Monday, November 5, 2012

LOVE STORY "BRYAN" chapter 2


LOVE STORY “BRYAN” chapter 2

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

 

              Sa pag dalaw ni Jenny sa kanyang kasintahan at sa kanyang ina. Nakita niya na nag kakasundo ito. Manapa para na nga silang matagal ng mag kakilala. Nag bibiruan ang nagtatawanan. Na siya naman niyang gustong maganap. Binati ni Jenny ang kanyang ina ng isang halik at ganoon din ang kanyang kasintahan na si Bryan. Kinamusta  ito kung nakakabuti sa kanya ang pag stay niya doon.  Dapat pa nga ba niya itanong ito? Kitang kita naman niya kanina pa na nag eenjoy siya sa company ng kanyang ina.

              Buti napasya ka ngayon Jenny para dito ka na kumain mag luluto ako. Sige mommy dito ako mag stay  for dinner. Pero after ng dinner aalis ako para sa pag iimpake ko. Pag iinpake sa pag uulit ni Erica sa sinabi ng kanyang anak. Yap mommy kaya ako napasyal ngayon ay para mag paalam sa inyo na lilipad ako papuntang London sa makalawa. At ganoon din kay Bryan may sasabihin ako mahalagang bagay. Mayroon magandang offer sa akin doon na hindi ko matangihan. Sa ganda ng aportunidad para sa akin. Kaya hindi ako nag dalawang isip mommy na tanggaipin ito. 2 yrs lang naman kaya tinanggap ko na. at saka mommy puede ka rin sumunod sa akin doon kung gugustuhin mo para mag kasama tayo.

              Hindi na kumibo si Erica. Alam niya na buo na ang pasya ng kanyang anak at hindi na niya ito kayang pigilan pa sa kagustuhan. Buhat noong bumukod ito siya na ang nag dedesisyon sa sarili. Ipinapaalam lang sa kanya  para mag paalam at hindi para kunin ang kanyang opinion. Nasa tamang edad na siya para mag desisyon sa kanyang sarili.  Ito naman ang kanyang gusto kaya siya bumukod ayaw niyang pakialaman ang personal niyang buhay. Kung saan niya gusto at ano ang gustong gawin dito. Basta hindi niya ikakapahamak hinahayaan ni Erica si Jenny. Malaki ang kanyang tiwala sa anak. At alam ito ni Jenny. Kaya naman ni minsan hindi niya binigyan ng kahit isang sakit ng ulo ang kanyang ina. Pinapakita niya sa kanyang ina na tama ang kanyang desisyon na bigyan siya ng kalayaan sa buhay.

              Kumatok si Jenny sa room ni Bryan. Alam na ni Bryan bakit ito kumakatok sa kanyang pintuan. Narinig na niya ang pag uusap ng mag ina. Alam niya mag papaalam na ang kanyang kasintahan para mag work sa ibang bansa. Pero mas nakabigla sa kanya ang tinuran nito. Hinihingi na ni Jenny ang kanyang kalayaan. Nakikipag kalas na ito sa kanya. Gusto ni Jenny na tapusin na nila ang kanilang relasyon ngayon.  Anu nga ba ang bago wala naman. Sanay na siyang iniiwan o iniiwan niya ang mga babae. Sabi ko lang kay mommy na two years lang ako doon. Kung tuloy tuloy ang suerte baka for good na ako doon. Hindi alam kung gaano ako katagal sa London. Kaya wala ng rason para ipag patuloy pa natin ang ating relasyon. Hindi makatarungan na pag intayin kita ng mahabang panahon. Sa walang katiyakan kung kalian ako babalik. Im very sorry kung sa ganito matatapos ang ating magandang inumpisahan.

