Friday, March 1, 2013

LOVESTORY "MHARA"

LOVE STORY “MHARA”
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
                Sa edad  biente singko noon lang  natutung tumibok ang kanyang puso. Hindi naman ito ang unang lalaking lumigaw sa kanya. Katunayan maganda si Mhara sa murang edad marami na ang nag tangkang ligawan siya. Sabi nga ng kanyang ina noon may gatas pa ang kanyang mga labi. Pero ano magagawa niya kung ang mga lalaki ang lumalapit sa kanya para siya suyuin. Pero hindi niya pinapansin ang mga ito. Iisa lang ang itinitibok ng kanyang puso.
               Si Armand ang lalaki kanyang itinatangi. Ewan ba niya sa lahat ng lalaki bakit siya pa ang gusto niya. Anak mayaman si Armand pero carefree ito sa lahat ng bagay. Mahilig sa motorsiklo. Marinig lang niya ang malakas na ugong ng motor nito bakit kumakabog na ang kanyang dibdib. Kilalang kilala niya ang ugong ng motor ni Armand. Kahit minsan hindi naman sa kanila ang punta nito mapapadaan lang sa tapat ng kanilang bahay. Irerebulusyon pa nito ang kanyang motor. Para bang sinasabing Mhara eto lang ako.
               Napapapikit siya sabay usal ng isang dalangin na sana patnubayan siya ng Panginoon Dios sa kanyang pag mamaneho. Para kasi niyang nakini kinita na humahagibis nanaman ito sa kahabaan ng kalsada. Akala mo siyang  laging nag mamadali at may hinahabol. Pag sumasagi sa kanyang isipan ang mga na aaksidente sa motorsiklo kinikilabutan siya.Ilan na nga ba ang  nasaksihan niya aksidente sa motor.
              Kahit pa naka helmet siya. Possible pa rin siyang mamatay kung malakas ang pag kakahagis niya galing sa motorsiklo. Hindi lang naman head injuries ang ikinakasawi ng mga nag momotor. Mayroon dyan after ng aksidente nag kakaroon ng internal hemorrhage. Sa bilis nitong mag patakbo hindi siya titirhan ng buhay pag na aksidente siya. Ito ang isang inaayaw niya kay Armand.
              Parang kay hirap mag mahal sa isang lalaking masyadong mapangahas. Para bang tuwing maiisip mong naka sakay si Armand sa kanyang motorbike kinikilabutan siya. Bakit ba gustong gusto niya nakikipag laro kay kamatayan. Hindi niya maintindihan bakit mayroong mga tao na nag eenjoy makipag laro kay kamatayan. At isa na dito si Armand.
             Ewan ba niya kahit ganito si Armand ito pa rin ang itinitibok ng kanyang puso. Kahit sabihin ng kanyang utak hindi ito ang tipong lalaki ang gusto niya. Pero siya pa rin ang isinisigaw nito. Kung puede nga lang turuan ang puso matagal na niyang tinuruan ito na huwag si Armand ang kanyang mahalin. Ang dami naman diyan na nangangarap na masungkit ang kanyang pag mamahal.
              Si Nick isa sa kanyang manliligaw. Ito ay kabaliktaran ni Armand. Si Nick kung kumilos ay parang nakatungtong sa numero. Lahat nasa lugar nasa schedule. At regular ang pag akyat ng ligaw. Tatawag muna bago dumalaw. Laging may bitbit na chocolate o bulaklak. Magalang sa lahat ng nakakatanda sa kanya.
              Maingat sa pag mamaneho di tulad ni Armand. Laging nasa speed limit kung mag maneho. Pag dito ka nakasakay makukuha mong matulog. Kung ma aaksidente siya siguradong may driver na reckless. At masisigurado mong buhay pa rin siya laging nasa speed limit lang siya  kaya naman feel mo na secure ka pag si Nick ang kasama mong driver.
              Sabi ng puso ni Mhara si Armand ang mahal niya. Pero sabi ng isipan niya si Nick ang dapat niyang sagutin. Kung pinapahalagahan niya ang kanyang magandang kinabukasan. Kaya naman kahit sino sa kanila hindi niya mabigyan ng pag asa sa kanyang pag mamahal.  Madalas masabi ni Mhara sana dalawa ang puso ko. Maturuan niyang mahalin si Nick. Kasi sabi ng kanyang isipan ito ang dapat. Para sa magandang kinabukasan.
