Wednesday, October 8, 2014

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 9


HUWAG MO AKONG MAHALIN  chapter 9

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


Ang buong akala ni Kelvin ok na sila ni Alice noong mag kita sila sa mall. Pero bakit biglaan itong umalis ng wala man lang siyang narinig kahit anong dahilan. Tinatanong niya ang sarili kung siya ba ang dahilan ng biglaaang pag alis nito? Dismayado si Kelvin sa mga pangyayari. Sinisisi niya ang sarili kung bakit wala ngayon si Alice. Pero wala na siyang magawa kahit sisihin pa niya ang sarili niya.

Tinawagan niya si Mando at sinabi niyang papunta na siya sa parking lot at doon na sila mag kita para sabay na silang umuwi sa bahay nito. Gusto na niyang makasama ang kanyang ina para gumaang  gaang  naman ang nararamdaman niyang bigat sa kanyang dibdib. Kahit hindi alam nito na siya ang nawawalang anak pag nakakasama niya ang kanyang ina pakiramdam niya kahit anong  problema ay gumagaang  kaya niyang harapin kahit anong bigat pa ito.

Noong dumating si Mando sa parking lot  agad niyang napansin  mayroon kakaiba  kay Kelvin.  Bakit ano ang problema nababasa ko sa iyong mukha na mabigat ang iyong dinadala dyan sa dibdib mo.  Napangiti ng walang buhay si Kelvin sa tinuran ni Mando. Kahit kay tagal nilang nag kalayo hanggang ngayon kabisado pa rin nito  kung mayroon siyang dinaramdam  . hindi ka pa rin nag babago kuya Mando hanggang ngayon alam na alam mo kung mayroon akong pino problema. Anu nga ba yang nag papagulo ng takbo ng  isip mo? Ang seryosong tanong nito kay Kelvin.

Si Alice tuluyan ng lumayo. Lumipad na siya pa America kaninang umaga. Ahh ! yong bulaklak kaninang umaga ibibigay mo sana iyon kay Alice.  Kaya pala  kanina para kang may sakit . hindi ko naisip yon  nag alala ako kanina kung bakit matamlay ka. Yon pala broken hearted ka. Nakukuha mo pa akong tuksuhin eto na nga di pa man nag uumpisang mang ligaw iniwasan na at nag pakalayo layo . mahal ka noon ! makikita mo hindi mag tatagal babalik din yon. Kasi ma mimis ka niya ng husto. Iba yata ang karisma mo pag dating sa babae. Makikita mo ilang araw lang nandiyan na iyon at nililigawan ka na ulit. Ikaw kasi masyado kang pakipot. Babae na nag paparamdam sa iyo na mahal ka,  di mo pinapansin. Pag katapos ngayon iniwan ka eto ka para kang manok nakatuka ng uod.

Kaya pag bumalik si Alice huwag kanang pakipot. Napangiti  si Kelvin sa mga tinuran ni Mando. Ikaw talaga hindi naman ako nililigawan ni Alice ahh. Asus ikaw lang yata ang manhid hindi mo nakikita at nararamdaman. Buong opisina kaya alam na alam na mayroon gusto sa iyo ang anak ng boss natin. Nag pa hard to get ka pa yon pala masama din yang tama mo sa kanya. Ayan ang napala mo sa pag papakipot mo iniwan ka tapos ngayon hahabol habol ka. Kung alam mo lang ang dahilan kung bakit pilit ko siyang iniiwasan noon hindi mo ako sasabihan ng ganito. Sinasabi ko lang ito sa iyo para magising ka sa katotohanan Kelvin.

Dumerecho na sila sa bahay nila Mando. Tulad ng dati pag dating nila nakahanda na ang dinner. Biglang nag bago ang aura ni Kelvin. Hindi niya alam kahit di niya sinasadya kusang nag bago ang expression ng kanyang mukha.

Tuwing nag kikita sila ng kanyang Ina hindi niya namamalayan malaki ang nag babago sa  kanya . Kailan kaya niya ito puedeng tawagin Ina na wala na siguro  siyang mahihiling at iisipin pang iba. Habang tumatagal lalu niya na mimis na mayakap ang kanyang ina awitan siya ng oyayi  habang nakaunan siya sa kandungan nito.  Siguro walang kahulilip na katiwasayan ng damdamin ang kanyang madarama sa mga sandaling iyon.

