Thursday, January 10, 2013

MAY BUKAS PA!


MAY BUKAS PA!

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

inspired : by OFW’s _True To Life Stories

                 ni Roviline Wate

                “Hindi bale ang ngayon , Importante ang bukas’

 

Isinilang kulang sa kayamanan

Mga magulang walang kakayahan

Mag bigay ng magandang kinabukasan

Salat sa lahat ng bagay nararanasan

 

May amang walang pakialam sa buhay

Araw araw laging lasing hahapay hapay

Si ina luha sa mata laging dumadaloy

Wala  bang magandang bukas puro panaghoy

 

Lumaking takot sa amang lasengo

Nasabak sa mabibigat na trabaho

Para kumita ng kakarampot na piso

Para maka pag aral at matuto

 

Amang irresponsible lasing pag umuuwi

Nag uunahan tumakbo at mag tago lagi

Pag lango sa alak walang pinipili

Kung hindi baka mabali ang mga binti

 

Pag inabutan tulog tadyak aabutin

Ang matulog sa damuhan sasapitin

Walang masulingan Diyos na mahabagin

Mga impit na dalangin sana’y dingin

 

Nangangarap maka ahon sa kahirapan

Sa murang gulang kahit ano pinasukan

Para gumanda ang kinabukasan

Lahat ng sakit sa buhay pinag dadaanan

 

Kahit mahirap nangarap makapag aral

Pinag sumikapang makatapos ng pag aaral

Ang pangarap makaahon di pasusupil

Ang maabot magandang bukas di papipigil

 

Lahat ng hirap napagdaanan

Nag paalila lahat pinagdaanan

Makatapos lang sa kursong pinasukan

Hangad mayroong magandang mapasukan

 

Para sa pamilya, magandang kinabukasan

Kaya pagiging OFW pinangarap pasukan

Laking pasasalamat mabait natunguhan

Kaya unti unti na uma angat ang kabuhayan

Ni Rhea Hernandez 1/10/13

 

No comments:

Post a Comment