Tuesday, September 16, 2014

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 8


HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 8

 Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Masayang masaya si Kelvin  noong umagang magising mababakas mo kasi  napapangiti ito mag isa. Bago pumasok sa opisina dumaan muna sa isang flower shop. Balak niyang bigyan ng mga bulaklak si Alice. Pag dating sa parking lot  ay   muling  sinulyapan ang  binili niyang bulaklak. Sana magustuhan  ito ni Alice. Ang mga biniling  bulaklak na kay titingkad na kulay pula tulad ng pag ibig niya kasing tingkad ng mga rosas.Tulad ng puso niya na punong puno ng pag mamahal . bawat bulaklak ay para bang nakangiti tulad ng kanyang  puso punong  puno  ng pag asa. Pag dating niya sa parking lot nag dadalawang isip siya kung aakyat na siya o iintayin na lang si Alice doon. Kaya naman nag desisyon siya na intayin na lang nito anumang sandali  darating na ang dalaga. Lagi namang nasa oras ito kung pumasok. Madalas nag kakasabay pa nga sila sa pag baba sa kanilang kotse. Laging mayroong ngiting nakalaan sa kanya ang dalaga.

Pero naiinip na siya wala pang  Alice na dumarating . nagtataka siya bakit wala pa ito. Maaga kayang pumasok  kaya hindi niya nakita  dumating. Kaya naman kinuha niya ang mga bulaklak at tinungo niya ang elevator.  Pag dating niya sa itaas dumeretcho na siya sa opisina ni Alice. Nais na niyang iabot ang mga bulaklak at humingi ng sorry sa mga masasakit na salitang kanyang binitawan noon. Gusto niyang makita ang magiging reaction nito sa gagawin niya. Siguradong matutuwa ito sa kanyang peace offering .

Pero si Kelvin pala ang masosopresa. Wala pa rin si Alice hindi pa rin ito pumasok. Laglag ang balikat na tumuloy  sa kanyang office. Kaya naman inuutos na lang niya sa isang empleyada na ilagay sa isang flower vase ang mga bulaklak. Napansin ni Mando ang pagiging matamlay ni Kelvin. Bro bakit may sakit ka ba masama ba ang pakiramdam mo?  Sana hindi ka na lang pumasok kung masama ang pakiramdam mo. Ang sunod sunod na pag aalala ni Mando para kay Kelvin. Bro wala akong sakit wala lang ako sa mood. Ang mabilis na sagot nito.  Huwag mo na lang akong pansinin lilipas din ito.Puede bang sa inyo ako mag dinner gusto ko lang mag palipas ng aking nararamdaman ko. Baka sakaling gumaan pag kasama ko si mama Andrea. Oo ba matutuwa si mommy pag tumawag ako at sabihin doon ka mag didinner mamaya. Alam mo naman yon basta ikaw napakasigla niyang mag luto pag darating ka sa bahay. Kailan mo nga ba balak ipag tapat sa kanya ang buong katotohanan na ikaw ang pinanabikan niyang anak. Huwag kang mag alala malapit na.

Lingid sa kaalaman ni Kelvin pag katapos nilang mag kitang muli ni Alice sa mall nag pasya itong umalis muna. Natatakot kasi siya na maling signal na naman  ang hatid  nang mga ikinikilos ni Kelvin. Baka lalu lang siyang masaktan. Kaya naman noong oras na maghiwalay sila ni Kelvin kinausap niya ang papa niya. Na aalis muna siya at sa ibang bansa siya muna  hahanap ng katiwasayan ng isipan at damdamin. Saka na niya iisipin ang  tungkol sa kanilang negosyo .

Nag tataka man si Mr Ricky Ramirez  sa mga ikinikilos ni Alice hindi pa rin ito nag  tanong kung ano ang nangyayari sa anak. Kabisado na niya ito . Na kahit anong gawin niya hindi  mapipilit na ipag tapat sa kanya  kung anuman ang dinaramdam nito. Lumaking malayo ang loob ni Alice sa kanyang ama buhat noong mamatay ang kanyang  ina. Alam din niya na siya ang sinisisi nito kung bakit namatay na malungkot ang Ina  ni Alice. Wala daw mahalaga sa kanya kundi ang kanilang company. Kahit na malubha na ang karamdaman ng  Ina niya hindi pa rin mahagilap ang papa niya . lagi itong wala sa bahay laging walang oras para sa kanilang mag Ina. Naitindihan naman niya ang kanyang papa ang  lahat ng ginagawa nito ay para din sa kanilang dalawa ng mommy niya. Pero kahit ganoon mayroon pa rin siyang nararamdamang hinanakit dito.

Hanggang ngayon hindi pa rin niya maitanong sa kanyang ama bakit parang bale wala lang ito sa kanya.  Bakit hindi niya nakitaan ng kahit kaunting  pag dadalamhati sa pag kakasakit ng kanyang Ina. Madalas niyang itanong noon sa kanyang sarili mahal ba  ng  kanyang Ama ang kanyang Ina. Pero kahit minsan hindi niya maisatinig ang mga katanungan sa kanyang Ama. Natatakot siya sa maaaring isagot nito. Natatakot siya na matuklasan ang katotohanan. Na hindi sila minahal ng kanyang Ama .lolokohin niya ang sarili kung sasabihin niya na malaki ang pag kukulang nito bilang Ama. Sa totoo lang binibigay nito ang lahat ng pangangailangan niya. Buhat noong bata pa siya,  tama sa mga material na bagay bastante siya. Bagkus sobra sobra pa nga sa kanyang inaasahan.