               Alam din niya sa dalawa si Nick ang nakakalamang. Ito kasi ang gusto ng kanyang mga magulang para sa kanya. Ito daw ang mas responsible. Magiging isang huwarang asawa. Sigurado daw na maganda ang magiging kanyang kinabukasan. Samantala kay Armand temperamental kay daling uminit ang ulo. Maigsi ang pasensya.  Pero siya ang itinitibok ng kanyang puso. Kung puede lang turuan ang puso tinuruan na niya na si Nick ang mahalin nito. Nasa kanya na kasing lahat ang hinahanap niya sa isang lalaki. Pero ano magagawa niya si Armand ang itinitibok ng kanyang puso. Pero ayaw ng kanyang isipan dito. Hindi niya kayang isugal ang magiging kinabukasan niya sa piling ni Armand.
             Kaya kahit tutol ang kanyang puso kinausap niya si Armand. Tinapat niya ito na wala ng aasahan sa kanya. At sinabi niya na balak na niyang sagutin si Nick. Sinabi rin niya” gusto ko ang isang successful marriage” At si Nick ang inaakala niyang makakapag bibigay nito. How about your feeling? Ang balik na tanong ni Armand sa kanya. Alam mo at alam ko aking nararamdaman hindi siya ang laman ng iyong puso. Ako ang nandiyan ang diin ni Armand kay Mhara. Bakit siya ang pinipili mo bakit hindi ako.
             Parang naumid ang kanyang mga dila. Walang lumabas sa kanyang bibig ni isang salita. Para kang sinaunang tao. Nag papakasal dahil sa dikta ng pag kakataon hindi dahil sa kung ano ang itinitibok ng puso. Palagay mo ba magiging maligaya ka kung sundin mo ang iyong isip? At hindi ang iyong puso? Ibig tumulo ang kanyang mga luha. Pero pilit niyang pinigil ito ayaw niyang Makita ni Armand na nag uunahang pumatak ang kanyang mga luha. Kaya tinapos na niya ang kanilang pag uusap.
             Walang imik naiwan si Mhara nakaupo sa kanilang sofa. Nanatili siyang nakaupo doon ng mahabang oras. Para bang pinatay na niya ang pag tibok ng kanyang puso ng mga sandaling yaon. Napakasakit pala kapag ang iyong binigo ang siya mong tunay na minamahal. Pero sadyang malakas ang hatak ng kanyang utak. Sinasabi nito na tama lang ang kanyang ginawa.
              Kay Nick hindi niya  dadanasin ang takot na mawalan ng minamahal. Kasi kay Armand tuwing sasakay sa kanyang motorsiklo para bang lagi siyang nakikipag laro kay kamatayan. Na tuwing sasakay sa kanyang motor kakabog ang kanyang dibdib. Walang katapusang hamon ng buhay ang kanyang haharapin sa piling nito kung siya ang makakatuluyan. Samantala kay Nick kasigaraduhan ang kanyang makakamit ….stability.
               Kaya naman ang bulong ni Mhara sa kanyang sarili di bale ng masaktan siya ngayon. Basta tama ang kanyang naging desisyon. Na piliin si Nick. Isang matatag at magandang bukas ang kapalit nito. Kaya buo na ang kanyang desisyon na sa muling pag akyat ng ligaw ni Nick ibibigay na niya ang kanyang matamis na “oo”.
             Dumating ang muling pag dalaw ni Nick sa kanya. Katulad nag daan pag akyat ng ligaw nito. Nasa oras kung ano ang sinabi niya noong tumawag para ipaalam sa kanya na darating siya. Katulad pa rin ng dati tuwing aakyat ng ligaw mayroong siyang bitbit na bulaklak at chocolate. Hindi nawawala ang mga ito tuwing darating si Nick.  Masyadong predictable ang mga kilos at galaw ni Nick. Parang de numero ang bawat galaw niya. Laging nasa schedule. Ito ang klaseng buhay ang gusto niya ang may katiyakan may dereksyon tinatahak.
              Pinag handaan na ni Mhara ang araw na ito. Ngayon na niya sasagutin ito. Pero bakit ganoon hirap na hirap ang kanyang kalooban gawin ang nararapat. Hindi yata niya kayang makasama sa buong buhay niya ang isang lalaking hindi niya minamahal. Kundi isang security lang ang dahilan kaya niya ito sasagutin. Sino nga ba ang makakapag sabi kung ano ang ating magiging bukas. Kahit anong pag hahanda ang gawin natin kung hindi ito ang talagang guhit ng ating palad hindi ito magaganap.
