Monday, April 29, 2013

LOVE STORY "CLARA MARIA"


 LOVE  STORY “CLARA MARIA”

NI RHEA HERNANDEZ

PINOY POEMS


               Lumaki sa hirap kaya naman nag susumikap siyang makatapos ng kanyang pag aaral. Dahil may angking kagandahan maraming kalalakihan ang nag tatangkang masunkit ang kanyang pag mamahal. Sadya sarado pa ang kanyang isipan sa tawag ng pag ibig. Kaya naman pati ang kanyang puso sumusunod sa kagustuhan ng kanyang isipan.  Nasa ikalawang taon na niya sa  kanyang kursong kinukuha. Nang makadaupang palad niya ang isang lalaki na sisira sa kanyang naipangako sa kanyang mga magulang.

               Kuntento na siya sa araw araw na routine ng buhay niya bahay school, school bahay. Iniiwasan niya ang mabarkada.  Pero isang araw sa kanyang pag mamadali nakabungguan niya ang isang lalaki. Ito ay walang iba kundi si Daniel. Hindi niya ito pansin pinulot niya ang lahat ng kanyang mga gamit na nabagsak sa lupa at mahina niyang inusal na sorry. Pag angat niya ng kanyang ulo saka palang niya napag masdan ang pag mumukha ng lalaking naka banggaan. Simple lang manamit pero mababakas mo sa kanya ang pag kasimpatiko nito.

                Sinabayan na niya ng talikod noong mapulot lahat ang gamit niya. Ma lalate na siya sa kanyang klase kaya lakad takbo ang kanyang ginagawa. Lumipas ang mag hapon hindi na niya naalala pa ulit si Daniel. Lingid sa kanyang kaalaman tumimo ang kanyang larawan sa isipan at puso ni Daniel. Nabihag ni Clara Maria ang pusong pihikan ni Daniel. Lingid sa kanyang kaalaman sinundan siya ng buong mag hapon. Inalam lahat nito ang kanyang schedule. Saan at anong oras ang pasok niya sa araw na yon. At lingid sa kanyang kaalaman pinag tanong na rin nito ang kanyang pangalan.

                Bago natapos ang araw na yon marami ng inpormasyon nakalap si Daniel tungkol sa babaeng kanyang nakabungguan ng araw na yon. Sabi niya sa kanyang sarili gagawin niya ang lahat mapalapit lang siya kay Clara Maria. Nag iisip na siya kung paano niya ito lalapitan sa susunod na mga araw. Kailangan pag handaan niya ito . ayaw niyang ma bokya pag inumpisahan niyang ligawan si Clara Maria. Nangingiti sa Daniel sa kanyang sarili hindi panga sila nag kakakilala panliligaw na ang nasa kanyang isipan.kailangan gumawa siya ng paaraan kung paano siya mag papakilala dito.

               Bakit siya  nahihirapan mag isip kung paano niya lalapitan si Clara Maria. Sa katotohanan hindi na niya kailangan ang mag effort. Sa loob ng campus kilalang kilala siya. Isa siyang sikat na basketball player. Siya ang nilalapitan ng mga babae at tinitilian ng mga ito . hindi alam ni Daniel hindi kabilang si Clara Maria sa mga kababaihang kanyang tinutukoy. Sapagkat ni minsan hindi nanood ng basketball ito. Wala siyang interest dito. Tutok si Clara Maria sa kanyang pag aaral at sa part time job niya.

               Gusto niyang makatapos agad sa pag aaral para makatulong sa kanyang mga magulang. Kaya naman noong lapitan siya ni Daniel ipinaramdam agad niya dito na hindi siya interesado . Parang pinag baksakan ng langit at lupa si Daniel.  Sa kauna unahang pag kakataon mayroong babae na hindi nasiyahan ng bigyan niya ng pansin . bagkus gusto pang layuan niya ito. Dahil dito lalung sumidhi ang pag nanasa ni Daniel na paamuin ang mailap na puso ng dalaga. Naniniwala si Daniel na” walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin”.

