LOVE
STORY “ JULES”
NI Rhea Hernandez
Pinoy poems
Isang binatang pihikan sa pag pili ng babae.
Sabi naman ng ibang nakakakilala sa kanya isa daw itong gigolo. Kasi hindi yata
marunong tumangi sa mga babaeng
lumalapit sa kanya. Hindi naman sa pag yayabang nasa kanya na yata lahat ang
hinahanap ng isang babe. Graduate ng business administration kaya naman siya ang nag papatakbo ng kanilang
negosyo. Ipinag katiwala ng kanyan ama ang pamamahala nito. Kasi bata pa lang siya inimulat na sa
kanya paano patakbuhin ito. Kaya naman related sa business ang kinuha niyang
kurso. Umabot siya sa edad 30 na binata pa. ipinagtutulakan na siya ng kanyang
ina na mag asawa na. gusto ng kanyang ina bago ipikit ang mga mata maalagaan
niya ang magiging apo niya kay Jules.
Ito ang malaking problema ni
Jules. Hindi pa niya nakikita ang tamang babae para sa kanya. Sa daming babaeng
nag daan sa kanyang buhay ni isa dito walang nag pakilig sa kanya. Ang
hinahanap niya yong sinasabi ng iba na halos sumungaw na ang puso mo masilayan
lang ang iyong iniirog. Kaya madalas
niyang itanong sa kanyang sarili mayroon bang ganitong pag ibig. Totoo kaya ang mga sinasabi ng marami. Na ang tunay daw na pag
ibig yong kahit malayo hindi mo ito papansinin. Kung kahit mahirapan ka ipag
lalaban mo pa rin ito. Mayroon nga bang gaanitong klase ng pag ibig. Ito ang
gusto kong maranasan. Pag dumating na ito sa buhay ko mag aasawa na talaga ako.
Laging sagot ni Jules sa kanyang ina pag kinukulit siya nito sa pag aasawa. Sa
totoo lang kunukulili na ang kanyang tainga sa kakatanong ng ina kaya ito ang
kanyang sinasagot. Para lang tumigil sa kakakulit sa kanya.
Kahit anong oras puede na syang
mag asawa. Nakahanda siya sa magiging magandang kinabukasan ng magiging asawa
niya at mga anak. Malakilaki na rin ang kanyang saving. Pero talaga lang wala
pang babae makabihag ng pihikan niyang puso. Maalinsangan ang gabi hindi
makatulog si Jules kaya naman nag bihis siya at balak mag libang libang. Ayaw
niyang uminom mag isa sa kanyang bar. Masyadong tahimik ang kanyang condo. Para
uminom mag isa. Ayaw naman niyang tawagan ang mga kabarkada niyang lumabas.
Kaya mag isa na lang siyang pumasok sa isang sikat na bar. Nakamasid lang sya
sa mga umiinom at ini enjoy ang kanyang
bote ng beer. Talagang buhay na buhay ang gabi dito sa Las Vegas. Kahit
wala kang ka date ok lang mag e enjoy ka pa rin ang bulong ni Jules sa kanyang
sarili.
Habang tinutunga ni Jules ang
bote ng beer mayroon isang pumukaw sa kanyang interest. Isang babae maganda
sexy. At nag iisa walang kasama. Nakita niyang palinga linga ito. Siguro hinahanap niya ang kanyang ka date. Pero
nag kamali siya nag hahanap ng pala ito
ng bakanteng table. Nag kataon naman na akupado ng lahat ang table. Ang table
lang niya ang may bakanteng upuan. Nanghihinayang man yong waiter na paalisin
siya wala namang magagawa kasi alang ng bakante. Pero mapilit ang babae gusto
nitong pumasok at uminom. Kaya naman lumapit ito sa table ni Jules at siya na
ang nag tanong kung puede syang maki share sa table nito. Nangngiti si Jules mukhang game ang isang ito
. kaya sagot niya ok lang sa akin kung ok sa iyo na kasama ako sa table.
