Wednesday, May 29, 2013

LOVE STORY "REYNALDO"


LOVE STORY “ REYNALDO”

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


               Pangalawa buhat sa panganay  kaya noong mag asawa ang kanilang panganay na kapatid sa kanyang balikat naatang ang pag tulong sa kanyang ina sa pag papa aral ng mga nakakababatang kapatid.  Nag aral ng paka Police pero di nagamit ang pinag aralan at nag trabaho agad. Masaya naman siyang nakakatulong sa kanyang ina. Sabi nga ang mabait na anak hindi kayang tiisin ang ina na  hihirapan sa pag pasan sa  kanilang mag kakapatid.  Maaga kasing pumanaw ang kanyang ama kaya naman hirap ang kanyang ina sa kanilang kabuhayan. Sa gusto niya siya na ang tumatayong panganay sa kanilang mag kakapatid. Ang kuya niya mayroon ng sariling pamilya.

               Noong makilala niya si Isabel  tumibok ang kanyang pihikang puso. Sinuyo niya hanggang mapasagot . naging sila at nag plano ng masayang pamilya. Kaya naman noong sapitin ni Reynaldo ang edad 26 nag plano silang mag pakasa l ni Isabel. Anong ligaya ni  Reynaldo at makakasama  na niya habang panahon ang babaeng kanyang nililiyag. Bumoo ng isang payak at tahimik na pamilya.  Ginawa niya ang lahat para bigyan ng maalwang buhay si Isabel. Kaya naman ang gabi ginagawa niyang araw para kumita ng malaking pera.

                Noong ipanganak ang panangay nila anong ligaya ni Reynaldo sa wakas mayroon ng bunga ang kanilang pag mamahalan ni Isabel. Lalu niyang minahal ang asawa sa pag bibigay nito ng isang malusog na anak na lalaki. Wala siyang pag siglan ng kanyang kagalakan noong marinig niya ang unang uha ng kanyang anak. Nasambit niya ganito pala ang piling ng nagiging isang ama. Kanyang nabulong sa sanggol anak gagawin ko ang lahat mabigyan ka lang ng magandang kinabukasan. Kay liit ng baby natatakot hawakan ni Reynaldo baka mabali niya ang mga buto nito. Napaka fragile naman ng isang bagong silang na sangol. Nasisiyahan na siyang pag masdan at hipuin ng kanyang mga daliri ang baby.

               Lalung nag sumikap si Reynaldo sa kanyang trabaho para sa kanyang mag iina. Habang dumadaan ang mga araw lumalaki ang baby nila ni Isabel lumalaki na rin ang gastusin. Kahit anong gawin niya ganoon pa rin ang buhay. Walang pag babago at pag asenso. Kahit na nga yata mag dumapa siya sa pag kayod hindi sila aasenso. At muling nag dalantao si Isabel.  Dala dala na nito ang kanilang pangalawang anak.  At muli isang lalaki ang kanilang bagong baby.

                 Lumipas ang mga taon nag aaral na ang mga bata. Ang panganay nila nasa  grade 4 at ang bunso nasa grade 2. Ngayong pareho na silang nag aaral lalung hirap na sila sa mga gastusin nahihirapan ng I budget ang kinikita ni Reynaldo. Nag iisip silang mag asawa kung paano ang kanilang gagawin para kahit papaano mabigyan ng ginhawa ang mga anak nila. Kaya naman nag desisyon si Reynaldo na mag abroad. Nag appy siyang isang industrial technician sa isang company sa Saudi Arabia. Sinuwerte naman at nalakad agad siya at maganda naman ang kita . Kaya kahit papaano nakakalasap na ng ginahwa ang kanyang mag iina.

               Ibayong hirap ang dinanas ni Reynaldo . halos masiraan siya ng bait sa kanyang nararamdamang homesick. Pero tuwing maiisip niya kaya siya nandoon ay para sa kinabukasan ng kanyang mag mahal sa buhay. Nakakayanan niya ang kanyang homesickness. Lagi niyang iniisip gaano lang yong dalawang taon . mabilis lang naman itong lilipas.  Bawat araw na mag daan check niya ang mga number nito sa kalendaryo. Araw araw binibilang niya kung ilang araw nalang at makakauwi na siya at makakapiling muli ang kanyang mag iina. Noong mag bakasyon si Reynaldo after 2 years anong saya nilang mag anak. Para na nga ayaw na niyang bumalik uli sa Saudi. Pero kailangan niyang bumalik para sa kanyang mag iina. Para sa kanilang kinabukasan.

