Friday, November 23, 2012

LOVE STORY "ANNIE" chapter 3


LOVE STORY “ANNIE” chapter 3

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


              Sa unang pag kakataon pinakilala ko sa aking mga magulang si Alex. Pag katapos makapag pahinga ng ilang oras nag aya ako sa tabing dagat. Kay ganda ng tanawin sa baybay dagat. Doon kami sa pinakamagandang beach sa aming lugar. Doon kami nag palipas ng buong mag damag. Naging napaka  gentleman si Alex ng gabing iyon. Alam niya na mga bata pa kami. At nag aaral pa at marami pang pangarap na gustong maabot. Kulang ang mag damag sa tagal na hindi naming pag kikita. Kay dami napag usapan. Sa ilalim ng liwanag ng buwan. Nag kataon kasi kabilugan ng buwan. Kahit malamig ang simoy ng hangin galing sa karagatan nakakadagdag sa pagiging romantic ng atmosphere. Ang init ng kanyang mga yakap ang nagsilbing blanket sa malamig na simoy ng hangin.

              Pinag usapan naming ang hinaharap naming future. Binalangkas ang mga pangarap sa darating na panahon. Mga pangako kay sarap pakingan lalu na galing sa pinakamamahal mo. Halos pigilin ko na ang pag usad ng mga orasan para hindi na matapos ang mga sandali. Sana lagi na lang ako sa kanyang mga bisig. Nakasandal sa kanyang dibdib. Kay sarap ng pakiramdam na kapiling ang mahal mo. At bumubuo ng magandang mga pangarap. Hindi siya natulog binantayan lang niya ako habang natutulog. Sabi niya hindi siya mag sasawa pag masdan ako. Kaya hindi siya natulog. Kay tagal daw niyang pinangarap na makasama ako ng ganito. Sa totoo lang hindi ko mailarawan kung anong klaseng damdamin ang aking naramdaman ng mga sandaling mag kasama kami.

              Bago kami umuwi sabay kaming naligo sa dagat. Nag langoy kami hanggang mag sawa sa tubig. Kay saya saya ko kasi ba naman ito ang una naming paliligo sa beach na dalawa. Unang date palagay ko  pina ka perfect na date. Napakasaya ko sa bawat sandali sa piling ni Alex. Sana hindi na natapos ang mga oras na iyon.ang bilis lumipas ang mga oras. Tapos na ang masasayang oras kailangan na naming umuwi.pag dating sa bahay namin . lingid sa aking kaalaman kinausap pala ng papa ko siya. Sinabi ng papa ko kung gaano ako ka desperado na makatapos ng aking pag aaral. Talaga lang malas kasi hindi naming kayang pag aralin ang sarili naming anak.  Noong mabatid ito ni Alex napansin ko ang kanyang pananamlay.

              Ang buo kong paniniwala hindi siya naging Masaya sa aming muling pag kikita. Pero ramdam ko ang kanyang saya noong mag kasama kami mag damag. Bakit bigla nalang siya nawalan ng sigla. Parang bigla siyang nanlamig sa akin. Kaya noong mag text si Pearl ang bestfriend ko sinabi ko mukha yatang hindi naging Masaya si Alex sa aming pag kikita sa kanyang pag punta dito at makilala ang aking mga magulang. Parang gusto kong mag sisi kung bakit ko pa siya pinapunta dito. Kung ganito lang ang kalalabasan. Noong mabasa ni Alex ang text ko kay Pearl nagalit siya sa akin.Ano ba daw ang alam ko sa nararamdaman niya. Hindi ko  pa naman alam ang dahilan ng pag lalamig niya. Nakokonsensya lang daw siya sa kanyang nalaman.

              Nahihiya daw siya sa mga magulang ko. Hindi niya akalain na ganoon ako kamahal nila. Wala lang talaga silang magawa dala ng kahirapan. Kay bigat naman ang karibal ko sa iyo ang iyong pamilya. “Ang hirap ka nga mahiram sa pamilya mo, paano pag kukunin na kita . kay bigat sa dibdib, alam mo ba yon. Paano ko ba sasabihin sa kanila kung kukunin na kita sa kanila.” Walang ka gatol gatol ang sagot ko sa kanya.”Kaya kong talikuran ang mga magulang ko iwanan sila at sumama sa iyo.” Ganyan kita kamahal. Hindi naman sila mawawala sa buhay ko kung dumating ang araw na mag papakasal tayo. Pero hindi sa ngayon sa susunod pang mga taon. Gusto ko pang matupad ang aking mga pangarap. Makakapag intay ka ba? Ang tanong ko sa kanya. Marami pa akong gustong abutin. Alam ko sabi nga ng papa mo matayog ang pangarap mo. Yon nga lang wala silang magawa dala ng kakapusan sa buhay. Pag dating sa panahon gusto ko ng mag asawa ako ang mag dedesisyon para sa aking sarili.