                 Lumipas ang mga araw naging regular na ang pag hahatid at pag sundo ni Daniel kay Clara Maria. Habang tumatagal nararamdaman na ni Daniel na unti unti ng nahuhulog ang damdamin ng dalaga sa kanya. Hindi na ito tulad ng ibong mailap. Ngayon nahahawakan na nito ang kamay ng dalaga. Pero ganoon parin hindi pa siya sinasagot alam naman na niya na may pag tingin na rin ito sa kanya.  Halata naman sa mga kinikilos ni Clara Maria. Kaya naman noong mag karoon ito ng magandang pag kakataon ninakawan niya ng halik. Sa gulat ni Clara Maria nasampal niya si Daniel at sabay iyak. Tumalikod ito at tangkang iwanan si Daniel. Pero naging maagap si Daniel nahawakan niya ito sa mga kamay.

                Iniharap niya  ang mukha  ni Clara Maria sa kanya. Kanyang nabatid na nag uunahang umagos ang luha ng kanyang iniirog. Niyakap niya ang dalaga at humingi ng sorry. At nangangako siyang hindi na niya muling uulitin ang kanyang kapangahasan. Sa nadinig ni Clara Maria sa tinuran ni Daniel at lalung humagulgol ng iyak. Sa pag tataka ni Daniel tinanong niya ito ano nanaman ang kanyang nagawang kasalanan at ayaw pa itong tumahan at bagkus lalu pang lumakas ang iyak.

               Sa panaglawang pag kakataon tinanong uli ni Daniel si Clara Maria bakit umiiyak pa ito. Paano naman hindi ako iiyak sabi mo hindi mo na uulitin.  Ito na ang una’t huling halik na mangagaling sa iyo.  Sa tinuran ni Clara Maria napahalakhak ng malakas si Daniel. Ang ibig mo bang sabihin sinasagot mo na ako niyan. Tinatangap mo na ang pag ibig ko. Tayo na mahal mo rin ako. Salamat sa nakaw na halik at binuksan ang pintuan para maging tayo na. hindi ka mag sisi sa pag tangap mo sa aking pag ibig. Ang usal ni Daniel. Ikaw lang ang babae sa buhay ko.

               Nakalimutan sandali ni Clara Maria ang kanyang pangako sa kanyang sarili na mag tatapos muna bago mag mahal. Naging masaya ang mga bawat araw na mag daan sa kanilang dalawa. Na ngarap na mag papakasal sila pag kapwa na sila mayroon magandang trabaho. Bumubuo sila ng isang perpektong pamilya balang araw. Isang pamilya na puno ng pag mamahal at pangarap. Malambing si Clara Maria ito ang naturalesa ng dalaga. Kaya naman lalung napapamahal ang dalaga kay Daniel.

               Ang buong akala ni Clara Maria kung mag mamahal siya at mag kakaroon ng BF masisira na ang kanyang pag aaral. Pero naging kabaligtaran ang nagyari lalu siyang naging inspirado sa pag aaral kaya naman nag taasan lahat ang kanyang grade.  Ngayon nasasabi niya masarap pala ang mag mahal. Para bang lagi kang  nasa mood. Parang kay daling dumaan ang mga araw. Walang hindi kakayanin kasi nga  in love. Kahit nahihirapan siyang pagsabay sabayin ang pag aaral , trabaho at sa kanyang kasintahan. Lahat ng ito nabibigyan niya ng mga kanya kanyang panahon.

                 Ang buong akala ni Clara Maria habang panahon na ang kanyang kaligayahan. Pero dumating ang isang araw na nag payanig sa kanilang relasyon. Hindi akalain ni Clara Maria magawa ni Daniel ang ganito. Maliban sa kanya mayroon palang kahapon ang binata. Bago si Clara Maria mayroon itong ibang kasintahan.  Na pinag sabay sila. Parang pinag takluban ng langit at lupa si Clara Maria. Hindi niya akalain na magagawang siyang lokohin ni Danniel. Ang lalaking unang niyang pag ibig. Ang kanyang unang halik naibigay niya sa isang lalaking wala palang pag papahalaga sa kanyang damdamin.

