Wednesday, November 28, 2012

LOVE STORY "ANNIE" chapter 4 finale


LOVE STORY “ANNIE” chapter 4 finale

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


              sa wakas after two yrs muli akong naka apak sa lupang aking sinilangan. Tuwang tuwa ang mama at papa ko sa muli kong pag babalik. Pati na ang mga kapatid ko.excited ako sobra sa pag uwi kong ito . makikita ko na muli si BY. Dalawang taon ko rin kinasabikan mag kasama ulit kami ni Alex. Pag dating naming sa bahay kulang na lang na subuan ako ng mga kapatid ko sa pag aasikaso sa akin. Talaga lang daw sobra  nila ako na mis kaya ganoon na lang ang pag aasikaso nila. Sana nga daw huwag na muli akong umalis para hindi na nila ako ma mis ng grabe. Kahit hindi kumikibo si papa at mama alam ko at nararamdaman ko na sabik na sabik sila sa akin. Oo sanay silang malayo ako sa kanila pero nakakauwi ako paminsan minsan at alam nila at nakikita nila kung nasaan ako. Di tulad nasa ibang bansa hindi makauwi kung may okasyon. Tulad ng pasko at bagong taon. Araw ng birthday nila. Kahit walang maraming handa sabay sabay naman kaming kumakain sa hapag kainan, ito ang pinaka mis ko sa lahat. Ang bonding ng mag kakapamilya.

              Tinawagan ko si Alex para mag kita naman kami at ma meet niya lahat ang mga kapatid ko. Alam ko na medyo matagal tagal na rin hindi kami nag kikita ni Alex saktong 2yrs and 15days.  Naks! Bilang na bilang ko ang mga araw. Kasi ba naman noong nasa Kuwait ako wala akong inisip kundi siya at masasayang mga araw namin. Medyo hapon na noong dumating siya. Noon naman kasalukuyan kami ng mga kapatid nasa beach nag kayayaan  maligo sa dagat. Kaya doon ko na siya pinatuloy. Paano wala na siyang daratnang tao sa bahay naming nasa beach na kaming lahat. Im very satisfied and contented kasi ba naman kumpleto na ang mga mahal ko sa buhay. Kapiling ko silang lahat ngayon. Anu pa ba ang mahihiling ko. Kumpleto na sila walang kulang .

              Ang nadarama kong kaligayahan ay hindi nag tagal. Sapagkat muli akong nag apply para makaalis ulit. Ang nadarama kong ligaya noong bagong dating ako napalitan ito ng ibayong kalungkutan. Muli pumirma ako sa panibagong kontrata. Ayaw na ni Alex na muli akong lumisan. Pero wala na siyang magawa kasi nakapag desisyon na ako na muling lisanin ang bayang sinilangan. Hindi pa naman kami puedeng pakasal kasi nag aaral pa siya at saka wala pang ipon at higit sa lahat mga bata pa kami.Ang pag aasawa makakapag hintay. Saka kung talaga kami ang para sa isa’t isa baligtarin man ang mundo hindi siya mag babago kami pa rin ang mag kakatuluyan. Saka sigurado na ako sa aking sarili na si Alex ang tanging lalaki gusto kong maging asawa sa pag dating ng panahon.

              Bago ako umalis inimbita ako ng mama ni Alex na mag bakasyon sa kanila kahit ilang araw lang. Pinag bigyan ko ang kahilingan ni Alex. Saka nahihiya ako sa mama niya kaya pina unlakan ko ang mahigpit niyang paanyaya sa akin..sa unang pag kakataon matutungtong ako sa bahay nila Alex. Pag pasok ko sa bahay ang mama niya ang nabungaran ko kaya naman nag mano ako sa mama niya. Mga sandali yaon para akong hihimatayin sa hiya. Parang gusto kong matunaw ng mga sandali yon. Gusto kong mag laho na parang bula sa kanilang paningin. Ganito pala ang feeling sa unang pakikipag harap sa magulang ng iyong minamahal. Hindi ako makakilos sa pag kakaupo .parang may pandikit ako sa aking puwet. Hindi ko maipaliwanag anong klaseng emosyon ang nag lalaro sa aking katawan. Ganito ba talaga ang nagiging feeling ng isang babae pag pinakikilala ka na sa pamilya ng lalaki?

