Tuesday, April 30, 2013

LOVE STORY "VICTOR"


LOVE STORY “ VICTOR"

NI Rhea Hernandez

Pinoy poems



                Habang nasa bakasyon nililibang niya ang kanyang sarili. Pinag mamasdan niya ang mga tao nasa tabing dagat. Mayroon nakalusong sa tubig nag tatampisaw. Samantala yong iba mga nag lalakad sa maputing buhangin.  Iba’t ibang klase ng tao ang makikita mo dito. Pilit niyang inaaliw ang kanyang sarili. Gusto niyang kalimutan ang iniwan niyang dalamhati sa Maynila. Sana pag katapos niyang mag bakasyon maluwag na ang kanyang dibdib.

                  Habang pinag mamasdan niya ang pag lubog ng araw di maiwasang mag balik tanaw siya sa kahapon. Ang dahilan kung bakit sya nag iisa ngayon sa pag babakasyon. Dapat mayroon siyang kasama. Dapat ito ang pinakamasaya niyang mga araw.  Pero eto siya na parang araw, gusto ng mamahinga sa kanluran. Sana tulad ng araw bukas sisikat muli. Sana bukas hilom na ang sakit na kanyang nararamdaman.

                   Ang saya saya ni Victor sinagot na siya ni Belen sa alok niyang pag ibig.lumipas mga arawat ngayon Ilang taon na nga ba silang mag kasintahan. Buhat noong nag aaral pa sila sa kolehiyo. Unang taon pa lang niya sa college ng ma meet niya si Belen. Ilang buwan din niyang niligawan. Noong lumaon sinagot din naman siya. Naging kulay rosas ang kanyang mundo noong bitiwan ni Belen ang matamis niyang OO. Ipinangako niya sa dalaga na hindi ito mag sisi sa binigay niyang pag titiwala. At siya naman niyang ginawa naging isang matapat siya sa kanilang pag mamamhalan. Kahit paminsan minsan nag kakatampuhan sila . pero madali namang naaayos at napag uusapan.

                  Lumipas ang mga taon at pareho silang nakapag tapos ng pag aaral. Unti unti na nilang natutupad ang kanilang mga pangarap. Walang pag siglan ng saya noong mag graduate sila sa kanilang mga kurso. Ilang taon na lang matutupad na ang pangarap ni Victor na pakasalan si Belen. Wala siyang inaksayang mga araw. Apply dito apply doon. Pero sadyang mahirap mag hanap ng trabaho. Kaya naman napilitan si Victor na mag apply ng trabaho sa ibang bansa. Ayaw pumayag ni Belen na mag kalayo sila ng mahabang panahon. Pero desidido na si Victor na umalis. Para naman sa kanila kaya siya masigasig na umalis 2 yrs lang naman . Gaano lang yon kay bilis lang ng araw.

                  Kahit labag sa kalooban ni Belen tumulak papuntang Saudi si Victor. Ang akala niya madali lang ang mag isa. Madali lang ang kanyang trabaho pero ang homesick na kanyang nararamdaman  ay unti unti siyang pinapatay. Pilit niyang nilalabanan ang homesick.  Basta iniisip niya ginagawa niya ito para sa magandang bukas nila ni Belen. After 2yrs aayain na niyang pakasal ito. Siguro sapat na ang kanyang maiipon sa kanilang kasal. Maibibigay na niya ang kasal na pinapangarap ni Belen.

                   Hindi siya nag tataka kung bakit madalang sumulat at tumawag si Belen. Siguro hanggang ngayon nag tatampo pa ito sa kanyang pag alis. Kaya naman panay padala niya ng mga sulat at regular ang kanyang pag tawag sa dalaga. Hindi siya umaasam na sagutin nito ang bawat liham na kanyang pinapadala. Maaaring busy rin ito sa kanyang bagong trabaho. Sabi nga ni Belen kung nag tiyaga ka dito mag hanap hindi ka sana lumayo. Kita mo ako’y nakakita din ng trabaho.  Yong nga lang hindi kasing laki ng kinikita mo dyan. Ramdam ni Victor na may kasamang tampo ang mga tinuran ni Belen.