               Natapos ang oras ng dalaw ni Nick hindi nabitawan ni Mhara ang matamis niyang oo para dito. Ayaw ng kanyang puso. Kahit ang isip niya idinidikta na sagutin na niya ito ang bagay sa kanya. Ito ang lalaking pinapangarap niyang maging asawa. Pero bakit ganoon ayaw ng kanyang puso. Kaya naman umuwi si Nick na hindi pa rin nakakamit ang pag mamahal ni Mhara.
               Walang maramdamang pag hihinayang si Mhara kung bakit di pa niya sinagot si Nick. Mas inaabala pa siya ng isipin nasaan an kaya si Armand ngayon. Buhat noong bastedin niya hindi na niya ito nakita. Na mis na niya ito. Hinahanap hanap niya kahit ang munting pag busina ng motor sa tapat ng kanilang bahay.  Ang mga pag flying kiss nito sa kanya tuwing matatapat sa kanila.
               Bakit kasi hindi niya maramdaman ang magic kay Nick. Na tulad ng siya niyang nararamdamn kay Armand. Na marinig lang niya ang ugong ng motorsiklo nito para bang may kung ano siyang sikdo sa kanyang puso. Ang makatabi lang niya sa upuan ang dugo at laman niya parang  pinakukuluang sa mainit na kalan. Ganito katindi ang dating ni Armand sa kanya.
              Ang matitigan lang siya nito namumula na ang kanyang mukha at pakiramdam niya nag lalamig ang buo niyang katawan. Bakit mag ka opposite ang effect ng nararamdaman niya sa dalawang lalaking ito sa kanya. Hindi niya kayang makasama si Nick habang buhay. Paano siya liligaya sa feeling ng isang lalaki na di naman tinitibok ng kanyang puso. Kahit na magandang bukas ang alay nito sa kanya.
             Paano na ngayon binasted na niya si Armand. Hindi naman niya kayang sagutin si Nick. Yong ibang nanliligaw wala naman siyang napipisil. Bahala na mag iintay na lang uli siyang suyuin ni Nick. Iintayin niya muli lumapit ang lalaking kanyang minamahal. Bahala na haharapin niya na lang ang kanyang kinakatakutan. Malay baka mag bago ng kanyang isip at maging isang tunay na maginoo si Armand. Baka pag sila na iwasan na nito ang sobrang pag momotorsiklo.
             Pero lumipas ang mga araw linggo at buwan wala ng Armand na dumadalaw sa kanya. Wala na rin yong mga ugong ng motor sa tapat ng kanilang bahay. Wala na rin yong Armand na laging kumakaway sa kanya tuwing dumadaan ito sa tapat ng bahay nila. Sobra na niyang na mis ang lalaking itinitibok ng kanyang puso. Anu ang kanyang gagawin ?
            Hindi niya namamalayan pag iniisip niya sa gabi si Armand tumutulo napala ang kanyang mga luha.  Naitatanong niya sa kanyang sarili bakit nakuha niyang saktan ang sarili niyang damdamin. Mag sisi man siya ngayon paano pa niya maitutuwid ang ginawa niya. Paano niya maaamin kay Armand na mali siya. Mali ang kanyang paniniwala. Nasaktan na niya ang lalaking kanyang pinakamamahal. Sadyang nasa huli ang pag sisisi.
            Mag sisi man siya ngayon wala na. hindi na maibabalik ang nagawa na niya. Nasaan na si Armand bakit hindi na ito nag papakita sa kanya. Iniiwasan na ba siya nito? Nawalan na ang kulay ang kapaligiran kay Mhara. Si Armand pala ang nag bibigay kulay nito.
            Lingid sa kaalaman ni Mhara nag abroad pala ito para makalimot. Pinili niyang lumayo kesa makita niyang may ibang kasamang lalaki ang babaeng kanyang nililiyag. Isa sa mga kaibigan ni Armand ang nakapag sabi sa kanya nag abroad ito. Kaya naman kinuha niya ang contact number nito at address. Si Mhara na ang gumawa ng paraan para mag karoon sila ng communication.
           Laking gulat ni Armand na tawagan siya ni Mhara. Napalundag sa tuwa ito noong marinig ang boses ni Mhara. Wala siyang pinanabikan kundi ang muli niyang marinig at makasama ang babae laman ng kanyang puso’t isipan. Nag kamustahan at nalaman na rin ni Armand na single pa rin si Mhara. Wala pa rin kahit kasintahan. Muli nabuhayan ng loob si Armand upang ipag patuloy ang muling pan liligaw kay Mhara.
