Wednesday, January 9, 2013

TAAS NOO MAGING DH....


TAAS NOO MAGING DH….

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

 

inspired : by OFW’s true to life stories

                Ni Sylvia Hermetanio

               “Taas Noo Kong Ipinagmamalaki  Na DH Ako”

 

Isang guro tagahubog ng kabataan

Nag lakas loob mangibang bayan

Nag hangad ng magandang kapalaran

Mga bugtong anak siyang pinaglalaanan

 

Marami ang nag taas ng kilay sa ginawa

Marami nag sabi isang guro naging muchacha

Hindi ba nahihiya sa kanyang ginagawa

Na maging alipin ng mga arabo nagtitiyaga

 

Naging bilango sa mala palasyong bahay

Sa kakarampot na perang kanilang binibigay

Nag titiis mawalay sa mga mahal sa buhay

Lungkot at pangungulina sa puso  taglay

 

Bata palang pangarap mangibang bayan

Tinitingala eroplano sa kalangitan

Akala  tutubing lumilipad sa kalangitan

Laging dasal balang araw masasakyan

 

Dumating  pag kakataon mangibang bayan

Minadaling inayos  papeles na kailangan

Sinuguradong kontrata maayos napirmahan

Isa lang palang basura walang kabuluhan

 

Mga sinungaling ahensya pinag aplayan

Walang magawa kahit nag puputok  kalooban

Kundi tangapin ang masaklap na kapalaran

Nag huhumiyaw  kalooban ito ang katotohanan

 

Pikit matang tinangap ang kinahantungan

Nag paalipin sa mga walang pusong dayuhan

Nag mistulang pulubi tira tira pinagtitiyagaan

Kaunting pag kakamali sinisigawan pinaparusahan

 

Yes sir at yes mam lang ang kanilang kailangan

Ni sarili mong pag katao nawala ng tuluyan

Huhubarin mo lahat ng iyong nakasanayan

Ito ang sinapit sa kamay ng mga dayuhan

 

Pag sisilbi sa mga dayuhan marami natutunan

Tiniis hirap at pasakit para sa mga kamag anakan

Hindi pinagsisishan naging buhay kahit nahirapan

Mga mahal sa buhay nabigyan ng kaginhawahan

Ni Rhea Hernandez 1/9/13

 

No comments:

Post a Comment