Wednesday, November 21, 2012

LOVE STORY "ANNIE" chapter 2


LOVE STORY “ANNIE” chapter 2

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

              Pagkalipas ng isang Linggo si Alex naman ang humingi sa akin ng favor. Gusto niya akong ipakilala sa kanyang mga kabarkada. Ano aking magagawa nauna akong ipakilala siya sa mga friends ko. Dala dala ko ang kailangan kong I memorize ang aking role na aking gagampanan sa school program. Kaya naman tinutulungan ako ni Alex sa pag check sa mga line na aking nakakalimutan. Sa boarding house ng friend niya kami nag tuloy. Laking pasasalamat ko at iisa lang ang inabutan naming doon. Sa swing ako umupo para makapag aral ako ng aking mga linya. Tumabi sa akin si Alex kaso sabi ko lumayo ka ng kaunti at nag aaral ako. Mabait naman sumunod sa aking hiling si Alex.

              Hindi pa kami nag tatagal sa ganoong posisyon isa isang nagdatingan ang mga kaibigan ni Alex. Nag kakagulo na. kaya naman umalis na ako sa swing at tumabi na ako kay Alex. Dahil sa ingay ng mga kabarkada niya hindi na ako nakapag aral. Nawawala na ako sa concentration ko. Sa may isang batalyong dumating ipinakilala akong bilang girlfriend niya. Mayroon isang hindi nakatiis at sabi totoo bang girlfriend ka ni Alex. Isang mahinang tango lang ang naisagot ko sa kanya. Huwag kang maniwala dyan sa lalaking yan. Baka niloloko ka lang. may mahal na iyan at patay na patay kay Annie. Siempre patay malisya ako. Baka naman mali ang hinala kong ako ang tinutukoy ng kabarkada ni Alex. Kaya naman itinanong ko ito ng taga saan ba yong Annie sinasabi mo? Aba taga kabilang bahay lang nakatira. Saka sabay turo sa location ng boarding house ko

              May isang lumapit sa kausap ko at binulungan niya ito. Saka muling humarap sa akin ang kausap ko kanina.” AY! Ikaw pala si Annie hindi ka kumikibo. Sorry talaga hindi ko akalain ikaw pala iyon .at walang ka abog abog kumuha ito ng isang baso at ballpen at saka nag ingay ito. Ipinag sigawan ang ganito “ Ito pala ang girlfriend ni Alex na pinag mamalaki sa atin” saka sabay sabay nag sigawan ang mga ito ng KISS. Para akong natutunaw na yelo sa hiya ko. Ito na yata ang pina ka embarrassing moment ko. Napa inakupo ako sa aking sarili. Palihim kong kinurot si Alex sa kanyang tagiliran at sabay sabi na ihatid mo na ako sa aking boarding house. Hindi na ako makakatagal dito sa nararamdaman kong pag kapahiya.

              Kaya naman tuwing aayain ako ni Alex na lumabas. Hindi na ako sumasama kung alam kong kasama ang kanyang mga barkada. Ayaw ko ng maulit muli ang nadama kong pag kapahiya sa harap ng mga ito. Ang madalas nalang  naming  gawin yong kumain sa labas na kaming dalawa lang at doon niya ako sinusundo sa aking school. Ina abangan niya ako sa gate ng aming school. Ewan ko ba tuwing makakasama ko siya para akong nauupos na kandila sa hiya sa kanya. Ito pa ang nakakatawa nag katuwaan kaming mag kakabarkada na bumili ng singkamas sa tiange. Dahil summer masarap kumain ng singkamas. Habang binabalatan ko ang mga ito at nag kakainan kami ng mga kaibigan ko walang ka abog abog dumating si Alex. Itong mga kaibigan ko parang mga kinausap ni Alex. Kasi ba naman isa isang nanga wala sa harapan. Iniwan sa akin ang isang katerbang singkamas. Sa nierbyos ko hindi ko namalayan halos naubos kong lahat ang tinatalupan kong singkamas sa kakakain.ewan ko ba bakit ako un easy pag nakakasama ko siya. Pakiramdam ko kasi nakatitig siya sa akin lagi. Pero katagalan nagiging palagay na rin ang loob ko sa kanya. Sa mga simpleng hampasan ng braso, kurutan, kindatan ang mga ito pala nakakagaang ng pakiramdam. Kaya noong makaalis si Alex mahapdi sa singkamas ang aking tiyan . panaw tawanan ng mga kaibigan ko. Bakit naman kasi inubos mo ang binili nating singkamas hindi mo man lang kami tinirhan.

