Monday, May 27, 2013

LOVE STORY "KRISTINE"


LOVE STORY “KRISTINE”

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


               Isinilang sa Mogpog Marinduque , panagnay sa apat na mag kakapatid. Sa murang edad ramdam  na hindi  mahal ng kanyang ama. Kakaiba ang turing sa kanya. Samantala yong tatlo  pang kapatid mahal na mahal naman. Sa mura  edad nag tataka  pero kahit anong isip ang gawin  wala  makapang kasagutan sa kanyang munting kaisipan. Di ba ang dapat  ang panganay  ang unang mabubuhosan ng pag mamahal ng kanyang ama. Pero ano itong nararamdaman niya Para  hindi nakikita ang presensya niya sa ama. Pati sa kanyang ina wala  magawa para sa kanya.

               Sa murang isip naitatanong tuloy niya tunay nga ba siyang anak o ampon lang? lagi naman nilang sinasabi na tunay siyang  anak. Pero hindi ito maramdaman ni Kristine. Lagi  nag hahanap ng kalinga at pag mamahal. Pag dumadating ang kanyang ama may pasalubong para sa mga kapatid  pero para sa kanya ay wala. Parang hindi siya nakikita. At hindi pinapansin. buti pa siguro kagalitan  para kahit papaano mayroon siyang papel sa buhay ng kanyang ama. Na  Kahit papaano mapansin din siya. Sa murang edad ramdam  na niya  kakaiba siya  sa mga kapatid . ang kanyang ina lang ang nag mamahal sa kanya pero hindi naman niya mapakita ito sa kanya pag nandoon ang ama.hanggang sapitin niya ang ika 9 na kaarawan. Na hinding hindi niya makakalimutan.

               Pinag bihis siya ng kanyang ina at pinag lagay ng ilang pirasong damit sa bag. Nagtataka man si Kristine kung saan sila pupunta.Tumalima siya sa utos ng kanyang ina. Tuwang tuwa naman siya ang buo niyang  akala  ipapasyal  siya ng kanyang ina. Na ni minsan hindi pa nito ginawa  kay Kristine. Ang inisip na lang  noon baka dahil birthday niya kaya bibigyan siya  ng supresa. Masiglang masigla siya at pakanta kanta pa nga  habang nagbibihis. Iyon pala panandalian lang ang kanyang kaligayahan. Dinala siya sa bahay ng isa niyang tiyahin na matandang dalaga. At ang sabi  buhat ngayon dito ka na titira. Hindi niya maintindihan ang kanyang ina noon bakit siya ipinapasa sa pag ngangalaga ng kanyang tiyahin. Na ni minsan hindi rin siya kinakitaan ng pag mamahal. Hindi naman siya salbaheng bata bagkus pinipilit pang mag pakabait para mahalin din siya ng mga ito pero wala din.

               Nagtataka bakit pati ang tiyahin niya malayo ang kalooban sa kanya. Hindi niya madama ang pag mamahal . sadya bang ipinanganak  na hindi makakaramdam ng kahit kaunting kalinga ng mga kamag anak. Kailan  kaya masusumpumpungan ang tunay na pag mamahal. Kaya naman nagsumikap na lang sa pag aaral. Para kahit papaano mayroon  marating. Lumipas ang mga taon na hindi  nakakaramdam ng pag mamahal buhat sa kanila.pinagtatanong paano ba mahalin. Dala ng kahirapan pag ka graduate ng high school  vocational lang ang kanyang  tinapos. Na ok naman sa kanya alam naman niya na wala siyang sapat na pera sa pag aaaral . sa murang edad naranasan  mag trabaho para sa kanyang sarili. Kasi ba naman wala naman  maaasahan sa  mga kamag anak. Lalu na sa kanyang ama.

               Noong sumapit sa tamang edad . Nag lakas loob na mag pa Maynila at hanapin ang kanyang kinabukasan. Nag hanap nang trabaho at isinabay ang pag aaral muli. Kahit mahirap iginapang                                                           makatapos ng  medtech mahirap din ang pag sabayin ang trabaho at pag aaral. Pero napagtagumpayan . Umiwas sa barkada at sa mga lalaki. Alam niya na sakit lang ng ulo ang mga ito. Masisira lang ang kanyang  konsentrasyon sa pag aaral. Sa awa ng poong maykapal natapos din niya ang pag aaral ng walang lalaking naging storbo .  ang buo niyang akala hindi na siya iibig. Sumapit siya sa 25 yrs old na di nag kakaroon ng kasintahan.

                Totoo pala ang kasabihan na kahit hindi mo hanapin ang pag ibig kusa itong lalapit sa iyo. Nakilala ni Kristine sa pamamagitan ng isang kakilala itong si Aries. Ang lalaking nag patibok ng kanyang puso. Unang pag kikita palang nag pakita na ng interest  sa kanya. Noong una iniiwasan pa ni Kristine dahil takot siyang mag mahal. Pero naging masigasig ito sa pan liligaw. Hindi naman kaguapuhan itong si Aries pero malakas ang appeal sa mga babae. Malapit sa mga kababaihan siguro dahil na rin maganda ang bukadura nito. Pala biro at mapag biro sa mga babae. Ang buong akala ni Kristine pala kaibigan lang ito kaya malapit sa babae.