                 Iniisip ni Victor sa pag babalik niya after 2yrs mawawala lahat ang sama ng loob at tampo ng kanyang mahal. Sa pag babalik niya sa Pinas mag papakasal na sila. Todo tipid at pag iipon ang ginawa ni Victor para lang sa engrandeng kasal na ihahandog niya sa nag iisang babae sa buhay niya. Lingid sa kaalaman ni Victor mayroon siyang kaagaw sa pag mamahal ni Belen. Ito ay si Brix kasamahan sa trabaho ni Belen. Buhat noong mag kasama sila sa iisang company. Naging malapit kay Belen si Brix. Kahit sabihin pa ni Belen na may kasintahan na siya nasa ibang bansa nga lang. patuloy pa rin sa panunuyo masigasig mang ligaw. Kahit tinapat na siya ni Belen. Romantiko si Brix alam niya paano paamuin ang isang babae. Alam niya kung saan mahina si Belen. Nangungulila ito sa kanyang kasintahan. At sigurado siyang  nasasabik ito sa kalinga ng kanyang kasintahan.

               Ang pag hatid sundo na dapat si Victor ang gumagawa ay si Brix ang gumagawa para kay Belen. Hindi pumapalya ito sa pag sundo at pag hahatid sa bahay. At kung minsan inaaya siyang kumain sa labas at kung weekends naman namamasyal sila. Kahit hindi na binabangit ni BRIX  ang kanyang damdamin pero sa gawa niya ipinadarama. Alam ni Brix kung ipipilit niya ang kanyang pan liligaw iiwasan siya . kaya naman ang pag kakaibigan ang ginawang dahilan para makalapit ng husto sa dalaga. Kahit hindi sinasadya ni Belen unti unti ng nahuhulog ang loob niya sa binata.

                 Habang lumilipas ang mga araw lalung nawawalan ng time si Belen kay Victor. Isang araw naramdaman na lang ni Belen na hindi na si Victor ang itinitibok ng kanyang puso. Nakita na lang niya ang kanyang sarili na si Brix na ang kanyang mahal. Hindi alam ni Belen kung paano sasabihin ang mga ito kay Victor. Ayaw niyang saktan ang damdamin ni Victor. Alam niya na nakakaranas na ito ng homesick ayaw na niyang dagdagan pa . kaya balak niya sa pag uwi na lang sa Pilipinas ni Victor ipag tatapat ang lahat.  Total ilang buwan na lang matatapos na ang kontrata nito.

               Samantala nag kaunawan na sila Brix at Belen. Hayaan mo pag babalik ni Victor tutulungan kitang mag paliwanag. Na hindi mo naman ginustong mag talusira sa inyong relasyon. Ako ang may kasalanan sabi ni Brix. Kasi minahal kita  ng higit pa sa aking buhay. Handa akong mag hintay hanggang maayos mo ang pakikipag kalas kay Victor. Saka natin planuhin ang ating kasal. Alam ni BRIX na hihirapan si Belen sa kanyang katayuan. Naiintindihan niya ito. Sapagkat siya ang naging dahilan ng pag babago ng nararamdaman ni Belen. O talagang sadyang hindi sila para sa isa’t isa. Kung talaga sila kahit ano ang gawin niya hindi mag babago ang damdamin ni Belen. Siguro sadyang sila ang itinakda ng tadhana.