              Araw na ng pasko bandang tanghali na siya nag balak umuwi. Siya uuwi sa kanila ako babalik sa aking boarding house na malapit sa aking trabaho. Noong nasa loob na kami ng bus. Kusang nalalaglag ang aking mga luha. Bakit ganoon matapos ang masasayang sandali eto at mag hihiwalay na muli. Bakit kasi mag kabilang dulo ng daigdig ang aming kinalalagyan. Kung mayroon lang mapapasukan trabaho sa malapit sa kanya sana doon na lang ako. Para mag kalapit kami.

              Noong sumapit ang buwan ng January may nag alok,  na mag trabaho ako sa abroad. Kaya naman kumuha ako ng pasaporte. Sabi ko isa ng suerte ang dumating sa akin. Kasi makakaalis ako ng walang gastos. Sagot lahat ng agency ang gastusin ko sa pag alis. Sa totoo lang wala akong idea kung anong trabaho ang nag hihintay sa akin sa pupuntahan ko. Basta ang alam ko mag aabroad ako. Buwan ng April pinuntahan ko siya para personal na mag paalam. Nakapag usap kami ng maayos. Ok lang daw sa kanya kung ito ang magiging sagot sa aking  mga pangarap. Mag hihintay siya sa aking pag babalik. Basta lang daw huwag kong kakalimutan na nag hihintay siya sa aking pag babalik. Maayos ang aming pag uusap. Nag balik na ako sa Maynila. Two weeks before my birthday panay text niya bakit di daw ako nag re reply.

              Paano naman ako makakapag reply ang hina ng signal ko. Kasalukuyan nasa biyahe ako.Tanong niya bakit laging patay ang mobile phone ko. Iniiwasan ko daw ba siya. Nakaka ilang tawag na daw siya hindi ko sinasagot.  Minsan nakakasignal ako nakakapag reply sa text. Dito ko ipinapaliwanag na pag nasa biyahe ang barko pinagtratrabahuhan ko wala kaming signal. Pag dumadaong lang ito sa pantalan saka kami nag kakasignal. Sobra kulit niya hindi makuha sa paliwanag. Baka daw nasa probinsya lang ako at iniiwasan ko siya. “Hindi ba nag paalam pa ako ng personal sa iyo  na mag aabroad ako”. Ang madiin kong paliwanag sa kanya minsan nag karoon ako ng pag kakataong makatawag.

              Ayaw pa rin niyang maniwala. Halos araw araw tumatawag kinukulit ako. Lalung lumalala ang pag ka insecure niya. Baka daw kaya hindi ko sinasagot ang mag tawag niya dahil mayroon na akong iba. Sadya lang daw na iniiwasan ko siya. Pati ako nahihirapan na sa aming situation kaya sabi ko sa kanya mas mabuti pa yata na bitawan ko na ang mga pangako ko sa iyo. Kung ganyang wala ka ng tiwala sa akin. Mas mabuti siguro ay mag limutan na tayo. Kesa naman mabaliw ako sa kakaisip at kakaintindi sa kanya. Kaya ang sabi ko sa kanya mag hiwalay na tayo pag samantala mag kanya kanya na tayo ng landas na tatahakin. Sa totoo lang minsan naiisip ko nakakasawa na ang masyado niya pag hihinala.

              Ayaw niyang pumayag. Tuwing tatawag sa akin lagi siyang nakainom.  Unti unti na rin niyang sinisira ang buhay niya. Buhat noong sabihan ko siya na mag hiwalay na kami. Huwag na siyang mag text o tumawag sa akin. Tinatapos ko na ang lahat sa amin. Kahit masakit sa aking kalooban. Alam ko sa puso ko mahal na mahal ko pa rin siya. Pero ano ang magagawa ko nasasakal na ako sa kaseselos niya. Pati ako nadadamay sa kanyang mga problema. Buhat noong makipag hiwalay ako sa kanya ilang araw din naging tahimik ang buhay ko. Walang storbong text na puro sumbat ang nakasulat. At tumigil na rin ang pag ring ng cell phone ko.