               Dahil sa tamis ng dila ni Aries nasungkit nito ang matamis na oo ni Kristine. Mapag mahal at malambing si Aries. Kaya naman tuluyan ng nahulog ang damdamin ni Kristine dito. Anong ligaya niya sa wakas mayroon ng tunay na nag mamahal sa kanya. Kay sarap pala ang pakiramdam na mayroong nag mamahal sa iyo . mayroong nag aalala sa kalagayan mo. Kaya naman noong ayain siyang pakasal ni Aries hindi siya nag dalawang isip. Sumagot agad siya ng oo. Kaya hindi nag tagal ikinasal sila. Sa unang mga buwan anong ligaya ni Kristine. Sa wakas natagpuan na niya ang tunay na kaligayahan. Lagi niyang dinadasal sana huwag ng matapos ang kanyang kaligayahan nararamdaman.

               Iyon pala panandalian lang ang malalasap niyang kaligayahan. Pinatikim lang ito sa kanya tapos ibayong kalbayo ang kanyang papasanin. Ang buo niyang akala wala ng katapusan ang kanyang saya. Pero ano ito kanyang sinapit ibig na niyang pag sisihan kung bakit siya nag pakasal sa ganitong klaseng lalaki. Ang buo niyang akala kay sarap ng buhay may asawa iyon pala isang mabigat na krus ang iyong papasanin habang buhay. Sa  una lang pala Masaya ang pag aasawa. Laluna  ang mapapangasawa mo ay tulad ni Aries . Nag umpisang mag bago si Aries noong ipag buntis niya ang kanilang panganay. Naramdam ni Kristine ang pag lalamig nito sa kanya. Siguro dahil buntis siya.

                Wala siyang ginawa kundi intayin ang pag uwi ng maaga nito galing sa trabaho. Pero laging bigo si Kristine. Madalas inuumaga sa pag uwi at naka inom pa. pag uwi ibabagsak ang pagal na katawan sa kama. Hindi na inisip ang asawang kay laki na ng tiyan. Na halos na mag damag siyang inintay sa pag uwi. Walang magawa si Kristine kundi mag tiis sa mga ipinapakita ng kanyang asawa. Habag sa kanyang sarili ang kaulayaw niya sa maghapon at mag damag. Sadya bang ganito ang buhay may asawa. Masaya lang kayo pag bagong kasal.  Pag lumaki na ang tiyan halos di ka na pansinin. Ang buong akala ni Kristine natagpuan na niya ang kaligayahan sa piling ng kanyang asawa. Pero ibayong pighati ang nadarama niya ngayon. Dapat ba niyang sisihin ang bata sa kanyang sinapupunan? Kung bakit nag bago ang kanyang asawa. Pero hindi ibubuhos niya lahat ang pag mamahal sa kanyang anak. Ipapalasap niya dito ang hindi niya natikman sa kanyang ina.

                   Noong ipanganak ni Kristine ang kanyang panganay na anak anong saya niya at isang malusog na bata. Tumulo ang kanyang luha at umusal na dalangin sana sa pag silang niya muling mag bago ang ama nito at mag balik sa dating Aries ang mapag mahal na asawa. Pero ang lahat ay isang panaginip lang . nag patuloy si Aries sa pag inom at barkada. Walang mahalaga dito kundi ang kasiyahan sa labas ng bahay. Doon napag tanto ni Kristine ito ang tunay na pag katao ng asawa. Walang pakialam sa asawa at anak. Kaya dapat siguro tanggapin na lang niya ang ganoon. Total hindi naman sila pinapabayaan ng kanyang anak sa mga gastusin sa bahay. Kahit papaano hindi pa naman sila ginugutom nito.

               Lumipas ang mga araw nasasanay na si Kristine sa sitwasyon nilang mag asawa. Tanggap na niya napala barkada at pala inom ito.  Hindi niya namalayan muli nabuntis si Kristine sa pangalawa niyang anak. Dito niya naramdaman na dilang mga barkada ang karibal niya kay Aries. Mayroon ng ibang babae kasama sa masama niyang bisyo. Dito na nag simula ang panibagong kalbayo ng buhay ni Kristine. Dito na nag higpit sa pera si Aries. Inuubos niya ang kanyang sueldo sa barkada at babae. Halos wala nang natitira sa kanilang mag iina. Ngayon dalawa na ang kanyang anghel sa buhay. Gagawin lahat ni Kristine para mabigyan ng magandang buhay ang mga ito.

               Kaya napilitan mag hanap ng trabaho si Kristine. Hindi naman siya nahirapang mag hanap ng trabaho. May pinag aralan naman kasi kaya kahit papaano hindi siya nahirapan mag hanap ng mapapasukan. Dito muling natutong mag ayos sa kanyang sarili si Kristine. Kailangan pumasok siya na nakaayos hinihingi ng pag kakataon. Dito lumabas ang isa pang ugali ni Aries ang pakaseloso nito. Kaya daw siya nag papaganda dahil may ibang lalaki sa buhay ni Kristine. Kahit anong paliwanag ang gawin nito kay Aries di naniniwala. Bakit ganoon siya itong kaliwa’t kanan ang babae siya pa ang may ganang mag bintang . hindi na malaman ni Kristine ang gagawin niya sa asawa niya.

