HUWAG MO AKONG MAHALIN
chapter 6
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Lumipas ang maraming araw , linggo at buwan hindi nagsawa si
Alice sa pag paparamdam kay Kelvin na
mahal niya ito. Pero ganoon pa rin ito sa kanya malamig pero
nararamdaman naman niya na may care ito sa kanya. Kaya naman naguguluhan siya
sa kung ano talaga ang saloobin nito sa kanya. Tulad kanina sa may parking lot
pag baba niya sa kanyang car hindi siya tumitingin sa dinaraanan niya mayroon
kasi siyang kinakalikot sa kanyang bag. Hindi niya napansin ang paparating na
sasakyan na muntik na siyang mabundol nito. Nandoon si Kelvin para I save siya
sa muntikan niyang aksidente.
Doon ramdam na ramdam niya ang pag aalala nito sa kanya. Pakiramdam
nga niya para siyang babasaging cristal kung pangalagaan at ingatan. Ang kanyang yakap at titig ng mga sandaling iyon habang siya
inililigtas sa aksidente. Para bang
punong puno ng pag aalala at pag
mamahal. Tumatagos sa kaibuturan ng kanyang puso. Halos mag dikit na nga ang
kanilang mga labi.
Ipinikit ni Alice ang kanyang mga mata at kanyang iniintay na mag lapat ang
kanilang mga labi. Pero walang labing lumapat sa kanyang mga labi bagkus isang nakakabinging salita
ang narinig niya. Sa mga labi nito. Anu ba Alice bakit ba kung mag lakad ka ay
tatanga tanga ka. Kung di ko naagapan nabundol ka ng sasakyan ng isang tatanga
tangang driver. Sa susunod kasi kung
tatawid ka mag iingat ka at huwag yong kung ano ano ginagawa mo.
Sa kanyang narinig para siyang napahiya sa kanyang sarili .
para makabawi sa masasakit na salitang binitiwan ni Kelvin isang malakas na
sampal ang dumapo sa mukha nito. Sabay sabi bitiwan mo nga ako. Para kang
nakakaloko niyan hanggang ngayon yakap yakap mo ako. Anu ka sinasamantala mo
ang pag kakataon para mayakap mo ako. Dahil doon bigla siyang binitawan nito. Kaya
naman muntik na siyang mapasalampak sa
semento.
Gigil na gigil si Alice
pero sa totoo lang may kilig siyang naramdaman sa pang yayari. Iyong isipin na halos mag lapat na ang
kanilang mga labi. Amoy na niya ang hininga nito. Sayang sana hinalikan na siya
nito. Hindi naman siya tatangi. Bagkus tatanggapin niya ng taos puso. Siguro siya na ang
pinakamaligayang babae kung nag kataon. Isang matamis na ngiti ang namutawi sa
kanyang mga labi. Sayang talaga, mayroon din kaya pag mamahal sa kanya si
Kelvin? Natatakot lang dahil mag kaiba ang mundo aming ginagalawan.
Samantala si Kelvin sinisisi ang sarili. Ano ba ang pumasok
sa isipan mo at muntik mo nang halikan ang kapatid mo! Ang paninisi ni Kelvin
sa kanyang sarili. Bakit ba pag dating
sa kanya nasisira ang pag control sa iyong sarili. Bakit hindi isang pag
mamahal ng isang kapatid ang nararamdaman mo
sa kanya. Sabi ng kanyang isip
pero ang puso niya iba ang idinidikta. Mahal na mahal niya ito. Hanggang kailan
niya kayang kalabanin ang nadarama ng
kanyang puso.
Kailangan kausapin na niya si Alice na ibaling sa iba ang
nararamdaman nito. Hindi sila ang para sa isa’t isa. Kailangan tapatin na niya
ito para mabaling sa iba ang kanyang nararamdaman. Baka umasa siya na mag
kakaroon ng katuparan balang araw ang nadarama niya para sa akin. Kaya naman
nag lakas loob si Kelvin na tapatin na si Alice. Kumakatok si Kelvin sa opisina
ni Alice panay ang buntong hininga niya. Kaya ba niyang saktan ang babae ito. Alam
na alam niya sa puso niya kung maaari
huwag makaramdam ng sakit at pighati ang babaeng pinaka mamahal niya. Pero kailangan tapatin na niya
ito. Para hindi masaktan lalu pag dating ng araw.
