LOVE STORY “MELDY”
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Habang
nag lalakad sa kahabaan ng isang madilim na eskinita. Nakaramdam ng isang
papalapit na panganib si Meldy. May dalawang lalaki na sumusunod sa kanya. Kaya
naman binilisan niya ang kanyang hakbang ng di siya abutan ng mga ito. Abot
abot ang kanyang kaba. Pakiramdam kasi niya mga masasamang tao ang mga ito.
Hindi nga siya nag kamali mga holdaper ang mga ito. Kahit ano kasi ang gawin niyang hakbang
inabutan siya ng mga ito. Kaya naman pilit kinukuha ang kanyang hand bag.
Nakikipag laban siya sa mga holdaper kasi nandoon lahat ang kanyang pera .
Paano na siya pag makukuha ang kanyang pera.
Saan siya pupulutin sa kalye siya matutulog. Kay lakas kasi ng kanyang loob na
lumayas. Kahit ang buhay niya itataya niya para sa kanyang bag. Ayaw niyang
mamalimos sa kalye sa darating na mga araw. Sigaw siya ng sigaw para mayroon
makarinig sa kanya. Pero mayroon palang dalang panaksak ang isa. Inilabas ito
at ang sabi pag di pa niya ibibigay ang kanyang bag sasaksakin siya. Kaya naman niluwagan niya ang pag kakahawak
sa kanyang bag.
Handa na niyang ibigay ang kanyang bag bahala
na kung sa kalye siya matulog sa mga darating na mga araw ang mahalaga buhay
siya. Hindi niya itataya ang buhay niya sa kakaunting halaga. Pero hindi niya
akalain mayroon isang tutulong sa kanya. Mula sa likuran ng dalawang lalaki
mayroong sumipa sa kanila sabay bunot ng baril at itinutok sa kanila. At sabi
isauli ninyo ang bag sa babae. Kung hindi mabubutas ang katawan ninyo. Walang
nagawa ang dalawa kundi sundin ang sabi ng lalaki. Pag katapos pinadapa ang mga
ito sa lupa. Isa palang alagad ng batas ang tumulong sa kanya. Huwag kang mag
alala miss mga dati ng wanted ang mga ito sa kasong pang hoholdap.
Isinama
siya ng pulis sa prisinto para mag sampa ng kaso laban sa dalawang holdaper.
Natapos na ang pag sasampa ng kaso. Pero hindi pa rin makatayo si Meldy sa
kinauupuan niya. Iniisip niya saan siya mag papalipas ng gabi. Alanganin ng mag
hanap siya ng matutuluyan masyado ng malalim ang gabi. Sino pa bang matinong
kasera ang mag bubukas sa kanya para lang sa mag tatanong siya kung mayroon
pang bakante puede niyang matirhan. Saan kaya siya makakakita ng room na
puedeng maupahan yong mura lang baka maubos agad ang baon niyang pera. Kailangan
tipirin niya ito hanggang makakuha siya ng mapapasukang trabaho. Kahit ano lang
basta marangal.
Nilapitan siya noong pulis na tumulong sa kanya. Bakit di ka pa umuwi lumalalim na ang gabi. Tinanaw niya ito sa
kanyang mga mata. At parang sinasabing puede ba akong dito na lang mag palipas
ng gabi bukas na lang ako aalis. Para makasiguro akong safe. Baka pag umalis
ako dito mayroon na namang mga loko na pag samantalahan ako. Nag layas ka sa
inyo ano kaya ka ayaw umuwi. Sabihin mo sa akin kung saan ka nakatira at
ihahatid na kita. Baka nag aalala na ang mga magulang mo. Sa Mindanao ako
nakatira ihahatid mo ako doon? Ang tanong ng dalaga. Mayroon ka bang mauuwian dito
sa Maynila. Isang mahinang iling ang sagot ni Meldy. Napakamot sa batok si Randy
sa tinuran ng dalaga. Ang lakas ng loob mong mag layas ala ka naman palang
pupuntahan.
