NASAAN NA ANG INIT NG
MAGDAMAG
NI Rhea Hernandez
Pinoy poems
Init ng iyong mga yakap aking hinahanap hanap
Mahabang panahon iyong pinatikim, pinalasap
Matatamis na suyuan ay muling pinapangarap
Sa gabing malamig dasal na huwag maging mailap
Kailan muling maangkin iyong
angking kagandahan
Mag salo sa tuwa’t saya sa kabilugan ng buwan
Muli kay sarap mangarap kahit na panandalian
Sa magandang panaginip ito’y syang nararamdaman
Pinukaw ang pusong uhaw
sana’y muling kang maangkin
Nang magising sa paghimbing ito’y hirap intindihin
Paano tanggapin wala ang sinisintang bituin
Nag laho ang suyuan hulina noong mapansin
Maiinit na mga labi dumadampi sa katawan
Pumatid sa pusong uhaw na siyang nararamdaman
Ipinikit ang mga mata
nadamang katotohanan
Isang kahapon lumipas siyang binalik balikan
Nasan pagsuyong
pangako muling ipadama, mahal
Kumupas iyong pag
ibig nag laho ang pagmamahal
Sino ang dapat sisihin
sa suyuan di nagtagal
Pag ibig ibalik laging dasal sa Poong Maykapal
6/17/14 10:30pm rhea hernandez
No comments:
Post a Comment