LOVE STORY “BRYAN” chapter 1
Ni Rhea Hernandez
Pinoy Poems
Ipinanganak akong isang magandang lalaki sabi ng nakakarami. Kaya naman
naging daan ito para kahumalingan ako ng maraming kababaihan. Sinamantala ko
naman ang biyayang ibinigay sa akin. Para lang
nag papalit ng sapatos sa dalas kong mag palit ng kasintahan. Hindi ko alam ang
salitang tunay na pag ibig. Sa dami kong nakarelasyong babae hindi ko
naramdaman ang tunay na pag ibig na sinasabi ng iba. Hindi ko pa naranasang ma
basted. Halos nga hindi ako ang lumiligaw sa mga naging karelasyon ko. Mga
babae ang lumalapit na ni minsan hindi ako humindi sa kanila. Paano ko nga ba
tatangihan ang mga nag gagandahang babae na nag papakita ng interest na
makasama ako kahit panandalian lang.
Sabi nga
nasa akin na daw ang lahat na hahanapin ng isang babae. Guapo simpatico at
higit sa lahat makapal ang bulsa. Sa hindi naman sa pag mamayabang isa akong
matagumpay na negosyante. Marami nag sasabi masuerte ang babae aking
mapapangasawa. Hindi makakaranas ng pag hihirap sa buhay. Pero sa lahat ng
aking naging karelasyon wala ni isa na inisip kong pakasalan. Para sa akin
palipasan lang sila ng oras. Kasama sa pag lilimayon at gimikan. Ni minsan
hindi sumagi sa isip ko ang pag lagay sa tahimik. Na alam na alam ko naman na
hindi tahimik talaga kundi isang magulong buhay.
Sa totoo
lang takot ako sa buhay may asawa. Hindi maganda ang aking kinalakihang pamilya.
Nakita ko sa aking mga magulang ang magulo at masalimoot na pag sasama. Kaya
naman na itatak ko sa aking isipan hinding hindi ako paparis sa kanila. Hindi
mag aasawa para lang lalung maging magulo ang buhay ko. Kuntento na ako sa
buhay ko na maraming pera at nabibili ang lahat ng magustuhan. Hindi naman
problema ang babae. Kahit anong oras kong gustuhin mayroon lagi available. Kung
gusto kong palabasin ang init ng aking katawan isang tawag lang sa mga babae
alam kong patay na patay sa aking ka guapuhan. Anytime willing silang sumama sa
akin kahit saan. Siguro marami mga
kababaihan ang mag tataas ng kilay pero ito ang totoo. Hindi ako nahihirapan
kumbinsihin sila na sumama sa akin.
Nalibang
ako sa ganitong takbo ng buhay ko. Hindi ko namalayan lumipas na pala ang kainitan ng buhay ko.
Hindi ko namalayan na hindi na pala ako bata para sa ganitong klase ng buhay.
Mahirap pala nag kaka idad ka na nag iisa sa buhay. Pero hindi pa rin
natatagpuan ang babaeng mag papabago ng aking paniniwala. Hindi ko napansin na
dalawa napala ang kulay ng aking mga buhok. Pero nanatili pa rin akong isang
binata na mapag laro sa ngalan ng pag
ibig. Sabi nga nag kaka edad na ako pero ang mga babaeng aking nakaka date ay
hindi nag babago. Ganoon pa rin ang kanilang edad. Sabi nga”Ang matandang
kabayo ang gusto sariwang damo”
Sa isang
party mayroon akong na meet na isang magandang dalaga. Sexy at sopistikada.
Hindi ko nga akalain na mag kasundo kami sa maraming bagay. Tulad ko hindi rin
sya naniniwala sa isang seryosong relasyon. Basta ang mahalaga nag
kakaintindihan kami at mag kasundo sa maraming bagay. Pero kung kami mag kasama
madalas mapag kamalang kami ay mag ama. Siguro naman nahuhulaan na ninyo na
malaki ang kabataan niya sa akin. Pero mag kasundo kami sa maraming bagay. Pero
may isang bagay ang hindi ko kayang sabayan ang kanyang energy. Ngayon ko
nararamdaman hindi napala ako bata para
sa ganitong aktibidades.
Ito si
Jenny palagay ko natagpuan ko na rin ang babae puede kong makasama habang
buhay.kahit bata pa siya mag kasundo kami sa maraming bagay.pero ganoon pa rin
hindi ako yong mag papatali sa isang babae kahit kasundo pa niya ito sa lahat
ng bagay. Wala sa hinagap niya na alukin ng kasal si Jenny. Sabagay parang wala
din plano si
Jenny na maging isang dakilang may bahay lang. mukhang si Jenny lang ang nag
tagal na babae sa kanya. Kakaiba siya sa mga babaeng nag daan na sa kanyang
buhay. Paano ito lang ang hindi nag nanais na pakasalan niya. Walang balak na
siluin siya. Ok lang sa kanya ang pa date date lang sila. Kahit saan game siya.
