NAG WAKAS NA ANG PAGHIHIRAP
NI Rhea Hernandez
Pinoy poem
Bagong
dating ako dito sa banyagang lupain ng America. Diko alam anong bukas ang nag
hihintay sa akin. Nakipag sapalaran na di tiyak kung ano ang magiging
kinabukasan. Sa mga kamay ng Poong Maykapal ibinibigay ang hinaharap na bukas. Mataimtim
na dalangin na huwag pababayaan ang sisimulang pag lalakbay . Ang bagong
pakikibaka sa agos ng buhay.
Unang
mga araw anong saya. Wala pang pinoproblema. Pasyal dito gala doon. Halos sa
loob ng isang buwan nalibot na yata lahat ng magagandang pasyalan . Napapahanga sa lahat mapuntahan. Kakaiba sa
kabukirang aking kinalakihan. Minsan nga naitatanong sa sarili ako ba’y
nanaginip lang ba? Sana’y huwag na akong magising. Kay sarap kain tulog pasyal
ang routine sa loob ng isang buwan.
Ganitong
buhay akala di pag sasawaan. Pero isang umaga nagising sa katotohanan. Kailangan
kumayod para sa kinabukasan ng pamilya. Kailangan mag hanap ng ikabubuhay. Dito
nakita dipala totoo yong sinasabi ng marami na halos napupulot lang ang dollars
. at hindi rin madaling humanap ng trabaho. Lalu na wala kang legal na papeles
na hawak. Pumasok dito bilang isang turista . Ang balak talaga ay mag hanap ng
trabaho. Mag TNT ( tago ng tago) at mag
hanap ng pag kakakitaan. Tapos na ang pag papanggap na bilang isang turista sa
banyagang bansa.
Hindi
pala madali mag hanap ng trabaho na under the table. Aplay dito aplay doon. Kay
dami ng inaplayan hindi pa rin sinusuerte. Marami din mga kapwa Pilipino na may
hawak na agency. Pero pag nalaman nila na wala kang papel ikaw kanilang
sinasamantala. Halos kalahati lang ng regular salary ang ibibigay sa iyo. Dahil
wala ka nga papel na pinaghahawakan susunggaban mo na ang opportunity binibigay
sa iyo. Kahit alam mo na wala pa sa kalahati ng regular wage.
Kinabagsakan
trabaho ay isang caregiver isang marangal na trabaho. Walang experience sa pag aalaga ng may sakit.
Pero noong interviewhin ako Ang tanong alam mo ito alam mo ganito mayroon kanabang
karanasan sa ganitong situation. Laging sagot ko oo alam ko kahit walang alam. Sa
loob loob ko bahala na si batman sa akin . hindi naman ako pababayaan ng Poong
Maykapal. Ang puhunan lakas ng loob tiwala sa sarili na kakayanin lahat . lahat
magagawa basta kumita lang ng pera.
Hindi
ko akalain madali kung matutunan ang lahat. Noong una mahirap nangangapa lagi kong kasama si common sense. At paganahin
ang sintido common. Naalala ko pa nga
unang pasyente ko. Bagong opera kalalabas lang ng hospital . sabi ng aking
agency babantayan ko lang sa gabi kasi
nag haha hallucinate siya dahil sa dami ng gamut na iniinom. Pero di sinabi na
kakabitan ko siya ng comdom catiter . paano nga ba mag kabit nito. Di naman
sanay gumamit ni walang training . wow! Nginig ang aking mga kamay sa pag
kakabit. Sasabayan pa ng tanong noong asawa mayroon kabang karanasan bilang isang caregiver? Bakit ang tagal
parang di mo alam ang iyong ginagawa mo. Ang lamig lamig ng gabi ako’y
gagamungo ang pawis sa noo. Ano ang aking gagawin nangangapa. Sa wakas naikabit ko rin .
Pag uwi sinabayan ko ng pag
salampak sa sofa at sinabayan ng isang malakas na panangis. Bakit ganito ang
hirap mag paalila sa ibang tao. Samantala sa Pilipinas ako yong boss ako yong nag uutos sa mga kasangbahay. Naalala
ko pag nag kakamali sila pumapalpak sa trabaho nakataas na ang tono ko . ngayon
sya kong nararanasan. Hindi lahat mababait sa kanilang caregiver mayroon sobra
akala mo kay baba mo compare sa kanila.mayroon naman na pag napalapit ka sa
kanila itinuturing kanang isa sa ka kapamilya
nila. Pag natapos mo na ang kontrata sa kanila iniiyakan ka ayaw na ikaw umalis
. pag gumaling na sila sa kanilang karamdaman.