              Isang hapon nag katuwan ang buong barkada na mag inuman. Kahit bawal sa boarding house nagagawan naming ng paraan makalusot sa pag inom. Panatag ang aking loob na tumambay sa terrace ng boarding house naming kahit naka short short ako sabi nga ng iba litaw na ang kaluluwa ko sa igsi ng short . Paano ako naging panatag mag suot ng ganoon samantala tanaw na tanaw  kami sa bahay nila. Malakas loob ko sapagkat alam kong loaded siya sa araw nayon. Kaya naman malakas ang loob ko uminom  alam kong wala mag babawal sa akin…busy sya….  Sa wakas makakahiyaw makakatili uli ako na walang pinangingilagan makita ng lalaking aking sinisinta. Nag kasundo kaming beer lang ang inumin naming mag kakabarkada. Panay kasi patawa ng kasamahan kaya naman parang walang problema kung makahalakhak ako. Bigay na bigay ang aking pagtawa.

              Medyo hilo na ako ng biglang nanlaki ang mata ng isa kong kaibigan sa kanyang nakita na papasok sa gate ng aming boarding house.  Sabi ko pa nga Hoy! Bakit napapatanga para kang nakakita ng multo. Sabay turo sa papadating na si Alex. Biglang nawala ang pag kahilo ko. Pagapang akong pumasok  sa loob ng bahay. Ayaw kong mag pakita sa kanya ng ganoon ang suot ko. Ni minsan di pa niya akong nakitang ganoong ka sexy mag damit. Nakakahiya humarap sa kanya na ganoon ang ayos ko. Sa katarantahan ko ang nakuha kong damit ay bodyfit na t shirt at bootleg na pants. Kung itataas ko ang aking mga kamay makikita ang aking pusod. Ok na yon kesa sa napaka sexy short short kong suot. Hindi ko na lang itataas ang aking mga kamay para di niya makita ang pusod ko. Sa loob loob ko behave naman ako pag kaharap siya.

              Sa pag mamadali ko katulong ko pa ang isa kong kaibigan. Lalabas na sana ako ng muli akong hilahin ng kaibigan ko. Anu kaba babae ka lalabas ka ng ganyan na di man lang nag susuklay. Ayusin mo nga muna ang buhok mo. Ang mahinang sabi niya pero madiin ang pag kakabigkas niya. Suklayin mo nga muna yang buhok mo. Nakakaloka pati sila natataranta na rin. Sa pag labas ko naka smile na ako at binati siya. Hi ! akala ko may pasok ka ? bakit nandito ka? Oh gusto mo ng ice tea, snack naming?  Hindi siya kumibo, lumapit siya sa akin at bumulong ng “lasing ka na. Bakit ka umiinom ? mayroon ka bang problema? Sa kanyang mga sinabi at tanong lalung nawala ang aking kalasingan. Hindi ko pala maitatago sa kanya na lasing na ako ng mga sandaling yaon.

              Iyon lang at nag paalam na siya. Nag kakamot ako ng aking ulo sa isipin waaaa!! Alam na niya na umi inom ako. Anu nalang ang iisipin niya sa akin isa na akong lasingera. Bakit kaya hindi siya nag tagal? Nawalan na siya ng gana sa akin noong makita niyang malakas akong uminom ng beer. O kaya nahihiya siya kasi ba naman puro kami babae doon sa boarding house. O natatakot siya na maging tampulan ng tukso ng mga kasamahan ko?  Hindi pa siya nag tatagal na mawala sa aking paningin ay biglang tumunog ang mobile phone ko.” Huwag kang masyadong mag wala. Nakikita ko kung ano  ang ginagawa mo, dahan dahan lang sa tagay, kung hindi mo na kaya tama na. ipahinga mo na o itulog mo.” Ang sabi niya sa kanyang text.

              Kahit pala sa malayo tinatanaw ako ni Alex. Naisahan ako doon hindi ko nalalaman.wala pala akong ligtas. Sa kanyang mga paningin . kinabukasan kinausap niya ako ng masinsinan. Mayroon ka bang problema ang malumanay niyang tanong. Isang tango at sabi ko medyo. Okey lang ako huwag kang mag alala kayang kaya ko ito ang sabi ko sa kanya. Hindi ko namamalayan nag uunahan napala ang mga luha ko sa pag patak. Nasabi ko na lang puede ba akong umiyak? Sabi niya sige lang ilabas mo lahat ng sama ng loob. Nandito lang ang aking mga balikat na puede mong gawing sandalan kahit anong oras mo gusto.