              Isang araw nag ring ito nakita ko si Alex ang tumatawag . Aaminin ko rin na nasasabik na rin akong marinig ang kanyang boses. Pati ang kanyang madalas na pag te text. Akala ko nakakaloka ang sobrang pag mamahal at selos . mas  nakakasira pala ng ulo pag wala kang balita sa iyong minamahal. Kaya sabik na sabik ako marinig muli ang boses niya.Pero pag sagot ko sa telephone boses bata ang nakausap ko. Ito pala ang bunsong kapatid ni Alex. Sinabi sa akin nasa presinto daw ang kuya nila. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napa nganga ako halos di makapag salita. Pero kailangan kong lakasan ang loob para malaman ko kung ano talaga ang nang yari bakit siya hinuli ng mga pulis.

              Buhat daw noong makipag hiwalay ako sa kanya unti unting sinisira ni Alex ang kanyang buhay. Hindi na pumapasok sa kanyang klase at wala pang tigil sa pag inom. Kaya naman noong isang gabi sa sobrang kalasingan pinapara ang lahat ng sasakyang dumaraan at sinasabi sa mga nakasakay na mahal na mahal niya si Annie. At kukulitin ang mga sakay at driver nito na sabihin ang “ ANNIE ! MAHAL NA MAHAL KA NI ALEX”  dahil sa ginagawang iskandalo ni Alex sa highway hinuli siya ng mga pulis at ikinulong. Sinisisi ko ang aking sarili kung bakit nag kakaganoon si Alex. Naitatanong ko sa aking sarili ano ang ginawa ko sa lalaking aking minamahal. Ako ba ang sumisira sa kanyang buhay. Hindi ko mapigilan ang mapaluha. Ang simpleng pag luha nauwi sa isang pag hagulgol.

              Nagulat ang aking mga kasamahan sa trabaho bakit bigla akong umiyak. Naging tahimik ako sarado ang aking mga labi. Hindi ko masabi ang laman ng aking dibdib sa mga kasamahan ko sa trabaho. Sa totoo lang hindi ko pa sila gaanong close pa. bago pa lang ako hindi ko pa alam sino sa kanila ang mapag kakatiwalaan ko ng mga secreto ng buhay ko. Kinalamay ko ang aking sarili nilakasan ko ang aking loob at muling tumawag sa cell phone ni Alex. Isang babae ang sumagot. Nag pakilala ako at nalaman ko nanay pala ni Alex ang aking kausap. Kinabahan ako kasi balitang strikto daw ito. Pero noong kausap ko siya mukha namang mabait ito sa akin.

              Humingi ng despensa sa inaasal ng kanilang anak. Sana  daw mapag tiyagaan ko ang pag uugali ng anak nila. At sana daw pag sabihan ko ito na ayusin ang kanyang buhay. Hindi na raw nakikinig sa kanilang mga pangaral. Napapansin daw niya sa akin na lang nakikinig ito. Kaya nakikiusap ang nanay niya na huwag kong bibitawan ang kanilang anak. Annie ! makikiusap sana ako sa iyo huwag kang bibitaw sa anak ko. Ikaw lang ang alam kong makakapag control sa kanya sa ngayon. Sa binitawan salita ng ina ni Alex na touch ako. Buhat noon parang nakapa close ko na sa nanay ni Alex.hindi ko inaasahan na makikiusap ito para kay Alex . talagang mahal na mahal nila ang kanilang anak. Kaya naman nag bago ang aking isipan  tungkol sa aming relasyon ni Alex.

              Napa isip ako hindi ko akalain ang ito ang kakahantungan ni Alex sa pag tatangka kong makipag hiwalay sa kanya. Hindi pala dapat padala ako sa init at inis ko kay Alex. Dapat hindi ko dito ibinase ang aking biglaang pag dedesisyon sa aming relasyon. Laki ang iniluwag ng dibdib ko noong mag kausap kami ulit ni Alex. Nangako siya na hindi na mag lalasing. At lagi na siyang uuwi sa oras at hindi na siya babarkada muli. Basta lang hindi ako mawawala sa buhay niya. Ang sagot ko naman sa kanya hinding hindi ako mawawala sa buhay niya. Kaya mag sumikap siya na makatapos ng kanyang pag aaral. Para sa pag babalik ko sa Pilipinas handa na siya sa aming magandang bukas.