Minsan
kasi 2 weeks lang kailangan nila . mag alalay habang di pa gumagaling ang
opera. Pag kaya na nilang mag isa dina nila kailangan ang caregiver. Kahit gusto
pa rin nila na mag stay ka sa kanila hindi puede kasi di sasagutin ng insurance
ang ibabayad sa iyo. Mayroon naman napapahaba nila ang pag stay mo sa kanila ng
2 months. Pasalamat kung gumagaling ang
hinahawakan mong pasyente. Di nag tagal napamahal na sa akin ang trabaho ko. Nag
karoon ako ng passion sa pag aalaga ng matatanda na may sakit. Dumating na sa punto
na masaya na ako sa aking ginagawa. Masarap na sa pakiramdam ang makatulong mag
lingkod sa may sakin at sa mga matatanda.
Dahil dumadami
na ang karanasan sa pag aalaga ng matatandang may sakit . tumataas na rin ang
natatanggap kong bayad. Dumating ang pangangailangan ng malaking kita kaya
lumipat sa ibang agency. Ang hawak nila ay mga hospice. Nag tagal ako dito
dahil sa pangangailangan . pero habang tumatagal ako sa naturang agency
nararamdaman kong nadedepres na ako. Kasi lahat ng mahawakan kong pasyente
namamatay sa loob ng isang linggo suerte na abutin ng isa o dalawang
buwan.hindi ko namamalayan napupuno na pala ng mga pighati at awa ang puso ko. Habang
nakikitang ko unti unting nahuhulog ang inaalagaan sa kamatayan. Makikita mo sa
mukha nila ang hirap na kanilang
nadarama. Parang unti unting napupuno ng kalungkutan ang buhay ko.
Nag
iba ulit ako ng agency . dito ko na meet ang isang naging pasyente ko na noong
mamatay tumulo ang aking luha 3yrs ko syang nakasama araw at gabi sa loob ng 5
araw sa isang linggo. Napamahal sya sa akin.Parang ko syang ina napalapit ako
sa puso niya . itinuring niya akong isang anak. Sabik sya sa pag mamahal ng
dalawa niyang mga anak. Lumilipas ang maraming mga araw at linggo na di man
lang siya sinisilip.sinasabi niyang madalas buti pa ako hindi ko sya
iniiwan.hindi ako nag sasawang alagaan siya asikasuhin. Kahit sabik siya sa pag
mamahal ng mga anak namatay siyang masaya. Namatay siyang may ngiti sa mga labi
kasi naramdaman niya na di siya nag iisa. Lagi niyang binabangit iiwan niya sa
akin ang isang bahagi ng kanyang kayamanan. Namatay siya na di niya nabago ang
kanyang last will kasi nga tinututulan ko ayaw ko na isipin ng kanyang mga anak
na sinamantala ko ang pag kagiliw ng kanilang ina sa akin.
Pag kamatay
ng alaga ko bumalik uli ako sa agency para magbigay sa akin ng bagong pasyente.
Balik nanaman ako sa halos linggo linggo iba’t iba ang hawak kong pasyente. Mahirap
mag adjust pero pinipilit kong maging madali . hanggang isang umaga nakatanggap
ako ng tawag sa dati kong pasyente. Na gumaling na ang kanyang operasyon kaya
nawala na ako sa kanya. Pero noong nangangailangan ulit siya ng caregiver ako
ulit ang kanyang tinawagan . dahil nga maganda ang aming samahan noon sa loob
ng ilang buwan di niya nakalimutan ang ginawa kong pag aalaga sa kanya.
Napirme
na ako sa kanya kahit minsan natatalo
kami ng kanyang asawa. Nag stay ako sa kanya kasi super bait ng alaga ko. Dito na
ako nag tagal sa kanya sa loob ng sampung taon. Hindi ko akalain 10 yrs napala ako
sa kanya. Mga masasaya nangyari sa buhay
ko nasaksihan niya pati na ang pinakamalungkot sa buhay ko. Siya ang nakaalalay
sa akin lalu na noong mamatay ang aking
ina na di ako makauwi . pati na rin ang pag panaw ng aking ama. Nakita niya
kung paano ako nasaktan sa pangungulila sa aking mga magulang.
Siya
na yong tumayong ama sa akin . sabi nga niya huwag daw akong mag alala nandito
naman siya kung na miss ko daw yakap ng aking ama puede ko daw siyang yakapin
at isipin kong si ama ang kayakap ko.kay dami masasayang pangyayari sa buhay ko na siya ang kasama ko.
Tuwing mag babakasyon na ako ang isinasama
niya. Isa o dalawang linggo na bakasyon sa tabing dagat. Tuwing umaga na nag lalakad sa buhangin sa
tabing dagat. Manood ng pag sikat ng bukang liwayway at pag lubog ng araw sa
tabing dagat. Na ramdam mo yong maliliit na alon na humahampas sa iyong mga
paa. Kay sarap ng pakiramdam. Habang nag lalakad sa buhanginan ay parang
tinatangay ng alon ang lahat ng mga pasan mo sa iyong balikat. Pag naaamoy mo
ang sariwang hangin lumuluwag ang iyong dibdib. Parang nag lalaho lahat ng agam
agam.
