LOVE
STORY “ VICTOR"
NI
Rhea Hernandez
Pinoy
poems
Habang nasa bakasyon nililibang
niya ang kanyang sarili. Pinag mamasdan niya ang mga tao nasa tabing dagat.
Mayroon nakalusong sa tubig nag tatampisaw. Samantala yong iba mga nag lalakad sa
maputing buhangin. Iba’t ibang klase ng
tao ang makikita mo dito. Pilit niyang inaaliw ang kanyang sarili. Gusto niyang
kalimutan ang iniwan niyang dalamhati sa Maynila. Sana pag katapos niyang mag
bakasyon maluwag na ang kanyang dibdib.
Habang pinag mamasdan niya
ang pag lubog ng araw di maiwasang mag balik tanaw siya sa kahapon. Ang dahilan
kung bakit sya nag iisa ngayon sa pag babakasyon. Dapat mayroon siyang kasama.
Dapat ito ang pinakamasaya niyang mga araw.
Pero eto siya na parang araw, gusto ng mamahinga sa kanluran. Sana tulad ng
araw bukas sisikat muli. Sana bukas hilom na ang sakit na kanyang nararamdaman.
Ang saya saya ni Victor
sinagot na siya ni Belen sa alok niyang pag ibig.lumipas mga arawat ngayon Ilang taon na nga ba silang mag
kasintahan. Buhat noong nag aaral pa sila sa kolehiyo. Unang taon pa lang niya
sa college ng ma meet niya si Belen. Ilang buwan din niyang niligawan. Noong
lumaon sinagot din naman siya. Naging kulay rosas ang kanyang mundo noong
bitiwan ni Belen ang matamis niyang OO. Ipinangako niya sa dalaga na hindi ito
mag sisi sa binigay niyang pag titiwala. At siya naman niyang ginawa naging
isang matapat siya sa kanilang pag mamamhalan. Kahit paminsan minsan nag
kakatampuhan sila . pero madali namang naaayos at napag uusapan.
Lumipas ang mga taon at pareho
silang nakapag tapos ng pag aaral. Unti unti na nilang natutupad ang kanilang
mga pangarap. Walang pag siglan ng saya noong mag graduate sila sa kanilang mga
kurso. Ilang taon na lang matutupad na ang pangarap ni Victor na pakasalan si
Belen. Wala siyang inaksayang mga araw. Apply dito apply doon. Pero sadyang
mahirap mag hanap ng trabaho. Kaya naman napilitan si Victor na mag apply ng
trabaho sa ibang bansa. Ayaw pumayag ni Belen na mag kalayo sila ng mahabang
panahon. Pero desidido na si Victor na umalis. Para naman sa kanila kaya siya
masigasig na umalis 2 yrs lang naman . Gaano lang yon kay bilis lang ng araw.
Kahit labag sa kalooban ni
Belen tumulak papuntang Saudi si Victor. Ang akala niya madali lang ang mag
isa. Madali lang ang kanyang trabaho pero ang homesick na kanyang
nararamdaman ay unti unti siyang
pinapatay. Pilit niyang nilalabanan ang homesick. Basta iniisip niya ginagawa niya ito para sa
magandang bukas nila ni Belen. After 2yrs aayain na niyang pakasal ito. Siguro
sapat na ang kanyang maiipon sa kanilang kasal. Maibibigay na niya ang kasal na
pinapangarap ni Belen.
Hindi siya nag tataka kung
bakit madalang sumulat at tumawag si Belen. Siguro hanggang ngayon nag tatampo
pa ito sa kanyang pag alis. Kaya naman panay padala niya ng mga sulat at
regular ang kanyang pag tawag sa dalaga. Hindi siya umaasam na sagutin nito ang
bawat liham na kanyang pinapadala. Maaaring busy rin ito sa kanyang bagong
trabaho. Sabi nga ni Belen kung nag tiyaga ka dito mag hanap hindi ka sana
lumayo. Kita mo ako’y nakakita din ng trabaho.