                 Sa kanyang natuklasan nabangit niya sa kanyang sarili na hindi na muling mag mamahal. Hindi niya matanggap na matapos niyang mag tiwala lolokohin lang pala siya. Lagi niyang tinatanong sa kanyang sarili sadya bang minahal siya ni Daniel o pina ibig lang siya dahil na saling nito ang pag kalalaki niya. Gusto lang niyang patunayan na isa siyang tunay na lalaki. Na puedeng mag syota ng dalawa ng sabay. Oo nga naman hahangaan siya ng kapwa niya lalaki. Na kaya niyang mag dala ng dalawang kasintahan.

                Hindi alam ni Clara Maria na mahal na mahal siya ni Daniel. Hindi pa lang siya nabibigyan nag pag kakataon makipag hiwalay sa una niyang kasintahan. Ayaw lang niya itong saktan. Kahit papaano maganda naman ang kanilang pinagsamahan. Minahal din naman niya ito. Dangan nga lang dumating si Clara Maria sa kanyang buhay. Natuklasan niya na mas mahal niya ito. Handa naman siyang tapusin na ang kanyang relasyon kay Jenny. Hindi pa lang siya nakakakita ng tamang tiempo. Hindi niya akalain na matutuklasan ito agad ni Clara Maria bago ang iniintay niyang pagkakataon.

               Labis labis ang pag hihinagpis ni Clara Maria. Hindi niya alam kung paano niya mapapatawad si Daniel. Ilang beses ng bumabalik ito sa bahay ni Clara Maria pero iniiwasan siyang harapin. Para mayroon siyang mukhang ihaharap kay Clara Maria dali dali niyang tinapos ang kanyang ugnayan kay Jenny. Noong una ayaw pumayag nito. Sapagkat mahal niya si Daniel. Pero wala magagawa si Jenny buo na ang pasya ni Daniel.  Mas mahal niya si Clara Maria

                Hindi alam ni Daniel na sobra sobra ang sakit naidulot nito kay Clara Maria. Hindi mailarawan nito kung gaano kasakit ang kanyang nararamdaman. Parang gusto na niyang mawalan ng pag asa sa buhay. Hindi niya akalain ganito pala kasakit pag nalaman niloloko ka ng taong iyong pinagkatiwalaan. Hindi masabi ni Clara Maria sa kanyang mga magulang ang ginawa ng kanyang kasintahan. Kaya naman mag isa lang dinadala nito ang pighating kanyang nararamdaman.

               Sa kagustuhan ni Clara Maria makalimot sumama siya sa pag out of town ng kanyang mga ka klase. Gusto niya kahit sandali makalimot siya sa kanyang nararamdaman. Nagkatuwaan sila na mamangka sa ilog hindi nila alam na nagagawi na sila sa malakas na agos ng ilog. Kaya naman nag panic ang mga kasamahan ni Clara Maria. At doon nag karoon nag aksidente. Tumaob ang bangkang kanilang sinasakyan. Kasamaang palad hindi marunong lumangoy si Clara Maria. Mabilis siyang tinangay nag agos ng tubig hindi na niya alam kung  gaano na ito kalayo.

               Nawalan ng malay si Clara Maria sa dami ng tubig na kanyang nainom at pag kabagok ng kanyang ulo sa mga bato. Halos wala na siyang buhay noong matagpuan siya ng isang lalaki sakay ng kanyang bangka. Ang buong akala ni Mike patay na tao lulutang lutang sa tubig. Pero  kanyang sinagip at naisakay sa kanyang bangka. Doon niya natuklasan buhay pa ito at walang malay tao. Dali dali niyang dinala sa may pangpang si Clara Maria. Kahit ano ang kanyang gawin hindi niya mapabalik ang malay nito. Kaya nag pasya na lang siyang isakay sa kanyang car para dalhin ito sa pinakamalapit na hospital. Binigyan nag kaukulang lunas ang dalaga. Sinagot lahat ni Mike ang mga gastusin sa hospital. Wala man lang kahit anong ID sa katawan si Clara Maria. Kaya hindi niya alam kung paano kokontakin ang mga mahal sa buhay nito.