              Bakit kasi ipinanganak akong mahirap. Kung hindi mag tratrabaho at mag susumikap hindi makakapasok sa school. Mag tatapos na kasi ang school year. Hindi ko alam kung sa susunod na pasukan ay makakapag enroll pa ulit ako. Hindi ko pa alam kung makakapag patuloy pa ako sa pag aaral. Wala pang naiipon para sa susunod na pasukan. Wala naman makakatulong sa kin kundi ang sarili ko. Tuwing maiisip ko ito naninikip ang dibdib ko. Habang nag lalabas ako ng sama ng loob. Hindi pa nag tatagal siya nag sasabi na rin ng kanyang problema. Akala ko ako lang ang may dalahin yon pala pareho kaming may dinaramdam.

              Naiinis din daw siya sa kanyang mga magulang , kasi daw din naibibigay ng mga ito ang mga hinihingi niya. Ang mga pangangailangan niya hindi agad naibibigay. Kaya naman ang sabi ko bakit naman kasi hindi ka makapag intay. O kaya makuntento ka kung ano ang mayroon pag tiisan mo muna. Kasi gusto mo agad agad makukuha mo kung ano ang ginusto mo. Hindi puede ang ganoon. Kasabi sabi ba naman niya para kang si mama kung mag salita. Hindi ba tama naman ang mama mo at ako . hindi lahat ng bagay o lahat ng magustuhan mo makukuha mo agad. Mayroon dito na unti unti mo makakamit , o kailangan pag hirapan mo muna bago mo makamtam ang isang bagay.  Ito ang buhay mahirap. Kailangan pag hirapan mo muna bago matikman ang sarap.

              Natapos ang school year eto na ang long vacation. Kailangan kumayod ako ng husto para sa susunod na pasukan. Naisipan kong pumunta sa isa kong kapatid doon nag aply ng trabaho. Medyo malayo lang sa school ko pero ok na basta may trabaho. Kaya naging busy na ako. Nag kakasya na lang kami ni Alex sa text. At paminsan minsan tawagan. Bihira na kaming mapang abot. Kasi ba naman kailangan kong gamitin mabuti ang summer day para kumita ng pera. Natangap akong sales clerk 2nd batch ng summer job good for 45days lang kasi sa kalagitnaan ng June mag uumpisa na naman ng pasukan. Nag umpisa pumasok sa work ng April at natapos ng katapusan ng May. Pero kulang pa rin ang naiipon ko para sa susunod na pasukan. Talaga yata minamalas ako. Kahit anong sikap gawin ko hindi makumpleto ang perang kailangan ko sa pag eenrol.

              Kaya noong mag meeting sa department store na pinapasukan ko. Tinanong nila kung sino daw ang gustong mag casual for 5 months working contract ang may gusto ay  mag apply na . naki apply na rin ako total hindi rin sapat ang naipon kong pera para makapag enroll . Ok na ito may trabaho agad ako hindi mababakante. Sa susunod na semester na lang ako mag enroll. Siguro sakto na ang pera ko noon sa pag papaenrol. Masama man ang loob ko na mahihinto ako ng isang semester. Wala naman akong magagawa at wala naman akong maaasahan tutulong sa akin para sa ganitong pangangailangan ko.

              Ang mga text at tawag ni Alex ang nag sisilbi kong inspirasyon sa pag susumikap. Ang mga pag aalala niya ang nag bibigay sa akin ng lakas para kayanin ang mga hirap na dinadaanan ko. Iniisip ko darating ang panahon na aani din ng maganda ang sakripisyong ginagawa namin. Basta alam naming na mahal ko siya at mahal niya ako. Ito lang ang pinag hahawakan ko sa mga sandaling napapagod na ako sa pakikibaka sa buhay. Kaya naman naming mag intay. Gusto ko din  na gumanda ang bukas na haharapin. Para din naman sa kinabukasan naming ang ginagawa ko.

              Last week na ng September nag text ang isa kong kapatid.asan daw ba ang atm card ko? Sabi ko nasa akin sa totoo lang naiwan ko ito sa isang kaibigan ko sa boarding house ko na malapit sa pinapasukan kong school. Mag papadala daw nang pera ang tita ko para sa tatay ko. Kaya kailangan kuhanin ko ang atm card ko. Kaya naman nag paalam ako sa aking trabaho na hindi papasok sa susunod na araw para lang doon sa naiwan kong atm card. Malayo layo din ang biyahe kaya maaga akong umalis sa bahay. Saka pag kakataon ko na rin ito para mag kita ulit kami ni Alex mis ko na kasi siya. Kaso noong dumating ako sa boarding house. Nagulat ang mga kaibigan ko. Ang tagal ko na kasing nawala . hindi ako tumawag kay Alex o nag text man lang sa kanya para sabihin darating ako . may exam siya kaya ayaw kong abalahin ang pag aaral niya. I surprise ko na lang siya. Nag punta kami sa dating school ko nag kataon naman may laro ng basketball. Kaya nanood muna ako at saka doon ako tumuloy kay pearl sa bestfriend ko.

