HUWAG MO AKONG MAHALIN
chapter 10
Ni Rhea Hernandez
Pinoy Poems
Kay tagal niyang pinag isipang pag higantihan si Ricky
Ramirez sa pag aakalang inabandona sila ng kanyang Ina. Iyon pala walang ginawa
ito kundi sa ikakabuti nilang mag ina. Walang ginawa kundi mahalin ang kanyang
ina. Sayang na pag mamahal dumating sa maling oras at panahon. Sanay naging
maligaya sana silang pareho kung nag kakilala sila sa tamang oras.
Kung noong magkatagpo ang kanilang mga ladas sana’y malaya pa si Ricky
Ramirez di sin sana hindi nila naranasan ang mga pasakit na dinanas nila ng
mahabang panahon. Dalisay na pag ibig kayang mag paraya at mag tiis huwag lang
makasira ng kinabukasan ng iba.
Paano nga ba kayo naging mag kaibigan ni Mr Ramirez ngayon
na dati ninyo siyang boss. Ngayon hindi lang si Kelvin ang nakikinig sa pag
kukuwento ni Andrea pati na si Mando naging interesado sila na kung paano naging malapit sa isa’t isa ang
kanilang boss sa mama nila. Paano ang isang Andrea ay mahalin at ibigin ng isang Ricky Ramirez ng
mga panahong iyon. Sabi nga noon para
silang langit at lupa.
Nag umpisa ang pagiging mag kaibigan nila noong araw nang
kanyang interview sa inaaplayan niyang
trabaho bilang isang salelady ng isang kilalang department store. Tanghali na noong magising kaya naman nag
mamadali siya sa pag bibihis. Halos lakad takbo ang ginagawa niya para lang
umabot sa tamang oras ng kanyang interview . ayaw niyang ma late kahit isang
minuto. Iniisip niya na baka ito ang maging daan para di siya matanggap sa
trabaho. Kailanga pa naman niyang mag padala ng pera sa kanyang mga magulang ng
mga panahon iyon.
Pag pasok niya sa building sa kakamadali niya mayroon
siyang nakabun guan. Sumabog lahat ang
hawak niyang mga papel. Kaya naman inis na inis si Andrea sa nakabungo sa kanya.
Anak naman ng tokwa kung kailan ka nagmamadali
saka naman ikaw mamalasin. Ang
bulong nito habang pinupulot ang mga nahulog niyang gamit. Ganoon din ang lalaking nakabungo sa kanya nakitulong na rin sa pag pulot at panay sorry
nito . Hindi naman niya pinapansin kasi iba ang nasa isipan niya.
Hindi niya halos nakita ang mukha ng lalaki. Hindi niya
napansin na halos di nito inaalis ang mga paningin sa kanya. Nabihag ni Andrea
ang puso ng lalaking nakabangaan niya. Noong matapos niyang mapulot lahat ang
gamit niya sabay takbo papunta sa elevator. Anak naman ng tokwa ohh! Kung kailan
ka nag mamadali saka ang tagal ng elevator bumaba. Kung puede nga lang mag
hagdanan ginawa na niya . kaya lang baka lawit na dila niya di pa siya
nakakarating sa pupuntahan niya. Sa
wakas bumukas na rin ang elevator. Pag pasok niya kasunod niya ang lalaking
nakabangga sa kanya. Saka pa lang niya napag masdan ito. Wow! Kay pogi naman
pala niya makalalaglag panty ika nga.
Ito ang unang bumasag ng kanilang katahimikan. Tinanong siya
bakit sya nag mamadali? Kasi late na ako sa aking interview kasi ba naman na late ako ng gising.
Nakasimangot pa rin siya ng mga
sandaling yaon. Kailangan ko pa naman ang trabahong ito. Huwag kang mag alala
hindi ka pa naman huli hindi pa nag uumpisa wala pa doon ang mag i interview sa inyo. Bakit mo naman alam ?
basta alam ko ! Isang matamis na ngiti
ang sumilay sa mga labi nito. Sa loob loob ni Andrea parang nakakaloko ito ahh.
Ano nga pala pangalan mo? ako nga pala si Ricky, ikaw ano name mo? Andrea sabay
abot ng kamay tanda ng pag kikilala
nila. Ewan ba niya para siyang nakuryente noong mag lapat ang kanilang mga
palad. Kahit hindi nila alam sa isa’t isa sa unang pag kikita at pag lalapat ng
kanilang mga palad umusbong ang isang dakilang
pag ibig. Pag mamahal na mapag paraya
sanay umintindi kung ano ang
tama at mali. Sabay bukas ng elevator.
Mabilis na iniwan ni Andrea si Ricky .
Noong pumasok siya sa room ng mga aplikante siya ang nasa
hulihan. Sana naman pag dating sa kanya mayroon pang bakante para sa kanya.
Bakit naman kasi tanghali na siyang nagising kaya eto siya nasa hulihang pila.