                Habang pinag mamasdan ni Mike ang mukha ng babaeng kanyang iniligtas sa pag kalunod siya ay napapangiti. Kay ganda ng kanyang mukha. Kay amo habang siya walang malay. Sino kaya siya? Bakit siya nalunod. Nag tangka kaya itong mag pakamatay. Ewan ba niya bakit ganoon ang biglang pumasok sa kanyang isipan. Siguro nababakas ni Mike sa mukha ni Clara Maria ang kalungkutan. Kahit wala itong malay mababakas mo na mayroon itong dinaramdam. Parang kay bigat ng kanyang dalahin. Ang bulong ni Mike sa kanyang  sarili. Anu kaya ang dahilan bakit sya malungkot.

               Sa kanyang pag iisip biglang gumalay si Clara Maria. Nagulat pa si Mike noong dumilat ito. Ngayon gising  na ito lalupang lumabas ang angking kagandahan. Tagus tagusan ang pananaw nito. Para bang hindi siya nakikita ng babae. Nag tataka si Mike bakit ganoon.kaya naman pinatawag niya ang kaibigang doktor bakit ganoon ito. Kaya dali daling sinuri ng doctor ang pasyente. Kinausap tinanong ng basic na tanong ano pangalan mo taga saan ka at bakit siya natagpuang lulutang lutang sa tubig.

               Kahit isa sa mga tanong sa kanya wala siyang mahagilap na kasagutan.ano ba ang nangyayari ang tanong niya sa Doctor. Ok naman na ang kanyang mga test na ginawa. Iisa lang ang hinala ni Mike at ng Doctor na kaibigan nito. Mayroon tempuraring  pag kalimot ang dalaga. Tinanong nila kung ano ang pangalan nito at taga saan siya. Talagang hindi niya maalala. Puede na siyang lumabas ng hospital. Mike ano ang gagawin mo  inireport ko na nga sya sa kapulisan. Pero wala naman daw nawawalang babae sa lugay na kung saan niya ito nakita.

               Kaya naman napilitan si Mike na dalhin sa kanyang Condo ang babae. Anu naman ang sasabihin ng mga kapitbahay niya nag uwi nanaman siya ng ibang babae sa kanyang Condo. Napapakamot ng batok si Mike . hindi naman niya kayang iwanan na lang basta ang babae. Laluna sa unang tingin pa lang ni Mike dito na pa in love na siya kaya naman todo gasta siya basta para sa babae.  Siya yong babaeng kay tagal na niyang hinahanap. Ang babaeng mag papatibok ng kanyang puso. Hindi niya akalain sa tubig niya ito matatagpuan.

               Tutal hindi mo maalala kung ano ang iyong pangalan bibigyan kita ng pangalan . tatawagin kitang  Angel. Para kasing anghel na galing sa langit na pinadala sa akin dito sa lupa. Isang mabining ngiti ang isinukli ni Angel kay Mike. Ginawa lahat ni Mike para maging at home ito sa kanya. Hindi siya nahirapan likas na mabait naman talaga si Clara Maria na ngayon ay Angel na ang pangalan. Ito kasi ang pangalang bigay sa kanya ni Mike. Ok naman sa kanya ang Angel . mayroon ba siyang magagawa

                Samantala pinag hahanap si Clara Maria sa lugar kung saan lumubog ang kanilang bangka. Pero kahit anino niya di makita ng mga nag hahanap. Takot na takot ang mga ka klase ni Clara Maria dahil siya lang pala ang hindi marunong lumangoy sa kanila. Lahat ng mga kasamahan niya nakaligtas mayroon tumulong sa kanila. Nag tataka sila bakit biglang nawala si Clara Maria. Ipinabatid sa mga magulang ni ya ang nangyari. Hindi matanggap ng kanyang ina ang pag kawala ni Clara Maria.