Kung
gusto mo doon ka muna sa apartment ko mayroon akong isang room na bakante. Kung
mag titiwala ka puede kang matulog ngayong gabi sa akin apartment. Isang ngiti
ang sumilay sa mga labi ni Meldy. Hindi na siya sa prisinto matutulog. Noong
nag lalakad na sila papunta sa jeep ni Randy. Napapakamot ng batok ito. Anu ba
ang pumasok sa kukote niya at inalok niya ang kanyang apartment para mayroong
matuluyan si Meldy. Ewan ba niya bakit ang gaang ng loob niya agad kay Meldy.
Parang mayroong nag bubulong sa kanya na tulungan niya ito. Hindi niya ugaling
mag sama ng ibang tao sa kanyang bahay. Kung maaari lang walang pupunta dito
maliban sa kanyang taga linis at taga laba.
Hindi
idineretso ni Randy ang kanyang jeep sa
kanyang bahay. Inihinto niya ito sa isang karinderya . hindi pa kasi siya nag
hahapunan. Inalok niya si Meldy kumain pero tumangi ito . kasi kakain pa lang
niya kanina.tubig lang ang kanyang ininom habang kumakain si Randy. Bakit ka
nag layas sa inyo. Wala lang gusto ko lang hanapin ang aking kapalaran dito sa
Maynila. Alam mo ba na masyadong delikado yang ginawa mo. Alam ko akala ko
husto na ang aking lakas ng loob para mabuhay dito. Kung ang inaakala mo
natitisod lang ang pera dito sa Maynila nag kakamali ka. Ang daming
mapapariwara ang buhay kasi kumakapit sila sa patalim para lang mabuhay dito.
Pagdating nila sa bahay ni Randy maayos ang bahay at malinis. Yong nga lang
para bang ang tingin ni Meldy malungkot alang kabuhay buhay ang dating.
Mahahalata mo talagang alang babaeng kasama sa bahay. Itinuro ni Randy ang
magiging kuarto niya. Iniayos niya ang kanyang gamit sa isang cabinet. Gusto na
niyang ilapat ang kanyang likod at pagod na pagod siya sa napakahaba niyang
araw ngayon. Ito na yata ang pinakamahaba niyang araw sa talang buhay niya. Kay
daming nang yari na di niya inaasahan.pero kailangan pa niyang bumaba at
kausapin si Randy.
Gusto
mo dito na lang ako tumira sa iyo. Ako na lang ang mag lilinis at mag lalaba
mag luluto para sa iyo. Basta libre tira ako at pag kain. Isang malutong na
halakhak ang itinugon nito sa babae. Sige pag iisipan ko ngayong gabi kung ok lang na dito ka tumira. Tara mag
situlog na tayo alam kong pagod ka na rin sa mag hapon ganoon din ako masyadong madami kaming trabaho
sa prisinto. Ang daming mga loko na dapat hulihin . umakyat na ulit si Meldy sa
room at sinugurado niyang na ka lock ang pintuan . kahit sa tingin niyang mabait
na tao si Randy iba na yong nakakasigurado.
Pag
lapat ng kanyang likod sa kama nakatulog agad. Mataas na ang araw noong
magising siya noong lumabas siya nakaluto na ng almusal si Randy.gising ka na pala
kain na at saka natin pag usapan yong alok mong maging taga linis at taga laba
ko basta libre tira at pag kain. Ohh ano
payag ka na. sige na pumayag ka na wala akong matitirhan dito sa Maynila. Ok
lang sa iyo na walang sueldo kasi maliit lang kinikita ko hindi ko kayang mag
bayad ng isang kasambahay. Ok lang walang bayad pero ok lang na mag hanap din
ako ng mapapasukan. Para makaipon ako at makatapos ng aking pag aaral. Isang
taon na lang matatapos ko na rin ang aking kurso. Pero huwag kang mag alala sisiguraduhin kong
malinis ang bahay at malinis lahat ang damit mo. At higit sa lahat ayos ang pag
kain mo sa iyong pag uwi ng bahay.
Ok
sige payag ako nakakaawa ka naman wala kang ibang kamag anak na tutulong sa iyo
dito. Nag iwan ng pera si Randy para sa pambili ng pag kaing mailuluto niya sa
araw na yon. Pag alis ni Randy saka lang siya nag libot sa buong bahay. Pumasok
siya sa room ni Randy hindi niya akalain napaka linis ng room niya at nasa
lugar lahat ng gamit. Organize ang lahat nakakahiya siya kasi hindi ganito ka sinop sa kanyang mga gamit.
