HUWAG MO AKONG MAHALIN Chapter 4
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Kinabukasan maaga palang gising na si Kelvin ayaw niyang ma late sa
unang araw niya sa opisina. Noong ipakilala siya ni Mr.Ramirez ang mga
kababaihan mga kinilig sa bago nilang head department. Guapo na at mukhang kay bango nang magiging
boss natin. Kaya lang mukhang suplado ang tipid ngumiti bulong ng isa sa mga
empleyado. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Kelvin ang lahat kaya medyo lumingon
siya para malaman nito na narinig niya ang sinabi .
Naku Joyce narinig ka ni Mr guapo sabad ni Daisy. Lagot ka hayan o sama
ng tingin sa iyo. Dahil sa pag lingon ni Kelvin biglang natahimik ang mga
bulong bulungan ng mga empleyado. Kaya
naman noong makaalis na si Mr. Ramirez ay kinausap ni Kelvin ang lahat ng mga under
niya sa departamento.
Kung sinoman sa inyo ang may ayaw sa pamumuno ko sa department na ito .sabihin ninyo sa aking
ng harap harapan. Hindi iyong pag nakatalikod ako saka kayo nag bubulungan . Sa
akin ninyo ideretcho kung anuman ang ibig ninyong sabihin. Ayaw ko na mayroon
maririnig kung ayaw ninyo sa akin bukas ang pintuan ng office ko sabihin ninyo
lahat kung ano ang gusto ninyong sabihin
at makikinig ako. Yong ayaw sa pamumuno ko Malaya kayong mag palipat sa ibang
departamento o mag resign. Nag kakaintindihan ba tayo.
Mukhang mahigpit ang bago nating boss di tulad ni Mr Santos
. Naku mag sitigil na kayo baka marinig nanaman kayo ay unang araw niya ehh
masabong tayo ng dalawang beses. Nagtawanan silang lahat. Huwag kayo, mukha
naman siyang mabait ahh. Saka di naman siya mukhang galit kanina noong pulungin
tayo. Medyo may pagka prangka lang kung ano ang ayaw at gusto niya. Maganda nga
ang ganoon para di tayo nangangapa kung ano ang gusto niya.
Pero napapaisip si Mando kapangalan lang kaya ni Kelvin ang
bago nilang boss. Bakit ganito ang aking
pakiramdam? Parang si Kelvin na kasama ko noon at itong bagong boss naming ay
parang iisa lang . ipinilig ni mando ang
kanyang ulo. At sabay saway sa sarili. Mag tigil ka nga Mando patay na ang
kaisa isa mong itinuring na kapatid. Namatay siya mahigit na (16) labing anim
na taon na ang nakakaraan, patay na siya.
Pero kung nabubuhay ito maaaring mag
kasing edad sila.talagang di mawala sa isipan ang mga isiping si Kelvin
kaibigan niya noon at ito ay iisa.
Si Kelvin ang batang nagpamulat sa kanya ng tama at tuwid na
pamumuhay. Utang niya ang mga tinatamasa niya ngayon. Ultimo ang pag mamahal ng
ina nito at kanyang naranasan. Utang niya ang lahat ng kung ano mayroon siya
ngayon.
Siguro kung hindi sila naging mag kasangga noon ni Kelvin
hindi siya aampunin ng ina nito. Kahit
kasi ano ang gawin niya hindi niya mapantayan si Kelvin sa puso ng kinikilala
niyang ina ngayon. Hindi niya magawang mapunuan ang puwang sa puso nito. Si
Kelvin pa rin ang hinahanap hanap kahit
alam niya na matagal ng patay. Ramdam naman ni Mando na mahal siya nito. Pero
hindi pa rin niya mapantayan si Kelvin.
Ano nga ba laban niya dito si Kelvin ang tunay na anak at siya ay isang ampon
lang .
Ehem! Hindi niya napansin nasa tabi napala niya si Kelvin. Sa lalim ng kanyang iniisip.
Mukhang lumilipad ang isip natin sa sabi ni Kelvin kay Mando. Kanina pa ako dito nakatayo sa harapan
mo hindi mo ako pansin. Tagos tagusan ang tanaw mo. Oras ng trabaho mukhang
nanaginip ka. Hindi naman nag iisip lang ako tungkol doon sa bagong project nang
ating department. Ganoon ba ,iyong nga sana ang itatanong ko sa iyo.
Kailangan ko ang case study nito. At yong proposal kailangan ko na itong pag aralan.
Hayaan mo pag natapos ko na ang proposal dadalhin ko sa
office mo. Kakayanin mo bang matapos hanggang bukas ng hapon. Susubukan ko kung kakayanin bukas. Huwag mong
subukan gawin mo para matapos. Alam ko
di mo kayang tapusin yan hanggang bukas. Kahit nga ilang araw di mo makakayang
mag isa iyan. Wala namang ginagawang
apurahan ang mga kasamahan mo. Bakit di ka gumawa ng grupo para matapos hanggang bukas yong gagawin
ninyong proposal.