               Sa muli niyang pag lisan  mas ibayong sakit nanaman ang kanyang naramdaman noong iwanan niyang muli ang mga ito.hanggang isang araw tumawag si Isabel at ipinag paalam na yong isa nitong pinsang babae ay makikitira sa kanila. Hindi nag dalawang isip si Reynaldo sa pag sagot ng oo. Ang iniisip niya makakabuti sa kanyang asawa ang mayroong makakasama para hindi gaanong mainip tulad niya. Hindi niya akalain ito pala ang pinakamalaki niyang pag kakamali. Mahilig ang pinsan niyang  makihalubilo sa mga kalalakihan. At kung minsan naiimpluwensyahan nito si Isabel na sumama sa mga lakad nito. Dito nag umpisa ang kalbaryo ni Reynaldo.

                 Marami ang nakakaratin sa kanyang balita na ang kanyang asawa ay gunagawa ng hindi maganda. Noong una hindi siya naniniwala. Kilala niya ang kanyang si Isabel. Hindi ito haliparot tulad ng ibang babae. Pero dahil sa pinsan nito na masamang impluwensya. Natutong mapalapit sa ibang lalaki. Kaya naman humingi siya ng bakasyon para pag usapan nilang mag asawa ang pag labas labas nito at pakikipag mabutihan sa ibang lalaki. Noong umuwi siya ramdam na niya na mayroon naiba sa kanyang asawa. Naramdaman niya ang pag lalamig nito at wala na ang dating Isabel na mapag kalingan at mapag aruga sa asawa. Nag usap sila at inayos ang pag kakaroon nila ng mis communication. Bago bumalik si Reynaldo sa Saudi ang buong akala niya natapos doon ang problema nilang mag asawa.

                 Nag kapatawaran sila. Humingi ng tawad si Isabel at binigyan niya ito ng pangalawang pag kakataon. Nangako na mag babago na ito. Iiwasan na niya ang tukso. Parang ayaw na ni Reynaldo bumalik ayaw na niyang iwan ang asawa. Baka sa pag alis niya muling matukso ito. At muli pag taksilan siya. Pero pinagtulakan siya ni Isabel. Paano na daw ang buhay nila kung hindi na siya mag aabroad. Paano na yong mga anak nila. Matitigil sa pag aaral sa pribadong  school. Ibabalik ba nila  uli sa public school. Tuwing maiisip niya ang kapakanan ng dalawa niyang anak.  Lumalakas ang loob niyang bumalik uli sa Saudi. Muling lumisan at nag hanap buhay sa malayong lupain ng Saudi Arabia. Para sa kinabukasan ng mahal niyang asawa at mga anak. Kahit may agam agam sa kanyang puso . wala siyang magawa kundi muling mag tiwala sa kanyang asawa.

               Saktong limang taon na siya sa Saudi noong muling mayroong siyang nababalitaan. Kahit anong tanong niya kay Isabel laging sinasabi nito na sinisiraan lang siya. Kasi naiingit lang ang mag ito sa gumaganda na  nilang pamumuhay. Unti unti na silang nakakapag pundar ng mga gamit at mayroon na silang sariling bahay. Pero hindi mapakali si Reynaldo sa kanyang mga nababalitaan. Malakas ang ugong ng mga balita na mayroong kinakasama ang kanyang asawa. At ang kanyang pinapadalang pera ang ginagastos nila para mag pakaligaya.

               Hindi nakatiis si Reynaldo at hindi siya mapakali. Masama ang kanyang kutob na hindi pa nag babago ang kanyang asawa. Patuloy pa rin siyang niloloko. At nag papasasa sa kanyang pinaghirapan sa Saudi. Kaya naman lingid sa kaalaman ni Isabel kumuha siya ng private inbistigator. Pinasubaybayan niya ang kanyang asawa. At dito nakakuha siya ng solid na ebidensya na pinuputungan siya ng tae sa ulo ng kanyang asawa. Mayroon nga itong lalaki ni walang hanap buhay. Kundi umaasa lang sa kanyang pinapadalang pera. Kaya naman noong mayroon na siyang katibayan pinutol na niyang lahat ang sustento. At  umuwi si Reynaldo ng walang pasabi. Lihim siyang umuwi upang hulihin sa akto ang asawa.