Habang kumakain silang tatlo halata ni Andrea ang pagiging matamlay ni Kelvin. Kahit pinipilit ni Kelvin na maging masaya sa harap ng kanyang ina mababakas parin ang kanyang dinaramdam sa pag alis ni  Alice ng wala paalam.  Natapos ang dinner nila na punong puno ng kuwentuhan at biruan. Hindi namamalayan ni Kelvin natatabunan na ng saya ang lungkot na kanyang nararamdaman. Alam niya, dahil ito sa kanyang ina.

Pag kakain iniwan ni Andrea ang dalawang binata para makapag usap ito na di naiilang sa kanya. Kaya naman lumabas ito sa garden at pinagmamasdan ang liwanag ng buwan at mga nag kikislapang mga bituin.  Naging  ugali na kasi ni Andrea ang pag masdan ang buwan tuwing kabilugan ito.  Pakiwari kasi niya nakapaloob dito ang imahen nang isang mag ina habang nasa kandungan niya ang bugtong nitong anak at ipinaghehele sa kanyang malamyos na awitin.  At muling bumabalik sa kanyang alala ang nawalay  niyang anak.  Siguro kung nabubuhay pa ito ganap ng binata o kaya may asawa na rin ito at mayroon na siyang apo dito. Sayang nga lang at maaga  kinuha  ang hiram na buhay  ng kanyang nag iisang anak. Kung alam lang niya  nakakasama  pa niya ang anak niya na ang buo niyang akala patay na.

Sa lalim ng kanyang iniisip hindi niya namalayan na nakalapit  na pala si Kelvin sa kanya. Pinag mamasdan siya inaarok kung ano ang kanyang iniisip. Muntik na siyang mapalundag  sa gulat noong maramdaman niya ang presensya ni Kelvin sa tabi niya.  Mukha po yata naabala ko ang inyong pag mumuni muni. Parang ang lalim ng iniisip ninyo.

 Hindi naman naalala ko lang ang namayapa kong anak. Ganoon po ba . puede po ba akong mag tanong kahit isa lang  hypothetical  question.  kung sakaling  malaman ninyo na buhay pa ang inyong anak  ? ano ang inyong gagawin at iisipin? Ano ang inyong mararamdaman?  Kunwari ako yong anak ninyong nawawala at ang buo ninyong   akala  ay matagal ng patay? Ano ang gagawin ninyo?  Huwag kang mag biro ng ganyan. Siguro ako na iyong pinakamaligayang ina sa buong mundo.  Kahit sinong ina maipag mamalaki ka .  gugustuhin mag karoon ng isang anak na tulad mo. Sana nga ikaw ang aking anak. Pakiramdam ko nga hindi ka iba sa akin. Pakiramdam ko nga parang sa akin ka nang galing ako ang iyong ina.

Hindi napapansin ni Andrea  ang mga mata ni Kelvin sa   pag uunahan sa pag agos ang  mga luha.  Biglang niyakap ni Kelvin ang kanyang ina at sabay sambit na mahal na mahal kita Inay. Nabigla man si Andrea  gumanti ito sa yakap  kay Kelvin. Ako po  ito ang inyong anak! Buhay na buhay pa po ako. Nakaligtas ako sa kamatayan noon dahil sa mga taong tumulong sa akin na siya kong kinilalang mga magulang ngayon. Binigyan nila ako ng magandang kinabukasan.  Wala silang inilihim sa akin tungkol sa  pag katao ko. Kung paano nila ako napulot na halos na wala ng buhay.

Hindi makapaniwala si Andrea na ang hinahanap niyang anak ay nasa tabi lang niya. Nniyakap niya ng ubod ng higpit  si Kelvin sabay sambit ng anak. Kailan mo pa nalaman na ako ang iyong ina? Buhat pa noong magkakilala kami ni Kuya  Mando. Akuman po noong una hindi makapaniwala na mag kakatagpo pang muli ang  aming mga landas pag kalipas ng maraming mga taon. At sa muli naming pag tatagpo kasabay na pag kakatuklas ko na kayo ang tunay kong ina. Base sa mga kuwento ni kuya Mando. Natakot lang kaming sabihin agad at baka kayo atakihin sa puso. Kaya naisip naming  ang ganito ang unti unting  mapalapit sa inyo.

