Thursday, September 4, 2014

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 5


HUWAG MO AKONG MAHALIN  chapter  5

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Hindi akalain ni Kelvin na mag e enjoy siya sa dinner nila ni Mr Ramirez. Akala niya ito na ang pinaka boring niyang dinner. Pero mali siya dahil kay Alice Ramirez ito na yata  ang  pinakamasayang  dinner sa talang buhay niya. Hindi niya alam kung bakit walang pag siglan  ng tuwa ang puso niya. Hindi niya alam kung ano mayroon si Alice bakit hindi siya pinatulog mag damag.  Kahit ano gawin niyang pikit sa kanyang mga  mata hindi siya dalawin ng antok.  Ayaw maalis sa kanyang isipan ang  maamong mukha ni Alice Ramirez. Ngayon lang niya naramdaman ang ganitong kaligayahan dahil lang sa isang babae. Hindi niya maitatanggi na attractive siya dito.

Pero ano ang gagawin niya? Alam niya na kapatid niya ito sa ama. Kaya ba niya ito nararamdaman dahil lukso ng dugo. Kaya ba isang istranghero damdamin para sa kanya? Dahil ngayon lang niya nakita ang nag iisa niyang kapatid. Naguguluhan si Kelvin sa kanyang nadarama. Pero alam niya sa kanyang sarili hindi pag mamahal bilang isang kapatid ang kanyang nararamdaman. Hindi siya maaaring mag kamali sa nararamdaman niya. Hindi puede kailangan supilin niya kung ano man ito. Makakasira sa kanyang mga plano sa pag hihiganting gagawin niya sa kanyang ama.

Saka hindi niya gustong isali si Alice sa binabalak niyang pag hihiganti. Walang itong kasalanan sa kanya. Hindi niya kasalanan na maging anak ni Ricky Ramirez. Kung kinilala lang siya nito di sin sana lumaki silang mag kasama o mag kakilala.  Bakit nga kaya di siya kinilala ng kaniyang ama.dahil kaya isang sales lady lang  ang kanyang ina. Hindi nababagay sa kanilang angkan?

Dapat na niyang kalimutan kung ano ang kanyang nararamdaman .  Ngayon palang patayin na niya kung ano man damdaming umuusbong sa puso niya.  Ang dapat niyang pag tuunan paano niya makukuha ang pinakamataas na posisyon sa company. Maging kaagapay ni Mr Ramirez. Kung president siya ang pagiging vice president naman ang target ni Kelvin. Kailangan niyang mag pakitang  gilas. Alam niya hindi mag tatagal makukuha din niya ang posisyong iyon.  Bukas na bukas din uumpisahan ko na ang pag papabango kay Mr Ramirez ang mahinang bulong sa kaniyang sarili.

Kahit puyat at halos walang tulog maaga pa rin pumasok ayaw niyang may  masabi ang mga kasamahan niya sa departamento niya. Isinubsob ang ulo sa mga tambak na trabahong iniwanan ni  Mr Santos.  Kasalukuyang hinihilot niya ang kanyang batok ng bilang  may kumatok sa kanyang office.  Tuloy ano kailangan mo ? ang tanong niya na hindi man lang pinag aksayahan tapunan ng tingin kung sino ito. Mukha yatang sumasakit ang batok mo sa dami ng trabaho. Bati ng pumasok. Biglang tinaas ang ulo sa nadinig niyang boses. Hindi siya maaaring mag kamali  boses yon ni Alice Ramirez. Ano ang ginagawa ng babaeng ito sa opisina niya?

Galing ako sa opisina ni papa . tinanong ko sa kanya nasaan ka? At saan ang  opisina mo? Noong una ayaw niyang ibigay sa akin at sigurado daw siya na guguluhin kita sa trabaho mo.  Pero kinulit ko siya. Kaya eto ako ngayon. Alam kasi ni papa hindi ko siya titigilan hanggang di niya binibigay.

Kasi alam ng papa mo na masyado kang spoil sa kanya. At alam din niya na wala kang ginusto na di mo nakukuha. Kasi nga laki ka sa layaw. Lahat ng maibigan nakukuha kahit sa anong paraan. Hindi ba tama ako sagot ni Kelvin kay Alice.

Ang sama naman ng pag kakilala mo sa akin . hindi naman ako ganoon. Alam mo bang istrikto si papa. Lalu na noong bata pa ako. Lahat nga sabihin niya batas sa aming bahay. Wala nakakabali noon . kahit ako. Kaya nga lumaki akong malayo sa kanya. Nag tataka nga ako ngayon bakit ako ininvite niya kagabi sa dinner ninyo. At laking pasasalamat ko na pinag unlakan ko siya. Dahil doon nakilala kita.

Ganoon ba ! bakit ka nga pala napasyal sa opisina ko? Mayroon ba akong maipag lilingkod sa inyo kamahalan! Sabay yuko tanda ng pag saludo sa isang prinsesa.