Sabi nga ng kanyang nanay napaka burara niya sa kanyang gamit kung saan saan
nakakalat.kahit malinis naman yong kuwarto ni Randy nag linis pa rin
siya.kinuha ang mga maduming damit at nag laba siya. Napansin lang niya wala
man lang kurtina ang bahay ni Randy at wala man lang mga halamang tanim sa
bakuran.
Pag
katapos niyang mag laba at mag linis ng bahay . nag sadya na siya sa palengke.
Bumili siya ng ulam at mga sahog sa lulutuin niya. Noong madaan siya sa
tindahan ng mga halaman bumili siya ng ilang paso halaman na may bulaklak yong
mumurahin lang at ilang pirasong kurtina para sa living room para mag karoon ng
buhay ang loob ng kabahayan. Masabing mayroon babaeng nakatira doon. Noong
umuwi si Randy nakita niya agad yong halaman na itinanim ni Meldy sa harapan.
Maganda naman kahit maliliit pa may bulaklak na. at laking gulat niya noong
pumasok siya mayroon ng nakakabit na kurtina sa kanyang living room. At naaamoy
niya ang bagong saing na kanin at aroma ng ulam na niluluti ni Meldy. Ohh
nandiyan ka na pala hindi ko napansin na dumating ka na.
Mag
palit ka na ng damit mo at matatapos na itong niluluto ko puede na tayong
kumain ng hapunan. Kaagad tumalima si Randy umakyat siya sa kanyang room at nag
bihis. Nag mamadali siya at agad bumaba nakaramdam siya ng gutom sa amoy ng pag
kain. Kay tagal ng hindi siya umuuwi ng maaga sa bahay na iyon. Ni hindi siya
nag hahapunan dito. Laging sa karinderya siya nag hahapunan. Uuwi lang siya
para matulog. Pero ngayon ang aga niyang umuwi
para mag hapunan at tikman ang niluto ni Meldy. Masarap mag luto ang dalaga kaya naman
naparami ang kanyang nakain. Kay tagal na niyang hindi nakakatikim ng lutong
bahay. Puro kasi sa labas na siya kumakain.
Saan ka
kumuha ng pambili ng halaman at kurtina. Sa pera ko sagot ni Meldy mayroon
naman akong sariling pera. Papalitan ko kung mag kano yong nagastos mo tipirin
mo yong pera mo para sa iyong pag aaral. Di ba sabi mo balak mong tapusin ang
kurso mo. Oo sana pero kailangan kong mag hanap muna ng mapag kakakitaan.
Kailangan makaipon ng pang tuition fee . kinabukasan pag alis ni Randy umalis din siya. Subukan
niyang mag apply kahit isang sales lady sa isang department store. Pero lahat
ng puntahan niya walang bakante. Waiting pa siya kahit iniwan niya ang kanyang
bio data alam niya pana sa dilim kung matatanggap siya doon.
Sa pag
lalakad niya nakasalubong niya ang isang babae na nag lalako ng miryenda . nag
karoon siya ng idea paano siya kikita ng pera habang wala siyang trabaho.
Mayroon pa naman siyang pera para maging puhunan. At isa pa masarap siyang mag
luto ng mga kakanin sabi ng nanay niya. Kaya naman nag daan na siya sa palengke
namili ng gamit . mag luluto siya ng biko at lumpiang pinirito. Subukan niya
kung makakapag benta siya at kikita. Pag dating ni Randy sasabihin niya ang
kanyang plano. Mag titinda lang siya pag tapos na siya sa lahat ng Gawain niya
sa bahay. Hindi ka ba mahihirapan ang tanong nito sa kanya. Kaya ko naman sanay
naman ako sa hirap ehh
Kinagabihan inihanda na niyang lahat ang kakailanganin para sa pag
lalako niya ng mga kakanin. Noong matapos na niyang hiwain lahat ng sahog ng
gagawing niyang lumpiang prito inilagay niya sa
ref. at saka niya niluto ang biko. Ok lang na lutuin na niya ngayong
gabi hindi naman masisira agad ito. Basta lang maganda ang pag kakahalo. Noong
maluto na niya ang biko inilagay niya sa isang maliit na bilao na nilatagan
niya ng dahong saging. At nilagyan niya ng latik bawat hiwa. Itinabi niya sa
kusina ang niluto niya at umakyat na siya sa kanyang room para mag pahinga.