Yon lang ang inintay nito at
umupo na agad. Sabay order ng margarita sa waiter. Pag dating ng kanyang order
ininom ito na parang soda lang ang iniinom. Pag katapos umorder ulit ng isa pa.
at ganoon din ang ginawa. Hindi nakatiis si Jules at nag tanong siya sa kanyang
kasama sa table. Nag papakalasing ka bang talaga. Para ka lang umiinom ng tubig
kung tunggain mo yong drinks mo. Sandali
lang lasing ka na niyan. Iyon naman ang gusto ko ang malasing at makalimot sa
sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko. Kahit ngayong gabi lang ito. Ang walanghiyang
iyon akala niya siya lang ang lalaki sa mundong ito. Makikita niya makakakita
rin ako ng higit pa sa kanya. Pag sisihan niya ang ginawa niyang pag iwan sa
akin at ipinag palit sa walang kuwentang babaeng iyon.
Ngayon alam na ni Jules kung
bakit ganito ang inaasal ng babae. Sayang maganda pa naman siya. Lokong lalaki
yon pinakawalan pa niya ang isang katulad nito. Sa pag bubukas ng saloobin ng
babae kay Jules nag kapalagayan sila ng loob. Hanggang sinabayan ni Jules ang
pag inom ng babae. Nag kakatawanan na sila at kung ano anona ang napag uusapan nila. Mukhang nakalimutan
nito ang problema sa kanyang boyfriend. Kung kanina mag kaharap lang sila sa
table ngayon mag katabi na sila. Nahahawakan na ni Jules ang kamay nito at
nakakaakbay na siya sa babae. Ang bulong
sa kanyang sarili ok ito game siguro kaya niya itong ikama ngayong gabi. Hindi
nag taka si Jules noong mag aya siyang umuwi
hindi pumalag ang babae.
Sandali lang mag restroom muna
ako. Tawag ng kalikasan. Ang sabi ni
Zhenah , nag tangkang tumayo ito . dala marahil ng kalasingan nawalang ng
balance bumagsak ito sa kandungan ni
Jules. Oopps sorry lasing lang. hindi mo na yata kaya samahan na kita sa
restroom. Inalalayan ni Jules si Zhenah hanggang sa labas ng restroom. Nag intay
siya sa walkway ng papasok ng restroom. Sumandal siya sa wall kasi pakiramdam
niya umiikot ang paligid. Lasing na rin yata ako. Naparami ang inom ko dahil sa
babaeng iyon. Huwag ka maganda siya. At parang
kay bango bango. Siguro kay sarap halikan ang kanyang mga labi. Ipinilig ni
Jules ang kanyang ulo. Bakit siya nag kakaganito. Ngayon lang niya nakilala si
Zhenah pinag nanasahan na niya. Gusto ba siya ng aking puso? Hindi matatapos
ang gabing ito na hindi kami magiging close sa isa’t isa. Hindi ako papaya na dito
matatapos an gaming pag kikilala. Magiging bahagi siya ng buhay ko. Sinusiguro ko
ito iba ang dating niya .
Sa isip naman ni Zhenah ngayong
gabi lang siya mag wawala. Pag katapos nito tapos na ang kanyang kabaliwan.
Papatunayan niya sa kanyang sarili na hindi totoo ang sabi ng ex boyfriend niya
na kapatid niya si Maria Clara. Total hindi naman niya kilala ang lalaking
sasamahan niya. Gaano ba yong hawak kamay at akbay. Maligo lang wala na ang mga
iyon. Basta mag e enjoy siya ngayong gabi. Mapapatunayan niya sa kanyang sarili
na magiging Masaya siya kahit iniwan siya ng lalaking iyon. Bahala na mag
patangay sa agos ngayong gabi. Bukas pag gising balik na ulit siya sa totoong
Zhenah.
Patuloy ang kanilang pag inom
hanggang hindi na nila kaya ang sarili. Nag tataka man si Jules bakit siya
naging ganito sa babaeng ito. Hindi naman niya gawing mamulot ng babae basta
basta. Oo marami na siyang naka date pero puro pakilala ng kaibigan niya at
hindi ganito unang kita pa lang nila para na silang close sa isa’t isa. Sa
totoo lang di pa niya alam ni pangalan ng babae. Saka palang niya naalala
itanong dito kung ano ang pangalan niya. Zhenah
ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko. Kaya puede mo na rin akong tawagin
Zhenah. Di ba mag kaibigan na tayo. Saka palang sinabi ni Jules ang pangalan
niya. Sabay akbay kay Zhenah ayan mag kakilala na tayo kaya friends na tayo.
