Mga alala mo ina!!
Ni Rhea
Hernandez
Pinoy poem
Sa iyong paglisan, mundo ko’y pumanglaw
Mata’y lumuluha sa iyong pag panaw
Paningin lagi sa kawalan nakatanaw
Landas na tinatahak sino na ilaw
Parang kailan , ikaw aking kapiling
Sa iyong kandungan ako’y naglalambing
Lungkot at sakit syo ko idinadaing
Muling kang makasama ang aking hiling
Sa aking kalungkutan ikaw takbuhan
Bawat sandali ikaw akin sandalan
Anumang pagsubok aking nakayanan
Dahil di mo ako pinababayaan
Sa araw na ito aking pagpupugay
Sa magandang buhay na iyong binigay
Nagtiyaga , nag aruga sumubaybay
Kaya narating tugatog ng tagumpay
Ina ,salamat sa iyong pag mamahal
Pasasalamat syo aking inuusal
Kayamanang handog nang Poong Maykapal
Pinahiram ka kahit hindi nag tagal
****5/12/14****
No comments:
Post a Comment