LOVE STORY “RODRIGO”
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Sa edad
20 noong niya sinabi sa kanyang sarili talagang umiibig na siya. Natagpuan na
niya ang babaeng kanyang pinapangarap. Inaamin naman niya hindi naman ito ang
unang kanyang niligawan. Sa katunayan kung sasagutin siya nito pangatlo na siya
sa magiging girlfriend . Pero dito siya tinamaan ng husto. Unang kita palang
niya nasabi na niya sa kanyang sarili siya na nga. Hindi na ako mag hahanap pa
ng iba. Halos mag kababata sila pero hindi lumaki mag kakilala. Iisang lugar
lang naman sila nakatira. Ipinag tataka niya bakit hindi niya ito nakikita man
lang sa kanilang location.
Si Carol mas bata lang sa kanya ng isang
taon. Maganda at mahinhing kumilos. May taas 5’5” at balingkinitan katawan. At
mayroong mahabang buhok na para bang kay sarap haplus halusin. Kung titignan mo
parang lagi siyang nag papa rebound ng buhok. Hindi sinasadya sa maynila pa
niya ito nakilala. Pareho silang nag attend ng isang party ng common friend
nila. Noong mag kausap sila nagulat pa sa isa’t isa na iisa ang kanilang
location. Kung sa iba nga sasabihin mag kababata sila . pero di nga niya ito
matandaan. Ang pinag tataka niya kilala
siya ni Carol.
Hanggang matapos ang party hindi na hiniwalayan ni Rodrigo itong si
Carol . kaya naman noong mag kita kita uli sila ng mga kaibigan niya katakut
takot ang inabot niyang kantiyaw sa mga ito. Sa totoo lang mga bro tinamaan
talaga ako kay Carol. Tulungan naman ninyo akong mapalapit sa kanya. Mas close
ninyo siya kaysa akin. Napahiya na nga akong noong party. Isipin ninyo kilala
niya ako tapos ako di ko siya kilala. Yon pala iisa ang school naming noong
elementary at high school una lang ako
sa kanya ng isang taon kaya niya ako kilala. Bakit hindi ko siya napapansin
noon. Ngayon isang sulyap lang hindi ko na maalis ang mga mata ko sa kanya.
Hindi ko alam kung ano mayroon siya at naakit ako ng ganito sa kanya. Bro
maganda naman kasi siya kahit sinong lalaki mapapalingon sa kanya.
Inumpisahan ni Rodrigo ang panunuyo sa dalaga. Katunayan hindi siya
sanay mang ligaw sa babae. Kasi sa hindi pag mamayabang ang mag nag daang girlfriend niya ito ang mga
nag pakita ng mga motibo para ligawan niya. Kaya hindi nahirapan si Rodrigo na
mapasagot ang mga ito. Pero ngayon kay
Carol hindi niya makapa kung ano ang
kanyang score dito. Kay hirap basahin ang mga kilos nito. Mabait naman sa kanya
ito at lagi siyang hinaharap pag umaakyat siya ng ligaw. Parang may gusto na
wala kaya hindi niya matantiya kung ano ang kahihinatnan niya sa panunuyo sa
dalaga.
Naging
regular na ang kanyang pag hatid sundo dito sa bahay school o school to bahay. Unti
unti sa araw araw nilang pag kikita nadarama na ni Rodrigo na mayroon na siyang
naaaninag na pag asa. Kay tuling lumipas ang mga araw at buwan. Mag iisang taon
napala siyang lumiligaw sa dalaga pero hindi pa niya tinutugon ang kanyang alay
na pag ibig. Kaya naman isang araw kinulit ng kinulit nito ang dalaga na bigyan
na ng tuldok ang kanyang pag hihirap ng kalooban. Isang matamis na ngiti lang
ang isinasagot ni Carol kay Rodrigo. Ok naman tayo ng ganito ahh. No commitment
no obligation. Di ba mas maganda ang ganito. Pero di ko masabing ikaw ang
girlfriend ko. Kasi wala tayong official na usapan. Isang matamis na ngiti ang ibinigay sa kanya.
Kaya naman hindi siya kinakabahan na
mababasted .
Halata
na ayaw pang umamin na mahal din niya si Rodrigo. Sa totoo lang takot si Carol
na makipag relasyon dito. Nababalitaan kasi niya na playboy ito. Kabi kabila
ang babaeng nag kakagusto sa kanya. Ayaw niyang masaktan pag dating ng araw.