Sabay pa silang tumawa ng malakas.
Kinawayan ni Jules ang waitress
kinuha ang bills nila at sabay na silang lumabas ng bar. Pareho silang susuray
suray . kumaway ng taxi at nag pahatid sa kanyang condo si Jules. Pag pasok pa
lang sa taxi nag lapat na ang kanilang mga labi. Kung hindi pa sila parehong
kinapos ng hangin baka hindi na sila nag hiwalay. Nag tataka si Zhenah at Jules
sa kanilang sarili bakit ganoon ang pakiramdam nila sa isa’t isa. Parang kilala
ng kanyang puso ang puso ni Zhenah. Sa daming labi kanyang nahalikan na iba ang
tamis at dulot ng saya sa kanyang puso ang halik na kanyang nalasap. Para bang
mayroong nag bubulong sa kanya na higit pa sa halik ang gusto niyang maganap sa
kanila. Kaya naman may ibinulong siya kay Zhenah. Para itong kiniliti sa
kanyang bulong pero sabi nito. Hindi ko ibibigay ang pag kababae ko sa lalaking
hanggang hindi niya ako pinapakasalan.
Hindi problema yan kahit ngayon
mag papakasal tayo. Kung iyan ang gusto mo. Basta payag kang ibigay ang gusto
ko. Oo basta pakasalan mo muna ako. Kaya naman mamang driver narinig ninyo yon
gusto ng mahal ko na mag pakasal muna
kami bago ang lahat. Ngingiti ngiti ang driver ng taxi. Kasi alam niya dito sa
Las Vegas maraming ganoon. Kaya naman alam na niya kung saan niya puedeng
dalhin ang dalawa para makasal. Kahit anong oras mayroong nag kakasal doon
kahit madaling araw na. kaya siguro tinawag na sin city ito. Para sa katulad
nila. Nag eekis ang kanilang mga paa pag baba ng taxi at pumasok sa isang
maliit na parang chapel. May dinatnan silang ilang tao sa loob mga pupungas
pungas. Siguro madalang ang nag papakasal sa ganitong oras.
Kumpleto rekado sila mayroon na
tumayong ninang at abay . ilang minute lang ang inintay niya at nag wika na ito
na kiss mo na ang iyong asawa. Di yata may asawa na siya ngayon kay bilis ng
pangyayari. Ayan kasal na tayo puede na. mag hohoney moon na tayo. Muling
tumawag si Jules ng taxi at nag pahatid sa kanyang condo. Pag bukas palang ng
pintuan isa isa ng inaalis ni Jules ang saplot nila. Kakaiba ang nadamang
ligaya niya. Kakaiba sa mga babae nag daan sa buhay niya. Ano ang mayroon kay
Zhenah na wala sa ibang babae. Parang hindi siya mag sasawang mahalin ito.
Parang hinahanap na siya ng puso niya.
Ito ba ang pag ibig sa unang pag kikita. Si Zhenah ba ang babaeng sadyang
nakatakda para sa kanya. Pinag saluhan nila ang kaligayahan sa buong mag damag.
Nakatulog silang dalawa na mag
kayakap na ni isang saplot sa katawan ay wala. Tanghali na mga tulog pa sila.
Si Zhenah ang unang nagising. Pag dilat niya ng mata bakit wala siya sa bahay
nila. Nasaan siya. Saka palang niya
napansin mayroong kamay nakayakap sa kanya. Sinong lalaki ito? Saka niya nakita
pareho silang walang damit. Sumigaw siya ng ubod ng lakas. Na siyang ikinagising
ni Jules. Love bakit ka sumigaw. Bakit ako nandito ? ano ang ginawa mo sa akin?
Bakit wala tayong damit pareho? Ano naman kung pareho tayong walang damit ehh
mag asawa naman tayo na. hindi mo na natatandaan ikaw pa nga ang may gustong
mag pakasal muna tayo bago ang lahat. Kaya ayon nag pakasal tayo saka nag
honeymoon.
Sinamantala mo ang aking
kalasingan kagabi. Hindi kita pinilit gusto mo rin ang nagyari. Saka dina tayo mga bata . mayroon na tayong mga
sariling desisyon . gusto kita gusto mo ako ano pa ang kulang doon at isa pa
kasal na tayo. Kagabi lang tayo nag kakilala tapos ngayon mag asawa na tayo.
