Monday, November 5, 2012

PUSO KO WINASAK MO!!


PUSO KO WINASAK MO

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

 

ikaw, puso at pag ibig naging isa

Ngalan ng pag suyo iyong nadarama

Buksan yaring puso iyong makikita

Wagas na pag ibig na siyang may gawa

 

Dahil sa pag ibig kaw naging mahina

Kahit isang moog walang magagawa

Sa ngalan ng pag suyo kanyang pinadama

Sakit , hapdi sa  puso siyang napala

 

Pag ibig  pumasok sa puso nanahan

Lahat ng klaseng emosyon naramdaman

Naging marupok mahina walang laban

Sakit nadama dulot ng pag susuyuan

 

Pag suyo dulot buhay siyang nagulo

Kahit hindi mo  hiningi sa kasuyo

Iyong kinulong sa maramdaming puso

Kaya naman yaring luha  tumutulo

 

Pati iyong kaluluwa tumatangis

Sa dating pag sinta yong dulot kay tamis

Subalit ngayon puro pag hihinagpis

Ang sakit kailan kaya ito mag wawakas

 

Minsan nag mahal puso nasaktan tunay

Dumating ang araw parang hinihimay

Nadama sa buong katawan nanalaytay

Ngunit unang pag sinta ito’y sumablay

 

Hindi mo hiniling mahalin ka niya

Pero ngayon puso tumatangis sinta

Sa kalaliman ng gabi  lumuluha

Tanong kailan mabuo ang nasira

 

Sadyang  bang mapag laro ang kapalaran

Nakalimutan ‘yong unang kalungkutan

Muling sumubok mag mahal nalimutan

Nadamang kasawian tinalikuran

 

Bakit ganon kay lupit ng kapalaran

Muling nasasaktan tong pusong sugatan

Sadya bang ito guhit ng aking palad

Wala na bang tunay na kaligayahan

November 5, 2012

No comments:

Post a Comment