            Ngayon sa muling pag kakataon hindi na palalampasin ni Mhara. Hinding hindi na niya bibitawan ang lalaking nag papasaya sa kanya. Ang lalaking kanyang minamahal. Hindi na niya muling paparusahan ang kanyang sarili. Sa pag kakataong ito hahayaan na niyang maging masaya na siya. Susundin na niya ang kanyang puso. Bahala na ipababatid na lang niya kung bakit siya umayaw noong una. Malay niya sa pag tratrabaho ni Armand sa ibang bansa matutunan niya kung paano pahalagahan ang kanyang buhay.
              Hindi akalain ni Armand kung kailan siya malayo saka niya makakamit ang pag ibig ni Mhara. Naging doble ang pag susumikap at pag iingat niya sa kanyang sarili. Para sa pag dating ng araw na muli nilang pag kikita ni Mhara. Ang nag iisang babae sa buhay niya.
              Kahit ngayon long distance relationship ang mayroon sila pinatitibay ng pag mamahal nila ang bawat isa. Kaya nilang harapin ang mga pag subok na mag dadaan basta alam nila na mahal na mahal nila ang bawat isa. Sa muling pag babalik ni Armand sa Pilipinas mag papakasal na sila at bubuo ng isang masaya pamilya.
              At muling gumanda ang kulay ng kapaligiran ni Mhara. Talagang si Armand lang ang nag papasaya at nakapag papaligaya sa kanya. Kay sarap ng pakiramdam na sundin kung ano ang itinitibok ng iyong puso. Sa ngayon alam na ni Mhara ang mag mahal ay parang sugal. Kailangan tumaya ka para ikaw manalo. Kailangan itaya mo ang pag ibig para makamtam mo ang bunga nito.
               Para maramdaman mo kung ano ang tunay na pag mamahal. Kailang itaya mo ang iyong kinabukasan. At sigurado kung tunay ang nararamdamn doon mo makikita ang kaligayahan iyong hinahanap. Kung ang pag suyo ay may katugong pag mamahal at pag ibig na tapat at wagas.
               Unti unti nakikita ni Mhara nawala na ang dating Armand yong carefree. Yong mainitin ang ulo at yong mahilig sa motorsiklo. Isang responsible  na Armand ang nakikita niya sa pananalita nito. Iba talaga ang nagagawa ng nalalayo at nag trabaho sa ibang bansa. Sa totoo lang pati ako nagugulat sa aking malaking  pag babago ang sambit ni Armand kay Mhara.
             Hindi ko napapansin kailangan harapin ko ang sitwasyon na naaayon sa dapat ikilos. Dahil wala akong maaasahan dito sa ibayong dagat. Ganoon naman yata pag nalalayo ka sa pamilya mo at sa mahal mo sa buhay. Iingatan mo ang sarili mo para sa kanila. Para ok ka sa pag babalik mo sa piling ng iyong minamahal. Malaki ang naitulong sa akin ang pag tratrabaho ko dito , Mhara.  At higit sa lahat malaki ang papel mo sa buhay ko.
             Lingid sa kaalaman ni Armand napapangiti si Mhara habang sinasambit nito ang mga ito sa kanya sa kabilang linya. Kahit sa telephone lang sila nakakapag usap damang dama nila ang pag aalala ng bawat isa. Dama nila ang init nag kanilang pag mamahalan. Ilang buwan na lang ang kanilang iintayin at muli silang mag kikita muli ng personal.
             Sa muling pag babalik ni Armand mag papakasal na sila at bubuo ng isang masayang pamilya. At ipinangako ni Armand na mag babago na siya kakalimutan na niya ang mga nakagawian niya noon na ayaw ni Mhara. Pero mag momotor pa rin siya yong ngalang nasa speed limit na siya at dobleng pag iingat para sa kanyang minamahal.
              Akala ni Mhara hindi na mag kakaroon ng katuparan ang kanyang pag ibig. Nag intay lang ng tamang panahon. Ngayon wala na siyang iniintay kundi ang muling pag babalik ni Armand sa bansa. At sa araw ng kanilang kasal. Sa pag dating ng araw na iyon makukumpleto na ang kanyang kaligayahan. 
********THE END******** copyright by Rhea Hernandez March 1,2013********

No comments:

Post a Comment