Ibinalot ng kumot ang katawan ni Zhenah at isa isa niyang pinulot ang kanyang
mga damit. Saka niya tinutop ng dalawang kamay ang kanyang ulo. Hindi niya
maisip bakit niya nagawa ito. Bakit kay dali niyang naisuko ang kanyang pag
kababae kay Jules. Samantala kay tagal nilang pinag talunan ng boyfriend niya ito. Di ba ito ang dahilan ng kanilang
pag hihiwalay ang pagiging maria clara niya. Ayaw niyang ibigay hanggang hindi
pa sila nakakasal.
Pero eto siya ngayon ala pang
24hrs niyang kakilala nakuha na ang lahat sa kanya. Alam ni Jules kagabi
pa niya nabatid siya ang unang lalaki sa buhay ni Zhenah. Nag
tataka man siya bakit bumigay ito sa ganoong kaigsing panahon . tulad kaya niya ang nadarama ni Zhenah. Pag
ibig sa unang pag tatagpo. Sa una palang pag tatama ng kanilang mga mata nanuot
na hanggang puso nila. Alam ni Jules ngayong wala ang spiritu ng alak malaki
ang mababago. Sabagay kahit sino namang babae mabibigla sa mga nangyari . pero
gagawin ko lahat para mapaibig si Zhenah. Ngayong natagpuan ko na ang hinahanap
ko hindi ko na ito papakawalan pa. ang bulong ni Jules sa kanyang sarili. Ito
pala ang hanap ng puso niya. Ang wagas na pag ibig kahit sa unang kita palang.
Ito siguro ang destiny niya. Ito ang sadyang guhit ng palad niya.
Pareho na silang nakabihis .
nag usap ng masinsinan kung ano ang nararapat nilang gawin. Hindi matatanggap
ng pamilya ni Zhenah ang mga naganap sa kanya.
Kailangan bumalik sila sa umpisa. Kailangan ligawan siya at umakyat ng
ligaw sa kanila ang kanyang asawa. Hindi pa sila puedeng mag sama. Kailangan
muna makilala siya ng mga magulang at kapatid ni Zhenah. Kailangan pag daanan
ni Jules ang proseso ng isang mangliligaw sa dalaga. At kailangan din na
ipakilala ni Jules sa kanyang mga magulang si Zhenah. Gagawin lahat ni Jules
para mapaibig niya si Zhenah alam niya na hindi siya mahihirapan pasukin ang puso ng babae. Naramdaman niya
ito noong pinag sasaluhan nila ang pinakamasayang sandal ng buhay niya.
Tama si Jules hindi siya
mahihirapan paamuin si Zhenah. Dahil sa umpisa palang alam na niyang mayroon
siyang pag asa na mahalin siya ng lubos ni Zhenah.lumipas ang mga araw at buwan ang dalawang pamilya tanggap na sila bilang
mag kasintahan . siguro time na para ipag tapat nila na hindi lang sila mag
kasintahan ngayon kundi matagal na silang mag asawa. Sa pinag tapat nila sa mama ni Jules muntik na siyang batukan nito. Loko
kang bata ka noon pa kita pinpilit mag asawa para mabigyan mo ako ng apo. Yon
pala may asawa ka na di mo pa sinasabi sa akin. Isang malakas na tawa lang ang
isinagot ni Jules dito.
Paano yan Zhenah uumpisahan
na natin ang gumawa ng apo ni mama. Baka lalung magalit yan abutin na ako ng
pamalo niya. Ngayon isang masayang pamilya na sila ni Zhenah sa piling ng
kanilang dalawang anak. Pinagtagpo ng isang pag kakataon nauwi sa isang wagas
na pag mamahalan. Ang pag ibig nga naman
kahit hindi mo hanapin kusang lumalapit sa iyo . kahit saan walang pinipiling
lugar at sitwasyon. Kaya maging matiyaga lang tayo sa pag iintay ng para sa
atin. Huwag madaliin baka mausyami. Buti
na lang buti kung matutulad sa kanilang ang kinalabasan.
*****THE END**** Written by : Rhea
Hernandez *****5/23/13
No comments:
Post a Comment