Noong makita ni Alice na si Kelvin ang bisita niya sa
kanyang opisina. Parang lumundag sa tuwa ang puso niya. Ano kaya nakain ng
lalaking ito at naisipan siyang dalawin
sa kanyang opisina. Matagal tagal na rin
siya dito pero ngayon lang siya sinilip nito .
kaya naman siya nag papakahirap mag opisina araw araw para lang mapansin
siya nito. Alam na alam ng papa niya na wala siyang balak mag trabaho. Noon kahit
anong pilit nito na pag aralan ang pag papatakbo ng kanilang negosyo lagi
niyang tinatanggihan. Pero eto siya nag oopisina at siya pa ang humiling sa
papa niya na mag tratrabaho siya. Kahit nag
tataka hindi na nag dalawang isip ito na bigyan siya ng mataas na posisyon sa
kanilang company. Hindi naman nag sisi ang papa niya sa pag bibigay sa kanya ng
nasabing posisyon kasi ginagawa naman niyang ang lahat para magampanan ang
posisyon niya. Para mapansin ni Kelvin
ang kanyang kakayahan.
Ayaw niyang isipin nito na abo ang laman ng kanyang ulo. Nakikipag
tagisan siya ng talino dito. Alam niya ang gusto ni Kelvin sa babae yong may laman ang utak . kaya naman ginagawa niya
ang lahat para hindi siya mapahiya dito.
Sadya namang may angking galing at talino si Alice pag dating sa
negosyo. Yong nga lang may pagka spoil
brat kung minsan.
Malalim ba ang iniisip mo papansin ni Kelvin . Ano ba ang kailangan mo at naligaw ka sa
opisina ko? Alam ko naman na iniiwasan mong magawi dito. Kung hindi importante
hindi mo ako papasyalan dito sa opisina ko. Oo tama ka mayroon akong
importanteng sasabihin sa iyo. At sana maintindihan mo ako kung ano at bakit.
Sabihin mo at pilit
kong iintindihin kung anoman ito. Alam ko magiging masyado akong rude sa iyo
pero kailangan sabihin ko ito para hindi ka umasa at masaktan pag dating ng
panahon. Mmmm bakit naman ako masasaktan? Alice kung maaari ay HUWAG MO AKONG
MAHALIN! Hindi dapat at masasaktan ka
lang . kaya hanggang maaga pigilan mo ang puso mo na mahalin ako. Dahil hindi
mag kakaroon ng katuparan ito kahit kailan. Huwag mo nang itanong bakit ko nasabi ito. Basta ilagay mo
sa iyong isipan at sa puso mo na hindi ako karapat dapat sa iyong pag mamahan. Huwag
na huwag mo akong mahalin masasaktan
kalang pag dating ng araw.
Dahil sa sinabi ni Kelvin sa kanya hindi lang pag kapahiya
sa kanyang sarili ang naramdaman niya kundi nanliit siya. Ganoon ba ang dating
niya sa lalaki ito. Masyadong haling sa pag mamahal dito. Halata ba masyado na
mahal na mahal niya ang lalaki. Ano nga
ba ang kulang sa kanya at hindi siya kayang mahalin nito. Hindi niya akalain na
tatapatin siya ng ganito. Sadya bang
mahirap siyang mahalin? Bakit kasi siya pa ang minahal ng puso niya. Kay dami
namang lalaki diyan. Na gustong masungkit ang matamis niyang oo. Pero eto si
Kelvin harap harapan sinasabi sa kanya na huwag ko siyang mahalin.
Layas lumayas ka sa opisina ko! Pumunta ka lang dito para
sabihin sa akin na napaka tanga ko . nag kakagusto sa iyo at sino ka para
sabihan ako ng ganyan? Sino ka ba para insultuhin ako ng ganito ? ano ang
ipinag mamalaki mo at nakaya mo akong ipahiya ng ganyan? Alis ! ka na ayaw kong makita yang pag
mumukha mo! Sino ba siya para sabihan
akong huwag ko siyang mahalin!
Hindi mapigil ni Alice ang pag agos ng kanyang mga luha. Umiiyak
ba siya dahil nasaktan siya sa sinabi ni Kelvin o dahil hindi pa man wala na
siyang pag asa sa pag ibig nito. Alin nga ba ang totoong iniiyakan niya. Aminin
man niya sa hindi ang pag agos ng kanyang mga luha ay dahil sa pag kabigo niya
sa pag ibig ni Kelvin. Kaya niyang tanggapin ang lahat ng masasakit na salita
galing dito. Pero ang katotohanang wala na siyang pag asa sa pag mamahal nito
hindi niya kayang tanggapin.
