Thursday, January 10, 2013

PANGIT NA KAHAPON.....


PANGIT NA KAHAPON

 Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

inspired : by OFW’s True To Life Stories

                ni Elena ng Singapore

                Patawin Mo Ako Panginoon”

 

Dala ng kahirapan nangibang bansa

Hangad matulungan ang asawa

Natatakot mang umalis alang magawa

Nais mabigyan ang  anak buhay na maganda

 

Sa bansang Kuwait nakipagsapalaran

Mag asawa at isang anak pag sisilbihan

Kasamaang palad lalaki lang dinatnan

Wala ang asawa’t anak na turingan

 

Sa sitwasyon natakot noong malaman

Dali dali sa amo nag paalam biglaan

Malaya daw tumakas pero walang pupuntahan

Isang baguhan takot makipagsapalaran

 

Nag lingkod bilang katulong sa estranghero

May ugaling hayop pala tunay at totoo

Hayok sa laman walang kuwentang tao

Ang makasama siya isang ng inpierno

 

Nag tiis kung ano ang kahahantungan

Lumipas ang ilang araw ok naman

Dumating  pag kakataong hindi inaasahan

Sumanid yata ang demonyo sa katauhan

 

Binaboy niya ang buong pag katao

Kahit katiting walang nadamang respeto

Nag bunga ang ginawang kahayupan nito

Hindi  maisip ano dahilan nagawa ito

 

Ang Diyos lang ang naging sandigan

Sa kanya humuhugot lakas ng kalooban

Hindi bumitaw sa pananalig at paninindigan

Napagtagumpayan pagsubok na pinagdaanan

 

Bumalik sa asawa durog ang kapurihan

Salamat tinangap lahat ng pinagdaanan

Nag umpisa ng bagong kinabukasan

Itinuring na mapait na isang karanasan

Ni Rhea Hernandez 1/10/13

 

PANININDIGAN PARA SA KINABUKASAN....


PANININDIGAN  PARA SA KINABUKASAN

Ni Rhea Hernandez

 Pinoy poems


 

inspired by: OFW’s True To Life Stories

               ni; Jenne Chatto Aballe

               “Paninindigan Gabay Sa Kaginhawahan’

Dahil sa isang kasawian, nakipagsapalaran

Nilisan ang mahal na bayan sinilangan

Para sa anak mabigyan ng kaginhawahan

Mag karoon ng magandang kinabukasan

 

Sa unang pag lisan anak iiwanan

Kahit puso puno ng pag aalinlangan

Anong buhay ang kakahinatnan

Sa malayong bansa maging dayuhan

 

Pinasukan trabaho isang utusan

Nag karoon among walang pakungdangan

Unang araw palang masamang ugali natuklasan

Bulong sa sarili ito kaya bang pag tiisan

 

Nanny at kasangbahay ang kinasadlakan

Madaming trabaho salat sa pag kain kinabaksakan

Kulang sa tulog lugmok na ang katawan

Gutom at pagod nadarama di mailarawan

 

Kumakalam ang sikmura kulang sa pag kain

Hindi alam kung  kailan kayang tiisin

Anak na iniwan siyang lakas para bunuin

Madalas nakatingala sa langit nakatingin

 

Dumating pag kakataon lumaban

Ipinagtangol ang sarili sa kalupitan

Doon naunawaan ang katayuan

Nag bago ang abang kapalaran

 

Dapat palang ipaunawa ang kalagayan

Para maunawaan at ikaw maintindihan

Ipabatid sa tamang pangangatwiran

Upang maintindihan ang kalagayan

 

Dumating ang tukso ito’y nalusutan

Hindi nag hangad ng pera sa maling paraan

Tanging ang  pag katao ang kayamanan

Ito ang maipapamana sa mga anak na iniwan

 

Kaya kung nasa tama ipag laban

Mga among malulupit may puso’t isipan

Marunong umintindi ng tamang katwiran

Huwag matakot magsalita mangatwiran

Ni Rhea Hernandez 1/10/13

 

 

MAY BUKAS PA!


MAY BUKAS PA!