               Isang araw habang nasa trabaho si Kristine sumugod si Aries. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito sa kanya. May dalang baril tinutukan siya at pinag bantaan ng papatayin siya. pag hindi niya itinigil ang pag pasok sa trabaho. Dahil daw dito natuto siyang mang lalaki. Hindi malaman ni Kristine kung ano ang kanyang gagawin. Nag uunahan ang kanyang mga luha sa pag patak. Anu bang klaseng asawa mayroon siya. Bakit di siya binigyan ng kahit kaunting kahihiyan sa kanyang trabaho. Bakit siya ginaganito. Wala naman siyang ginagawang masama. Hindi naman niya dinudungisan ang kanyang pangalan. Malaki ang pag papahalaga ni Kristine sa kanilang kasal kaya ni sa guniguni hindi niya inisip ang mang lalaki. Kahit ubot ng babaero lasenggo ang kanyang asawa.

               Dahil sa pangyayari napilitang mag resign si Kristine sa trabaho. At nag stay na lang sa bahay at asikasuhin ang dalawang anak at asawa. Para makatipid pina alis na niya ang kanilang kasambahay at siya na ang nag asikaso sa kanyang mag aama. Nag babakasali siyang sa kanyang gagawin ay matauhan ang kanyang asawa. Pero hindi naganap ang kanyang inaasahan. Naging lalung pasakit ang kanyang dinanas. Ang pag inom at babae nito nadagdagan pa ng pananakit sa kanya pag nakauwi ng lasing. Kahit nasa bahay na lang siya pinag seselosan pa siya na  may lalaki. Halos dina nga siya lumalabas ng bahay para wala ng masabi si Aries. Iniisip na lang ni Kristine natatakot siguro si Aries na gawin niya ang ginagawa nitong pang babae.

              Noong mag  high school ang panganay nilang anak. Ang itunuturing ni Kristine na inainahan pinayuhan siyang mag abroad na lang para makalayo sa pasakit na dinadanas niya sa piling ng asawa. Layuan na niya ito at maiwasan na niya ang mga pananakit sa kanya pisikal at mentally ang hirap na dinadanas niya. Kaya naman noong mag karoon siya ng pag kakataon ang hanap ng agency na puedeng mag palakad sa kanya. Talagang maawain ang Diyos sa kanyang pinuntahan nangangailangan agaran na ipapadala. Kaya naman sa loob ng ilang buwan tumulak siyang mag trabaho sa ibang bansa. Dito nag karoon si Kristine ng katahimikan .

               Noong mag paalam si Kristine sa kanyang asawa bago umalis. Sinabi niyan hinding hindi na siya babalik pa sa piling nito. Kaya ganoon na nga ang ginawa ni Kristine dina muling nag balik pa sa piling ni Aries. kahit papaano nag kakaroon sila ng kommunikasyon para sa mga bata. Pero noong lumaki na ang mga ito at nasa hustong gulang na inihinto na niya ang pag tawag tawag dito deretcho na sa mga bata ang ipinapadalang pera. Para na lang talaga sa kanyang dalawang anak kaya siya nag pakalayo layo . ayaw na niyang balikan ang bangungot ng buhay niya.

                 Buhat noong lumisan si Kristine sa pilipinas hindi siya nag palit ng amo . hanggang ngayon ito pa rin ang boss niya. Itinuring na siyang isang kapamilya ng mga ito. Napamahal na siya dito at dina itinuturing na iba. Mag lilimang taon na siya dito naninilbihan. At hindi pa rin umuuwi sinabi niya sa kanyang sarili hindi siya uuwi hanggang buhay si Aries. Last February namatay si Aries . baka this coming yearr umuwi dalawin ang mga anak na kinasasabikan niyang Makita sa loob ng limang taon. Hindi niya alam kung babalik pa siyang mag abroad o manatili na lang sa piling ng mga anak.

               Hindi alam ni Kristine pag katapos ng mga dinanas niya sa piling ni Aries ay matuto pa siyang mag tiwala muli sa mga lalaki. Kung sakaling mag mahal siyang muli sana naman makatagpo na siya ng isang lalaking mag papahalaga sa kanyang pag kababae at pag katao. Ito lang naman ang dinadasal niya ang matagpuan ang tunay na kaligayahan.  Ang tunay na mag mamahal sa kanya at tatangapin siya kung sino siya at higit sa lahat ang tanggapin ang dalawa niyang anak. Ang dalangin niya sana dumating ang panahon na makalasap ng ligaya at hindi puro pasakit. Sana may magandang bukas na nag hihintay sa kanya.*** THE END*** written by: Rhea Hernandez *** 5/27/13***

         

No comments:

Post a Comment