Wala siyang hiniling na hindi binigay basta kaya din lang niya. No limitation
ika nga.
Hindi
niya akalain na mahina napala ang kanyang puso. Kaya habang nag lalambingan
sila ni Jenny nakaramdam siya ng paninikip ng kanyang dibdib. Nabahala si Jenny
dinala agad siya sa emergency room. Doon niya
natuklasan na mahina ang kanyang puso. Bawal na ang lahat ng sobra. Pang
samantala ipinag bawal sa kanya ng kanyang doctor na makipag talik. At baka ito
ang maging daan ng maaga niyang pag panaw. Kay dami ang ipag babawal ito pa ang
bawal sa kanya. Bawal ang masyadong emosyon. Kung kaya mo ng akyatin ang 100
step na hagdanan na hindi naninikip ang iyong dibdib iyon ang magiging
palatandaan na puede na ikaw mag pakaligaya sa piling ng kahit sinong babae.
Dahil sa
kanyang kondisyon inirekomenda ng kanyang doctor na mag bakasyon muna siya sa
tabing dagat para makasagap ng sariwang hanggin. Naalala ni Jenny ang kanyang
mama mayroong paupahang kuwarto sa kanilang bahay bakasyunan. Na pang samantala
na doon nakatira ang mama niya. Mainam daw ang ganoon at kahit papaano mayroon
siyang makakasama sa bahay. Pero huwag daw mag alala nakabukod naman daw ito.
Sa kagustuhan ni Bryan
na gumaling agad kaya sumang ayon siya sa suggestion ni Jenny.Dito niya na meet
ang mama ni Jenny ito ay si Erica.
Si Erica
kung iyong pag mamasdan parang nakakatandang kapatid lang ni Jenny. Siguro mas
bata lang sa kanya ng ilang taon ito.
Single mom ito at hindi nag kakahuli ang kanilang kagandahan ni
Jenny. Kung siya ang titingin mas
maganda pa si Erica kaysa kay Jenny. Isang writer pala si Erica kaya nandoon
siya sa kanilang bakasyunan . gustong mag isip ng bagong kuwentong kanyang
isusulat. Pinag iisipan niya kung ano ang magandang susunod niyang play sa
theater. Sa isip isip niya hindi kaya may topak ito sa utak. Di ba karaniwan sa
mga ganitong writer may pag ka weird. Kahit mag isa si Bryan napapangiti siya sa kanyang ini isip
tungkol kay Erica.
Bakit ganoon mas pinag uubusan niya
ng oras isipin si Erica kaysa sa kanyang batang bata girlfriend na si Jenny.
Unang gabi niya sa bahay bakasyunan nila Jenny hindi siya pinatulog ng mga
alalahanin tungkol sa mommy ni Jenny . Bakit ginugulo ni Erica ang kanyang pag
iisip. Ano mayroon ito at hindi mapaknit ang kanyang larawan sa kanyang isipan.
Pilit na sumisiksik ito sa kanyang utak. Pabiling biling siya sa kanyang kama . Kaya naman kahit hating gabi na lumabas siya sa
kanyang room at nag punta sa kusina. Kukuha sana siya ng kahit anong maiinom o makakain.
Hindi
niya sinasadya na sa kanyang pag labas sa kusina nandoon din si Erica sa biglang pag lingon
nakita siya kaya nagulat ito at nabitawan ang hawak na baso. Nakalimutan yata
na hindi na siya nag iisa sa bahay na yon. Nawala sa kanya isipan na nandoon siya
at anytime puede siyang sumulpot na lang kahit saan parte ng kabahayan. Dahil
siguro nawala sa kanyang isipan na nandoon siya kaya hindi na siya nag abala
pang mag suot ng robe sa pag labas ng kanyang room para tumungo sa kusina. Kaya
siguro nabitawan niya ang hawak na baso naisip niya na naaaninag ang kanyang alindog sa kanyang kasuotan. Masyadong sexy sa
pananaw ng isang lalaki ang kanyang kasuotan ng mga sandaling iyon. Dalawang
kamay ang tutop niya sa kanyang dibdib, bakat na bakat ang kanyang malulusog na
dibdib na nakakubli lang sa isang manipis na damit na kanyang suot.