Yong nga lang hindi kasing laki ng kinikita mo dyan. Ramdam ni Victor na
may kasamang tampo ang mga tinuran ni Belen.
Iniisip ni Victor sa pag
babalik niya after 2yrs mawawala lahat ang sama ng loob at tampo ng kanyang
mahal. Sa pag babalik niya sa Pinas mag papakasal na sila. Todo tipid at pag
iipon ang ginawa ni Victor para lang sa engrandeng kasal na ihahandog niya sa
nag iisang babae sa buhay niya. Lingid sa kaalaman ni Victor mayroon siyang
kaagaw sa pag mamahal ni Belen. Ito ay si Brix kasamahan sa trabaho ni Belen.
Buhat noong mag kasama sila sa iisang company. Naging malapit kay Belen si
Brix. Kahit sabihin pa ni Belen na may kasintahan na siya nasa ibang bansa nga
lang. patuloy pa rin sa panunuyo masigasig mang ligaw. Kahit tinapat na siya ni
Belen. Romantiko si Brix alam niya paano paamuin ang isang babae. Alam niya
kung saan mahina si Belen. Nangungulila ito sa kanyang kasintahan. At sigurado
siyang nasasabik ito sa kalinga ng
kanyang kasintahan.
Ang pag hatid sundo na dapat si
Victor ang gumagawa ay si Brix ang gumagawa para kay Belen. Hindi pumapalya ito
sa pag sundo at pag hahatid sa bahay. At kung minsan inaaya siyang kumain sa
labas at kung weekends naman namamasyal sila. Kahit hindi na binabangit ni
BRIX ang kanyang damdamin pero sa gawa
niya ipinadarama. Alam ni Brix kung ipipilit niya ang kanyang pan liligaw
iiwasan siya . kaya naman ang pag kakaibigan ang ginawang dahilan para makalapit
ng husto sa dalaga. Kahit hindi sinasadya ni Belen unti unti ng nahuhulog ang
loob niya sa binata.
Habang lumilipas ang mga araw
lalung nawawalan ng time si Belen kay Victor. Isang araw naramdaman na lang ni
Belen na hindi na si Victor ang itinitibok ng kanyang puso. Nakita na lang niya
ang kanyang sarili na si Brix na ang kanyang mahal. Hindi alam ni Belen kung
paano sasabihin ang mga ito kay Victor. Ayaw niyang saktan ang damdamin ni
Victor. Alam niya na nakakaranas na ito ng homesick ayaw na niyang dagdagan pa
. kaya balak niya sa pag uwi na lang sa Pilipinas ni Victor ipag tatapat ang
lahat. Total ilang buwan na lang
matatapos na ang kontrata nito.
Samantala nag kaunawan na sila
Brix at Belen. Hayaan mo pag babalik ni Victor tutulungan kitang mag paliwanag.
Na hindi mo naman ginustong mag talusira sa inyong relasyon. Ako ang may
kasalanan sabi ni Brix. Kasi minahal kita
ng higit pa sa aking buhay. Handa akong mag hintay hanggang maayos mo
ang pakikipag kalas kay Victor. Saka natin planuhin ang ating kasal. Alam ni
BRIX na hihirapan si Belen sa kanyang katayuan. Naiintindihan niya ito.
Sapagkat siya ang naging dahilan ng pag babago ng nararamdaman ni Belen. O
talagang sadyang hindi sila para sa isa’t isa. Kung talaga sila kahit ano ang
gawin niya hindi mag babago ang damdamin ni Belen. Siguro sadyang sila ang
itinakda ng tadhana.