              Ok lang Jenny sana makita mo ang magandang aportunidad sa pupuntahan mo. Hangad ko ang iyong tagumpay. Sa pinili mong buhay na tatahakin.  Hindi ka nagagalit sa akin? Ang tanong ni Jenny . Mayroon bang magagawa pag nagalit ako sa iyo. Ang tugon ni Bryan. Ibinibigay ko sa iyo ang aking pang unawa. Hindi ako ang magiging dahilan para hindi mo maabot ang iyong ambisyon. Ibibigay ko sa iyo ng buong buo ang aking suporta. Kung kinakailangan. Ganyan kita kamahal alam mo naman yan. Kahit ano mangyari doon ako lulugar kung saan ka masaya. Hindi kita pipigilan sa iyong desisyon.

              Sa mga tinuran ni Bryan isang mahigpit na yakap ang isinukli ni Jenny. Talagang napaka maunawain mo. Noon hanggang sa ngayon lagi mo akong inuunawa. Napaka suerte ko sa iyo mayroon na akong kasintahan na mapag mahal at parang isang amang mapang unawa. Kaya naman hindi kita kayang paasahin sa isang relasyon alam kong hindi na mag kakaroon ng katuparan. Sa loob loob ni Bryan ok lang ang lahat total  hindi naman niyang kayang  paligayahin si Jenny. Pinag babawal na ng kanyang doctor ang sobrang tuwa o lungkot at lahat ng sobra bawal sa kanya. Baka ito ang maging daan ng kanyang maagang pag katigok.

              Tinapos nila ang kanilang relasyon ng walang samaan ng loob. Pero mananatili silang mag kaibigan. At muli silang nag yakap tanda ng pamamaalam ng kanilang relasyon bilang isang lovers. At pag welcome bilang isang mag kaibigan na lang. noong lumabas sila ng kuarto parang walang nangyari sa kanilang dalawa.  Sa loob loob ni Bryan anu ba ang aasahan niya wala namang pag kakaiba sa mga nag daan niyang relasyon . alin ba sa mga naging relasyon niya ang nag tagal. Buhat noon hanggang ngayon wala pa ring nababago. Para lang siyang nag papalit ng sasakyan kung mag palit ng babae sa buhay niya.mayroon pa ba siyang matatagpuang babae  na sisilo sa mailap niyang puso.

              Mayroon pa bang babae na mag mamahal sa kanya ng tapat. Lalu na ngayon bawal na sa kanya ang lahat ng sobra. Noong kabataan niya na wala siyang deperensya walang babaeng nagtagal sa kanya. Na noon na kayang kaya niya paligayahin ang mga ito. Samantala ngayon wala na siyang kakayahan. Natatakot siya na pag ginawa niya , ito pa ang maging daan ng kanyang maagang pag panaw. Mayroon pa ba siyang makitang babae na puedeng makasama niya ng pang habang buhay. Hindi kaya isipin lang ito nag hahanap siya ng libreng mag aalaga sa kanya.may babae pa ba ngayong handang makasama siya kahit hindi na niya maibibigay ng lubusan ang langit. Alam niya hindi na siya bumabata . kailangan na niyang mag madali para makita ang babaeng para sa kanya.

              Nag paalam na si Jenny sa kanyang ina pag katapos ng kanilang dinner. Bago siya tuluyang umalis ipinagtapat nito na tinapos na niya ang kanilang relasyon ni Bryan. Kaya kung gughustuhin niya hindi na niya kailangan na mag tiis na nandoon sa bahay bakasyunan si Bryan. Ok lang sa akin Jenny na mag stay si Bryan sa inuupahan niyang room hanggang sa palagay niya ok na ang pakiramdam. Kung sa palagay niya galing na siya at gusto na niyang lisanin ang lugar na ito nasa kanya na iyon. Hindi ko siya papaalisin nasa kanya na kung kailan niya gustong lisanin ang lugar na ito.