Inip na inip na siya na dumating ang oras ng kanyang interview. Sa kabilang dako Bagot na bagot na
rin ang taga interview ali na lang matapos na ito. Halos dina niya iniinterview
ang mga aplikante lagi niyang sinasabi tatawagan na lang ang mga ito. Sa inip
niya sumilip sya sa pintuan kung ilan pa ang nasa labas. Sa totoo lang hindi
naman yon ang reason bakit siya sumilip . gusto niyang makita kung malapit ng
pumasok si Andrea. Muling masilayan ang maamo nitong mukha. Kung puede nga lang
inuna na niya ito kanina pa. kaya lang alam niya makakahalata ang mga aplikante
kung gagawin niya ito. At saka ayaw niyang ipakita sa mga empleyado niya na may
palakasan system. Ayaw niyang malaman ni Andrea kaya siya matatanggap dahil sa
kanya. Sa wakas masasalang na siya. Laking gulat niya ang napasukan niyang
mag i interview sa kanya ay si Ricky.
Hindi nag pahalata si Ricky na nasasabik siyang makita ulit
ang dalaga. Dahil last na ito puede na tagalan ang pag iinterview. Kung yong
iba di pa umiinit ang puwet sa opuan tinatapos na niya ang interview. Pero kay
Andrea halos wala na siyang maitanong ayaw pa niyang tapusin . Sa loob loob ni
Andrea dumadaan siya sa butas ng karayom para makuha ang posisyon inaaplayan
niya. Sa dami ng tinatanong malamang baksak siya. Mukhang pag labas niya sa
kuwartong ito mag uumpisa na uli siyang mag hanap na ma aaplayang trabaho. Para
bang kay taas ng posisyon inaaplayan niya para lang naman saleslady kung mag tanong ito akala mo NBI at Nasa interrogation room siya. Pero mali lahat
ang iniisip ni Andrea. Kasi ba naman mag uumpisa na siya ng trabaho
kinabukasan. At nag paalala pa ito na matulog siya ng maaga ng di ma late sa
pag gising. Isang matamis na ngiti ang
isinukli ni Andrea sa huling sinabi ni Ricky. Iyon na ang umpisa ng kanilang
pagiging mag kaibigan.
Kahit alam nila sa kanilang mga sarili na higit pa sa
pagiging kaibigan ang kanilang nararamdaman. Pinanatili nila na maging matalik
na mag kaibigan lang. dahil sa mga sandaling yaon hindi na malaya si Ricky
Ramirez. Mayroon na itong asawa at ang mga magulang nito ang may ari ng department
store pinapasukan niya. Alam ni Andrea
na busilak ang nararamdaman nito para sa kanya. Kuntento na nakikita siya nasa
mabuting kalagayan. Kahit hindi sinasabi ramdam niya ang pag aalala sa kanya. Nanatiling
malapit na mag kaibigan lang sila . Masasabi
nila sa isa’t isa ang mga problema . wala silang sikreto sa isa’t isa. Kaya naman
akala ng marami mayroon silang relasyong dalawa.
Hanggang isang araw
nga mayroon nangyari , na rape si Andrea
ng hindi niya nakikilalang lalaki. Doon niya
nakita kung paano nagalit si Ricky. pero wala siyang magawa kung paano
tutulungan ang nag iisang babae na nag patibok ng kanyang puso at nag iisang
kanyang minamahal ng lubos. Ang akala niya kung kakalimuan niya ang nangyari
makakapag move on na siya. Lalaya siya sa masakit na karanasan. Pero di nag tagal nalaman ni Andrea na nag dadalang
tao siya. At iyon nga ikaw Kelvin ang bunga ng
kahayupan ng lalaking iyon. Inalok
ni Ricky na aakuin niya ang dinadalang sangol pero hindi pumayag si Andrea. Ayaw
niyang masira ang tahimik nitong pamilya dahil
lang sa pag tulong sa kanya.
Noong isilang ang dinadala ni Andrea nabalitaan niyang mag
kakaroon na rin ng anak si Ricky. kaya naman pinili na ni Andrea na mag
pakalayo layo kay Ricky. natatakot siya na dumating ang araw na dina niya
kayang pigilang kung ano ang isinisigaw ng kanyang puso. Makalimot siya kung
ano ang tama. Alam niya na mayroon katugon ang kanyang pag ibig. Pero kailangan
niyang supilin ito. kasi nga dina malaya ang lalaking pinag uukulan niya ng
wagas na pag ibig. Doon nawala ang
communication nila sa isa’t isa.
Hindi niya akalain ang dalawa niyang anak ang magiging daan
upang mahalungkat muli ang kanilang kahapon. Ang tunay niyang anak na si Kelvin
na kay tagal nawalay sa kanya. At si Mando na itinuring na rin niyang isang
tunay na anak buhat noong ampunin niya. Ipinagtapat na rin ni Kelvin na kaya
siya nasa kompanya ni Ricky Ramirez ay upang pag higantihan ito sa ginawang pag
iwan sa kanila ng kanyang mama. Ngayon maliwanag na kanya na wala naman pala
itong kasalanan sa kanila ng mama niya. At
higit sa lahat puedeng puede na niyang ituloy ang binabalak niyang panliligaw
kay Alice. Maling mali siya noong sabihan niya si Alice na” HUWAG MO AKONG MAHALIN” ngayon ramdam niya kung
gaano niya nasaktan ang damdamin ng dalaga. Kaya naman hindi niya ito masisi
kung bakit ito lumayo sa kanya. Ano ang magiging katapusan ng pag ibig ni
Kelvin para kay Alice***** ABANGAN*****