                Nakarating na rin kay Daniel ang balita nang pakawala ng kanyang minamahal. Hindi mapigilan ni Daniel ang kanyang mga luha. Para siyang masisiraan ng ulo sa pag kawala ng babae kanyang pinakamamahal. Hindi niya alam kung paano mabubuhay ng normal ngayon wala na si Clara Maria. Ilang buwan din nawalang ng gana sa buhay si Daniel. Pero kailangan niyang ipag patuloy ang buhay. Kailangan niyang tanggapin wala na ang babaeng kanyang minamahal.

                 Pinilit ni Daniel na bumalik sa dati. Unti unti natatanggap na niya na wala na si Clara Maria. Bumabalik na ang dati niyang sigla sa buhay. Ang gana niya sa pag lalaro ng basketball at ipag patuloy ang pag aaral. Pero sa puso niya alam niya na hindi pa nawawala si Clara Maria. Hindi niya alam kung mag mamahal pa uli siya ng katulad ng pag mamahal niya dito. Hinding hindi niya makakalimutan si Clara Maria mananatili siyang nakaukit sa puso ko ang laging sinasabi ni Daniel.

                 Natural na mabait si Mike hindi siyang mahirap mahalin.habang tumatagal ang pag sasama nila sa iisang bubungan hindi  namalayan natutunan na palang mahalin ni Clara Maria si Mike.  natural lang siguro kasi ba naman lagi silang mag kasama. Dito natuklasan  na mahal na pala nila  ang bawat isa. Kaya naman nag kasundo silang mag sama na bilang mag asawa. Lumipas ang maraming taon.   Hindi na bumalik ang mga alala ni Clara Maria. Binigyan sila ng tatlong malulusog na supling. Naging ulirang asawa si Mike. Kahit ganoon paminsan minsan napapasin ni Mike na malayo ang tingin nito at kung minsan sinabi niya sa asawa niya anong klaseng babae kaya siya bago siya natagpuan lulutang lutang sa tubig. Anu kaya ang kaugnayan ng tubig sa kanyang kahapon.

                   Lumipas ang maraming taon naging tatlo na ang kulay ng kanilang buhok. Naging masaya naman ang buhay ni Angel sa piling ni Mike. Kahit nawala sa kanya ang halos kalahati ng kanyang buhay natutuwa pa rin si Angel (dating si Clara Maria) dahil mapag mahal na asawa si Mike at good provider. Wala na siyang mahihiling pa dito. Ang tatlo niyang anak lahat ay nakatapos na sa pag aaral. Hindi siya pinabayaan ni Mike.  Kahit hanggang ngayon hindi niya maalala kung ano ang kanyang pinag mulan.

                Kuntento na si Angel sa kanyang bagong buhay. Masaya na siya sa piling ng tatlo niyang anak at asawa. Wala na siyang mahihiling pa. mapag mahal na asawa si Mike maalaga. Kahit sinong babae papangarapin ang kanyang katayuan.  Kaya naman wala siyang pag hihinayang kahit hindi na niya maalala kung ano ang kanyang kahapon. Siguro sadyang ginusto ng Diyos ang ganoon para  gumanda ang buhay niya.

                Isang araw nag kayayaan silang mag asawa na lumuwas sa maynila. Dala ang kanilang bangkang de motor. Habang silay nag lalakbay inabutan sila ng malakas na pag alon. Dito muling nangyari ang dating aksidente ni Clara Maria. Dahil magaling sa pag langoy si Mike naagapan niyang sagipin si Clara Maria. Pero dahil nga sa lakas ng alon nabagok ang ulo nito sa bangka kaya naman nawalan ng malay. Kaya naman  dali daling dinala ni Mike si Angel sa hospital para magamot.