              Isang pilyong ngiti ang pinakawalan ni Jenny sa kanyang ina. Mom wala na kami ni Bryan puede na kayo. Mas bagay kayong dalawa kaysa akin... sa tingin ko hindi ka mahihirapan na mahalin si Bryan. Mabait sya at mapag mahal. Ewan ko lang mommy kung papasa siya sa iyong pang lasa. Kilala kita para kang kapatid ni Maria Clara. Tapos si Bryan isang makabago. Sana mag kasundo kayo habang nandito siya. Para naman hindi masyadong maging mabigat sa iyo na may kasama ka dito sa bahay. At sana hindi malaking kaabalahan sa iyo ang pag stay niya dito. Bhuwag kang mag alala hindi siya kaabalahan sa akin. Nakakapag sulat pa rin ako kahit nandito siya. Hindi naman siya maingay para nga wala akong kasama dito. Kayo ang bahala mommy.

              Habang nag bro browse si Bryan sa kanyang nakahiligan social network ang facabook . sa kanyang pag search nakita niya ang pangalan ni Erica. Hindi niya akaalin na nag facebook din pala ito. Kaya naman hindi siya nag dalawang isip na I add ito bilang friend. Sa pag send niya ng request hindi nag tagal accept siya ni Erica. Hindi siya makapaniwala sa ganitong oras naka on line pa siya sa facebook. Doon nag umpisa ang pag chat nila halos gabi gabi. Nag tatawanan sila kasi dingding lang ang pagitan nila pero eto sila nag uusap sa chat room.

              Wala silang ginawa halos araw araw bago matulog ang mag chat. Ginagawa nilang pampatulog ang mag kulitan sa chat room. Minsan sabi ni Erica anu ak ba Bryan nandiyan ka lang sa kabilang dingding akala mo kay layo ko sa iyo. Heto tayo dito tayo nag uusap sa chat room. Hindi ka ba nagugutom parang bitin ang dinner ko kanina ang sabi ni Bryan.  Parang gusto kong mag luto na pan cake gusto mo? Pag luto na kakatukin kita dyan sa room mo at dadalhan kita ng pan cake na lulutuin ko. Ok pero huwag mo ng dalhin sa room ko lalabas na din ako at tutulungan kitang mag luto ng pan cake.

              Halos panabay silang lumabas ng kanilang room. At doon na sila nag kita sa kusina. Para mag luto ng pan cake sa hating gabi. Hindi ba masyadong weird. Pero kahit ganoon naging isang masayang gabi para sa kanila. Habang nag luluto sila panay kuwentuhan at tawanan nilang dalawa. Sa puso niya walang kasing saya ang kanyang nararamdaman habang mag katulong sila ni Erica sa pag luluto. Isa ito sa pinaka Masaya niyang mga sandali sa buhay niya. Simpleng bagay na hindi niya akalain na mag duudulot sa kanya ng lubos na kaligayahan. Anu na nga ba itong kanyang nararamdaman para kay Erica. Wala siyang maikumpara sa mga nagdaan niyang karanasan.

              Sa munting pag didikit lang ng kanilang balat para bang may kung ano na hindi niya maipaliwanag ng kanyang isipan. Pawang ang puso niya ang nakakabatid kung ano ang kanyang nararamdaman. Bakit siya nag kakaganito tuwing nasasagi niya si Erica.  Para bang may kuryenteng dumadaloy sa buo niyang pag katao. Umabot siya sa ganitong edad hindi niya ito naramdaman kahit kaninong babae. Kay dami na niyang karanasan sa mga babaeng. Hindi na nga niya mabilang kung ilan babae ang nag daan sa buhay niya. Bakit ganito siya ngayon kay Erica parang bagito pa siya sa babae. Parang isang teenager na nag karoon ng crush sa isang magandang dalaga. Ibig niyang humalakhak sa kanyang nararamdaman. Nalilito ang puso niya kung bakit ganito. Dala kaya ng pag kakasakit niya sa puso. Nabago ang pag tibok nito?