Alam ni Carol na masyado siyang selosa. Baka lagi lang silang mag away pag sila
na. lalu na kung hindi siya mag babago
sa pagiging malapit sa mga babae. Ayaw ni Carol na mahulog ng tuluyan sa pag
mamahal niya dito. Baka di niya kayanin ang masaktan pag dating kay Rodrigo.
Noon pa naman kasi humahanga na siya sa lalaki. Kahit noong high school pa lang
siya may lihim na siyang pag tingin
dito. Yong nga lang ni minsan di siya tinapunan nito ng tingin.
Tapos
ngayon lumiligaw sa kanya at sinusuyo siya hindi niya mabitiwan ang kanyang
matamis na oo. Natatakot kasi siya na mapabilang sa mga babaeng nag daan sa
buhay nito. Ayaw niya mapabilang doon sa mga babae sa buhay niya. Ok na ang
ganito walang commitment sa isa’t isa. Kung iwanan siya hindi gaanong masakit.
Di alam ni Carol bakit natatakot siya sa hinaharap. Para kasing nakikita niya
na masasaktan lang siya pag dating ng araw. Hindi siya nakakasiguro na sya lang ang babae sa buhay ni Rodrigo. Natatakot siya nabaka totoo ang kanyang mga
nababalitaan noon na di nasisiyahan ito sa iisang babae lang. iyon ang di niya kakayanin ang mag karoon ng
kahati sa puso nito.
Naging
lalung masigasig si Rodrigo sa panliligaw kay Carol kaya naman kahit anong iwas
ang gawin niya para di sagutin ang lalaki hindi na niya maitago ang kanyang
nararamdaman dito. Kaya di nag laong bumigay na rin si Carol. Ang matagal ng
hinihintay ni Rodrigo sagot buhat kay Carol ay kanyan ding nakamit. Anong
ligaya niya sa wakas natapos na rin ang pag hihirap niya sa panliligaw sa
dalaga. Halos mapalundag siya sa tuwa ng araw na yon. Parang gusto niyang ipag
sigawan sa buong mundo na girlfriend na niya si Carol. Batid ni Rodrigo iba
klaseng pag mamahal ang nararamdaman niya kay Carol kakaiba sa lahat ng babaeng
nag daan sa buhay niya. Alam niya na pang habang buhay na ang piling niya dito.
Lumipas
ang mga araw na walang pag siglan ng tuwa ang puso ni Rodrigo at ni Carol.
Tulad ng ibang mag kasintahan halos araw araw nag kikita sila. Hatid sundo ni
Rodrigo si Carol. Nag adjust siya ng kanyang mga subject para masundo at maihatid
niya sa school ito. Walang sawa si Rodrigo sa pag hawak ng mga kamay ni Carol
habang sila’y nag lalakad. Hindi nila ikinahihiya ipakita kung gaano siya ka
sweet sa kanyang girlfriend. Madalas
sabihin ni Carol sa kanyang sarili na hindi siya nag kamaling mahalin si
Rodrigo. Damang dama niya ang pag mamahal nito sa kanyan.
Subalit
si Rodrigo ay hindi naiiba sa karaniwang mga lalaki. Kahit mahal na mahal niya
si Carol hindi niya maiwasan tumingin at humanga sa ibang babae. Laluna kung
ito na ang nag bibigay nga motibo. Sabi nga niya palay na ang lumalapit sa
manok tatanggi pa ba siya. Kaya naman ang every day niyang pag hatid sundo kay
Carol naging tuwing every other day na lang. ang dahilan niya masyadong madami
siyang dapat asikasuhin sa kanyang pag aaral. Napapabayaan na niya ito sa
daming oras na inuubos niya sa kasintahan. Itong naman si Carol naawa sa
kanyang Boyfriend kaya naman hindi nag
dalawang salita ito pumayag na di sila
mag kita everyday.