              Noong kumakain na kami ng dinner ni Pearl tinanong niya ako kung alam ni Alex na nandoon ako sa kanila. Pag kakain natin ng dinner text ko siya sabihin ko nandito ako. Nag text nga ako sabi ko” nandito ako sa bahay nila Pearl. Kamusta ang exam mo, nakauwi ka na ba?” hindi pa nag tatagal nag ring ang mobile phone ko. “ kailan ka pa dumating? Antay ka sandali pupuntahan kita dyan!” yon lang ibinaba na niya ang kanyang cell phone. Pero hindi ako nainip eto na si Alex.kumatok siya sa pintuan . pinatuloy siya ng nanay ni Pearl kasi kilala naman sila nito na boyfriend ko siya. Nang bumaba ako galing sa room ni Pearl hindi ko malaman kung ano ang aking nararamdaman. Hindi ko maiwasang mangatog ang aking mga tuhod. Dahil kaya sa kaba, sa awa, sa saya o kasabikan makita siya.halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Kay tagal naming hindi nag kita. Ang laki ng kanyang ipinayat. Wala akong nasambit kundi ano nangyari sa iyo at pumayat ka ng ganyan.

              Ang buo kong akala hindi mo na ako muling babalikan. Akala ko tuluyan kanang mawawala sa akin. Hindi ba patuloy naman ang kommunikasyon natin sa text sa tawag. Alam mo naman na mahal na mahal kita. Ang mahina kong sambit sa kanya. Kaya ako ganitong kapayat sabi ni Alex kasi bumalik ako sa dati kong bisyo. Salamat at nag balik ka. For good naba ang pag stay mo dito. Isang mahinang iling lang ang isinagot ko sa kanya. Mayroon lang akong kinuha kaya ako nagawi dito. Babalk din ako bukas ng umaga. Mayroon akong trabahong nag iintay sa aking pag babalik. Nag paalam lang ako ng isang araw na absent. Baksak ang kanyang balikat noong marinig niya na aalis muli ako kinabukasan.

              Parang hinihiwa ang puso ko sa aking nababatid. Ang sakit sakit marinig lalu na’t sa taong mahal mo. Na siya kong inspirasyon para abutin ang aking mga pinapangarap. Pinipilit kong abutin matupad lahat ang mga pangarap ko para sa aming magandang bukas. Pilit kong nilalampasan ang hirap at pasakit dahil alam ko nandiyan lang siya at hinihintay ako. Pero ano itong aking nakikita. Kabaligtaran ang nangyayari sa lalaking mahal ko. Ang pag layo ko para sa pag susumikap sa magandang kinabukasan siya naman pag kasira ng kanyang buhay dahil sa aking pag layo. Piling ko parang ang sama sama ko. Dahil sa akin isang buhay ang nasisira.

              Madaling araw na kami nag hiwalay ni Alex. Dala ang pangako ko na hinding hindi ko siya papalitan dito sa puso ko. At sana siya mag bago iayos ang buhay niya. Iwasan na ang mga bisyong nakakasira sa kanyang katawan at buhay. Parang ayaw ko ng matapos ang gabing iyon. Ayaw ko ng iwan pang muli ang aking mahal. Para magabayan ko siya sa kanyang magandang bukas. Madaling araw na noong umuwi si Alex. Ako hindi na nakatulog kasi hahabulin ko ang unang biyahe ng bus . para makahabol ako sa trabaho ko .nang biglang tumunog ang cell phone ko at ang text siya na intayin mo ako ng 6am ihahatid kita sa terminal ng bus

              Noong mag alas sais na ng umaga lumabas na ako ng bahay. Kaso mukhang masama pa ang panahon . bahagyang pumapatak ang ulan. Panaka naka lumalakas ito. Kaya naman pati ang nanay ni Pearl nakiabang narin ng jeep. Ayaw nila na mag isa lang akong nakatayo sa gilid ng kalsada sa pag iintay ng jeep. Pero may dumaan na hindi pa rin ako sumakay. Nag taka tuloy ang nanay ng kaibigan ko. Sabi ko na lang mayroon akong iniintay. Sabi ng nanay ni Pearl huwag mo ng intayin yon hindi na darating .pag lalaruan ka lang noon, ipapasok ka sa bulsa pag katapos makuha ang gusto iiwan ka at mag goodbye  na sa iyo. Nang may isang jeep na huminto. Ang bumaba ay si Alex basang basa ng tumakbo sa ulanan papunta sa kinatatayuan ko. Mukhang totoo. Nag papaulan at nag babasa sa ulan para lang maihatid ka sa bus terminal.