                   Sabi ng doctor hindi naman daw malala ang pag kakabagok nito. Kaya ilang oras lang daw ay mag kakamalay na ito. Pag dilat ng mga mata ni Angel laking pag tataka niya bakit Angel ang tawag sa kanya.  Hindi akalain ni Mike ito pala ang magiging daan para bumalik ang alala ni Clara Maria. Bakit hindi niya kilala ang mga tao sa kanyang paligid. Bakit mommy ang tawag sa kanya ng tatlong kabataan. Bakit Angel ang tawag sa kanya ng lalaking ito. Bakit niya sinasabi siya ang asawa nito. Ang alam niya dalaga pa siya. Paano niya magiging anak ang mga ito samantala halos mag kakasing edad palang sila. Pero bakit parang malaki ang kanyang pinag bago. Parang kanina lang noong sila nahulog sa bangka ng kanyang mga ka klase.

                   Ngayon bumalik na ang kanyang kahapon . pero bakit ganoon ang ngayon naman ang kanyang nakalimutan. Isa isang ikinuwento ni Mike ang kanyang ngayon.  Dahil naalala na niya ang kanyang kahapon pinahanap ni Mike ang kanyang mga magulang. Maaaring buhay pa ang mga ito. Ang kanyang mga kapatid.  Tulad ng inaasahan nandoon pa rin ang kanyang mga magulang sa dati nilang tirahan. Mayroon man itong pag babago kaunti pa lang. kaya mo pang mabakas ang dating  noon.

                  Laking gulat ng mga magulang ni Clara Maria sa kanilang natuklasan. Kahit uugod ugod na natatandaan pa nito ang pang yayyari. Ang buo nilang akala patay ka na. kaya naman  tanggap namin ang pag kawala mo. Ipinagtapat niya lahat ang pangyayari. Hindi maputol putol ang pag agas ng mga luha ng kanyang mga magulang. Ganoon din si Clara Maria. Hindi niya maalis alis ang pag kakayakap sa kanyang ina.

                  Pinakilala nito ang kanyang mga anak at asawa. Pasensya na kung ngayon ko pa lang naipakilala ang aking mga mahal sa buhay. Ngayon ninyo lang nakita ang mga apo ninyo sa akin. Mahabang panahon hindi ko kayo maalala. Nawala ang aking mga alala ang mahabang kuwento ni Clara Maria. Ang mahalaga ngayon naalala mo na kami ng iyong ama at mga kapatid mo. Ang totoo po niyan naalala ko ang aking kahapon pero ang aking ngayon ay siya ko naman nakalimutan. Bakit ganoon ayaw ibigay sa akin ng buo ang aking buhay.

                  Huwag kang mag alala habang nabubuhay ako ipapaalala ko sa iyo ang ating kahapon isa isa kong ikukuwento sa iyo. Wala akong  ititira. Ang pangako ni Mike sa asawa niya. Ang mga nag daang mga taon sa piling ko naka video lahat ang mahahalagang pang yayari kaya puede mong balikan ang mga masasaya natin na mag kasama. Makikita mo ang pag laki ng ating mga anak. Maging matiyaga ka lang sa pag balik tanaw ng ating kahapon. Hindi ka namin pababayaan ng ating mga anak. Nandito lang kami sa iyong likuran.

                 Kahit hindi maalala ni Clara Maria ang nakaraan niya sa piling ng asawa’t anak ay hindi siya natatakot harapin kasi nararamdaman ng kanyang puso ang mga pag mamahal ng mga ito sa kanya. Kahit hindi maalala ng kanyang isipan pero naalala naman ng kanyang puso ang mga pag mamahal ng mga ito sa kanya. Kaya hindi siya kinakabahang harapin ito. Ang power of love ang siyang namamayani sa kanyang katauhan. Salamat sa kanyang mga anak at mapag mahal na asawa.

*****THE END***** KATHA NI RHEA HERNANDEZ   4/25/13

                

               

 

No comments:

Post a Comment