                Matuling lumipas ang mga araw at buwan. Malapit ng umuwi si Victor. Matatapos na rin ang dalawang taong singkad. Maiibsan na rin ang kanyang pananabik kay Belen at sa kanyang mga magulang. Bitbit ni Victor ang kanyang lahat ng ipon sa kanyang pag uwi. Malaki laki ring halaga ang kanyang kinita sa loob ng dalawang taon. Siguro sapat na ito para mabigyan niya ng isang engradeng kasal si Belen.  May uwi na rin siyang singsing para sa pag hingi ng mga kamay ni Belen sa kanyang mga magulang. Nag lalaro sa kanyang isipan siguro kay ganda ni Belen pag nakasuot ng trahe de boda. Siya siguro ang pinakamagandang babaeng ikakasal. Ang mga ito ang kanyang pinaghandaan.

                 Pag lapag palang ng eroplano gusto na niyang mag tatakbo para sya ang unang lumabas ng eroplano. Sabik na sabik na siyang Makita si Belen. Panay linga niya hinahanap niya ang babae . alam niya isa ito sa susundo sa kanya. Nangawit na ang kanyang leeg sa kahahanap sa babae pero kahit anino nito hindi niya Makita. Nag tataka siya baikit hindi man lang siya sinalubong ng kanyang irog. Noong hindi talaga niya Makita si Belen sa kulumpon ng mga tao napilitan na siyang mag tanong sa kanyang ina. Bakit wala si Belen. Tikom ang bibig ng kanyang ina. Ayaw niya sa kanyang bibig mang gagaling ang masamang balita. Ayaw niya na bilang ina na siya ang mag bigay ng kalungkutan sa isang napakasayang pag babalik sa Pilipinas.

                  Kahit anong pilit ang gawin ni Victor sa kanyang ina hindi ito nag bitaw ng kahit anong salita na makakasakit ng damdamin ng kanyang anak. Kung ano man ang gusto mong malaman si Belen ang iyong tanungin. Ngayon ang gawin mo enjoy mo na lang ang unang araw ng iyong pag babalik Pinas. Pag dating sa bahay nag bukas ng mga pasalubong si Victor kaya pang samantala nakalimutan niya si Belen bakit hindi kasama sa pag salubong sa kanya. Mayroon kaya itong karamdaman. Anu kaya ang sakit nag babae mahal niya? Mag papahinga lang siya at siya sasaglit sa bahay nila Belen. Aalamin niya kung bakit wala  ito kanina sa airport.

                  Hindi niya inaasahan sa pag dating niya sa bahay nila Belen mayroon isang lalaking kausap ito. Mukha namang walang sakit si Belen. Sobra lang yata ang kanyang pag aalala kaya kung ano ano ang kanyang iniisip. Pinapasok siya ni Belen ipinakilala sa kanya ang lalaking kausap kanina. Ito daw si Brix. Kinakabahan si Victor sa masyadong pormal ni Belen. Anu kaya ang kanilang pag uusapan at kailangan pang kaharap si Brix. Kinakabahan man siya kailangan pakingan niya ang sasabihin ni Belen. Noong ipinag tapat na ni Belen ang lahat para siyang pinag baksakan ng langit at lupa. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi ng mga oras na yon. Kung hindi siya aalis doon baka makalimutan niya na isa siyang taong may pinag aralan. Baka makalimot siya pag sisihan niya pag dating ng panahon.

               Gulat na gulat si Victor ng bilang may kumalabog sa kanyang likuran. Tinamaan pala siya ng beach ball. Nahinto ang kanyang pag babalik tanaw sa kanyang kahapon. Bakit nga ba niya pinag aaksayahan pa ng pag iisip ang isang bagay na gusto na niyang kalimutan. Di ba kaya siya nandito upang makalimot. Bakit pilit niyang kinukutkot ang sugat. Gusto ba niyang mag naknak nanaman ang sugat ng kanyang puso. Ngayon lang niya napag masdan isang magandang babae pala ang nakatama sa kanya ng bola. Humingi ng despensa sa pag kakatama ng bola sa likuran niya. Isang ngiti ang tinugon niya sa babae. Itinuloy na lang niya ang pag lalakad sa puting buhangin. Naudlot kanina sa pag babalik tanaw niya sa kahapon.