Kung alam lang ni Alice  ang buong katotohanan hindi siya mag tatanim ng kahit kaunting hinanakit sa kanyang Ama.  Alam ni Alice sa puso niya mahal na mahal niya ito. Kahit marami silang hindi napag kakasunduan madalas. Hindi nag babago ang pag galang at pag mamahal niya sa Ama niya. Yong nga lang hindi niya alam paano nga ba maging malapit dito. Ito na ang nakasanayan nila ang maging malamig sa isa’t isa. Pareho nilang hindi alam paano nga ba ipapakita ang tunay nararamdaman sa bawat isa.

Habang papalayo ang eroplanong sinasakya ni Alice alam niya ang kanyang puso naiwan. Ang pag ibig niya kay Kelvin na kahit minsan alam niya na hindi mag kakaroon ng katuparan. At ang matagal na niyang iniintay na mahalin din siya ng kanyang Ama. Ang maramdaman niyang hindi siya laging nag iisa. Kailan nga ba siya masasanay  sa pag iisa. Bakit lagi siyang umaasa na sanay mahalin din siya ng mga taong kanyang minamahal. Sadya bang ipinanganak siya sa mundong ito na laging namamalimos ng pag mamahal. Kung alam lang ni Alice mahal na mahal siya ng kanyang ama at ng lalaking mahal niya na si Kelvin. Hindi lang marunong mag paramdam ng pag mamahal ang kanyang ama. Ang alam niya basta ibinigigay niya ang lahat ay sapat na ito para maipadama ang pag mamahal niya. Basta sagana at maginhawa sa buhay magiging kuntento na. kung alam lang ng papa niya hindi niya kailangan ang mga karangyaan binibigay nito sapat na yong lagi silang mag kasama tulad ng ibang mag aama .

Hindi namamalayan ni Alice bumabalong na pala ang kanyang mag luha. Bakit nga kay aga binawi ang hiram na buhay ng kanyang Ina. Di sin sana punong puno siya ng pag mamamhal nito. Ang kanyang ina lang naman ang tunay na nag mamahal sa kanya. Mis na mis na kita  mama sanay buhay ka pa .  Hinahanap hanap ko ang mga haplos mo sa aking buhok pag ganitong ako’y nalulungkot. Isang haplos lang ng iyong pag mamahal  lahat ng lungkot at pag aalala napapalis.  I wish sana kapiling pa rin kita hanggang ngayon.

Pinahid ni Alice ang mga luha  at sabay usal na mag pakatatag ka babae wala na ang iyong Ina  matuto kang lumaban sa agos ng buhay. Huwag kang maging mahina sa mga mata ng taong walang pag papahalaga sa iyo. Wala silang iniintay kundi ang pag kalukmok mo. Ang pag bagsak mo sa iyong kinalalagyan. Huwag mong hayaan na maging masaya sila sa iyong pag luha. Huwag mong ipakitang mahina ka. Lumaban ka sa agos ng buhay.  Walang lalaban para sa iyo kundi ikaw. Unti unting naiba ang expression ng mukha ni Alice matapos pag sabihan ang sarili. Ito na ang huling iyak mo Alice Ramirez. Ipangako mo ito sa iyong sarili. Sumilay ang isang mapaklang ngiti sa kanyang mga labi.

Lumipas ang mag hapon na wala sa mood si Kelvin. Iniisip niya paano muli niyang makakausap si Alice. Noong mag uuwian na nakasabay niya papuntang parking lot si Mr Ricky Ramirez.  Nag kabalitaan at nag kamustahan. Kaya naman nag karoon siya ng pag kakataon itanong bakit hindi na pumapasok si Alice.  Ewan ko ba sa batang iyon pabago bago ang isip . sabi niya sa akin noon nag eenjoy na siya sa pag tratrabaho dito tapos bigla bigla na lang ayaw ng pumasok tapos kahapon laking gulat ko na nag papaalam na lilipad siya papuntang America. Kaya ayon  kaninang umaga sumakay siya sa unang eroplanong lumipad papuntang  America.  Hindi ko alam kung kailan nanaman siya babalik. Sabay bungtong hininga. Alam ni Kelvin na mabigat sa kalooban nito ang pag alis ng nag iisa niyang anak.

Lalung naging malungkot si Kelvin noong malaman na umalis ng bansa si Alice. Alam niya na siya ang isa sa mga dahilan bakit ito bilaang umalis . bagsak ang balikat ni Kelvin noong sumakay sa kanyang kotse. Nag lulumo siya sa katotohanang hindi na niya muling makikita si Alice.  Ngayong umalis si Alice  ano na ang kakahinatnan ng mga nadarama nilang damdamin sa isa’t isa. Kailan kaya nila aaminin  na mahal nila ang isa’t isa.*****ABANGAN*****

No comments:

Post a Comment