Pero
ang totoo hindi pag aaral ang dahilan kaya nag bawas ng araw si Rodrigo sa pag
dalaw kay Carol. Kundi si Jhena ang nag
bigay ng motibo at halos ito na ang nangligaw kay Rodrigo. Si Jhena maganda at
sexy laging nagiging muse sa kanilang
school. Unang kita palang nito kay Rodrigo nag kagusto na siya. Kaya naman
ginawa niya ang lahat para maakit ang lalaki. Wala pang lalaki na tumangi kay
Jhena. At isa na doon si Rodrigo. Mahal na mahal niya si Carol pero hindi niya
matangihan ang ganda at pang halina ni Jhena. Kaya naman natukso siyang patulan
ito. Total naman mag kahiwalay ang
school nila . hindi na niya ito malalaman. Mag iingat na lang siya para hindi
siya mahalata ni Carol. Kay Jhena walang problema kasi alam niya na nakikihati
lang siya kay Rodrigo. At ramdam niya na mas mahal nito si Carol. Kaya kung
maaari ibigay na niyang lahat ang gusto nito.
Naging
super lambing ni Jhena na siyang kahinaan ni Rodrigo. Moderno ang pananaw nito
sa buhay. Ok lang sa kanya ang pre marital sex. Na siyang kabaligtaran ni
Carol. Masyadong makaluma ang pananaw ni Carol pag dating dito. Kaya naman kay
daling matukso si Rodrigo kay Jhena. Kahit di niya mahal ito pero
naibibigay naman ang kanyang pangangailangan bilang isang lalaki. Kaya
naman napapalapit na rin ang kalooban niya kay Jhena. Samantala si Carol buong buo pa rin ang pag
titiwala niya kay Rodrigo. Alam niya mahal na mahal siya nito at hindi gagawa
ng isang bagay na ikasasama ng kanyang loob at ikasisira ng kanilang relasyon.
Isang
araw nag karoon ng okasyon sa kanilang school kaya walang pasok. Kaya naman nag
kaayaan sila Carol at mga kaibigan nito na manood ng movie. Noong papasok na
sila sa sinehan siya namang papalabas sila Rodrigo at Jhena. Kitang kita ng
dalawang mata ni Carol ang dalawa. Mag
kaakbay at masasabi mo agad na mayroong namamagitan sa dalawa. Akala ni Carol
siya lang ang nakakita sa dalawa. Pero pati pala ng kanyang mga kaibigan kitang
kita nila. Pakiramdam ni Carol para siyang pinag sakloban ng langit at lupa.
Halos hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya akalain na
magagawa ito ni Rodrigo sa kanya.
Nakita
na lang ni Carol sumusunod siya sa dalawa. Kaya naman hindi na sila natuloy
manood ng sine. Kitang kita ng dalawa
niyang mata ng pumara ng taxi ang mga ito. Kaya naman ang mga kaibigan ni Carol
tumawag din ng taxi. Pinasundan ang taxing sinasakyan nila Rodrigo. Tama nga
ang hinala ng mga kaibigan ni Carol sa isang motel huminto ang taxing
sinasakyan ng mga ito. Bumaba ang
mga ito at kumuha ng isang room. Hanggang loob
nakasunod sila Carol. Noong papasok na sa room ang dalawa saka nag pakita si
Carol kay Rodrigo. Wala ni isang salita namutawi sa kanyang mga labi.
Kundi ang nag uunahang pag tulo ng kanyang
mga luha ang nakita ni Rodrigo. At ang mga mata nito na kitang kita mo ang
galit at panunumbat. Iyon lang at tumalikot na si Carol.
Hinabol ni Rodrigo si Carol at gustong mag paliwanag pero mabilis na
nakasakay uli ito sa kanilang taxi. Naiwan si Rodrigo na hindi malaman ang
gagawin. Hindi na natuloy ang pag pasok nila ni Jhena sa room. Walang nagawa si
Jhena kundi sumunod sa kagustuhan ni Rodrigo. Hindi nabigla si Jhena sa pang
yayari kasi alam naman niya na mayroong girlfriend itong si Rodrigo. Natutuwa
pa nga siya kasi ngayon mag kakasira na ang dalawa. Pag kakataon na niya na
masolo si Rodrigo. Kung mawawala nga
naman ito sa buhay ng lalaki di masosolo na niya ito. Mag kakaroon na siya ng
pag kakataong na mahalin siya nito. Na
kay tagal na niyang dinadasal na masolo ang pag tingin ng binata.