                Kitangkita ng kanyang dalawang mata ang kataksilan ni Isabel. Para siyang pinag sakluban ng langit at lupa. Kung di niya napigil ang kanyang sarili baka napatay niya ang mga ito. Tinatanong niya sa kanyang sarili ano ba ang nagawa niyang pag kakamali at ganito siya ay pinaparusahan . wala naman siyang hinangad kundi ang bigyan  sila ng magandang kinabukasan. Kahit ganoon pa man handa pa rin niyang patawarin si Isabel iwan lang nito ang lalaki niya. Pinapili ni Reynaldo ito ang sabi niya kakalimutan niya ang lahat iwanan na niya ang lalaki niya. Anong kinabukasan ang maibibigay sa kanya nito isang tambay at walang hanapbuhay.

               Lalung nadismaya si Reynaldo noong ang lalaki nito ang pinili ni Isabel. Ibig ipamukha nito sa kanya na mas mahal na niya ito kaysa kanya. Nakalimutan ni Isabel ang kanilang pag mamahalan sa loob lang ng limang taong pag kakahiwalay. Napilitan lang siyang lumayo para sa kanilang kinabukasan . bakit ganito ang hinangad  niya ay magandang buhay para sa kanila . bakit ang pag sasakripisyo niya ay nauwi sa pag kawasak ng kanyang masaya at buong pamilya. Ito ba ang bunga ng pag papakahirap niya sa malayong lugar ng Saudi Arabia. Kaunting ginhawa kay laki ng hininging kapalit.

                Nalaman niya kaya pala yong lalaki niya ang pinili dinadala nito ang una nilang anak. Muling nag dadalang tao ang kanyang asawa pero hindi na siya ang ama. Kung noong anong ligaya niya noong dalhin nito ang kanilang anak ngayon naman ibayong kalungkutan ang dulot nito sa kanya. Upang makalimot at makaiwas sa mga taong makakati ang dila nag pasya si Reynaldo bumalik na muli sa Saudi Arabia. Sa muli niyang pag lipad laylay ang kanyang balikat. Kung noon Masaya siyang umaalis dahil sa isipin gagawin niya ang lumayo para sa kanyang mga mahal sa buhay. Pero ngayon aalis siya para kalimutan ang mga masasakit na nangyari sa kanya.lalayo upang kalimutan ang mahal sa buhay.

               Tatlong taon na ang nakakalipas buhat noong huli siyang lumisan sa pilipinas. Pero eto pa rin siya sariwa pa ang sugat na nilikha ng kanyang asawa. Tuwing naiisip niya parang binibiyak ang kanyang dibdib sa sakit na nararamdaman niya. Sabi nga ng mga kaibigan at kasamahan niya sa trabaho. Mag hanap ka na ng bagong mamahalin para mawala ang sakit ng puso mo. Nahihirapan na siyang mag tiwala muli sa mga babae. Natatakot siyang muling masaktan.  Lalu na ang dami niyang naririnig sa kanyang mga kasamahan na halos pareho ng kanyang karanasan.

               Ngayon ang tingin ni Reynaldo sa mga babae marurupok sa tukso.  Mahirap pag katiwalaan. Matalikod kalang sandali nag hahanap na ng ibang kalinga. Kung puede lang  huwag ng muling mag mahal ang puso niya. Ayaw na kasi niyang masaktan muli. Hirap mag hilom ang sakit. Tuwing naalala niya si Isabel muling nag nanaknak ang sugat ng puso niya. Lagi niyang tinatanong hanggang kalian ito. Kung siya ang tatanungin gusto na niyang makalimot ng tuluyan. Ayaw niya ang kanyang nararamdaman.

                Kalian kaya matutong mag patawad ang kanyang puso? Kailan babalik ang sigla ng buhay? Saan masusumpungan ang tunay na kaligayahan? Mayroon pa bang magandang bukas  na mag iintay sa kanya? Matututo pa bang mag mahal muli ang kanyang sugatang puso? Kay daming katanungan walang makapang kasagutan.siguro hanggang sariwa pa ang sugat sa puso ni Reynaldo ang lahat hindi siya matutotong mag mahal. Wala naman siyang ginawa kundi hangarin at pangarapin bigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mag iina. Pero ano itong kanyang  natamo. Saan ba siya nag kamali lagi niyang tanong sa kanyang sarili? Sana makaalpas na siya sa pighating kanyang  nararamdaman. ** THE END**  ni   Rhea Hernandez 5/29/13  ….   

No comments:

Post a Comment