Anu bayan para naman akong isang  prinsesa niyan. Sabay tampal sa braso ni Kelvin. Busy ka ba sa trabaho? Baka naman puedeng samahan mo akong mag shopping o mag pasyal pasyal matagal tagal na rin akong wala dito. Itinapon ako ni papa sa  ibang bansa para mag aral. Kaya naman medyo ligaw na rin ako dito.

Napakamot sa kanyang batok si Kelvin. Ano gagawin mo akong alalay mo? O isang bodyguard mo? Di ba mayroon  ka namang  driver ? bakit ako pa yong napili mong istorbohin? Alam mo naman kakaumpisa ko pa lang isang tambak ang trabaho ko. Humanap ka ng ibang aabalahin at huwag ako.  Dahil sa mga sinabi ni Kelvin parang napahiya si Alice. Nag mamadaling lumabas ng opisina ni Kelvin. At noong isara yong pintuan ay gumagalabog.

Alam ni Kelvin napahiya ito. O sumama ang loob sa kanya. Na siya namang gusto niya at sinasadyang gawin. Na sanay  iwasan na siya nito. Para hindi siya mahirapan supilin kung ano manang umuusbong na kanyang nadarama para dito. Hindi dapat kasi nga half sister niya ito na di niya alam na anak siya ng papa niya sa isang saleslady nila dati.

Kailan kaya siya mag kakalakas loob na sabihin dito na anak siya nito. Hanggang ngayon kaya itatangi parin na anak siya nito. Kahit nakikita na niya na karapat dapat siyang ipag malaki kahit na sinong magulang. Sa mga naabot niya walang magulang ang ikakahiya siya kahit isa siyang putok sa buho.

Samantala si Alice isang bakol ang mukha halos hindi maipinta sa sama ng loob at sa karanasan pag papahiya sa kanya ni Kelvin .bakit ganyan ang mukha mo Alice ang tanong ni Mr Ramirez sa nag iisa niyang anak. Papa kung mahal mo ako tanggalin mo dito si Kelvin. Akala mo kung sino kung mag salita yong hambog na yon. Hindi siya nararapat dito sa company natin. Ni wala pa siyang napapatunayan ang yabang yabang na mag salita.

Bakit naman anak anu ba ang ginawa ni Kelvin sa iyo at nag puputok yang butse mo. At gusto mo pang tanggaling siya sa posisyon niya. Alam mo ba yang hinihiling mo?hindi nakakibo si Alice kasi alam din naman niya na siya ang mali. Hindi nga naman tama yong inasal niya kay Kelvin. Pero alam niya kaya siya nakapag salita ng ganoon dahil napahiya siya sa kanyang sarili.

Alice tinatanong kita ano ginawa ni Kelvin sa iyo at ganyan na lang ang galit mo sa kanya. Noong Makita ni Alice na   galit ang kanyang papa kay Kelvin saka niya naisip na mali siya at hindi na dapat siya nag sumbong dito. Baka nga tanggalin ng papa niya ito sa trabaho mawalan na siya ng pag kakataon na mapalapit dito. Mahal na yata niya ito. Alam niya na mayroon na siyang nararamdaman . Hindi niya kailangan sabihin sa kanyang papa ang lahat. Kaya naman nag isip na lang siya ng palusot. Kasi ba naman hindi yata niya ako natandaan . noong masalubong ko siya kanila malapit sa opisina niya ni hindi man lang niya ako pinansin. Para bang hindi niya ako kilala .

Yon lang ba ang ikinagagalit mo?  Iyan din ang mga naririnig kong bulong bulungan ng mga kababaihan dito na may pag ka suplado daw itong si Kelvin. Pero pag kausap ko naman ito hindi ko napapansin iyon. Ang totoo magalang na bata ito. Mabait  at masipag sa trabaho.  Wala akong nakikitang dahilan para tanggalin siya sa kanyang posisyon. Bagkus itaas ng posisyon ang nararapat sa kanya. Sa sipag at talino niya hindi malayo na mangyari ito. Karapat dapat sa kanya. Iniintay ko lang na mag karoon siya ng sapat na kaalaman tungkol sa company natin at bibigyan ko siya ng promotion.

Lihim na napangiti si Alice sa tinuran ng kanyang ama. Kung saka sakali mapaibig niya ito hindi siya mahihirapan sa kanyang papa. Baka ito pa nga ang gumawa ng paraan para sa kanila ni Kelvin . intayin na lang kaya niya na dumating ito. Ang kailangan nalang ay paano niya mapapa ibig sa kanya ang mailap na binata. Wala pang lalaking tumangi sa aking kong kagandahan. Ang bulong ni Alice sa kanyang sarili. Humanda ka Kelvin isa ka rin mapapa ibig sa akin. Ang mahinang bulong ni Alice sa kanang sarili.

 

Saan kaya hahantong  ang pag mamahal ni Alice kay Kelvin***** ABANGAN*****

No comments:

Post a Comment