               Ang babaeng nakatama ng bola kay Victor ay walang iba kundi si Rosenda. Isa ring bakasyonista sa lugar na yon kasama ang kanyang mga kamag anak. Silver wedding ng kanyang mga magulang kaya sila nandoon lahat.  Hindi maalis sa isipan ni Rosenda ang lalaking kanyang tinamaan ng bola. Kay guapo naman kaya lang parang kay lalim ng kanyang iniisip kanina. Ilang beses nag sorry parang hindi niya naririnig ang sinasabi ko ang bulong ng dalaga sa kanyang sarili. Siguro broken hearted yong mama na yon. Ahh ! basta kailangan makilala ko sya. Ang guapo niya at iba ang dating niya sa akin. Gagamitin ko ang aking karisma para makilala ko siya bago kami umuwi sa Caloocan.

                Si Rosenda solong anak na babae. Sa tatlong mag kakapatid siya lang ang babae at bunso pa. kakatapos lang sa kolehiyo. Kasalukuyang jobless. Ok lang sa kanyang mga magulang kung di muna siya mag work. Dahil solong babae kaya medyo sunod ang layaw sa mga magulang at kapatid niya.  Natural na pilya at kung ano ang maisip ginagawa.  Kaya naman walang makakapigil sa kanya kung mag pakapilya siya ngayon .  wala siyang balak sabihin sa kanyang mga kuya ang gagawin niya. Hahanap siya ng tiempo kung paano lalapitan ang lalaking tinamaan niya ng bola.

                 Hindi siya papayag na umuwi ng hindi niya nakukuha ang name at phone number ni Victor. Kung paaano hindi pa niya alam. Pag iisipan niya ang tamang diskarte . nangingiti si Rosenda sa kanyang gagawin. Sa kauna unahang pag kakataon ngayon lang siya manghihingi ng phone number sa lalaki. Ang madalas siya ang nilalapitan at hinihingan ng phone number. Sa hindi pag yayabang sadyang may angking ganda si Rosenda. Kaya lang minsan umiiral ang pag ka boyish niya . madalas ginagaya niya ang mga pananamit ng mga kuya niya. Kung ano ang laro ng mga ito iyon din ang sa kanya.

                   Ang kuya niya mahilig sa basketball kaya marunong siyang mag basketball minsan natatalo pa niya ang kuya niya. O talaga lang nag papatalo sa kanya kasi daw noong maliit pa siya pag natatalo umiiyak sya. Ang sinundan naman niya ang hilig ay karate kaya nag aral din syang mag karate. Kaya lamang siya sa kanyang mga kapatid. Pareho niyang pinag aralan ang mga hilig nito samantala sila stick lang kung ano gusto nila. Pero ang totoo isang magandang babae si Rosenda. Lalu na pag ganito nakapampaligo siya at basa. Litaw na litaw ang hubog ng kanyang katawan. Kung naka 2pcs siya siguradong marami ang mapapatanga.

                Kung kinakasihan ka nga naman ng pag kakataon ang bulong ni Rosenda sa kanyang sarili. Mukhang hindi siya pahihirapang makalapit sa lalaki. Natanawan niya itong nakaupo sa batuhan. Nag iisa siempre at nakatanaw nanaman sa kalawakan ng karagatan. Noong matapat siya kusa siyang nadapa pinalabas natalisod sa isang bato. Siempre kungwari nasaktan siya hindi makatayo . dahil natural na matulungin si Victor tinulungan niya ang babae. Tutulungan niyang tumayo kaso gusto ni Rosenda pabuhat dito kaya naman tinodo na niya ang pag arte . magaling syang umarte kasi kasama siya sa theatro sa kanilang school.  Kaya naman napilitang buhatin siya ni Victor. Siya namang kapit sa leeg nito. Para ngayon silang mag kasintahan na buhat buhat ng lalaki.

