Friday, September 5, 2014

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 7


HUWAG MO AKONG MAHALIN  chapter 7

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Kailangan tapusin na niya ito. Gagawa na siya ng paraan para patunayang  anak siya ni Ricky Ramirez. Kung papa ano may naisip na siya . kailangan ma pa test niya ang DNA nilang dalawa. Sa ganitong paraan lang hindi na maitatanggi nito na anak siya.  Pero paano , hindi naman puedeng humingi siya ng sample para mapa test.  Ahh ! si Alice mas madaling kuhanan ng sample. Kailangan makipag bati siya dito . lalapitan niya ito hihingi siya ng sorry sa kagaspangan ng ugaling ipinakita niya  para maaya niyang mag kape o kumain sa labas para makuha niya kung  ano  ang kailangan niya para sa pag test ng DNA.

Samantala sa tagal na mag kakasama sila Mando at Kelvin sa iisang opisina naging close na rin sila at mag kasundo sa maraming bagay. Tulad dati noong mga bata pa sila  madali napalapit sa isa’t isa.  Pakiramdam nila matagal na silang mag kakilala. Lingid sa kaalaman ni Kelvin unti unting tinutuklas ni Mando ang buong pag katao nito. Kahit sa kinikilala nitong magulang . nalaman niya ang storya ng buhay ni Kelvin. Hindi lang kasi sa opisina ang pagiging mag kaibigan nila.  Naging mag kabarkada kahit sa labas ng opisina. Mag kasama sa mga gimikan ng mga tulad nilang mga binata. Nag kataon naman na iisa lang ang hilig nilang sport. Pati sa pag kain mag kasundo sila kaya naman madalas silang lumalabas  after office hour.

Dahil dito ang lihim ng pag katao ni Kelvin hindi na mahirap para kay Mando na alamin. Dahil dito napatunayan niyang ang Kelvin noon at sa ngayon ay iisa. Gustong gusto na niyang sabihin dito ang kanyang natuklasan pero paano pag sinabi niya ito mawawalan siya ng mommy. Babawiin kaya ni Kelvin ang kinikilala niyang ina. Na alam na alam niya na hindi pa nabubura sa puso nito ang nawawala niyang anak. Saan  siya pupulutin after ipag tapat niya ang katotohanan.

Pero dala ng kanyang konsensya hindi niya matiis na itago kay Kelvin ang katotohanan sa kanyang mga natuklasan. Kahit wala itong maalala sa kanilang kahapon .  ipinagtapat ni Mando ang lahat. Sinabi niya ang mga araw na mag kakasama sila sa sandikatong kanilang nasalihan noon mga bata pa sila. Sa mga pag kukuwento ni Mando unti unting bumabalik sa kanyang alaala ang kahapon.  Sa tulong ni Mando ang nawawalang karanasan sa kahapon ng buhay ni Kelvin ay kanyang naalala na ngayon. Ang mga pasakit at hirap na dinanas nila sa loob ng sindikato. Ang magandang samahan nilang dalawa. Ang pag tuturingan nila na parang mag kapatid.

Kaya pala ang gaang agad ng loob ko sa iyo kasi ikaw pala ang aking kuya. Doong sa madilim kong kahapon ikaw pala ang aking karamay. Nag yakap sila hindi mapigilan ni Kelvin ang pag agos ng kanyang mga luha. Parang bumalik siya sa pag kabata noon na si Mando ang kanyang taga pag ligtas. Ang nag iisang tumayo lumaban para sa kanya noon.

Mayroon pa akong ipag tatapat sa iyo. Ang tunay mong ina ang siya kong kinikilalang ina. Siya ang umampon sa akin noong malaman niya na para tayong  mag kapatid. Noong mabatid niya na patay kana ang mga alala mo dahil sa akin lagi niyang binabalikan. Hindi siya nag sasawa na makinig  sa pag kukuwento ko tungkol sa iyo.  Kahit anong gawin ko hindi ko mapalitan at matumbasan ang pag mamahal niya sa iyo. Ang kawalan mo hindi ko mapunuan sa puso ni mama. Kahit kailan hindi kita napalitan sa puso niya. Alam ko minahal din niya ako pero ibang klase ang pag mamahal niya sa iyo. Isa siyang ulirang ina. Naging mabait siya sa akin at busog ako sa pag mamahal niya. Ang mga gusto niyang ipalasap sa iyo sa akin niya ginagawa. Kahit alam kong hindi para sa akin natutuwa ako mayroong isang ina akong nasasandalan hanggang ngayon. Maraming salamat dahil sa iyo naranasan ko mag karoon ng isang ina.