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

inspired : by OFW’s _True To Life Stories

                 ni Roviline Wate

                “Hindi bale ang ngayon , Importante ang bukas’

 

Isinilang kulang sa kayamanan

Mga magulang walang kakayahan

Mag bigay ng magandang kinabukasan

Salat sa lahat ng bagay nararanasan

 

May amang walang pakialam sa buhay

Araw araw laging lasing hahapay hapay

Si ina luha sa mata laging dumadaloy

Wala  bang magandang bukas puro panaghoy

 

Lumaking takot sa amang lasengo

Nasabak sa mabibigat na trabaho

Para kumita ng kakarampot na piso

Para maka pag aral at matuto

 

Amang irresponsible lasing pag umuuwi

Nag uunahan tumakbo at mag tago lagi

Pag lango sa alak walang pinipili

Kung hindi baka mabali ang mga binti

 

Pag inabutan tulog tadyak aabutin

Ang matulog sa damuhan sasapitin

Walang masulingan Diyos na mahabagin

Mga impit na dalangin sana’y dingin

 

Nangangarap maka ahon sa kahirapan

Sa murang gulang kahit ano pinasukan

Para gumanda ang kinabukasan

Lahat ng sakit sa buhay pinag dadaanan

 

Kahit mahirap nangarap makapag aral

Pinag sumikapang makatapos ng pag aaral

Ang pangarap makaahon di pasusupil

Ang maabot magandang bukas di papipigil

 

Lahat ng hirap napagdaanan

Nag paalila lahat pinagdaanan

Makatapos lang sa kursong pinasukan

Hangad mayroong magandang mapasukan

 

Para sa pamilya, magandang kinabukasan

Kaya pagiging OFW pinangarap pasukan

Laking pasasalamat mabait natunguhan

Kaya unti unti na uma angat ang kabuhayan

Ni Rhea Hernandez 1/10/13

 

Wednesday, January 9, 2013

TAAS NOO MAGING DH....


TAAS NOO MAGING DH….

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

 

inspired : by OFW’s true to life stories

                Ni Sylvia Hermetanio

               “Taas Noo Kong Ipinagmamalaki  Na DH Ako”

 

Isang guro tagahubog ng kabataan

Nag lakas loob mangibang bayan

Nag hangad ng magandang kapalaran

Mga bugtong anak siyang pinaglalaanan

 

Marami ang nag taas ng kilay sa ginawa

Marami nag sabi isang guro naging muchacha

Hindi ba nahihiya sa kanyang ginagawa

Na maging alipin ng mga arabo nagtitiyaga

 

Naging bilango sa mala palasyong bahay

Sa kakarampot na perang kanilang binibigay

Nag titiis mawalay sa mga mahal sa buhay

Lungkot at pangungulina sa puso  taglay

 

Bata palang pangarap mangibang bayan

Tinitingala eroplano sa kalangitan

Akala  tutubing lumilipad sa kalangitan

Laging dasal balang araw masasakyan

 

Dumating  pag kakataon mangibang bayan

Minadaling inayos  papeles na kailangan

Sinuguradong kontrata maayos napirmahan

Isa lang palang basura walang kabuluhan

 

Mga sinungaling ahensya pinag aplayan

Walang magawa kahit nag puputok  kalooban

Kundi tangapin ang masaklap na kapalaran

Nag huhumiyaw  kalooban ito ang katotohanan

 

Pikit matang tinangap ang kinahantungan

Nag paalipin sa mga walang pusong dayuhan

Nag mistulang pulubi tira tira pinagtitiyagaan

Kaunting pag kakamali sinisigawan pinaparusahan

 

Yes sir at yes mam lang ang kanilang kailangan

Ni sarili mong pag katao nawala ng tuluyan

Huhubarin mo lahat ng iyong nakasanayan

Ito ang sinapit sa kamay ng mga dayuhan

 

Pag sisilbi sa mga dayuhan marami natutunan

Tiniis hirap at pasakit para sa mga kamag anakan

Hindi pinagsisishan naging buhay kahit nahirapan

Mga mahal sa buhay nabigyan ng kaginhawahan

Ni Rhea Hernandez 1/9/13