KAHIT SA KABILANG BUHAY
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poem
Pag suyo sa iyo di man lang kumupas
Kahit naging masalimoot ‘tong landas
Sa pag tahak nitong pag
ibig na wagas
Sa mahabang panahong
nag pupumiglas
Pag suyo dumating na parang bangungot
Sa puso laging nang may kasamang lungkot
buong pag katao pighati ang dulot
sa pag ibig na alay sadyang naudlot
Sakaling mga landas muling pag tagpuin
Sana lang ang kahapon alalahanin
Doon muli kang angkinin mamahalin
Sa poong maykapal syang idadalangin
Di tulad ng panaginip nag lalaho
Hindi man tumimo sa isip at puso
Sa kabilang buhay tayoy mag tatagpo
Hindi na muling tayong mag kakalayo
Kailan mag sasalubong ating landas
Kung kailan tayo’y wala ng mga lakas
Ilang dekada naba ang
pinalipas
Kahit itong pag ibig tunay at wagas
Kung pag tatagpuin pa rin ang tadhana
Sanay dina muling itong mawawala
Sa puso hindi nawalan
ng pag asa
Na muling mag kakasama sa ligaya
Pag suyo natin pinanday ng panahon
Kahit pinaglayo ng pag kakataon
Muling natin dudugtungan
ang kahapon
Ibayong saya kung magkakaganoon
Hihintayin ka sa pangalawang buhay
Di mag hihiwalay laging hawak kamay
Mag kasama’t sabay tayong mag lalakbay
Hirap at pasakit itoy walang saysay
Bubuo tayo ng bagong kasaysayan
Ang katiwasayan ating panindigan
Sa kabilang buhay ating pagsaluhan
Noon hindi nabigyan ng katuparan
Rheahernandez 10/6/2013
No comments:
Post a Comment