                  Palihim na nagingiti si Rosenda sa kanyang kapilyuhan. Isipin mo yon hindi pa niya kilala nag pakarga na siya dito. Habang nag lalakad sila tinanong ni Rosenda kung ano ang pangalan nito. Tinanong na rin kung may asawa ito o kasintahan. Noong isagot na wala ibig ni Rosenda na mag lulundag sa tuwa. Pero pinigilan niya diba nag papanggap siyang napilayan. Dahil malayo kung saan ang cottage nila huminto sandali si victor sa pag lalakad ibinaba si Rosenda. Doon nag karoon ng magandang pag kakataon si Rosenda para malaman ang tungkol  kay Victor.noong una madamot sa mga information si Victor pero dahil nga makulit si Rosenda at napalagay na rin ang loob nito sa dalaga nag kuwento siya kung bakit nandoon at nag babakasyon.

                  Hindi nila akalain abutin sila ng ilang oras sa pag kukuwentuhan. Noong mag aya ng maglakad uli si Vitor nakalimutan ni Rosenda na pilay pala ang paa niya kaya  sila nandoon at nag kukuwentuhan. Hindi sinasadya tumayong mag isa si Rosenda na parang walang nangyari sa kanyang paa. Galing na paa mo ang tanong ni Victor. Nagulat pa si Rosenda oo nga pala nag kukunwari siyang napilayan. Pero huli na para ipag patuloy ang pag kukunwari. Kaya tumawa na lang ng malakas si Rosenda at umamin kung ano talaga ang intensyon  niya . isang tawa din ang tinugon ni Victor. Sana hiningi mo na lang pinahirapan mo pa ako kanina na buhatin ka ang bigat mo yata.  Hindi naman masyado.  Nag palitan na sila ng kanya kanyang cell phone number.

                  Hanggang kalian kayo dito. Last day na naming ngayon. Kaya gumawa na ako ng paraan para mag kakilala tayo. Baka nga ngayon hinahanap na ako ng mga kapatid ko hindi nila alam ang gagawing kong kalokohan ehh. Nag kamay sila at nangako na mag tatawagan sila pag dating sa Maynila . naging close silang dalawa at walang araw na hindi sila nag tatawagan. At paminsan minsan nag kikita. Dahil kay Rosenda unti unti nakakalimutan niya ang sakit na iniwan ni Belen sa kanyang puso. Dahil sa tulong ni Rosenda handa na muling mag mahal ang kanyang puso. Si Rosenda ang nag bigay ng lunas sa kanyang naghihingalong puso. Ganoon yata pag bigo ka sa pag ibig  at ang makaka gamot dito isa ding pag ibig.

                   Ang kasal na inilaan niya kay Belen. Na delay lang ng isang taon at natuloy din kaso hindi kay Belen sya ikakasal kundi kay Rosenda. Ang buo niyang akala si Belen na ang tunay na pag ibig hindi pala. Ang klase ng pag mamahal niya kay Rosenda syang tunay at wagas. Kakaiba sa nauna niyang pag suyo. Ganoon pala yon iba ang pakiramdam mo kung ang iyong papakasalan yong babae tunay na nag mamahal sa iyo at tunay na pag ibig ang alay mo dito. Natagpuan ni Victor kay Rosenda ang hinahanap niyang kaligayahan pang habang buhay. Noong ikinakasal sila hindi mapigilan ni Victor ang di maluha sa sobrang kaligayahan.  Alam niya habang sya nabubuhay si Rosenda lang ang kanyang mamahalin pag lalaanan ng kalinga hindi niya ito bibigyan ng pag kakataon na iwanan siya. Hindi hindi niya papaluhain ang babaeng ito…

                           THE END ……. Written by Rhea Hernandez…..4/30/13

        

No comments:

Post a Comment