Matuling lumipas ang mga araw
at buwan. Malapit ng umuwi si Victor. Matatapos na rin ang dalawang taong
singkad. Maiibsan na rin ang kanyang pananabik kay Belen at sa kanyang mga
magulang. Bitbit ni Victor ang kanyang lahat ng ipon sa kanyang pag uwi. Malaki
laki ring halaga ang kanyang kinita sa loob ng dalawang taon. Siguro sapat na
ito para mabigyan niya ng isang engradeng kasal si Belen. May uwi na rin siyang singsing para sa pag
hingi ng mga kamay ni Belen sa kanyang mga magulang. Nag lalaro sa kanyang
isipan siguro kay ganda ni Belen pag nakasuot ng trahe de boda. Siya siguro ang
pinakamagandang babaeng ikakasal. Ang mga ito ang kanyang pinaghandaan.
Pag lapag palang ng eroplano
gusto na niyang mag tatakbo para sya ang unang lumabas ng eroplano. Sabik na
sabik na siyang Makita si Belen. Panay linga niya hinahanap niya ang babae .
alam niya isa ito sa susundo sa kanya. Nangawit na ang kanyang leeg sa
kahahanap sa babae pero kahit anino nito hindi niya Makita. Nag tataka siya
baikit hindi man lang siya sinalubong ng kanyang irog. Noong hindi talaga niya
Makita si Belen sa kulumpon ng mga tao napilitan na siyang mag tanong sa
kanyang ina. Bakit wala si Belen. Tikom ang bibig ng kanyang ina. Ayaw niya sa
kanyang bibig mang gagaling ang masamang balita. Ayaw niya na bilang ina na
siya ang mag bigay ng kalungkutan sa isang napakasayang pag babalik sa
Pilipinas.
Kahit anong pilit ang gawin ni Victor sa
kanyang ina hindi ito nag bitaw ng kahit anong salita na makakasakit ng
damdamin ng kanyang anak. Kung ano man ang gusto mong malaman si Belen ang
iyong tanungin. Ngayon ang gawin mo enjoy mo na lang ang unang araw ng iyong
pag babalik Pinas. Pag dating sa bahay nag bukas ng mga pasalubong si Victor
kaya pang samantala nakalimutan niya si Belen bakit hindi kasama sa pag
salubong sa kanya. Mayroon kaya itong karamdaman. Anu kaya ang sakit nag babae
mahal niya? Mag papahinga lang siya at siya sasaglit sa bahay nila Belen.
Aalamin niya kung bakit wala ito kanina
sa airport.
Hindi niya inaasahan sa pag
dating niya sa bahay nila Belen mayroon isang lalaking kausap ito. Mukha namang
walang sakit si Belen. Sobra lang yata ang kanyang pag aalala kaya kung ano ano
ang kanyang iniisip. Pinapasok siya ni Belen ipinakilala sa kanya ang lalaking
kausap kanina. Ito daw si Brix. Kinakabahan si Victor sa masyadong pormal ni
Belen. Anu kaya ang kanilang pag uusapan at kailangan pang kaharap si Brix.
Kinakabahan man siya kailangan pakingan niya ang sasabihin ni Belen. Noong
ipinag tapat na ni Belen ang lahat para siyang pinag baksakan ng langit at lupa.
Hindi niya alam kung paano siya nakauwi ng mga oras na yon. Kung hindi siya
aalis doon baka makalimutan niya na isa siyang taong may pinag aralan. Baka
makalimot siya pag sisihan niya pag dating ng panahon.
Gulat na gulat si Victor ng
bilang may kumalabog sa kanyang likuran. Tinamaan pala siya ng beach ball.
Nahinto ang kanyang pag babalik tanaw sa kanyang kahapon. Bakit nga ba niya
pinag aaksayahan pa ng pag iisip ang isang bagay na gusto na niyang kalimutan.
Di ba kaya siya nandito upang makalimot. Bakit pilit niyang kinukutkot ang
sugat. Gusto ba niyang mag naknak nanaman ang sugat ng kanyang puso. Ngayon
lang niya napag masdan isang magandang babae pala ang nakatama sa kanya ng
bola. Humingi ng despensa sa pag kakatama ng bola sa likuran niya. Isang ngiti
ang tinugon niya sa babae. Itinuloy na lang niya ang pag lalakad sa puting
buhangin. Naudlot kanina sa pag babalik tanaw niya sa kahapon.
