro lang kayo kaya sumagot ako. Napuno ng tawanan ang buong kuwarto. Akala daw nila napikon ako.

                     Ang alaga ko mahilig sya sa tubig mag langoy sa swimming pool . minsan sa aming pag babakasyon may swimming pool sa ibaba ng hotel. Tapos may access siya para sa mga naka wheelchair. Sabi ko love mo ang tubig bakit di mo I try lumangoy at baka sa tubig ay muli syang makapaglakad muli. Huwag mag alala di kita pababayaan lagi akong nakaalalay sa iyo. Nakumbinsi ko siyang lumusong mag langoy nag enjoy siya ng husto . tama ako nakakalakad siya sa tubig.noong mapagod na siya sabi niya upo na lang siya sa isang tabi at ng magkaroon ako ng pag kakataong na mag langoy. Isang ngiti ang binigay ko sa kanya na di ako marunong mag langoy. Nakita ko ang kanyang mukha namutla. Na parang nabusan  ng suka. Saka siya natakot. Kung nag kataon daw pala di ko siya kayang sagipin pag nalunod siya.

                    Napuno  ng  aming halakhakan ang buong pool. Ang lakas daw ng loob kong sabihing don’t worry ako ang bahala syo yon pala di ako marunong lumangoy buti pa daw siya nakakalangoy pa kahit papaano. Baka daw na mauna pa akong malunod sa kanya. After niyang mamutla nag rosy chick siya sa pag hagikgik . sabi ng kanyang asawa kay tagal ko nang di nakikita ang kanyang pag tawa ng ganoon buhat noon siya nag kasakit at dina muli nakalakad. Ako lang daw nakapag patawa sa kanya muli ng ganoon. Maraming beses ko na siyang napapatawa sa mga kapalpakan ko o ka cornihan ko.

Matuling lumipas ang mga araw at taon buhat noong una ko siyang ma meet 2001 at ngayon ay 2014 na  ganoon napala katagal kaming mag kakilala. Hindi ko akalain last week yon na ang huli naming pag kikita. Kaya pala panay ba byee niya at niyakap niya ako at sabay sabi na  I love you….. yon napala ang aking huling duty sa pag aalaga sa kanya. Kaya pala panay ang pag papasalamat niya sa akin sa matiyaga kong pag aalaga sa kanya . panay sabi mag iingat ako . kaya pala ang higpit ng yakap niya noong nag papaalam ako . halos ayaw niyang bitawan ang aking kamay. Hanggang sabihin ko na nasasaktan na ako sa higpit ng pag kakahawak niya sa akin. Iyon napala ang pag papaalam niya. Na hindi na muli kami mag kikita.

                   Last night noong tumawag yong asawa niya hindi ko mapigilan ang pag tulo ng luha ko. Kusa siyang umagos sa aking pisngi. Parang  may mabigat sa aking dibdib. Ngayon ko nalaman naging malalim napala ang naitanim niyang pag mamamhal sa puso ko.  Dapat ba akong mag pasalamat kasi tapos na ang kanyang pag hihirap sa mahabang panahon. Kita ko kung paano siya pinahirapan ng kanyang sakit. Kasama niya ako sa mahabang panahon sa kanyang mga pag daing kung paano siya sinusumpong ng kanyang sakit. Ngayon natapos na ang kanyang pag hihirap. Kasama na niya ang kanyang mga magulang sa kabilang buhay. Sana ngayon masaya na siya at wala na siyang pag hihirap na mararanasan.  MALIGAYANG PAG LALAKBAY SA KABILANG BUHAY!!  SA WAKAS NAG TAPOS NA ANG MGA PAGHIHIRAP MO……. THE END……

Tuesday, June 17, 2014

NASAAN NA ANG INIT NG MAGDAMAG


NASAAN  NA ANG INIT NG MAGDAMAG

NI Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Init ng iyong mga yakap aking hinahanap hanap

Mahabang panahon iyong pinatikim, pinalasap

Matatamis na suyuan ay muling  pinapangarap

Sa gabing malamig dasal na huwag maging mailap

 

Kailan muling maangkin iyong  angking kagandahan

Mag salo sa tuwa’t saya sa kabilugan ng buwan

Muli kay sarap mangarap kahit na panandalian

Sa magandang panaginip ito’y  syang  nararamdaman

 

Pinukaw ang pusong uhaw  sana’y muling kang maangkin

Nang  magising  sa paghimbing ito’y hirap intindihin

Paano tanggapin  wala  ang sinisintang bituin

Nag laho ang suyuan hulina noong mapansin

 

Maiinit na mga labi dumadampi sa katawan

Pumatid sa pusong uhaw na siyang nararamdaman

Ipinikit ang mga mata  nadamang  katotohanan

Isang kahapon lumipas siyang binalik balikan

 

Nasan  pagsuyong pangako muling ipadama, mahal

Kumupas iyong  pag ibig  nag laho ang  pagmamahal

Sino ang dapat sisihin  sa  suyuan di nagtagal

Pag ibig ibalik laging dasal  sa Poong Maykapal

6/17/14  10:30pm  rhea hernandez