Nag sisiman si Kelvin sa ginawa niya pero wala siyang
magawa. Ayaw man niyang saktan ang nag iisang babae na nag patibok ng puso niya
wala siyang magawa. Ayaw niyang mag kasala sa mata ng Diyos. Kapatid niya sa
ama si Alice . bakit ba siya pinaparusahan ng ganito. Ano nga ba ang nagawa
niya bakit kailangan niya masaktan ng
labis labis ang babae minahal niya ng wagas.
Ilang araw hindi
pumasok si Alice sa kanyang opisina. Tinatanong siya ng kanyang papa bakit
hindi siya pumapasok. Lagi niyang sagot tinatamad siya. Hindi naman siya
mapilit ng papa niya . alam nito pag ayaw niya walang nakakapilit sa kanya. Hindi
naman niya masabi ang tunay na dahilan. Baka pag buntunan ng galit ay si
Kelvin. Kahit sinaktan nito ang puso niya ang kapakanan parin nito ang iniisip
niya.
Samantala hindi na mapakali si Kelvin nag aalala na siya sa
hindi pag pasok ni Alice. Hindi niya alam kung ano na ang nag yayari dito. Gustong
gusto na niyang tanungin ang papa nito kung bakit hindi pumapasok si Alice. Sinisisi
niya ang sarili sa mga pangyayari.hindi niya malaman ang gagawin mag tetext
siya pero di naman niya ma I send. I dial
niya ang numero ng telephone pero di niya mapindot ang call. Alalang alala na talaga siya. Para siyang
manok na di mapangitlog. Hindi siya mapakali sa opisina niya.
Kaya naman pati trabaho niya hindi siya makapag concentrate .
masissiraan yata siya ng ulo pag hindi niya malalaman ang kalagayan ni Alice. Mis
na mis na niya ito gusto na niya itong makita. Ano ang gagawin niya. Total hindi
siya makapag trabaho ng maayos naisipan niyang mag lakad lakad muna. Mag ikot ikot
baka sakali mawala sa isipan niya si Alice.
Samantala ganoon din si Alice bored na bored na siya sa
bahay . ilang araw na rin siyang nag kukulong sa kanyang kuwarto. Kaya naman
naisipan niyang mag ikot ikot para makapag isip ng tuwid. Baka sakali luminaw
ang utak niya kung makakasagap siya ng sariwang hangin. Hindi niya akalain ang
makakasalubong niya sa kanyang pag lalakad ang lalaking hinahanap ng puso niya
na ayaw niyang makita . Ganoon din si Kelvin hindi niya inaasahan ang hinahanap hanap ng
puso niya sa pag lalakad niya doon lang pala niya makikita.
Hindi napigil ni Kelvin ang puso niya sa kasabikan makita si
Alice . kaya naman sabik na sabik siyang niyakap ito. Parang kay tagal
nilang hindi nag kita. Gulat na gulat man si Alice sa ikinikilos ni
Kelvin ay hinayaan niya ito. Sapagkat ang puso niya tigib din ng tuwa sa
pinapamalas ni Kelvin. Hindi niya akalain na mis din siya ng lalaking ito .
noong mahimasmasan ito saka nag sorry . kung nasaktan man kita hindi ko
sinasadya. Naging makatotohanan lang ako.
Hindi tayo puede , bakit nga di tayo puede?
Bakit hindi ka na
pumapasok? Ako ba ang dahilan? Mmm masyado naman yata lakas ng kompiyansa mo sa
iyong sarili? Nag pahinga lang ako nag bakasyon iniisip mo na agad dahil sa iyo? Sino ka ba para maging dahilan
ng hindi ko pag pasok sa trabaho? Kung ganoon papasok kana bukas? Ang tanong ni
Kelvin. Oo naman tapos na kasi ang bakasyon ko. Ikaw ano ginagawa mo dito oras
ng trabaho ahh! Mayroon lang akong bibilhin kaya ako nandito. Hindi masabi ni
Kelvin ang totoo. Kaya siya nandoon
dahil sa kanya. Hindi siya makapag
trabaho ng maayos ng dahil kakaisip sa dalaga. Kaya siya nag papalipas ng oras
sa mall. Ohh ! sige balik na ako sa opisina. See you tomorrow sa office. Isang tango
lang sinagot ni Alice.
Magaang na ang dibdib ni Kelvin sa pag balik niya sa
opisina. Sa pag kikita nila ni Alice sa mall parang laking ginhawa ang kanyang
naramdaman. Ano nga ba mayroon ka Alice nagugulo mo ang mundo ko? Isang sulyap
lang muli mong naayos ang takbo ng buhay ko. Bakit ikaw pa kay dami naman dyan?
Hanggang kailan kakayanin ni Kelvin sikilin ang nararamdaman niya para kay
Alice*****ABANGAN*****
No comments:
Post a Comment