Monday, November 5, 2012

LOVE STORY “TRISHA” chapter 5

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




              Sa wakas napagtapat na ni Trisha ang lihim ng kanyang pag katao kay Darwin. Hindi inaasahan ni Trisha na matatangap ni Darwin ang pag katao ng kanyang ama. Pero  sadyang mahal na mahal siya ni Darwin kahit ang pangit ng kanyang pag katao ay minahal nito. Hindi lang ang magaganda niyang katangian ang minahal at mamahalin niya pati na ang hindi maganda pangyayari sa buhay niya . dito na lubusan tumulo ang mga luha ni Trisha hindi niya akalain na ganito siya kamahal ni Darwin. Hindi lang pag ibig teenager ang nadarama nito para sa kanya kundi isang wagas na pag mamahal. Na handang yakapin anumang mayroon ang kanyang pag katao. Maging maganda man ito o pangit. Sa mga ipinamalas ni Darwin natiyak na ni Trisha na karapat dapat na niyang tugunin ang iniluluhog nitong pag ibig sa kanya.

              Pero di pa rin binitawan ni Trisha ang matamis niyang kasagutan sa lalaki. Gusto niyang mag kaharap muna ang dalawang lalaki na mahalaga sa kanyang buhay. Kaya tinanong niya si Darwin kung handa na siyang makaharap ang kanyang ama. Kasi isasama niya ito sa susunod niyang pag dalaw dito. Walang kagatol gatol ang pag sagot ni Darwin nang oo. Ni hindi na nga niya pinag isipan. Sabi nga nito gustong gusto na rin niyang makaharap ang ama nito upang masabi din niya dito kung gaano kalinis ang kanyang hangarin sa kanyang anak. Kaya naman ang puso ni Trisha ay punong puno ng kagalakan ng mabatid niya ang laman ng puso at isipan ng lalaking kanyang itinatangi.

              Kaya naman sa sumonod na dalaw ni Trisha sa kanyang ama kasama na niya  si Darwin. Ipinakilala niya ito sa kanyang ama. Hindi niya akalain na sa unang pag kikita palang ang nag kahulugan na ng loob ang dalawa. Akala mo matagal na silang mag kakakilala. Mag kasundo sila at hindi mo makikitang nag kakahiyaan . iisa kasi ang hillig ng dalawa kaya hindi nawawalan ng napag uusapan. At iisa din ang babaeng kanilang pinakamamahal at ito walang iba si Trisha. Wala silang hinahangad kundi ang mabigyan ng kaligayahan ang babae kanilang minamahal. Handa silang  ibigay ang lahat para sa ikakli minahal niya ay mag kaksundo sa una palang pag haharap.

              Wala na mahihiling pa si Trisha ang kanyang pinapangarap na makilala ang kanyang  ama ay natupad na at ang lalaking unang nag patibok sa kanyang puso ay kasundo ng kanyang mga magulang anu pa nga ba ang kanyang mahihiling pa. ang matagal na niyang dinadalangin ay dininig na ng Diyos. Kaya hinding hindi siyang mag sasawa sa pag papasalamat sa panginoong Diyos at binigay nito sa kanya ang kanyang kahilingan. Alam niya darating din ang panahon ibibigay din ng Diyos sa kanya na makasama niya ang ama at mabuo silang mag anak. Alam niya isa isang tutuparin ng Diyos ang kanyang mga kahilingan. Ang makalaya ang kanyang ama at makasal ang kanyang mga magulang ito ang ilan sa kanyang mga kahilingan.

              Samantala sa loob ng kulungan pinipilit ni Marc na mag pakabait upang makasama siya sa bibigyan ng parol. Lahat ay kanyang gagawin upang makamit niya ang matagal na niyang pinapangarap na makasama ang kanyang mag iina. Sabi nga ng kanilang warden malaki ang pag asa niyang makasama sa bibigyan ng parol sa taong ito. Labing walong taon na siyang nag titiis sa loob ng kulungan siguro sapat na ito sa nagawa niyang kasalanan. Alam niya kahit self defense ang kayang ginawa ay may kasalanan pa rin siya kasi nakapatay siya at ito ang kanyang pinagsisihan. Kung hindi siya nag padala sa silakbo ng kanyang galit sana di niya pinatay ang mga ito. Sana ipinag tangol niya si Carol pero di niya sana dinungisan ng dugo ang kanyang mga kamay. Tapos na ang mga ito ngayon wala na siya pang magagawa. Kundi ang mag pakabait upang maawa sa kanya ang pangulo ng bansa para siya palayain sa taong ito.

              Lumipas ang mga araw at buwan naging kainip inip ito para kay Marc. Hanggang di pa lumalabas  ang pasya ng pangulo hindi siya mapakali . halos mag hapon ang kanyang pag darasal na sana isa siya sa papalarin na mabigyan ng parol. Muling di siya binigo ng Diyos sa kanyang mga kahilingan . isa siya sa mga nabigyan ng parol. Ngayon muli niyang natikman ang maging Malaya. Dumating ang araw ng kanyang pag laya. Sa araw na ito nag aabang sa kanya ang dalawang babae ng buhay niya na wala siyang pinangarap kundi ang makasama niya sa araw araw. Sa araw ng kanyang pag laya nandoon ang kanyang mag iina iniintay na ang kanyang pag labas sa bilanguan na iyon. Na nagging niyang tirahan sa loob ng labing walong taon.