              Kahit munting galaw  ni Erica na amazed siya dito. Kahit ang pag hahawi lang niya ng kanyang buhok ay nahahalina siyang pag masdan. Ewan niya bakit naaakit siya. At talaga namang ka bigha bighani sa kanyang paningin. Nakaka aliw siyang pag masdan sa kanyang ginagawa. Sa isang iglap para siyang na babatu balani sa kagandahan taglay ni Erica. Na hindi niya maipaliwanag kung bakit siya nag kakaganito. Ito ba ang tinatawag na tunay na pag ibig. Marunong na bang mag mahal ng wagas ang puso niya? Hindi nab a ito salawahan at mapag laro? Siya man sa kanyang sarili ay naguguluhan. Pinakawalan naba ni kupido ang kanyang pana? At sapol na sapol ang kanyang puso?

              Lumipas ang mga araw at inabot na ng buwan. Sa mga nag daang panahon lalu silang nag kalapit ni Erica kung papaano hindi niya alam. Basta  kusang dumadaloy sa kanyang pag katao ang nararamdaman niya para kay Erica. Naging regular nila ang mag lakad sa aplaya tuwing umaga. Ngayon malaki na ang pag kakaiba. Mas close na sila at mag kahawak kamay na sila habang nag lalakad sa baybay dagat. Pag labas ng bahay hanggang sa pag uwi hindi binibitawan ni Bryan ang kamay ni Erica. Akala mo lagging itong mawawala sa kanya kung bibitawan niya ang kamay.

              Tuwing tatangkain niya na halikan ito parang lumilitaw sa kanyang harapan ang napakataas na hagdanan. Na kailangan muna niyang matagpos akyatin ang 100 step na iyon na hindi nahahapo ang kanyang puso. Pag nagawa na niya ito safe na siyang makipag loving loving  kay Erica o kanino mang babae. Kaya naman hindi lang doble ang kanyang pag iingat. Ayaw pa niyang pumanaw sa mundong ibabaw. Pero ang alindog ni Erica ay nag papabaliw sa kanya. Hanggang kailan kaya niya kayang pigilin ang kanyang nararamdaman. Kaya kaya niyang mag tiis ng mahabang panahon?

              Ang kanyang nararamdaman kay Erica hindi na niya kaya pang pigilan. Kaya sinubukan niyang itong halikan sa kanyang mga labi. Pinapakiramdaman niya ang kanyang puso kung ano ang magiging reaction. Pero wala kaya naman itinuloy niya at sa talang buhay niya ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong katamis na halik. Hindi niya alam na mayroon palang ganitong halik. Hindi mo makakalimutan ang sensation na dulot sa buo mong pag katao. Halik ng tunay na pag ibig kay tamis kay sarap damhin. Maikikital mo sa bawat himaymay ng buo mong katawan. Kay tagal niyang nag laro sa ngalan ng pag ibig kakaiba ang kanyang nararamdaman sa piling ni Erica. Para siyang opium na nag papabaliw sa iyong kamalayan.

              Pinag saluhan nila ni Erica ang buong mag damag. Na punong puno ng pag mamahalan. Ngayon napatunayan niya hindi na niya kailangan akyatin ang 100 step na hagdanan para muling malasap ang sukdulang kaligayahan. Si Erica lang pala ang gamut upang gumaling ang kanyang puso. Dahil sa  nararamdamn niyang pag mamahal ditto gumaling ang sakit niya sa puso. Para bang isang himala ang naganap sa kanyang buhay. Pati ang kanyang doctor nag taka sa mabilis niyang pag ka rekober sa nakaraan niyang heart attack. Hindi maipaliwanag ng kanyang doctor kung anong himala at parang hindi nakaranas ng heart attack ang puso niya.

