HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 3
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Tuwang tuwa ang mga umampon kay Kelvin. Nag tapos na may
karangalan ang tinuturing nilang anak. Hindi sila nag sisi sa pag kupkop nila
dito. Napapaisip si Kelvin siguro mas masaya siya kung ang tunay niyang mga
magulang ang kasama niya ngayon sa mahalaga at masayang yugto ng buhay niya. Sana
sa kanila niya iaalay ang mga karangalang kanyang tinanggap ngayon araw na ito.
Siguro matutuwa sa kanya ang kanyang ina’t ama sa pag aabot niya ng kanyang
diploma. Hindi niya maiwasan isipin ang kanyang mga magulang. At sabay tanong
bakit siya pinabayaan ng mga ito.
Pag katapos ng graduation sa isang sikat na restaurant sila
tumuloy. Isang masaganang hapunan ang kanilang pinag saluhan. Ngayon tapos ka
na Kelvin ano na ang plano mo.
Pinag iisipan ko pa po kung alin sa mga offer sa akin ang
tatanggapin . marami rami din naman po yong malalaking company na nag padala .
di palang po ako nakakapag desisyon. Lahat po kasi maganda agad ang magiging
posisyon ko.
Sabagay ikaw nga yong mag graduate ng suma cum laude kung di
ka putaktihin ng offer . hindi lang yon ikaw ang isa sa mga
nag top sa board exam. Wala na talaga kaming mahihiling pa syo. Sobra sobra
pa ang ibinigay mo sa kahilingan naming mag aral kang mabuti.
Dahil dyan siguro tama lang ang ibigay naming regalo sa iyo
ang katotohanan. Ang lihim ng iyong pag katao. Lingid sa iyong kaalaman anak. Pinaimbistigahan
namin ang tunay mong pag katao. Saan ka nag mula at ano talaga ang nangyari sa
iyo noong araw na aming kang natagpuan sugatan at nag aagaw buhay. Nakita ng mag asawa ang kislap sa mga mata ni Kelvin.
Talaga po alam na ninyo kung sino talaga ako? Sa wakas hindi
na isang puzzle ang aking pag katao.
Oo at sa palagay naming handa kana para harapin ang
katotohanan. Nasa tamang panahon na siguro . kaya lang di naming masabi sa iyo
noon ay baka di mo maunawaan kasi masyado ka pang bata. Ngayon nasa hustong
gulang kana siguro ito na nga ang tamang panahon.
Kung ganoon po kilala
ninyo ang tunay kong mga magulang at kung paano ako nabaril. At sino ang may
kagagawan noon.
Isang mahinang tango lang ang isinagot ang mama at papa
niya. Noong araw nakita ka naming sugatan at
walang malay. Iyon din araw na yon nabuwag ang isang grupo ng sindikato na nag kikidnap na mga bata at
ginagawang pulubi sa langsangan. Yong iba namamalimos, nag nanakaw at maging mandurukot. Dahil bata hindi mahirap sa kanila
na turuan ang mga ito. Hindi ka na naming ini report kasi ang akala nila
napabilang kana sa mga namatay at nasunog. Napag alaman din naming na ikaw ang
naging dahilan kung bakit nabuwag ang sindikato. Hindi lang yon galit na galit sa
iyo ang mga ito. Mayroon pang member ng sindikato nakatakas.at ang iba ay
nakakulong. Kaya nag pasya kami na
hayaan na ang akala nila na patay kana. Para dina muling manganib ang buhay mo.
Mayroon kang kasamahan na Mando ang pangalan hindi naming alam
kung kaibigan mo o kapatid. Sa pag iimbistiga lumabas na kaibigan mo lang ito
pero itinuring mong kapatid. Ang huli naming pag kakaalam mayroon din umampon
dito. At maganda na rin ang buhay niya.
Hindi lang yon ang regalo naming sa iyo. Ang tunay mong ama
ay sya nag mamay ari ng isang pinakamalaking mall . Ang iyong ina ay isang sales lady nasabing department
store. Ang bali balita noon nabuntis ang
iyong ina at ayaw panagutan ng iyong ama. Kasi that time mayroon nang pamilya
ito. Ayaw ng iyong ama na maiskandalo sya .
Ricky Ramirez ang pangalang ng iyong ama at Andrea Cruz
naman ang iyong ina. Siguro naman kilala mo ang iyong ama. Sya ang may ari ng
Ramirez company inc. Pero wala kaming
makuhang balita sa iyong ina. Ang huling tala aming nakalap noong mag karoon
ito ng car accident kasama ang nag iisang anak nito. Pero ayon sa balita
nawawala din ang batang ito.
Ngayon alam mo na ang buo mong pag katao ano ang plano
mo? Papa kailangan mapatunayan kong si
Mr Ramirez ang tunay kong ama. Ito ang aking tutuklasin. Isa ang Ramirez Company
Inc. ang nag offer sa akin ng magandang posisyon. Ngayon hindi na ako
mahihirapan pang mag desisyon kung saan
ako papasok.