Masayang masaya ang mag ina sa muli nilang pag sasama. Walang malaman gawin si Andrea sa kanyang anak. Yakapin pupugin ng halik himasin ang mukha nito. Hindi siya makapaniwala eto ang anak niya nayayakap nahahalikan nahahawakan niya ang mukha. Salamat po Diyos ko at ibinalik mo sa akin ang bugtong kong anak. Maraming salamat at hindi mo siya pinabayaan.  Binnigyan mo siya ng magandang buhay.

Totoo po ba na si Ricky Ramirez ang tunay kong ama. Isang mahinang iling ang tugon ng kanyang ina. Hindi ko nakilala ang tunay mong ama. Biktima ako ng isang masaklap na karanasan. Biktima ako ng isang  rape. Ang tanging nakaka-alam nito ay si Ricky Ramirez sa kanya ko lang nasabi ang sinapit ko sa kamay ng isang lalaki ni minsan di ko nakita kung sino siya .matalik kong kaibigan noon si Ricky. Hindi siya kumibo ng isipin ng marami na siya ang ama ng aking dinadala noon. Ayaw niyang madagdagan pa ang aking pag hihirap. Nangyari ang bangungot ng buhay ko noong minsan nag overtime ako nang bigla nalang may isang lalaki na  lasing sa pinagbabawal na gamut ang humablot sa akin sa isang madilim na lugar at doon nangyari ang bagay na labag sa aking kalooban , Kelvin hindi ko siya namukhaan dahil sa gamut na ipina amoy sa akin noon. Kaya nawalan ako ng malay. Nagising na lang na walang na akong saplot  at  nakuha na niya ang buo kong pag katao.

Ang akala ko noon ang manahimik ako walang makaka alam sa nangyari. Pero  nag bunga ang kahayupan iyon at ika nga ang naging bunga.dahil wala naman ibang lalaking malapit sa akin kung hindi si Ricky kaya ang inisip ng marami na siya ang ama ng dinadala ko. Para ilayo si Ricky sa kahihiyan  na pinag bibingtangan siya na wala naman siyang kasalanan. Ayaw naman niyang pasinungalingan ang lahat dahil naaawa siya sa kalagayan ko.  Kaya walang paalam nagpakalayo layo ako sa mga kakilala ko. Alam ko hinanap ako ni Ricky noon pero hindi niya ako nakita. Sabi nga mahirap makita ang taong ayaw mag pakita.

Hanggang isilang kita noon kahit hirap akong itaguyod kita hindi ako lumapit kay Ricky. Ayaw kong guluhin muli ang tahimik na niyang buhay. Alam ko kasing may lihim na pag mamahal sa akin ito.  Ang  pag kakaalam ko hindi mahal ni Ricky ang kanyang asawa. Pinakasalan niya ito para umangat sa buhay.mataas ang pangarap ni Ricky . kaya kahit mahal ko siya lumayo ako. Ayaw kong maging daan ng pag kasira ng isang pamilya.

Hanggang dumating sa atin ang isang akasidente na siyang nag pahiwalay sa atin ng napaka habang panahon.  Noong mawala ka dumating ako sa  punto na ayaw kong nang mabuhay. Anu pa ang saysay ng buhay ko kung wala ka naman Kelvin ang nag iisa kong anghel . halos masiraan ako ng bait noon. Hindi ako tumigil sa pag hahanap sa iyo hanggang matagpuan ko si Mando. Inampon ko siya dahil sa kanya ko nakita ang iyong katauhan. Dahil nagkaroon kayo ng malalim na ugnayan. Iisa ang inyong dinanas na kalupitan ng lipunan. 

Ano na ang mangyayari sa mga plano ni Kelvin sa paghihiganti kay Ricky Ramirez*****ABANGAN*****

No comments:

Post a Comment