              Salamat kay Erica siya ang mayroon magic hand na nag pagaling sa puso niya. Ang pag aalaga nito at ang pag mamahal na dulot ni Erica. Dahil galing na si Bryan kailangan na niyang bumalik sa kanyang bahay. At harapin ang kanyang negosyo. Na pinag katiwala lang niya sa kanyang kanang kamay. Balik nanaman si Bryan sa mundo kanyang kinabibilangan. Samantala si Erica naiwan sa bahay bakasyunan para sa kanyang isinusulat. Hindi niya malaman bakit biglang kay hirap para sa kanya ang mag sulat ngayon. Di ba dapat in love siya ngayon dapat inspirado siyang mag sulat. Pero bakit ganito kahit kay tagal na niya sa harap ng kanyang computer wala pa siyang na isusulat. Makakagalitan na siya ng kanilang producer. Malapit na umpisahan ang kanyang isusulat. Ano ang uumpisahan nila ni wal pa nga siyang naisusulat.

              Dahil walang pumapasok sa isip niya kailangan niyang lumabas. Baka sakali sa pag balik niya makapag sulat na siya ng isang magandang kuwento angkop sa story hinihingi ng kanilang producer. Tinawagan ni Erica si Bryan para lumabas. Pero sabi nito busy siya at hindi niya puedeng iwanan . kaya ang ginawa ni Erica ang kanyang bestfriend na si Josie ang kanyang tinawagan para mag dinner at mag pahangin  baka sakaling luminaw utak niya sapag susulat. Hindi siya nag dalawang salita sa kaibigan niyang si Josie. Matagal na kasi silang hindi lumalabas buhat noong nag kaunawaan sila ni Bryan. Kasi ba naman dito na lang umikot ang buhay niya . Ibinigay niya ang buo niyang panahon sa lalaki. Kaya naman napaaga ang kanyang pag galin diba?

              Sa pag pasok nila ng restaurant hindi nakaligtas si Bryan sa mga mata ni Erica. Hindi siya nag kakamali. Hindi siya dinadaya ng kanyang mga mata. Sigurado siyang si Bryan iyon. May kasamang babae nag kakatuwan at hindi siya nag kakamali hindi isang business meeting ang namamagitan sa dalawa. Isa itong date ng mag sing irog. Di yata maliban sa kanya nakikipag date pa rin sa iba si Bryan. Hindi siya nag aksaya ng oras lumapit siya sa table ng dalawa at binati niya ng magandang gabi ang dalawa. Laking gulat ni Bryan bakit nandoon si Erica. Hindi naman ito mahilig mag lalabas tulad ngayon.

              Pag kabati ni Erica ng good evening sinabayan niya ng talikod. Halos lakad takbo ang ginawa niya sa pag labas ng restaurant na yon. Sa pag talikod ni Erica nabigla si Bryan. Hinabol niya ito at inabutan sa labas na ng restaurant. Sandali Erica mag papaliwanag ako. Isang kaibigan lang siya. Mas importante pa nga siya sa akin diba? Sabi mo kanina hindi mo maiwanan ang kliyente mo at mayroon kang ka deal. Iyan pala ang hindi mo maiwanan?  Puede ba huwag ka ng sumunod pa sa akin baka hindi na ako makapag pigil sa iyo. Ngayon palang tinatapos ko na kung ano mayroon tayo.

              Sa narinig ni Bryan parang sasabog ang puso niya. Pakiramdam niya mag kakaroon uli siya ng panibagong heart attact. Ano itong nagawa niya kay Erica. At sa kanyang sarili. Hindi na niya nakuhang balikan ang babae kanyang ka date. Hindi niya malaman kung ano ang kanyang gagawin. Hindi niya kaya kung mawawala sa kanya ang nag iisang babaeng nag bigay sa kanya ng isang tunay na pag ibig.hindi siya mabubuhay ng wala ito sa kanya. Hindi naman siya seryoso sa kanyang ka date. Isang karaniwang babae lang ito sa buhay niya.

              Anu na ang kahihinatnan ang paiibigan nila Bryan at Erica? Mapatawad pa kaya ni Erica si Bryan sa kanyang pag talusira sa kanilang relasyon ni Erica? ABANGAN!! October 31, 2012 copyright by Rhea Hernandez

No comments:

Post a Comment