Dahil sa pagod madali siyang nakatulog. Gumising siya ng maaga para sa pag
luluto ng almusal ni Randy. Masigla ang kanyang katawan sa isiping kahit
papaano makakaipon na siya ng pera para sa kanyang pag aaral. Sa susunod na
taon.
Medaling nakaubos ng mga paninda si Meldy. Sa may palengke siya nag lako
alam niya doon maraming tao at marami ang puedeng bumili ng mga kakanin.
Nagawi sya sa may paradahan ng mga
sasakyan . nakapila doon ang mga jeep na pabiyahe. At mga tricycle. Dahil nga may angking kagandahan si Meldy
kaya pinag kulupunan siya ng mga driver. Halos lahat bumili sa kanya kaya
nakaubos siya agad ng paninda niya. Yong iba nga tahasan sinasabi bibili lang
ako kung sasabihin niya ang kanyang pangalan. Hindi naman madamot si Meldy
ibigay ang kanyang name. basta ang alam niya nakaubos siya ng mga paninda.
Madali lang pala ang mag tinda ng kakanin.
Tuwang
tuwa si Meldy noong umuwi. Binilang niya ang mga pinagbilhan ng kanyang
paninda. Madali lang pala ang kumita ng pera basta masipag ka lang sa pag
hahanap nito. Kaya naman masigla ang kanyang katawan sa pag aayos muli ng
ititinda niya kinabukasan. Iniisip niya
na iba ibang klaseng miyenda ang lulutuin niya para hindi mag sawa ang kaniyang
mga suki. Naging regular na niyang suki ang mga driver sa paradahan. Sinasadya niya talaga ito para
bentahan . alam na alam niya na hindi
makakatiis ang mag ito hindi bumili sa kanya.
Kasi kahit may asawa o wala nag papalipad hangin sa kanya. Sabi ng
marami hindi bagay sa kanya ang nag lalako ng kakanin . mas bagay daw sa kanya
maging isang de opisina.isang matamis na ngiti lang ang isusukli niya sa
mga lalaki.
Nagtataka si Randy sa kanyang sarili kung bakit lagi syang nag
mamadaling umuwi ng bahay. Hindi niya napapansin umiibig na pala siya kay
Meldy. Isang araw napaaga ang uwi niya nadaanan niya si Meldy nag lalako pa rin
ng kanyang mga paninda. Kitang kita niya na nakikipag tawanan ito sa mga driver
ng tricycle at jeep. Pakiramdam niya selos na selos siya sa mag sandaling iyon. Anu nga ba ang karapatan
niyang mag selos. Di ba parang kasangbahay lang niya ito. Wala naman silang
relasyon sa isa’t isa.sa tindi ng kanyang selos hindi na siya tumuloy sa pag
uwi. Sa isang beerhouse sya tumuloy at
uminom.
Para
uhaw na uhaw siya sa beer isang tungaan lang ang laman ng bote. Bakit ako nag kakaganito ang tanong ng
kanyang isipan. Anuba mayroon ang babaeng iyon bakit ako nasasaktan Makita
siyang nakikipag mabutihan sa ibang lalaki. Umiibig naba ako sa kanya ang tanong ni Randy sa kanyang sarili.
Susuray suray na siya noong maka uwi sa bahay. Bubuksan pa lang niya ang pinto
bigla na itong bumukas. Kanina papala nag iintay si Meldy sa kanyang pag uwi.
Buhat kasi noong tumira siya sa bahay ni Randy ngayon lang ito umuwi ng late. Hindi
lang yon lasing na lasing pa siya. Kaya naman nag aalala si Meldy baka mayroon
malaking problema ito.
Inalalayan niya hanggang sa loob ng room at tinulungan ihiga sa kama.
