HUWAG MO AKONG MAHALIN
chapter 2
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Hiniling ni Mando na sa kanyang grupo mapasama si
Kelvin. Pinagbigyan naman siya ng big
boss ng sindikato. Ang buong akala ni Mando malaki ang maitutulong ni Kelvin sa
kanya. Lalung babango ang pangalan niya sa big boss. Pero maling mali siya isang
tuwid at may paninindigan ito. Ayaw sumunod sa utos niyang mag nakaw at mandukot.
Kelvin kung gusto mong tumagal dito kailangan kang mag nakaw
at kaya mandukot ng mayroon kang malaking intrega sa ating big boss. Para
matuwa siya sa iyo. Kung hindi makakatikim ka ng kanyang mala bakal na kamoo.
Bakit naman kailangan kong mag nakaw para kumita ng pera?
Puede naman kumita sa malinis na paraan. Hindi natin kailangan mag nakaw at
gumawa ng masama. Kailangan lang natin mag sipag at mag tiyaga.
Hindi akalain ni Mando sa murang edad ni Kelvin mayroon itong maganda at matatag na paninindigan . napapahanga siya dito. Sa totoo lang di naman
likas ang kanyang kasamaan. Tulad ni Kelvin gusto din niya ang matuwid at
malinis na pamumuhay pero ano magagawa niya kung kailangan niyang kumapit sa
patalim para mabuhay. Hindi madaling makibaka sa magulong buhay at walang
magulang na masasandalan. Walang kamag anak na gustong tumulong at kumalinga sa
kanya. Kaya naman dito siya napasama sa sindikato. Dito niya nakita pag
kalinga. Kahit ang kapalit gumawa siya ng masama. Mayroon naman siyang kasama.
Alam mo bang para kang matanda na kung mag salita at mag
isip. Daig mo pa ako samantala malaki ang katandaan ko sa iyo. Isang matamis na
ngiti lang ang ibinigay ni Kelvin kay Mando.
Hindi mapilit ni Mando na sundin siya ni Kelvin. Alam niya
na malalagot ito sa kanilang big boss pag walang maintrega malaki. Ano nalang
kikitain niya sa pamumulot ng basura at panlilimos. Kaya naman nakakatikim ito
ng kamoong bakal ng kanilang big boss. At nakakatulog na walang hapunan. Ganoon
pa man hindi natitinag ang paninindigan nito . halos araw araw bugbog sarado
ang katawan nito sa kanilang big boss. At walang pag kain.
Dahil sa awa ni Mando pinag tatakpan niya ito sa big boss
nila. Kaya naman pinag bubuti niya ang pandurukot, pagnanakaw lahat na ginawa niya para lang mapag takpan
niya si Kelvin. Sa sandali panahon ng
kanilang pag sasama napamahal na ito sa kanya. Hindi mahirap mahalin si Kelvin.
Mabait , maalalahanin, at mapag mahal. Kay Kelvin natitikman niya ang tunay na
pag mamahal. Itinurin na niya ito na nakakabatang kapatid. Sa maigsi panahon na kanilang pag sasama.
Hindi alam ng big boss unti unti ng napapaniwala ni Kelvin
ang mga bata na mali ang kanilang ginagawa. Masama ang mag nakaw , mandukot.
Hindi nila kailangan gumawa ng masama para mabuhay. Mali ang kanilang ginagawa.
Bawal sa batas at sa mata ng Diyos hindi
kaiga igaya.
Pero walang secreto na di nabubunyag. Nalaman ng kanilang
big boss ang pinag gagawa ni Kelvin.kaya
naman bugbog sarado nanaman ito.
Big boss tama na baka mapatay ninyo si Kelvin. Hoy! kayong mga bata nakikita ninyo ano ang
napapala ng matigas ang ulo. Ang ayaw sumunod sa patakaran ko. Ganito ang
sasapitin. kaya kayo mga bata huwag ninyong pamarisan ito kung hindi lahat kayo
makakatikim sa akin. Dahil sa kanya napag iinitan tayo ng mga parak. At ikaw Mando bantayan mong mabuti yang bata
mo pag di ako makapagpigil diyan pag pifiestahan sya ng mga daga sa estero.
Unti unting naimulat ni Kelvin ang mga mata ng mga batang
kasamahan nila. Na hindi tama ang ginagawa ng big boss nila. Na gawin silang
isang pusakal na mag nanakaw tulad nito. Kaya naman nag pasya si Kelvin na
isumbong sa mga police ang kanilang sindikato.
Dahil kay Kelvin nabuwag ang sindikato. Kaya ganoon na lang
ang galit nito kay Kelvin. Halos mapatay na nang big boss nila si Kelvin. Tanaw
na tanaw ni Mando na barilin ito at napahandusay . Ang pag susumbong niya sa
police. Ito ang naging daan para mawala si Kelvin. Kitang kita niya sa malayo na tinamaan ito ng
baril . Ganoon na lang ang iyak ni
Mando. Pakiramdam niya namatayan siya ng isang super hero ng buhay niya. Nawala ang kaisa isang
itinuring niyang kapatid. Ang nag palasap sa kanya kung ano talaga ang tunay na
pag mamahal. Hindi maubos ubos ang luha niya sa sinapit ni Kelvin. Lingid sa
kanyang kaalaman humihinga pa ito.
Ito ang nag bigay sa
kanilang kalayaan . kaya naman ang mga bata kasamahan nila dinala lahat sa bahay
ampunan kabilang si Mando. Dito na nag
umpisa ang magandang buhay. Sa bahay ampunan doon naalagaan sila kumakain sa
oras laging malinis ang katawan. At higit sa lahat nakakapag aral na sila.
Hindi nag tagal mayroon umampon kay Mando . Buhat noon
gumanda na ang buhay nito. Mahal na mahal siya ng umampon sa kanya. Pero di
niya makakalimutan ang mga araw na kasama niya si Kelvin. Ito ang nag bigay sa
kanila ng maganddang pag kakataon . Hindi niya sasayangin ang pag bubuwis ng buhay
ng kanyang kapatid kahit hindi niya ito tunay na kapatid.
Lingid sa kaalaman ni Mando .mayroon nakakita kay Kelvin
tinulungan ito at saka inampon. Itinuring na isang anak. Binigyan ng magandang
kinabukasan. Na hindi naman pinag hihhinayangan kasi lumaking napakabait na
bata at mapag mahal. Hindi lang yon lagi pang nangunguna sa kanilang klase.
Mayroon isang bagay nabago kay Kelvin. Wala siyang maalala
sa naging buhay niya bago siya mapulot ng mga umanpon sa kanya. Ang alam lang
niya halos agaw buhay na siya at may tama ng baril. Kung bakit at papaano hindi
na niya matandaan. Ang sabi ng doctor sa sobrang troma na inabot niya kusang
isinarado ng kanyang utak ito. Kaya wala siyang maalala. Panahon lang ang
makakapag sabi kung babalik pa ang alala niya.
Mabilis lumipas ang mga araw taon . ngayon mag tatapos na ng
kolehiyo si Kelvin na mayroon mataas na karangalan. Isa siya sa natatangin
studyante sa kanilang university. Tuwang
tuwa ang kanyang itinuturing na mga magulang. Hindi sila nag sisi sa pag ampon
dito. Hindi lang isang mabait na anak kundi isang mapag mahal.
Mag krus pa kaya ang landas nila Kelvin at Mando *****
ABANGAN*****
No comments:
Post a Comment