              Sa harap ng hapag kainan naubos ko yata ang isang pitcher na tubig sa kakainom pero ang pag kain sa loob ng aking bibig hindi ko malunok. Mababait naman sila sa akin. Pinipilit nga nila na maging patag ako sa kanilang harapan. Halos lahat yata ng aking mga galaw binabantayan nila. Kahit pag punta ko sa restroom inaalala nila ako. Mag dahan dahan daw ako at baka madulas at madapa ako. Sobra sobra ang pag aasikaso nila sa akin. Anong saya ko ng mga oras na yon. Hindi ko akalain na magustuhan ako ng mga magulang ni Alex pati na ang kanyang mga kapatid. Walang akong problema pag dating sa mga in laws. Lahat makakasundo ko sila. Alam ko ma mimis ko ang mga pag aasikaso nila sa akin. Sobrang maalaga ang mama ni Alex. Sabi ko nga kay By ang suerte niya sa ina at maalaga at mapag mahal. Isang matamis na ngiti lang ang isinagot sa akin ni By. Pati sa pag tulog ko inaalam niya kung maayos daw . parang gusto ko ng doon tumira. Hindi na tumuloy sa pag aabroad. Sana puede nga.

              Itong si Alex bantay sarado din ako. Kay higpit parang ayaw na niya akong makita ng mga tao. Lagi na lang nakakulong sa loob ng bahay o lumabas man gusto laging kasama siya. Ayaw niya akong mahihiwalay sa kanya. Sinasamantala lang daw niya ang mga natitira kong araw sa Pina . kasi ba naman aalis nanaman daw ako. Nag aaya akong lumabas para I meet ang mga kaibigan ko. Ayaw niya sa susunod na araw o sa gabi na lang kami makipag kita sa mga kaibigan namin. Kaya naman pala gusto niyang ipag malaki sa akin ang kanyang mga pananim. Kay dami niyang tanim na gulay. Iba’t ibang klase ng gulay. Isang maluwang na tumana ang ipinakita sa akin ni Alex. Kay luwang ng bukirin.

              Kay sarap mag lakad na naka paa. Kay tagal kong na mis ang ganito. Laki din naman ako sa hirap kaya sanay ako sa lahat ng klase ng Gawain sa bukid. Pero matagal tagal na rin hindi ako nakapag bubukid. Kaya naman nakaka panibago ang mag lakad sa putikan. Parang kinikiliti ang aking talampakan. Kay sarap balikan ang matagal mo ng nakasanayan. Dala ng pag kakataon nahinto akong tumapak sa bukirin noong mamasukan ako.at noong mag abroad . Mahaba habang panahon din hindi ako naranasan ang ganito. Laking pasasalamat ko kay Alex dinala niya ako sa kanilang bukirin. Laking pag mamalaki ni Alex sa mga pananim  kasi daw katulong siyang nag aalaga at nag tanim ng mga gulay.

              Kay saya ko sa piling ng lalaking pinaka mamahal ko. Sayang at hindi gaano katagal ang pag stay ko sa kanila. I treasure ko ito habang ako’y  nabubuhay. Para kaming mga bata nag lalaro sa bukirin. Kinakarga pa niya parang baby niya. Sayang at one week lang ang bakasyon ko. Kung puede lang haba habaan ko ang pag stay sa kanila kaso marami pa akong dapat asikasuhin. At kailangan ko rin bumalik ulit sa Gensan para doon ako mag pasko kasama ang aking mga magulang at kapatid. At plano kong isama din si Alex sa Gensan para doon mag pasko mag kasama kami. Gusto din ni Alex na mag kasama kami sa darating na kapaskuhan. Ito na kaya ang pinaka masaya kong pasko at bagong taon na dumating sa buhay ko. Mag kakasama ang mga mahal ko sa buhay. Wala na akong mahihiling pa.

              Dumaan ang mga araw February 2009 lumipad ulit ako papunta Kuwait. Kung ano saya ang nalasap ko noong bakasyon  siya namang ibayong kalungkutan at kamalasan ang inabot ko dito sa Kuwait. Yong una kong naging amo parang hindi tao ang turing sa akin. kaya napilitan akong lumipat sa iba. Sa kamalas malasan  nga naman salbahe ang pangalawa kong amo kaya napilitan ulit akong lumipat. Sa pangatlong amo puede ko ng pag tiyagaan kahit medyo mahigpit hindi naman parang hayop ang tingin sa akin. Kahit papaano itinuring akong tao ng amo ko. Kahit ang daming bawal. Kaya naman dumalang ang aming komunikasyon ni Alex.

              Dala ng aking trabaho nawalan ako ng panahon sa lalaking aking pinakamamahal.  Lumipas ang mga araw at buwan.Ang buong akala ko naiintindihan niya ang situation ko. Ang buo kong pag kakaalam kaya niyang mag tiis ng panibagong 2yrs. Tulad ng mga nauna kong pag alis ng bansa. Pero si  Alex naging marupok sa aming pag mamahalan. Isang araw noong tumawag ako sa kanya sabi niya mayroon siyang aaminin sa akin. Ito pa lang ang sinasabi niya parang alam ko na ang  karugtong. Nahuhulaan ko na ang sasabihin niya. Parang nag cruz ang dila ko sa aking nalaman. Sumabay pa ang kapatid ko. Sa mga panahong ito iisa lang ang puede kong kapitan. Ito ang panginoon .