Minsan
dumating ako mayroong mag asawa bisita ang alaga ko. Todo ang ngiti sabay biro.
Sabi sinong magandang binibini dumating . sabi siya ang aking tagapag alaga. Wow!
Binabayaran mo siya ng malaki para matulog kasama sa kuarto ng asawa mo. Parang
gusto ko na ring mag kasakit pag ganyang kaganda naman ang mag aalaga sa akin. Pag
karinig ko sa binitiwan biro namula ang buo kong mukha. Pero di ako nag padala
sa biro sabi ko kung kasing bait naman niya ang makakasama ko sa kuwarto wala
akong pangamba. At saka nandito ako para maging kanyang caregiver hindi matulog
sa tabi niya. Sabay bawi ng kaibigan niya at humingi ng despensa. Nag bibiro
lang daw siya at ganoon lang daw sila mag biruan mag kaibigan. Saka sinabayan
ng isang matamis na ngiti. Alam ko naman nag bibiro lang kayo kaya sumagot ako.
Napuno ng tawanan ang buong kuwarto. Akala daw nila napikon ako.
Ang alaga ko mahilig sya sa
tubig mag langoy sa swimming pool . minsan sa aming pag babakasyon may swimming
pool sa ibaba ng hotel. Tapos may access siya para sa mga naka wheelchair. Sabi
ko love mo ang tubig bakit di mo I try lumangoy at baka sa tubig ay muli syang
makapaglakad muli. Huwag mag alala di kita pababayaan lagi akong nakaalalay sa
iyo. Nakumbinsi ko siyang lumusong mag langoy nag enjoy siya ng husto . tama
ako nakakalakad siya sa tubig.noong mapagod na siya sabi niya upo na lang siya
sa isang tabi at ng magkaroon ako ng pag kakataong na mag langoy. Isang ngiti
ang binigay ko sa kanya na di ako marunong mag langoy. Nakita ko ang kanyang
mukha namutla. Na parang nabusan ng
suka. Saka siya natakot. Kung nag kataon daw pala di ko siya kayang sagipin pag
nalunod siya.
Napuno
ng
aming halakhakan ang buong pool. Ang lakas daw ng loob kong sabihing don’t
worry ako ang bahala syo yon pala di ako marunong lumangoy buti pa daw siya
nakakalangoy pa kahit papaano. Baka daw na mauna pa akong malunod sa kanya. After
niyang mamutla nag rosy chick siya sa pag hagikgik . sabi ng kanyang asawa kay
tagal ko nang di nakikita ang kanyang pag tawa ng ganoon buhat noon siya nag
kasakit at dina muli nakalakad. Ako lang daw nakapag patawa sa kanya muli ng
ganoon. Maraming beses ko na siyang napapatawa sa mga kapalpakan ko o ka
cornihan ko.
Matuling lumipas ang mga araw at taon buhat noong una ko
siyang ma meet 2001 at ngayon ay 2014 na
ganoon napala katagal kaming mag kakilala. Hindi ko akalain last week
yon na ang huli naming pag kikita. Kaya pala panay ba byee niya at niyakap niya
ako at sabay sabi na I love you….. yon napala
ang aking huling duty sa pag aalaga sa kanya. Kaya pala panay ang pag
papasalamat niya sa akin sa matiyaga kong pag aalaga sa kanya . panay sabi mag
iingat ako . kaya pala ang higpit ng yakap niya noong nag papaalam ako . halos
ayaw niyang bitawan ang aking kamay. Hanggang sabihin ko na nasasaktan na ako
sa higpit ng pag kakahawak niya sa akin. Iyon napala ang pag papaalam niya. Na hindi
na muli kami mag kikita.
Last
night noong tumawag yong asawa niya hindi ko mapigilan ang pag tulo ng luha ko.
Kusa siyang umagos sa aking pisngi. Parang may mabigat sa aking dibdib. Ngayon ko nalaman
naging malalim napala ang naitanim niyang pag mamamhal sa puso ko. Dapat ba akong mag pasalamat kasi tapos na ang
kanyang pag hihirap sa mahabang panahon. Kita ko kung paano siya pinahirapan ng
kanyang sakit. Kasama niya ako sa mahabang panahon sa kanyang mga pag daing
kung paano siya sinusumpong ng kanyang sakit. Ngayon natapos na ang kanyang pag
hihirap. Kasama na niya ang kanyang mga magulang sa kabilang buhay. Sana ngayon
masaya na siya at wala na siyang pag hihirap na mararanasan. MALIGAYANG PAG LALAKBAY SA KABILANG BUHAY!! SA WAKAS NAG TAPOS NA ANG MGA PAGHIHIRAP MO…….
THE END……
No comments:
Post a Comment