HUWAG MO AKONG
MAHALIN chapter 1
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poem
Namulat ang mata ni Kelvin at nag kaisip siya nakung saan
abutan ng gabi doon sya natutulog. Kasama ang mga tao walang mga tirahan. Ang mga
itinuturing na tahanan ay ang langsangan. Mas madalas nakakatulog siya ng
kumakalam ang sikmura. Suerte na yong
mayroon siyang mapulot na tira tira sa basurahan. At kung mag ka minsan
mayroong naawa sa kanya mag bigay ng kaunting limos o tirang pag kain.
Maaga siyang natutong lumaban. Para maitawid ang pang araw
araw na buhay. Kahit walang magulang na gumagabay lumaking magalang at masikap
sa buhay niya. Pero palaban sa mga taong gustong siyang lunukin ng buo. Kahit bata
pa siya makikitaan mo na siya na may angking talino. Minalas lang siya na
walang magulang na gumagabay sa kanya. Kahit bata pa nangangarap din siya na balang
araw makakaalis din sya sa kinalalagyan
niya. Mararating din niya ang tagumpay.
Hoy ! bata ano ginagawa mo dyan? Sa aming territory ito .
noong lumingon si Kelvin isang grupo ng mga kabataan ang nakatingin sa kanya.
At sa palagay niya ang pinaka lider nito ang nag sasalita. Tumayo si Kelvin at
hinarap ng may kompiyansa sa sarili.
Sino naman kayo para
sabihin sa akin na pag aari ninyo ang lugar na ito. Ang pag kakaalam ko sagot
ni Kelvin Public place ito. Kailan ninyo
pa naging pag aari ito?
Dahil sa sinabi ni Kelvin napahiya sa mga kasamahan si Mando.
Kaya naman isang malakas na suntok sa sikmura ang inabot niya. Gaganti sana
siya ng suntok pero mabilis ang mga kasamahan nito. Nahawakan siya sa dalawang
kamay. At isa pa di hamak na malaki ito sa kanya. Kahit anong isip niya di niya
kakayaning patumbahin ito.
Bitawan ninyo ako mga
walang hiya kayo. Sino sino ba kayo ? bakit pati ako ay pinag tritripan ninyo.
Wala naman kayong mapapala sa akin. Ni wala nga akong pera pang bili ng pag
kain ko.
Bitawan ninyo ako wala kayong mapapala sa akin. Ang malakas
na sigaw ni Kelvin. Kahit nag papakita siya ng tapang sa kanyang isipan
natatakot siya. Sana naman hindi ito ang huling araw niya sa mundong ibabaw.
Nakangisi si Mando at sinabing Anu ka sinusuerte. Sige dalhin yan kay boss
siguradong matutuwa yon sa atin may dala tayong bago member. Siguradong
papakinabangan natin sya.
Noong dumating sila sa kanilang hide out nakaliyad ang
dibdib ni Mando. Paano naman goodshot nanaman siya ngayon.mayroon syang
pasalubong sa kanilang big boss.
Nakangesi si Mando noong humarap sa kanyang Amo. Boss may
pasalubong kami sa inyo. Ang pag mamalaki ni Mando.
Sino naman yang
daladala mo Mando. Baka pasakitin lang ang ulo ko niyan.naku boss hindi mukhang
may angas palaban . pakikinabangan natin ang tatag at tapang nito. Ayos na
ayos isabak hindi basta sumusuko
palaban.
Kaunting hasa lang diyan puedeng isabak. Mukhang madaling matuto
sa ating mga raket. At mayroon potential na maging leader ng mga bata sa pag
durukot at magnakaw. Sa sinabi ni Mando napangiti ang kanilang amo.
Ang hirap baka ako
ang kalabanin niyan . malalaman natin ang tigas niya. Ilagay siya sa room ng
mga baguhan. Isama sa mga bagong dating tulad niya. Opo boss masusunod po
!sagot ni Mando. Sabay talima sa utos ng kanilang big boss. Parang maamong tupa
si Mando sa pag sunod sa mga utos ng kanilang big boss. kaya naman di siya
nakakatikim ng latigo nito. Ayaw niya
maparis sa mg kasamahan niya na laging may latay ng latigo. Dahil hindi
sumusunod sa patakaran ng boss nila.
Si Mando tulad din Kelvin na batang gala. Walang magulang at
sariling tirahan.kaya naman noong mapasama siya sa grupo sinabi niya sa sarili
na gagawin niya ang lahat upang manatili dito.
Maging mabait lang siya at masunurin sa big boss mayroon na siyang
matutulugan kahit matigas ang kama niya ok na kaysa noon sa malamig na semento
sya madalas natutulog . kumot ay mga diyaryo o kaya karton na kanyang napupulot
sa basurahan.
Maging masipag lang siya at laging abot ang kota niya
siguradong hindi niya problema ang pag kain sa mag hapon. Hindi siya matutulog
ng kumakalam ang sikmura. Kaya naman eto siya ngayon isa na siya sa mga lider
ng mga bata. Mayroon na siyang grupo na sumusunod sa mga inuutos niya. Basta lang ayon sa patakaran ng group nila. Kaya
naman pinipilit niya na umabot sa kota ang lahat ng batang hawak niya. Ngingiti
ngiti si Mando habang hatid niya si Kelvin sa kuwarto ng mga bagong salta sa
group. Sana sa kanya ibigay ni big boss si Kelvin. Sigurado siyang magiging
maganda ang kanilang team work nito.
Unang kita palang niya kay Kelvin nakitaan na niya ng
angking galing at talino. Di tulad niya na tapang at pag ka tuso ang puhunan niya.
Ano ang magiging papel ni Mando sa buhay ni Kelvin?*****
ABANGAN*****
No comments:
Post a Comment