Kelvin anak ano ang mga binabalak mo. Huwag na huwag kang
gagawa ng masama. Hindi ka naming pinalaki at binigyan ng magandang kinabukasan
para lang sirain mo dahil sa walang hiya mong ama na walang puso. Ipasa Diyos mo na lang ang
lahat. Hindi naman natutulog ito.
Humanda ka Ricky Ramirez pag babayaran mong lahat ang mga
ginawa mo sa aking ina at sa akin. Pag sisisihan
mo ang mga ginawa mo sa aming mag ina. Ipapalasap ko sa iyo ang lahat ng sakit
at pag hihirap na dinanas ng aking ina. At ang mga di mailarawang sakit noong
bata pa ako.
Kaya naman kinabukasan lumakad si Kelvin at nag punta sa
Ramirez Company upang tanggapin nito ang trabahong inaalok sa kanya. Mismo si
Mr Ricky Ramirez ang nag interview sa kanya. Bakit ganoon kahit kaunti wala
siyang mabakas na kahawig niya ito. Wala yong tinatawag nilang lukso ng
dugo. Kahit kumukulo ang dugo niya sa
kanyang ama nakukuha pa ring ngumiti dito. Kailangan makuha niya ang 100% na
pag titiwala ng sarili niyang ama. Na ni minsan hindi siya itinuring na anak. Nasa
sinapupunan palang siya ay inaayawan na siya nito.
Sige Kelvin bukas puede kanang mag simula sa trabaho mo. Tuwang
tuwa naman siya dahil walang kahirap hirap natanggap agad siya. At heto mag
uumpisa na siya bukas. Saan ka pa hahanap newly graduate kaagad isang department
ang hahawakan niya. Iba talaga ang nagagawa ng nag graduate na magna cum laude.
Pag uwi ni Kelvin tuwang tuwa sya noong ibalita niya sa
kanyang papa’t mama na tanggap na siya at mag uumpisa na siya kinabukasan. Masayang
masaya sila sa naging kapalaran ng kanilang anak. Pero hindi nila maialis ang
kaba sa kanilang dibdib. Hindi nila alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni
Kelvin.
Kinabukasan malakas ang ugong ng bulong bulungan sa Ramirez
Company Inc. kung sino ang bago nilang head department. Sino kaya ang bagong
promote sa mga kasamahan nila. Iisa lang naman ang napipinto at puede pumalit
sa dati nilang head department . matagal
tagal na rin ito kanang kamay ni Mr
.Santos siguro mahigit kumulang 2yrs na sa kanila department ang batang bata at
guapong si Mando.
Si Mando na nagsikap at nag aral na mabuti sa tulong ng
umampon sa kanya. Itinuring niyang tunay na ina ito. At ganoon din siya parang
isang tunay na anak ang turing sa kanya.kahit alam ni Mando na kahit anong
gawin niya hindi niya kayang palitan sa puso nito ang pag mamahal sa tunay
niyang anak na nawalay sa kanya at matagal na daw patay ang pag kakaalam nila.
Kaya naman siya ang inampon nito kasi alam niya na malapit
ito sa yumao niyang anak na si Kelvin. Yong ang buo nilang akala na matagal na
itong patay kasama sa mga nasunog noong mabuwag ang grupo ng mga
sindikato. Si Andrea Cruz ang umampon at kinikilalang ina ni Mando. Na siyang tunay na
ina ni Kelvin. Na ngayon na siyang makaka agaw ni Mando sa posisyon kanyang
pinapangarap. Gusto niya ang posisyong
iiwanan ni Mr Santos. At matagal tagal na rin syang tinuturuan ni Mr
Santos kung saka sakaling mag retiro na
siya si Mando ang gustong niyang pumalit
sa kanya. Ito lang ang kanyang napipisil na puedeng pumalit sa posisyon iiwanan niya.
Subalit noong dumating si Kelvin at Mr Ricky Ramirez at
inanunsyo na ang bago nilang head department ay walang iba kundi si Kelvin. Hindi
mapigil ang mga bulong bulungan ng mga empleyado bakit iba ang inilagay ni Mr
Ramirez bakit hindi si Mando. Bagsak ang balikat ni Mando ang inaasahan niya na
siya ang ma pro promote bilang head. Akala niya pag uwi niya makapag mamalaki
na siya sa mommy Andrea niya. Pero iba ang inilagay ng may ari. Kaya naman
laking panghihinayang ang nadama niya.
Ngayon mag kakasama na sa isang company si Mando at Kelvin
babalik kaya ang dati nilang samahan/ makikilala pa kaya nila ang isa’t isa?
*****ABANGAN*****
No comments:
Post a Comment