              Inihatid niya ako sakayan ng bus. Kaso tuwing mayroon darating na bus ayaw kong sumakay. Kasi pag sumakay na ako hindi ko na alam kung kailan ulit kami mag kikita. Nag kukuwentuhan kami ng kung anu ano lang . nag papatawa siya pero walang sigla ang aking pag tawa.malayo ang tinatanaw. Kay lungkot ko ng mga sandaling yaon kasi pag sumakay na ako sa bus mag kakalayo nanaman kami ng lalaking mahal ko.

Hanggang inabot na ako ng tanghali kaya napilitan na rin akong sumakay ng bus. Noong umakyat ako ng bus umakyat din siya umupo sa tabi ko. Habang iniintay mapuno ang bus nag uusap pa rin kami. Noong baba na siya pinag dugtong niya ang dalawang salita. Ang I LOVE YOU , GOODBYE sabay talikod niya. Gusto ko pa sanang I hug siya at I kiss pero ang bilis niyang tumalikod at bumaba. Ni hindi lumingon pero alam ko tumutulo ang luha niya. Ramdam ko umiiyak siya ayaw niya lang ipakita sa akin na umiiyak siya.

              Parang dinudurog ang puso ko sa pag hihiwalay namin. Bakit ganoon ang sakit sakit ng aking nararamdaman. Hindi ko namamalayan umaagos napala ang luha sa aking mga mata. Naninikip ang aking dibdib kay bigat dalhin. Akin nalang namalayan umiiyak napala ako. Hanggang umusad ang bus at hanggang sa pag baba ko walang tigil ang agos ng mga luha ko. Bakit ganoon kasakit ang muli naming pag hihiwalay. Nag tataka ako bakit hindi maubos ubos ang luhang dumadaloy sa aking mag mata. Ganito ba talaga ang feeling pag mag kakalayo kayo ng minamahal mo. Halos mala kamatis na nga ang ilong ko sa kakaiyak. Kung gaano kahaba ang biyahe ng bus ganoon din kahaba ang aking iyak. Dumating ako sa boarding house ng kapatid ko at ibinigay ang atm card.

              Dahil sa ATM card di pala biro ang umibig. Dahil sa muli naming pag kikita napatunayan ko di birong pag mamahal ang inu ukol ko sa kanya. Siya ang aking pina pangarap. Dahil dito lalu akong nag sumikap para makamit ang minimithing tagumpay. Pag susumikapan kong matapos ang aking inumpisahang kurso. Ramdam ko rin na kailanga  ako ni Alex para maging matuwid ang landas na kanyang tatahakin. Marami ang nag sasabi hindi maganda tungkol sa kanya. Wala akong alam kundi ang mahalin siya ng buong puso at bilang siya ng walang pang aalinglangan.

              Patuloy lumipas ang mga araw na kahit mag kalayo kami ay lalung tumitibay ang aming pag mamamhalan. Sumapit ang December 23 nag pasya kami na ipapakilala ko siya sa aking mga magulang. Muli kaming mag kikita para bawiin naming ang mga panahon na mag kalayo kami sa isa’t isa. Pag baba palang niya sa bus kahit di ko pa nakikita ang kanyang mukha alam kong siya na iyon. Ibinubulong ng puso ko na siya na yon. Ang saya saya ko. Nag lulundag sa tuwa ang puso ko. Hindi ko na naisip nakakahiya ang ginagawa ko. Sinigawan ko siya ng I LOVE YOU  BY!  Todo ang ngiti niya, pag lapit sa akin sabay bulong “ hahalikan sana kita , kaso ang daming tao “ namula tuloy ako  nakakahiya naman ang inasal ko kanina.

              Anu ang mang yayari sa pag papakilala ni Annie sa kanyang mga magulang? Paano tatangapin ng mga magulang ni Annie si Alex? Matangap kaya siya ng mga kamag anak ni Annie? ABANGAN!! Ni Rhea Hernandez  November 21,2012

 

No comments:

Post a Comment