Ang babaeng nakatama ng bola kay
Victor ay walang iba kundi si Rosenda. Isa ring bakasyonista sa lugar na yon
kasama ang kanyang mga kamag anak. Silver wedding ng kanyang mga magulang kaya
sila nandoon lahat. Hindi maalis sa
isipan ni Rosenda ang lalaking kanyang tinamaan ng bola. Kay guapo naman kaya
lang parang kay lalim ng kanyang iniisip kanina. Ilang beses nag sorry parang
hindi niya naririnig ang sinasabi ko ang bulong ng dalaga sa kanyang sarili.
Siguro broken hearted yong mama na yon. Ahh ! basta kailangan makilala ko sya.
Ang guapo niya at iba ang dating niya sa akin. Gagamitin ko ang aking karisma
para makilala ko siya bago kami umuwi sa Caloocan.
Si Rosenda solong anak na
babae. Sa tatlong mag kakapatid siya lang ang babae at bunso pa. kakatapos lang
sa kolehiyo. Kasalukuyang jobless. Ok lang sa kanyang mga magulang kung di muna
siya mag work. Dahil solong babae kaya medyo sunod ang layaw sa mga magulang at
kapatid niya. Natural na pilya at kung
ano ang maisip ginagawa. Kaya naman
walang makakapigil sa kanya kung mag pakapilya siya ngayon . wala siyang balak sabihin sa kanyang mga kuya
ang gagawin niya. Hahanap siya ng tiempo kung paano lalapitan ang lalaking
tinamaan niya ng bola.
Hindi siya papayag na umuwi ng
hindi niya nakukuha ang name at phone number ni Victor. Kung paaano hindi pa
niya alam. Pag iisipan niya ang tamang diskarte . nangingiti si Rosenda sa
kanyang gagawin. Sa kauna unahang pag kakataon ngayon lang siya manghihingi ng
phone number sa lalaki. Ang madalas siya ang nilalapitan at hinihingan ng phone
number. Sa hindi pag yayabang sadyang may angking ganda si Rosenda. Kaya lang
minsan umiiral ang pag ka boyish niya . madalas ginagaya niya ang mga pananamit
ng mga kuya niya. Kung ano ang laro ng mga ito iyon din ang sa kanya.
Ang kuya niya mahilig sa
basketball kaya marunong siyang mag basketball minsan natatalo pa niya ang kuya
niya. O talaga lang nag papatalo sa kanya kasi daw noong maliit pa siya pag
natatalo umiiyak sya. Ang sinundan naman niya ang hilig ay karate kaya nag aral
din syang mag karate. Kaya lamang siya sa kanyang mga kapatid. Pareho niyang
pinag aralan ang mga hilig nito samantala sila stick lang kung ano gusto nila.
Pero ang totoo isang magandang babae si Rosenda. Lalu na pag ganito
nakapampaligo siya at basa. Litaw na litaw ang hubog ng kanyang katawan. Kung
naka 2pcs siya siguradong marami ang mapapatanga.
Kung kinakasihan ka nga naman ng
pag kakataon ang bulong ni Rosenda sa kanyang sarili. Mukhang hindi siya
pahihirapang makalapit sa lalaki. Natanawan niya itong nakaupo sa batuhan. Nag
iisa siempre at nakatanaw nanaman sa kalawakan ng karagatan. Noong matapat siya
kusa siyang nadapa pinalabas natalisod sa isang bato. Siempre kungwari nasaktan
siya hindi makatayo . dahil natural na matulungin si Victor tinulungan niya ang
babae. Tutulungan niyang tumayo kaso gusto ni Rosenda pabuhat dito kaya naman
tinodo na niya ang pag arte . magaling syang umarte kasi kasama siya sa theatro
sa kanilang school. Kaya naman
napilitang buhatin siya ni Victor. Siya namang kapit sa leeg nito. Para ngayon
silang mag kasintahan na buhat buhat ng lalaki.