Hindi na
nag abala pa si Erica na pulutin ang nabasag na baso at nag tatakbo na ito sa
kanyang room. Napahiya yata sa kanyang suot na damit. Lihim siyang napangiti sa
kanyang sarili parang dalaga pa rin si Erica tayong tayo pa rin ang kanyang
dibdib. Parang hindi siya nag kaanak .kaakit akit ang alindog ni Erica. Hindi
mapuknat sa kanyang isipan ang kanyang nakita. Kay sarap sigurong damhin ang
mga ito. Ipinilig ni Bryan
ang kanyang ulo. Bakit hindi maalis sa
kanyang isipan ang kanyang mga natunghayan. Samantala sa kabilang room hindi
mapakali si Erica. Bakit kasi nawala sa kanyang isipan na hindi napala siya nag
iisa sa bahay na ito. Sanay hindi siya lumabas ng kuarto na nakakaakit pag
masdan ang kanyang kaanyuan.
Pabiling
biling si Erica sa kanyang kama . Bakit hindi
siya nag iingat sa kanyang mga kilos. Nakakahiya ngayon lang mayroon lalaking
nakakita sa kanyang ayos na ganoon. Masyadong kaakit akit ang suot niya. Halos
kita na yata ang buo niyang kaluluwa. Bakit kasi nakasanayan na niyang matulog
ng ganoong damit. Hindi siya makatulog na makapal ang kanyang kasuutan. Dati
rati naman kahit ano ang kanyang suot puedwe siyang lumabas ng kanyang room.
Pero ngayon dahil nasa kabilang room ang boyfriend ng kanyang anak hindi na
niya magagawa pa ang mga iyon. Mawawala na ang kanyang privacy. Pero hindi niya
matangihan ang kanyang anak. At saka sayang ang kikitain ng isang room.
Mag
iingat na lang siya sa susunod. Pero paano pa siya makakaharap kay Bryan sa
nangyari aksidente sa kanila. Bahala na deadma na lang ako pag nakaharap ko
siya ang bulong ni Erica sa kanyang sarili. Samantala si Bryan ngingiti ngiti sa kanyang sarili. Hindi
niya malaman bakit para siyang teenager na nakakita ng isang kaaya ayang
tanawin. Bakit kay lakas ng pang akit ni Erica sa kanya? Bakit iba ang kanyang
naramdaman noong makita niya si Erica ng ganoon ang kanyang kasuotan?
Pakiramdam niya nag init ang buo niyang katawan kanina. Kay dami ng mga babae
nag daan sa kanyang mga kamay hindi niya naramdaman ang ganito. Bakit kay lakas
ng kanyang pang akit sa aking paningin? Ano mayroon siya at ganoon na lang ang
pa nanais niya na sana muli niya itong masilayan.
Inakupa
ni Erica ang kanyang pag iisip sa buong mag damag. Kaya naman tanghali na tulog
pa siya. Madaling araw na yata siya nakatulog sa kaiisip tungkol kay Erica.
Noong magising siya wala tao sa buong kabahayan. Saan kaya nag punta si Erica?
Anu nga ba ang pakialam niya kung umalis man ito. Anu ba
papel niya sa buhay nito at kailangan mag paalam pa sa kanya kung saan pupunta.
Bakit nga ba na isip niya na sana
nag paalam sa kanya ang ina ng kanyang kasintahan. Ipinilig ni Bryan ang kanyang ulo para
alisin kung anu man ang nasa isipan niya.
Inilibot
niya ang kanyang mga paningin sa kabuuan ng kusina. Nakita niya sa table na nag
handa ng almusal si Erica para sa kanya. At nag iwang ng maikling note na ang
nasa table ay kanyang breakfast. At inilagay din niya nasa aplaya lang siya mag
lalakad lakad para sumagap ng sariwang hangin. Ito kasi ang nakasanayan ni
Erica na salubingin ang sunrise tuwing umaga. Sa may aplaya doon niya iniintay
ang pag sikat ng araw. Pag nag sawa na siya sa pag masdan ang papataas ng araw
nag uumpisa na siyang mag lakad lakad at mamulot ng kakaibang batong puti. Hindi niya maipaliwanag bakit puting bato
lang ang gusto niyang kolektahin. Araw araw may isang bato siyang uwi hawak
hawak niya habang nag lalakad. Kaya mabibilang mo kung ilang araw na siyang nag
lalakad sa aplaya pag binilang mo ang kanyang koleksyong bato.
Papauwi
na siya nang matanawan niya si Bryan
na papunta sa kanyang dereksyon. Huli na para umiwas siya dito. Palagay niya
kanina pa siya nakita ni Bryan. At mukha siya talaga ang sinadya dito sa
aplaya. Nag kunwari siyang hindi niya alam na siya ang sadya ni Bryan. Sabi
lang niya maganda ang panahon at ayos na ayos ang hangin dagat sa kanyang
kalagayan. At sabi niya sige papauwi na ako at enjoy mo lang ang pag lalakad sa
baybay dagat. Hindi ko kabisado dito puede mo ba akong samahan sa pag lalakad
baka ako maligaw ? ang samo ni Bryan kay
Erica. Sino naman siya para tang gihan ang
munting pakiusap nito.