              Ipinapangako niya hinding hindi na siya babalik pa sa bilangguan. Sisikapin niyang maging isang mabuting mamayan. Alam niya mahihirapan siya sa kanyang pag labas. Alam niya huhusgahan siya ng mga tao. At mahihirapan siyang mag simula muli sa panibagong buhay . pero alam niya nasa kanyang tabi ang kanyang mag iina hindi siya papabayaan nito. Alam niya hindi siya hahayaang mahirapan sa kanyang pag babagong buhay. Alam niya kahit husgahan siya ng lahat ng tao huwag lang ang kanyang mag iina ok na siya doon. Maligaya na siya sa kanyang pag laya basta kasama niya ang kanyang mag iina.

              Ang matagal na nilang pinapangarap na makasal ngayon nakalaya na si Marc. Ang una nilang pinag handaan ang kanilang kasal para mag karoon ng bendisyon ang kanilang pag sasama. Kay tagal nilang inasam na makasal at mag kasama. Ang matagal na nilang pinapangarap ay mag  kakaroon na nagkatuparan. Hindi nasayang ang kanilang pag hihintay. Hindi rin sila nabigo sa mga dinadalangin nila. Na mag kasama bilang mag asawa. At bumoo ng isang masayang pamilya. Ang lahat ng ito ay nag kakaroon na ng kaganapan. Kahit mahabang panahon silang nag intay na makasal pero sa kanilang sarili hindi nag babago ang kanilang nararamdaman noong mag pa hanggang ngayon. Ang init nang kanilang pag mamahalan ay walang nababago. Bagkus lalu pang naging masidhi ang kanilang nararamdamang pag mamahalan.

              Naitakda ang araw ng kasalan simple lang pero para kay Carol at Marc ito na ang pinakamasayang araw sa kanilang buhay. At si Trisha pakiramdam niya walang mapagsiglan nag kagalakan ang kanyang ina at ama. Ngayon lang niya nakitang ganitong kasaya ang kanyang ina. Alam ni Trisha nalubos na ang kaligayahan ang nararamdaman nito. Kay tagal niya itong inasam na makasama bilang asawa . Kay tagal nilang inintay ang pag kakataong ito halos 18 taon na nila ito binalak pero ngayon lang nag karoon ng katuparan. Naudlot dahil sa isang pangyayaring hindi nila inaasahan at hindi nila ginusto.

              Alam ni Trisha na magiging Masaya ang pag sasama ng kanyang mga magulang. Kasi dalisay ang kanilang pag iibigan. Isang birong totoo ang binitawan ni Trisha sa kanyang mga magulang. Sana sa madaling panahon ay mag karoon agad  siya ng baby boy na kapatid o kahit baby girl hindi siya mapili basta mag karoon siya ng kapatid. Isang pilyong ngiti ang itinugon ng kanyang ama. At ang sabi tanong mo sa nanay mo kung ok lang sa kanya na mag buntis. Hayaan mo agad agad igagawa kita ng iyong magiging kapatid at depende din sa itaas kung pag kakalooban pa kami ng isa pang supling . pero kung hindi na sapat kana sa amin ng nanay mo. Masaya na kami na mayroon isang mabait at magandang anak. Isang matamis na ngiti ang isinagot ni Trisha.

              Hindi maipaliwanag ni Trisha kung gaano siya kaligaya sa mga sandaling ito. Hindi niya akalain na mabubuo pa ang kanyang pamilya ng ganito. Noon hangad lang niyang makilala ang kanyang ama.  Pero ngayon di lang ito ang binigay sa kanya kundi isang buo at masayang pamilya ang ipinagkaloob sa kanya. Isang mapag mahal na asawa at ama si Marc. Ganito pala ang feeling ng may ama na kasama sa bahay. Ngayon kasal na ang kanyang ama’t ina hindi na siya tatawaging isang putok sa buho. Anu pa ba ang kulang sa buhay niya masayang Masaya siya at mayroon din siya isang kasintahan na nag mamahal sa kanya ng tapat. Napakabait din sa kanya ni Darwin. Isang ideal na boyfriend ito. Kaya naman kuntento na si Trisha sa kanyang buhay sa kasalukuyan.

              Dahil tahimik ang buhay niya ngayon alang malaking problemang iniisip kundi ang kanyang pag aaral.lalu niyang pinag buti ang pag aaral. Ganado siyang mag aral kasi ba naman ang kanyang pamilya ang kanyang inspirasyon. Lubos na ang kaligayahan ni Trisha. Wala na kaya darating pang pag subok sa pag sasama ng kanyang maga magulang. Mananatili kaya ang katiwasayan ng kanilang pamilya? Saan hahantong at hanggang kailan ang nadaramang kaligayahan niya. ABANGAN ! copyright by rhea hernandez June 13, 2012

No comments:

Post a Comment