Tara sumama ka sa akin ipapakilala kita kay mama. Kay tagal ka niyang kinasabikan. Ngayon na kaagad agad. Hindi kaya siya mabigla kung mag papakilala ako agad na anak niya?  Ano gusto mo ipakilala muna kitang kaibigan ko? Hayaan mo munang mag kalapit kami saka ako mag papakilala sa kanya. Dahil sa kahilingan ni Kelvin ganoon nga ang ginawa nila. Unang kita palang ni Kelvin iba na agad  ang naramdaman niya. Ibig niyang yakapin at sabihing inay ako ang nawawala mong anak. Pero paano baka mabigla siya at atakihin sa puso. Baka hindi niya kayanin ang katotohanan.  Sabi nga ni Kuya Mando mahina ang puso nito. Kailangan unti unti ang gagawin niyang palapit dito.

Pero di alam ni Kelvin unang kita palang sa kanya ng kanyang ina iba na ang naramdaman nito.  Nag tataka siya bakit tuwing makikita niya ang kaibigan ni Mando kay lakas ng tibok ng kanyang puso.  Bakit kung nawawala na ito sa kanyang paningin hinahanap hanap niya ito. Kaya naman madalas sabihan niya si Mando na kumbidahin ang kaibigan niyang doon sa kanila mag hapunan  at mag luluto siya. Na siya namang gustong gusto ni Kelvin para mapalapit siya sa kanyang ina. Kaya naman noong lumaon naging tambayan na nila ni Mando ang bahay nito.

Lumabas na ang DNA nila ni Alice Ramirez bakit ganoon negative ang resulta. Hindi sila mag kapatid.  Ano ang katotohanan hindi siya anak ni Ricky Ramirez  o kaya si Alice Ramirez ang hindi anak. Dahil sa resulta ng DNA naging palaisipan sa kanya ang buo niyang pag katao. Sino nga ba ang tunay niyang ama. Dahil dito naging masaya ang puso niya. Hindi na niya kailangan supilin kung ano ang nararamdaman niya. Hindi pala sila mag kapatid ni Alice. Kay tagal niyang pinarusahan ang kanyang sarili na hindi naman pala dapat.

Dahil sa resulta ng DNA nila nag karoon ng kalayaan ang mga nararamdaman nila sa isa’t isa. Wala ng hadlang para tikisin pa ni Kelvin kung ano ang nararamdaman niya kay Alice. Saka na niya problemahin kung sino sa kanilang dalawa ang tunay na anak ni Ricky Ramirez. Ang mahalaga ngayon may laya na siyang ligawan si Alice. Ang babae unang nag patibok ng kanyang puso. 

Masiglang masigla si Kelvin noong pumasok siya sa opisina. Sabik na siyang muling masilayan ang kanyang minamahal. Sana nga pumasok na uli ito  ngayon. Parang kay tagal na hindi sila nag kita. Muli sinulyapan ni Kelvin ang mga bulaklak na kanyang binili bago pumasok.  Halos mabingi siya sa lakas ng kalabog ng kanyang dibdib. Ngayon lang siya mag bibigay ng bulaklak sa  isang babae. At ngayon din lang siya manliligaw kung saka sakali. Sana naman hindi siya pahirapan ni Alice. Sa dami  binigay niyang pasakit dito natatakot siya na baka naging manhid na ang puso nito para sa kanya.

Naalala pa niya ang huli niyang sinabi dito na  HUWAG MO AKONG MAHALIN  na kahit kailan hindi mag kakaroon ng katuparan ang kanyang nararamdaman para sa akin. Sana mapatawad niya ako  ang usal na dalangin ni Kelvin.  Alam niya kasi na sobra nasaktan si Alice sa kanyang mga binitiwang salita  dito. Sana naman hindi pa huli ang lahat para sa aming pag mamahalan.  Bakit kasi hindi niya agad naisip na mag pa DNA.  Di sana matagal na silang naging masaya  at hindi niya nasaktan ang damdamin ng dalaga. Mapatawad kaya ni Alice si Kelvin?  *****ABANGAN*****

No comments:

Post a Comment