Samantala hindi matanggap ni Carol na nagawa ni Rodrigo na pag taksilan
siya. Ang buo niyang paniniwala na mahal na mahal siya nito. Bakit hindi niya
naramdaman ito . na hindi lang siya ang babae sa buhay nito. Iniisip niya ano
ba ang nagawa niyang pag kukulang sa kanilang relasyon at nakuha siyang ipag
palit sa iba. Sabagay aminado naman siya na mas maganda ito kaysa kanya. Mas
moderna samantala siya may pag ka Maria Clara ang dating. Kaya siguro nag hanap
ng iba si Rodrigo. Hindi niya kayang ibigay ang makamundong pag nanasa nito hanggang hindi pa sila
nakakasal. Halos mag damag na umiyak si Carol. Sabi nito sa sarili ok lang
Carol umiyak ka ng umiyak ngayon bukas
huwag ka ng iiyak. Ang katulad niyang lalaki hindi iniiyakan ng matagal.
Kinabukasan magang maga ang mata ni Carol sa kakaiyak . kaya naman hindi
siya pumasok sa school. Ayaw niyang lahat sa kanya nakatingin . baka akalain
nila namatayan siya ng kamag anak.
Ramdam na ramdam niya ang kirot sa kanyang puso. Hindi niya mailarawan
kung gaano ito kasakit. Sa talang buhay niya ngayon palang siya nakaramdam ng
ganitong sakit . hindi niya malaman saan nag gagaling ang sakit na kanyang
nararamdaman. Buti kung may sugat siya alam niya na ito ang masakit. Pero
ngayon sa kaloob looban niya nag gagaling ang sakit. Pero hindi na siya umiiyak.
Sabi nga niya inubos na niyang lahat ang luha niya para kay Rodrigo noong nag
daang mag damag. Tama na yon ngayon dapat na niyang harapin ang realidad. Ang
katotohanan na sa ginawa ni Rodrigo tinapos na nito ang kanilang relasyon.
Ang
inaasahan ni Jhena na masosolo si Rodrigo ay mali. Sa muli nilang pag kikita
tinapos na nito kung anoman mayroon sila. Handa siyang humingi ng tawad kay
Carol at muli itong suyuin. Sa puso niya si Carol talaga ang tinitibok nito.
Pero buo na ang desisyon ni Carol na iwasan si Rodrigo. Nag hanap ito ng bagong
boarding house lumipat siya at hindi ipinaalam. Kaya naman sa pag punta ni
Rodrigo sa tinitirhan ni Carol wala na ito.
At pag sa bahay naman nila siya umaakyat ng dalaw hindi siya hinaharap
nito. Palaging may dahilan para di sila mag kita man lang. kung ilang beses siyang
pabalik balik dito ni anino ni Carol di niya nakikita. Sadyang tinapos na ni
Carol ang kanilang ugnayan sa isa’t isa. Pati schedule nito sa school pinalitan
niya para di sila muling mag katagpo.
Lumipas
ang mga araw buwan at taon natapos na rin ang kanilang kursong kinukuha. Kahit
papaano nag hilom na ang mga sugat na nilikha ng kanyang pagiging marupok sa pag ibig. Pero ang pag ibig niya kay Carol ay nanatili pa
rin sa puso niya. Pero kailangan na niyang mag move on. At dito niya nakilala si Elena. Halos pareho
sila ng mga katangian ni Carol. Niligawan niya at hindi nag tagal naging
kanyang kasintahan. Mag ka minsan nakikita niya si Carol sa katauhan ni Elena.
Kahit pilit niyang iwaglit nandoon pa rin hindi niya malimutan ang pag mamahal
niya dito. Pero mahal din niya si Elena yong nga lang ibang level na ito. Hindi
kasing tindi ng pag mamahal niya kay Carol. Pag kalipas ng maramng taon hindi
na niya alam kung nasaan na si Carol.
Hanggang nag pakasal na sila ni Elena.
Nag kaanak naging good father at good provider siya sa kanyang pamilya
pero hindi best husband. Alam ni Rodrigo na hinahanap hanap pa rin ng kanyang
puso si Carol. Para hindi maramdaman ni Elena na mayroon ibang laman ang puso
niya nag padestino siya sa malalayong lugar. Ayaw niyang saktan ang damdamin ng
kanyang asawa. May pag kakataon na si Elena ang kasiping niya ang nasa isipan
niya ay si Carol nasana ito ang ina ng kanyang mga anak. Sana’y ubot niya ng
saya kung ito ang kasama niya sa araw araw. Pero ano ang magagawa niya naging
marupok siya sa ngalan ng pag suyo noon. Huli na ng kanyang natuklasan na mahal
na mahal niya ito. Kaya naman ala siyang ginawa kundi maging honest sa kanyang
asawa. Hinding hindi niya sisirain ang pag titiwala nito sa kanya. Ayaw na
niyang maulit muli ang nang yari sa kanila ni Carol.