Muli
siyang bumalik at sinabayan si Bryan sa kanyang pag lalakad sa aplaya.
Nakakabingi ang kanilang katahimikan. Walang mag umpisa ng usapan sa kanilang
dalawa. Basta sabay lang silang nag lalakad sa dalangpasigan. Sinasamyo ang
malamig na simoy ng hanging. Nasa isip ni Erica hindi na sila mga bata para
maging ganito. At ganoon din ang iniisip
ni Bryan. Kaya naman gusto na nilang tapusin ang kanilang katahimikan. At nag
kataon sabay pa silang nag salita. Kaya sabay silang napahalakhak sa pang
yayari. Kaya iyon ang umpisa ng kanilang pag kakalapit sa isa’t isa.
Maganda
ang kanilang chemistry dalawa. Iisa ang kanilang hilig at mag ka ayon ang
kanilang mga gusto sa buhay. Hindi kaya nasanay lang siya sa mga batang babae
na laging sumasakit ang kanyang ulo sa mga ito. Laging siyang nag aadjust
sa pag uugali ng mga kabataan. Dahil sya
ang may edad at pang unawa kaya siguro sinasamantala ng mga babaeng nag daan sa
kanyang buhay. Samantala si Erica nakakasabay niya sa lahat.hindi na niya
kailangan mag adjust para lang maabot niya.
Bakit
hindi na kayo mag kasama sa bahay ni Jenny? Ang tanong ni Bryan kay Erica? Bata
pa lang si Jenny nakitaan ko na siya sa pag ka independent niya. Kaya noong
sumapit siya sa tamang edad at mag paalam na bubukod na siya at gusto niyang
mamuhay na mag isa hindi ko na pinigilan . Alam ko naman kahit anong pigil ko
gagawin pa rin niya kung ano ang gusto niya. Saka alam ko kaya na niyang mag
isa. Mayroon na siyang magandang ikinabubuhay. Hindi na niya kailangan ang
aking suporta. At saka kahit nakabukod na siya lagi pa rin syang nandiyan at
anytime dinadalaw niya ako kung wala din siyang maraming trabaho. Kung hindi
siya makakadalaw sinisiguro niya na madalas parin siyang tumatawag.
Si Jenny
isang mapag mahal na anak. Wala akong
masasabi sa pag mamahal niya sa akin bilang isang mabuting anak. Isa siyang malambing na bata. Maliit pa lang
siya nag hahanap na ng father image. Kaya noong ipakilala ka niya sa akin hindi
ako nag taka kung bakit ikaw ang kanyang boyfriend. Sabik siya sa pag mamahal
ng isang ama. Siguro nakita niya sa iyo ang mga katangiang matagal na niyang
inaasam.ang mahabang paliwanag ni Erica kay Bryan . Tatango tango at ngiti ngiti lang sya
sa mga tinuran ni Erica. Maaaring totoo lahat ang mga binitiwan nitong mga
salita. Baka nga father image lang ang nakikita ni Jenny sa kanya.
Sa
kanilang pag lalakad marami pa silang napag kuwentuhan. Naging palagay na sila sa isa’t isa may oras na natatawanan
sila at nag bibiruan na paminsan minsan. Kay dali nila nahuli ang kiliti ng
bawat isa. Kung pag mamasdan mo nga sila akala mo kay tagal na nilang mag
kakilala. O mas sasabihin ng iba na may relasyong namamagitan sa kanilang
dalawa. Hanggang makaramdam na sila ng pagod kaya nag desisyon na silang
bumalik sa bahay.
Kay saya
nila at ang lakas ng kanilang mga tawanan noong dumating sila sa bahay. Noong
pumasok sila sa loob.laking gulat nila sa pag bubukas ng pintuan at nandoon si
Jenny. Hindi nila napansin ang sasakyan nito naka park sa harap ng bahay. Titig
na titig si Jenny sa kanya mama at kay Bryan
. papalit palit ang kanyang mga mata sa dalawa. Na akala mo may gustong
itanong. Para bang hindi siya makapaniwala sa
kanyang mga nakikita. Parang mayroon siyang nararamdaman sa dalawang dumating.
Na hindi niya maipaliwanag kung ano. Hindi niya matukoy kung ano ito.
Ano ang
mangyayari sa tagpong nakita ni Jenny? Anu kaya ang kanyang iisipin sa kanyang
natunghayan sa dalawang taong mahalaga sa kanya? Magagalit kaya si Jenny sa
dalawa? ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez
October 30, 2012
No comments:
Post a Comment