Monday, May 12, 2014

MGA ALALA MO INA!


Mga alala  mo ina!!

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poem

 

Sa iyong paglisan, mundo ko’y pumanglaw

Mata’y lumuluha sa iyong pag panaw

Paningin lagi sa kawalan nakatanaw

Landas na tinatahak sino na ilaw

 

Parang kailan , ikaw aking kapiling

Sa iyong kandungan ako’y naglalambing

Lungkot at sakit syo ko idinadaing

Muling kang makasama ang aking hiling

 

Sa aking kalungkutan ikaw takbuhan

Bawat sandali ikaw akin sandalan

Anumang pagsubok aking nakayanan

Dahil di mo ako pinababayaan

 

Sa araw na ito aking pagpupugay

Sa magandang buhay na iyong binigay

Nagtiyaga , nag aruga sumubaybay

Kaya narating  tugatog ng tagumpay

 

Ina ,salamat sa iyong  pag mamahal

Pasasalamat syo aking inuusal

Kayamanang handog nang Poong Maykapal

Pinahiram ka  kahit hindi nag tagal

****5/12/14****