Lumipas
ang maraming taon naging mabuti siyang husband
kay Elena. Ama sa kanyang mag anak kahit papaano nakalimutan na niya si
Carol. Ibinuhos niya ang buong pag mamahal sa kanyang mag iina. Hanggang
dumating ang isang malaking pag subok sa kanilang pag sasama. Nag karoon ng
malubhang karamdaman si Elena. Hindi nag laon kinuha na siya ng Maykapal. Nag pasalamat si Rodrigo sa Diyos lumisan si
Elena na hindi nabatid na hanggang ngayon iniingatan pa rin niya sa puso ang
kanyang pangarap na makasama bilang asawa si Carol. Namayapa ito na hindi
nalaman na may kahati siya sa kanyang pag mamahal. Kahit sa katotohanan hindi
naman siya nag taksil dito naging matapat siya bilang asawa kay Elena. Yong nga
lang sa puso niya may iba itong tinatangi.
Pag
katapos ng babang lukasa muling nag
abroad si Rodrigo. Kailangan na niyang bumalik sa company kanyang pinag
tratrabahuhan. Kabi kabila ang inabot niyang tukso sa kanyang mag anak. Paano
yan Dad binata kana nanaman puede ng humanap ng maliligawan. Huwag kang mag
alala sa amin malalaki na kami kaya na naman ang mga sarili naming. Ang
mahalaga maging maligaya sa natititra mo pang buhay . isang makahulugang ngiti
lang ang isinukli ni Rodrigo sa mga anak niya. Sabi niya sa kanyang sarili
siguro mag aasawa lang uli siya kung si Carol ang babae. At muli niyang naalala
ang babae minahal niya ng lubusan pero hindi niya pinahalagahan noon pero
hanggang ngayon iniingatan sa puso niya..
Mag
check in na siya sa eroplano noong mapansin niya ang babae sa unahan ng pila .
nakatalikod sa kanya ewan ba niya parang nag karoon siya ng interest Makita ang
mukha ng babae. Kung puede nga lang lagtawan niya ang ilang nakapila para
mapalapit siya sa babaeng ito gagawin niya. Dasal niya sana lumingon ito para
Makita niya ang mukha nito.natapos siya ni hindi man lang lumingon . sayang
gusto pa naman niya Makita ang mukha nito kahit isang saglit lang. Siguro ang
ganda niya kasi likod pa lang nakita niya nag karoon na agad siya ng interest
Makita ito. Noong makatapos siya hindi na niya Makita ang babae. Ang laking
panghihinayan di man lang niya nakita ang mukha nito.
Panay
lingap niya nag babakasali muli niyang Makita ito. Pero bigo siya kaya naman
tuloy tuloy na siya sa loob ng eroplano. Hinanap niya ang kanyang upuan nakita
niya may nakaupo na sa tabi niya. Wala dito yong nakaupo pero nandoon sa upuan
ang mga gamit niya. Siguro nasa restroom siya.
Nakayuko siya may inaayos sa kanyang bag ng may nag salita nakikiraan .
hinding hindi niya makakalimutan ang timbre ng boses na yon . si Carol ang nag
mamay ari nito. May sikdo ang kanyang dibdib noong lingunin niya ang babae.
Hindi nga siya nag kamali si Carol ito. At ito rin ang babae sa unahan ng pila
kanina. Kaya pala kahit nakatalikod siya nakilala siya ng puso ko ang bulong ni
Rodrigo.
Mag
katabi sila ni Carol sa eroplano. Pag nag biro nga naman ang pag kakataon hindi
mo inaasahan magaganap. Ni sa panaginip niya di niya akalain mangyayari ito
ngayon. Maganda pa rin si Carol parang walang nag bago maliban na lang
mababakas mo na ang kanyang edad. Malaki na ang itinanda nilang pareho. Sa wakas
dina siya iniwasan nito ngayon. Siguro nagamot na ng panahon ang sakit na
idinulot niya dito. Ang tagal ng biyahe ni hindi siya nainip.parang kulang pa
ang oras sa kanilang pag kukuwentuhan. Kanyang napag alaman hanggang ngayon
dalaga pa rin itong si Carol. Pero may isang anak sa pag kadalaga. Kaya pala
hindi na niya ito nakita buhat noong mag graduate sila at wala na siyang nabalitaan
pa. nag migrate napala siya sa Canada at
dito niya nakilala ang ama ng kanyang anak.
