PANININDIGAN PARA SA
KINABUKASAN
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
inspired by: OFW’s True To Life Stories
ni;
Jenne Chatto Aballe
“Paninindigan
Gabay Sa Kaginhawahan’
Dahil sa isang kasawian, nakipagsapalaran
Nilisan ang mahal na bayan sinilangan
Para sa anak mabigyan ng kaginhawahan
Mag karoon ng magandang kinabukasan
Sa unang pag lisan anak iiwanan
Kahit puso puno ng pag aalinlangan
Anong buhay ang kakahinatnan
Sa malayong bansa maging dayuhan
Pinasukan trabaho isang utusan
Nag karoon among walang pakungdangan
Unang araw palang masamang ugali natuklasan
Bulong sa sarili ito kaya bang pag tiisan
Nanny at kasangbahay ang kinasadlakan
Madaming trabaho salat sa pag kain kinabaksakan
Kulang sa tulog lugmok na ang katawan
Gutom at pagod nadarama di mailarawan
Kumakalam ang sikmura kulang sa pag kain
Hindi alam kung kailan kayang tiisin
Anak na iniwan siyang lakas para bunuin
Madalas nakatingala sa langit nakatingin
Dumating pag kakataon lumaban
Ipinagtangol ang sarili sa kalupitan
Nag bago ang abang kapalaran
Dapat palang ipaunawa ang kalagayan
Ipabatid sa tamang pangangatwiran
Upang maintindihan ang kalagayan
Dumating ang tukso ito’y nalusutan
Hindi nag hangad ng pera sa maling paraan
Tanging ang pag katao
ang kayamanan
Ito ang maipapamana sa mga anak na iniwan
Kaya kung nasa tama ipag laban
Mga among malulupit may puso’t isipan
Marunong umintindi ng tamang katwiran
Huwag matakot magsalita mangatwiran
Ni Rhea Hernandez 1/10/13
No comments:
Post a Comment