Team work ang kailangan lalu na sa ganitong situation. Ngayon mo subukan ang kakayahan mo na humawak
ng mga tao. Maging isang captain ng mga
kasamahan natin . Siguro sa tagal mo
dito kilala mo na kung sino at ano ang mga kakayahan ng bawat isa.
Mukhang mahihirapan siyang pakisamahan ang bago nilang boss.
Ibang iba style niya kay Mr. Santos. Sabagay may punto naman talaga siya. Kung
di kaya, aminin hindi naman masamang humingi ng tulong sa kasamahan sa
trabaho.Sabagay tama naman lahat ng sinasabi niya. Wala naman masama sa mga
sinabi niya kanina.bagkus favor naman lahat sa akin! Siguro
mas tamang sabihin ay nasaling ni Kelvin ang pride ko! ang bulong ni
Mando sa kanyang sarili.
Kaya naman tinawag ni Mando ang lahat na kasamahan niya at
hiningi nito ang tulong na kailangan niya. Tulad ng sabi ni Kelvin sya ang
tumayong captain ng buong team. Noong
una mga tahimik at super seryoso. Isipin mo nga naman kailangan nasa table na
ni Kelvin ang proposal ng bagong project kinabukasan. Pero
noong bandang hapon nag kakatawanan na sila . kasi ba naman malapit na nilang
matapos ang pinapagagawa ni Kelvin. Napapangiti si Mando kung sya lang gagawa nito baka next week pa niya matapos.
Pero sa tulong ng kasamahan niya eto matatapos na.
Hello Kelvin nagulat
pa siya sa pag tawag ni Mr Ramirez. Nagulat siya kasi pinuntahan pa siya talaga
ng president ng company. Puede naman na tawagan sya sa telephono. Mayroon ka
bang gagawin tonight? Wala naman .kung
ganoon puede mo ba akong samahang mag dinner. Habang nag di dinner mayroon
akong idi discuss syo. Walang pong problema. Anong oras po ba gusto ninyong mag
dinner at saan .
Huwag ka nang mag abala tungkol dyan nakapag pa reserve na
ako . sabay na lang tayo lumabas ng opisina mamaya. Ipasunod mo na lang sa
driver ng company yong car mo sa restaurant. Para naman habang daan nakakapag
usap tayo.
Sige po , mag kita na lang tayo sa ibaba mamayang uwian. Anu
kaya ang pag uusapan namin. Gaano kaya kahalaga iyon. Bakit dina lang dito sa
opisina pag usapan. Kailangan pa naming lumabas. Talaga ang mga mayayaman ang
daming ka ek ekan nalalaman.
Kung ano ano lang naman napag usapan nila sa loob ng car.
Noong sapitin nila ang restaurang lumapit ang isang waiter at sinamahan sila kung saan ang table nila . Nag taka si Kelvin
bakit hindi for two ang set ng table. Mayroon pa silang kasama sa dinner sino
kaya ito. Noong nakaupo na sila mayroon isang magandang babae na papalapit sa
kanila. Simple lang sya pero mababakas mo sa kanyang mga kilos na isa syang
sopistikada, napapabilang sa alta sociadad.
Hindi maialis ni Kelvin ang kanyang mga paningin sa babaeng
ito. Sa kauna unahang pag kakataon tumibok ng ganito ang puso niya. Ano mayroon
ang babaeng ito at ang bilis ng tibok ng puso niya. Sa unang pag kakataon yata
ma iin love na siya. Sa isang babae na di niya alam kung sino .
Pero para siyang binuhusan ng isang timbang tubig na may
yelo sa kanyang nabatid. Ang babaeng nag pabilis ng tibok ng puso niya ay nag
iisang anak Ni Ricky Ramirez yon ang akala niya. Kapatid niya sa ama si Alice
Ramirez. Hindi nila alam na mag kapatid sila sa ama. Kailan kaya niya masasabi
sa boss niya na siya ang panganay na anak nito. Na kanyang tinangihan buhat
noong pumintig siya sa sinapupunan ng kanyang ina. Hindi pa siya inilalabasa sa
sanlibutan inaayawan na siya ng kanyang ama.
Lingid sa kaalaman ni Kelvin unang tingin palang sumasal na tibok ng puso ni Alice Ramirez. Sya
ba ang matagal ko nang hinahanap. Ang lalaking
mag papatulala at mag papakilig. Simpleng sulyap lang nito para na
siyang pinapaso. Siya ba ang matagal
konang hinahanap. Ito ba ang sinasabi nilang pag ibig. Kay tagal kong nag intay
para makita si mr right.
Samantala si Kelvin hindi mapakali. Ngayon lang siya
nakaramdam ng ganito. Hindi maaari mag kapatid kami sa ama. Mali ito mali ang
iniisip ko , kaya may kakaibang nararamdaman, baka marahil sa lukso ng dugo.
Tama kapatid ko sya kaya ganito ang aking nararamdaman at pag didikta ni Kelvin
sa kanyang sarili.
Saan hahantong ang mga nararamdaman nila Kelvin at Alice. Sa
unang pag kikita palang nag pahiwatig na ang mga puso nila na nag mamahal na
ito.*****ABANGAN*****
No comments:
Post a Comment