Hindi
sila nag pakasal kasi ang daming hindi nila napag kakasunduan. Mas minabuti na
lang niyang maging single mom kesa mag patali sa isang relasyon walang
kakapuntahan. Kaya buhat noon sa kanyang anak uminog ang mundo niya. Ngayon may sarili ng mundo ito. Nasa hustong
gulang na kaya nag sasarili na ng kanya. Ganito naman ang mga kabataan sa Canada gusto ng total freedom. Ok naman
yong anak ko malaki ang pag papahalaga sa kanyang sarili. Parang mommy niya.
Hindi nakalimutan ni Rodrigo kunin ang cell phone number at kung saan nakatira
ito.
Sayang
baba na si Rodrigo pag dating ng
eroplano sa Hawai. Dito na siya mag tratrabaho ng dalawang taon singkad.
Samantala si Carol sa Canada ang kanyang distinasyon. Muli nabuhayan ng pag asa
si Rodrigo na mag karoon ng katuparan ang kanyang pinapangarap. Halos araw araw
nag te text si Rodrigo kay Carol. At regular din ang pag tawag. Hanggang mauso
ang facebook libre na nakakapag usap pa sila ng matagal na walang gastos. Pakiramdam ni Rodrigo bumabalik siya sa pag
kabata. Para bang kaya niya ang lahat para sa pag mamahal niya kay Carol.
Napatawa ng malakas si Carol noong minsan sabihin ni Rodrigo na para siyang nag
bibinata lang ngayon. Lalu na kausap niya ito.
Kay
tulin ng mga araw ang dalawang taong kontrata ni Rodrigo matatapos na. sa wakas
mag kikita silang muli ni Carol ng personal. Dalawang taon din ang tiniis niya
na muling mag kita sila ni Carol. Sa loob ng dalawang taon naihanda na rin nito
ang kinabukasan nila. Alam niya na may anak na puedeng humadlang sa kanilang
pag mamahalan. Dahil sa facebook muli silang nag ligawan at nag mahalan muli.
Hindi lumilipas ang mag hapon ng hindi nakakausap kahit sandali lang.
Dumating na ang pinaka iintay niyang
araw na makapag tapat ng kanyang
saloobin kay Carol nang personal.kahit dalawang taon silang nag kakausap by
facebook iba pa rin yong personal niyang sabihin ang laman ng kanyang puso. Handa niyang pakasalan ito kahit saan naisin
ni Carol. Total pareho naman silang Malaya. Mahigit na ring 2 taon siyang
biyudo at si Carol naman ni minsan di pa nakakasal. Sa wakas mag kakaroon na ng
katuparan ang matagal ng pangarap ni Rodrigo ang makasama ang babae kay tagal
niyang iningatan sa kanyang puso. Ang akala niya hindi na ito mag kakaroon ng
katuparan. At mananatili na lang pangarap. Pero eto ngayon kaharap niya ang babaeng
kanyang pinapangarap ng mahabang panahon.
Kahit noon nag kahiwalay sila dahil
dalisay at wagas ang pag mamahal na sumibol sa kanilang puso. Nanatili sa
kanilang mga puso kahit ilang dekada na ang lumipas at noong muling nag katagpo
umusbong at yumabong ang nausyami nilang pag iibigan noon. Sadyang ang tunay na
pag ibig hindi nawawala kahit ilang dekada ang mag daan. Maaaring mag karoon ng
pag kakataon na mag kalayo pero darating ang panahon na muli itong mag kakaroon
ng magandang katapusan sa muling pag tatagpo ng landas. Ang wagas na pag ibig
hindi nawawala sa puso ninoman. Ito ang napatunayan ni Rodrigo at pinapangako
niya na hindi na muli silang mag kakahiwalay ni Carol. Babaunin na niya sa
hukay ang pag mamahal niya dito. Mag sasama sila sa hirap at ginhawa hanggang
kamatayan.******THE END****** written by : Rhea Hernandez 6/7/13****
No comments:
Post a Comment