Kumuha siya ng tubig na mainit at towel pinunasan niya ang mukha ni Randy at
katawan para mahimasmasan ito. Para makaramdam ng ginhawa hinubad ni Meldy ang damit ni Randy. Habang inaalisan niya ng damit ito nag tataka
siya bakit siya kinakabahan. Hindi niya alam kung nasisiyahan siya sa kanyang
ginagawa o natatakot siyang magising ito at makitang hinuhubaran niya ang
lalaki. Matatapos na siya sa pag pupunas ng buong katawan ni Randy nag bigla
itong kumilos at hinawaakan ang mga kamay ni Meldy. Sa pag kabigla napasigaw siya ng malakas at
nabitawan ang hawak na towel.
Ang
higit na ikinagulat niya ang mga sinasambit ni Randy. Di yata mahal siya nito.
Dala lang ba ng kanyang kalasingan ang
mga katagang lumalabas sa kanyang bibig. Bakit ganoon nag papakiklig sa kanya
ang mga katagang sinasambit nito. May lihim ba siyang pag tatangi sa lalaking
ito ang bulong ni Meldy sa sarili.
Mayroon bang katugon ang nadarama niya. Ang akala niya naaawa lang ito sa kanya
kaya siya pinatuloy nito. Kaya naman noong halikan siya nito nag paubaya siya.
Naging napakakulay ng buong mag damag para sa kanila. Dasal ni Meldy sana nga dina
matapos ang gabi. Manatiling silang mag kayakap . pero kailangan niyang
gumising baka nanaginip lang siya. Ang naganap dala lang ng kalasingan ni
Randy. Siya itong hindi nakainom dapat hindi niya pinatulan ito. Wala sa
sariling katinuan dala ng spiritu ng alak kaya nagawa ang pagkalimot.
Maagang nagising si Meldy dahan dahan niyang inalis ang mga brasong
nakayakap sa kanya. Ingat na ingat siya sa pag kilos baka magising si Randy.
Tulad ng pang karaniwang araw inihanda niya ang almusal at damit ni Randy sa
pag pasok. Parang walang nangyari noong nag daang mag damag. Pag gising ni
Randy wala na sa kanyang tabi si Meldy. Isa lang bang panaginip ang naganap
hindi niya matandaan. para lang siyang nanaginip na kayakap at kasiping niya si
Meldy sa buong mag damag. Bakit wala siyang mabakas sa mukha ni Meldy. Bakit
walang kakaiba. Isa ngalang bang panaginip ang lahat. Nag iintay lang si Meldy
na bangitin ito ni Randy. Bale wala lang ba ang mga naganap sa kanila. Hindi ba
mahalaga dito ang pagpapaubaya niya ng kanyang pagkababae.
Lumipas
ang mga araw parang ang nangyari nabaon na sa limot. Pero ano ito nag susuka na
siya tuwing umaga. Laging mabigat ang kanyang pakiramdam. Ngayon kinakabahan
na si Meldy ang minsan niyang pag papaubaya ng kanyang pag kababae sa lalaking
hindi naman natatandaan ang mga naganap.
Ano na ngayon ang kanyang gagawin . paano siya pananagutan ni Randy
ngayon hindi naman nito alam na mayroon
naganap sa kanilang dalawa. Paano niya ipapaako ngayon ang kanyang
dinadala wala naman silang relasyon sa isa’t isa. Napapansin na ni Randy ang
kanyang pananamlay at walang ganang kumain.
Mayroon ka bang dinaramdam gusto mo dalhin kita sa doctor para malaman
natin kung ano na yan. mamaya lang ok na ako huwag kang mag alala.
Pag
alis ni Randy nag sadya siya sa botika bumili siya ng kit para makasiguro siya
sa kanyang hinala. tama buntis nga siya kompirmado positive ang test na ginawa
niya. Paano na ngayon ? paano niya sasabihin kay Randy na siya ang ama ng
kanyang dinadala? Ni hindi nga niya natatandaan na mayroon nangyari sa kanilang
dalawa. Paano niya aangkinin ang isang responsibilidad na di niya alam na
kanya? Paano na ang kanyang mga pangarap? Ito ba ang parusa sa kanya sa kanyang
pag lalayas? Kay daming katanungan ni isa wala siyang makapang kasagutan.