              Matuling lumipas ang mga araw buwan na walang problema sa aming relasyon ni Alex. Natapos ang kontrata ko at umuwi ako sa Pilipinas. At muli kaming nag kita ni Alex. Ang nararamdaman naming sa isa’t isa walang nag babago bagkus lalu pa itong pinatatag ng panahon. Pero hindi pa rin siya tapos sa pag aaral kaya hindi pa kami puedeng pakasal. Kaya nag apply nanaman ako pa abroad. Madali naman akong nakaalis. Pero malas naman  ang hirap ng naging kalagayan ko. Mahigpit ang aking naging amo. Bawal ang tumawag at limitado lang matawagan ako. Ibinigay nila ang kanilang telephone number para siya kong magamit sa pag tawag at tawagan ako. Doon lang daw puedeng kumontak ang family ko. Ang hirap paano na si Alex. Tuwing gabi lagi akong tumitingala sa langit. Tinitignan ko kung maraming star sa langit. Pag nakikita kong puno ng star napapaluha ako aking naaalala si Alex.

             Sadyang kay layo ng Pilipinas sa Kuwait. Ang mga masasayang alala naming ni Alex ang nag sisilbi lakas ko. Ang kanyang larawan hindi naaalis sa aking bulsa. Ito ang aking kinakausap araw araw. Siya ang nagiging lakas ko sa mag hapon. Noong naka isang taon na ako sa Kuwait naging regular na ang text at tawagan naming minsan isang liggo naririnig ko ang kanyang boses. Pag tulog na ang amo ko pumupuslit ako papunta sa tindahan para doon makitawag para mas mura at maging mahaba haba ang aming pag uusap. Lagi nauuwi sa iyakan ang aming pag uusap. Lagi niyang sinasabi kailan ka ba uuwi mis na mis na kita.

              Sabi ko nga sa kanya noon 730 days lang ang bibilangin natin at darating na ako. Ngayon ka pa ba maiinip 365 days na lang uuwi na ako matatapos na ang aking kontrata. Nagyon ka pa ba iiyak at ma iinip sa pag uwi ko. Lingid sa kanyang kaalaman nag uunahan na rin ang aking luha sa pag patak. Ito lagi kong sinasabi pang palakas ng loob niya. Kung hindi ko gagawin ang ganito baka pareho kaming mawalan ng pag asa at sabay mag give up. Kahit halos gabi gabi umi iyak ako basta alam kong ok na siya tama na sa akin iyon nagiging Masaya na ako basta maging Masaya din siya.

              Mabilis lumipas ang mga araw at buwan natapos ko ang 2yrs ko sa Kuwait. Eto papauwi na ako sa Pilipinas. Iniintay ko na lang ang Pinay na papalit sa aking puwesto. Pag dating niya puede na akong umuwi ng Pilipinas. Hindi ko na sinabi kay Alex ang esaktong araw ng uwi ko. Ayaw kong sunduin niya ako sa airport. Tulad ng karaniwang nag aabroad hindi ako naiba sa kanila. Umuwi ako ng kakaunti lang ang uwing pera. Pero ang mahalaga eto na ako ligtas at makakauwi na.  noong tumuntong ako sa manila airport saka lang ako tumawag sa aking pamilya na nakauwi na ako. Balak ko kasi mag barko na lang papauwi sa amin. Isa sa kaibigan ko ang nag magandang loob na sa kanila muna ako mag stay ng 2days para makakuha ako ng ticket sa barko papauwi sa amin.

              Si Liezel mayroon daw siyang kapatid sa tondo. Puede daw doon ako tumuloy habang nasa manila ako. Kay bait ng naging kaibigan ko sa Kuwait. Inoffer  niya na doon muna ako sa kapatid niya. Kahit hindi ako kilala ng kapatid niya pinatuloy ako sa kanilang bahay ng dalawang araw.at noong aalis na ako inihatid pa nila ako hanggang pier. Matapos ang 3 night madaling araw na noong sapitin ko ang pier ng Gensan. Tuwang tuwa ako sa wakas nasa lupang sinilangan na ako. Sobra sobra ang tuwang aking nararamdaman ng mga oras na yon. Dito na ako sinalubong ng aking ka pamilya.

              Anu na ang mang yayari ngayon nakauwi na si Annie sa kanila? Sa muli nilang pag kikita ni Alex ano ang mang yayari? Ito na ba ang simula ng ng lubos na kaligayahan ni Annie? ABANGAN!  Copyright  by Rhea Hernandez  November 23, 2012

 

No comments:

Post a Comment