Tuesday, November 6, 2012

SUGATANG PUSO


SUGATANG PUSO

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

naranasan mo na bang mag mahal?

Di ba masakit ang umibig ng banal

Ang damdamin nasasaktan ng lubusan

Dahil sa pag ibig kita kahinaan

 

Pinapasok mo siya sa iyong puso

Nagawa durugin ang mahina  puso

Kahit lagyan ng pader sa pagitan nyo

Nakukuha parin niyang saktan ito

 

Ginawa mong maging bato yaring puso

Para walang sinoman makasakit syo

Biglang dumating ginulo nya buhay mo

Saka winasak lang niyang tuluyan ito

 

Muling nag tiwala yaring abang puso

Hindi inasahan muling durugin ito

Tahimik sana buhay muling nagulo

Muling ninakaw ngiti sa mga labi mo

 

Naging para kang pirapirasong papel

 Sa pag gising sa piling ng iyong mahal

Ang puso mo puno na ng kalungkutan

Hindi  akalain muli  masasaktan

 

Nabihag ka ng mapag larong pag suyo

Nagising  sa kanya uminog ang mundo

Namalayan  ang kapiling  kalungkutan

Buhay binalot na pala ng karimlan

 

Nasan ang liwanag na kinasabikan

Ang pag ibig na pinangarap lumisan

Luha ang kaulayaw sa kadiliman

Nagigising basa lagi ang yon unan

 

Sana’y nanatiling isang kaibigan

Para hindi na ganitong  nasasaktan

Ngayon ang buhay walang patutunguhan

Ito  dulot  sa buhay mo kaguluhan

 

Eto  ngayon parang basag na salamin

Hindi mailarawan ang damdamin

Ang sarili saang nga ba pupulitin

Ang pusong sugatan matapos durugin

 

Paano  ilarawan sakit nadama

Tumatangis pati iyong kaluluwa

Ang maling pag suyo ito ang ginawa

Dinurog at  winasak ang puso aba

 

Hindi lang ginulo ang iyong isipan

Sa panaginip hindi mo aasahan

At ganito pala ang mararamdaman

Ang sakit hindi mo sya mailarawan

November 6,2012

No comments:

Post a Comment