Nag
pasya siyang bumalik na lang sa kanila. Siguro kaya naman siyang tanggapin muli
ng kanyang ina. Kahit kagalitan siya at saktan nito tatanggapin niya . basta
lang mayroon siyang masasandalan habang buntis. Sisiguraduhin niyang mabibigyan niya
ng magandang kinabukasan ang magiging baby niya. Iniintay na lang niya si Randy
para makapag paalam ng maayos sa kanyang pag alis. Naka impake ng lahat ang
kanyang mga gamit. Hindi niya malaman dapat bang sabihin niya nag tunay na
dahilan kaya siya uuwi na sa kanila o ililihim niya ang katotohanan. Bahala na
kung mag kakaroon siya ng lakas ng loob mamaya sa pag papaalam niya sasabihin
niya ang buong katotohanan. Na siya ang ama ng kanyang ipinag bubuntis.
Tanggapin niya o hindi ito atleast nasabi niya dito ang katotohanan.
Kainip
inip kay Meldy ang mga oras . ginawa pa
rin niya ang mga nakagawian niyang trabaho sa bahay. nakahanda na lahat pati
ang damit na pag bibihisan nito. Pag pasok pa lang ni Randy kita na niya ang
mga gamit ni Meldy. Nag tataka siya bakit naka impake na ito. Tinanong siya ni
Meldy kung gusto na nitong mag hapunan.
Pag katapos mag bihis. Pero hindi siya pinansin nito bagkus siya ang
hinarap at tinanong bakit nakaimpake ang mga gamit niya. Babalik na ako sa amin
. paano yong plano mong mag aral. hindi naman ako makakapag aral na lalu na
ngayong nag dadalantao ako. Sa pag kasabi niya na buntis siya parang ipinako sa
kanyang kinatatayuan si Randy.
May
kasintahan ka ba? Sino ama ng dinadala mo? Wala ka namang pinapakilala sa akin?
Wala namang pumupunta dito para ligawan ka? Paano ka na buntis? Sunod sunod na
tanong ni Randy. Wala akong kasintahan. At wala din nanliligaw sa akin. Kung ganoon sino ang ama ng dinadala mo?
Tinitigan siya ni Meldy sa mga mata at sinabing ikaw ang ama ng bata sa aking
sinapupunan. Natatandaan mo noong minsang umuwi kang lasing na lasing? Mayroong
nangyari sa ating dalawa. Akala ko after ng gabing iyon wala na akong problema.
Kahit hindi mo naalala na mayroong naganap sa ating dalawa. Pero eto dala dala ko ang minsang aking pag
kakamali. Pero hindi ako nag sisi sapagkat anak ito ng lalaking aking unang
natutunang mahalin. Ang lalaking unang umangkin ng aking pag kababae.na siya
ring magiging ama ng aking magiging anak.
Iyon lang at napalundag na sa
tuwa si Randy. Magiging tatay na ako. Niyakap si Meldy at binuhat niya ito. Ibaba
mo ako baka ako mahulog kawawa naman ang baby.hindi ka aalis hindi mo puedeng
ilayo sa akin ang magiging baby ko. At ikaw di mo ako puedeng iwanan ngayon
pang nalaman kong mahal mo din ako. Sabay tayong uuwi sa inyo hihingin natin
ang pahintulot nilang makasal tayo. Bubuo tayo ng isang masaya at tahimik na
pamilya. Bubusugin natin ng pag mamahal ang ating magiging mga anak. Ang lahat
ng agam agam ni Meldy sa kanyang puso lahat ay nawala. Napuno ng kasiyahan ang
puso niya. Hindi niya akalain na sa ganito hahantong ang lahat. Nag uunahang
umagos ang kanyang mga luha sa sobrang kaligayahan. Ang lalaking kanyang
minahal sa unang kita palang ay mayroong katugon pala ang pag ibig na kanyang
nararamdaman.
Lumipas ang mga araw buwan isinilang niya ang unang supling nila ni
Randy. Wala siyang makapang kahit kaunting pag sisi kung bakit siya nag layas.
Dahil dito nasumpungan niya ang tunay na kaligayahan sa buhay. Natagpuan niya
ang tunay na pag ibig sa piling nag lalaking kanyang tagapag tangol noon at
ngayon dakilang asawa at ama sa kanyang anak. Wala na siyang mahihiling pa.
dahil kapiling niya ang kaunaunahang lalaking kanyang minahal ng wagas.
******THE END****** written by:
Rhea Hernandez 5/22/13
No comments:
Post a Comment