Palihim na nagingiti si Rosenda sa
kanyang kapilyuhan. Isipin mo yon hindi pa niya kilala nag pakarga na siya
dito. Habang nag lalakad sila tinanong ni Rosenda kung ano ang pangalan nito.
Tinanong na rin kung may asawa ito o kasintahan. Noong isagot na wala ibig ni
Rosenda na mag lulundag sa tuwa. Pero pinigilan niya diba nag papanggap siyang
napilayan. Dahil malayo kung saan ang cottage nila huminto sandali si victor sa
pag lalakad ibinaba si Rosenda. Doon nag karoon ng magandang pag kakataon si Rosenda
para malaman ang tungkol kay Victor.noong
una madamot sa mga information si Victor pero dahil nga makulit si Rosenda at
napalagay na rin ang loob nito sa dalaga nag kuwento siya kung bakit nandoon at
nag babakasyon.
Hindi nila akalain abutin
sila ng ilang oras sa pag kukuwentuhan. Noong mag aya ng maglakad uli si Vitor
nakalimutan ni Rosenda na pilay pala ang paa niya kaya sila nandoon at nag kukuwentuhan. Hindi
sinasadya tumayong mag isa si Rosenda na parang walang nangyari sa kanyang paa.
Galing na paa mo ang tanong ni Victor. Nagulat pa si Rosenda oo nga pala nag
kukunwari siyang napilayan. Pero huli na para ipag patuloy ang pag kukunwari.
Kaya tumawa na lang ng malakas si Rosenda at umamin kung ano talaga ang intensyon
niya . isang tawa din ang tinugon ni
Victor. Sana hiningi mo na lang pinahirapan mo pa ako kanina na buhatin ka ang
bigat mo yata. Hindi naman masyado. Nag palitan na sila ng kanya kanyang cell
phone number.
Hanggang kalian kayo dito.
Last day na naming ngayon. Kaya gumawa na ako ng paraan para mag kakilala tayo.
Baka nga ngayon hinahanap na ako ng mga kapatid ko hindi nila alam ang gagawing
kong kalokohan ehh. Nag kamay sila at nangako na mag tatawagan sila pag dating
sa Maynila . naging close silang dalawa at walang araw na hindi sila nag
tatawagan. At paminsan minsan nag kikita. Dahil kay Rosenda unti unti
nakakalimutan niya ang sakit na iniwan ni Belen sa kanyang puso. Dahil sa
tulong ni Rosenda handa na muling mag mahal ang kanyang puso. Si Rosenda ang
nag bigay ng lunas sa kanyang naghihingalong puso. Ganoon yata pag bigo ka sa
pag ibig at ang makaka gamot dito isa ding
pag ibig.
Ang kasal na inilaan niya
kay Belen. Na delay lang ng isang taon at natuloy din kaso hindi kay Belen sya
ikakasal kundi kay Rosenda. Ang buo niyang akala si Belen na ang tunay na pag
ibig hindi pala. Ang klase ng pag mamahal niya kay Rosenda syang tunay at
wagas. Kakaiba sa nauna niyang pag suyo. Ganoon pala yon iba ang pakiramdam mo
kung ang iyong papakasalan yong babae tunay na nag mamahal sa iyo at tunay na
pag ibig ang alay mo dito. Natagpuan ni Victor kay Rosenda ang hinahanap niyang
kaligayahan pang habang buhay. Noong ikinakasal sila hindi mapigilan ni Victor
ang di maluha sa sobrang kaligayahan.
Alam niya habang sya nabubuhay si Rosenda lang ang kanyang mamahalin pag
lalaanan ng kalinga hindi niya ito bibigyan ng pag kakataon na iwanan siya.
Hindi hindi niya papaluhain ang babaeng ito…
THE END ……. Written
by Rhea Hernandez…..4/30/13