Tuesday, October 8, 2013

IKAW ANG AKING TALA


IKAW ANG AKING TALA

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

ikaw ang tala nagbigay ng liwanag

sa gabing madilim walang maaninag

ikaw ang naging  gabay  tuwing kadiliman

pasakit nadama haplusin ng  sinag

 

ang iyong ganda sadyang kaakit akit

sa gabing tahimik ikaw ay kayrikit

ikaw liwanag sa madilim na langit

ang pusong busilak iyong inaakit

 

isip na tuliro di nag alinglangan

tala nagbigay buhay sa kadiliman

pawiin ang lumbay  pusod ng karimlan

huwag agawin  yaring kaligayahan

 

tumingin sa tala kung ibig sumaya

sa mga labi nangingiti’t natutuwa

ang alahanin ito lumiligaya

ang makapiling ka siyang nagpasaya

 

ibulong sa tala ang nararamdaman

madilim na buhay iyong tinanglawan

tala ng buhay bakit ikaw  lilisan

kailan muli  mayayakap  mahagkan

 

isang  maliwanag na tala sa langit

sa puso’t isipan hindi ka mawaglit

kahit itong mata ay aking ipikit

kislap iyong ningning dito nakadikit

 

kay bilis dumating syang bilis lumisan

bakit pagsuyong wagas ‘yong tinakasan

wagas napagsinta di pahalagahan

pangarap gustong abutin mahawakan

 

talang marikit puso iyong damhin

ang damdaming uhaw ay iyong alipin

pag suyong wagas sana iyong angkinin

lumayo ng tuluyan ang paninimdim

 

tala sa magdamag  ikaw ay lumisan

muli  sisikat ang araw sa silangan

para sa bagong bukas at kapalaran

tunay na saya makamit ng tuluyan

ni Rhea Hernandez 10/8/2013

ISANG MUKHA NG PAG IBIG


 ISANG  MUKHA NG PAG IBIG

 

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Wala pang muwang sa mundo mag katagpo

Sa bugso ng damdamin hindi matanto

Nag patangay sa matamis na pagsuyo

Agos ng pag ibig  sadyang balatkayo

 

Tanong  ano  ba ang mukha ng pag ibig

Sadya bang ito’y tunay na makamandag

 Nadarama hindi  maipaliwanag

Kahit ang kinabukasan mawiwindang

 

Buong pag katao nagulo nalito

Dahil sa maagang pagsuyo natamo

Kay ilap ng pangarap na paraiso

Pagmamahal ng bawat puso nagbago

 

 Puede lang ibalik ang nakaraan

Hindi hahayaan ang nararamdaman

Para hindi masaktan ang kalooban

Araw’t  gabi kaulayaw kalungkutan

 

Masayang  buhay napalitan ng lungkot

Ang tuwa at saya ngayon isang  kirot

Matamis na pagsuyo ito’y nawaglit

Pag daloy ng mga luha siyang pumalit

 

Kung maibabalik lang ang nakaraan

Hindi nakatanaw ngayon sa karimlan

Kadiliman kasama ang kalungkutan

Maagang pag ibig dulot kasawian

 

Paano ba madarama ang ligaya

Nalimutan naba ang maging Masaya

Bakit tinangay ng pighati ang tuwa

Kaulayaw sa tuwina ang pag luha

 

kailangan bang lingunin ang kahapon

para makamit ang ligaya sa ngayon

ito na ba ang tamang pagkakataon

mga kasawian sa buhay ay ibaon

ni Rhea Hernandez  10/7/2013

 

Sunday, October 6, 2013

KAHIT SA KABILANG BUHAY


KAHIT SA KABILANG BUHAY

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poem


 

Pag suyo sa iyo di man lang kumupas

Kahit naging masalimoot  ‘tong landas

Sa pag tahak nitong  pag ibig  na wagas

Sa mahabang panahong  nag pupumiglas

 

Pag suyo dumating na parang bangungot

Sa puso laging nang  may kasamang lungkot

buong pag katao pighati ang dulot

sa pag ibig na alay   sadyang naudlot

 

Sakaling mga landas muling pag tagpuin

Sana lang ang kahapon  alalahanin

Doon muli kang angkinin mamahalin

Sa poong maykapal syang idadalangin

 

Di tulad ng panaginip nag lalaho

Hindi man tumimo sa isip at puso

Sa kabilang buhay tayoy mag tatagpo

Hindi na muling tayong  mag kakalayo

 

Kailan mag sasalubong ating landas

Kung kailan tayo’y wala ng mga lakas

Ilang dekada naba  ang pinalipas

Kahit itong pag ibig tunay at wagas

 

Kung pag tatagpuin pa rin ang tadhana

Sanay dina muling itong mawawala

Sa  puso hindi nawalan ng pag asa

Na muling mag kakasama sa ligaya

 

Pag suyo natin pinanday ng panahon

Kahit pinaglayo ng  pag kakataon

Muling  natin dudugtungan ang kahapon

Ibayong saya kung  magkakaganoon

 

Hihintayin ka sa pangalawang buhay

Di mag hihiwalay laging hawak kamay

Mag kasama’t sabay tayong mag lalakbay

Hirap at pasakit itoy walang saysay

 

Bubuo tayo ng bagong kasaysayan

Ang katiwasayan ating panindigan

Sa kabilang buhay ating pagsaluhan

Noon hindi nabigyan ng katuparan

Rheahernandez 10/6/2013