              Mismo si Alex ang umamin sa akin na mayroon siyang nagalaw na babae.

Kahit ito ang inaasahan ko. Bakit ganoon doble ang naramdaman kong sakit ngayon sa mismong bibig ni Alex  nag mula ang balita. Ang sabi niya nagawa lang niya iyon noong isang araw nag malasing siya. Ang buo kung akala hindi na siya umiinom. At tutok siya sa kanyang pag aaral. Talagang ang barkada walang maidudulot na maganda sa isang tao. Parang gumuho ang mundo ko noong mapag tanto ko kung ano ang sinabi ni Alex. Parang kay tagal pumasok sa isipan ko. Hindi ako nakakilos ng ilang Segundo sa kinatatayuan ko. Ganoon pala yon. Hindi mo mapaliwanag ang sakit na aking nararamdaman ng mga sandaling yaon.

              Para akong patay na buhay. Nakaharap sa pag kain tumutulo ang luha ko. Sa pag sapit ng gabi titingala sa kalangitan hindi ko namamalayan panay agos ng luha ko. Madalas kong itanong sa aking sarili anu ba ang kasalanan ko at pinaparusahan ako ng ganito. Nag iisa lang ako dito sa banyagang bansa ng Kuwait. Walang karamay. Walang madaingan. Kay hirap naman ng aking naging kalagayan. Madalas kong itanong sa aking sarili mayroon pa bang sasakit ditto sa nararamdaman ko. Minsan tanong ko sa aking sarili kung kaya ko pa bang mabuhay. Ang pader na aking sandalan at sa kinukunan ko ng lakas ay gumuho na. ang taong pinag huhugutan ko ng lakas para makaya ko ang pag iisa sa banyagang lupain ng Kuwait. Ang bukod tanging tao na nag bibigay ng lakas sa akin ng mga panahon yaon ngayon eto iniwanan ako sa ere. Makakaya ko pa bang mabuhay ngayong?

              Matatapos na ang 2yrs kong kontrata sa Kuwait. Na masasabi ko na wala akong dinadasal na sana makalimutan ko na siya. Sabi ng mga kaibigan huwag ko daw pagka isipin. Magagamot daw ng panahon ang lahat ng sakit na kanyang ibinigay sa akin. Sabi niya natukso lang siya kaya niya nagawa iyon. Nagte text pa rin siya  sa akin at laging sinasabi Ang pag mamahal niya sa akin ay hindi daw nag babago. Bakit ganoon kahit anong paliwanag niya hindi nawawala ang sakit na aking nararamdaman. Sadya bang ganito pag ikaw umasa at nag tiwala? Pag natuklasan  hindi pinahalagahan ang inuukol pag mamahal. Mahabang panahon aking iningatan. Kaya siguro ubod ng sakit ang nadarama ko.

              Malapit na ang aking pag uwi sa Pilipinas. Bakit hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang kasalanan kanyang ginawa. Pero bakit ganito ang aking nararamdaman? Umaasa ako na kami pa rin sa aking pag babalik. Na sana siya ang sumalubong sa akin sa pag babalik . Sadya bang ganito ang pag ibig? Alam ko Malaya pa rin siya at iniwan na niya ang babaeng kanyang nagalaw. Dapat pa ba akong umasa na maaayos pa rin ang aming relasyon sa muli kong pag babalik sa Pilipinas? Tanging ang Poong Maykapal lang ang nakakabatid. Kung kami pa rin ni Alex ang mag kakatuluyan. Sana sapagkat ito pa rin ang dinadasal ko ang maayos muli ang nag kalamat naming relasyon dahil sa aking pag layo pansamantala para hanapin ang magandang kinabukasan sa ibayong dagat.

              Sana sa pag uwi ko maayos naming ang nasira at nag kalamat naming pag mamahalan. Dito ko muna tatapusin ang pag kukuwento ng pag mamahalan naming ni Alex. Kahit ako hindi ko pa alam kung saan mag tatapos ang nasira naming pag mamahalan. Sana nga may pag asa pa? Sana nga nagamot na ng panahon ang sakit na aking naramdaman. Sana matutong mag patawad ang aking puso. Sana hindi natukso si Alex di sin sana walang problema. Anu pa ba magagawa ko nangyari na ang dapat hindi nangyari…….. WAKAS…. November 28, 2012

No comments:

Post a Comment