LOVE STORY “BRYAN” chapter 3
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Hindi
maipaliwanag ni Erica ang sakit na kanyang nararamdaman sa ngayon. Ang mga
naganap sa kanilang dalawa ni Bryan
ay isang pag lalaro lang ba? Sadya bang mapag laro sa ngalan ng pag ibig ang
lalaking kanyang minahal? Sayang lang ba ang inalay niyang pag mamahal dito?
Bakit kailangan pang ipalasap sa kanya ang sarap tapos ibayong sakit naman pala
ang kapalit. Sadya bang ito ang kanyang kapalaran pag dating sa pag ibig? Hindi
niya malilimutan ang sakit na dulot ng ama ni Jenny. Pero bakit ganoon mas
ibayong sakit ang nadarama niya compare sa ama ni Jenny.
Walang
nakaka alam ang kanilang love story ni Bryan
ang kanyang isinulat. Ginawa lang niyang may pag ka comedy. Gusto niya maging katawa tawa ang papel ni Bryan sa
kanyang sinulat. Para kahit papaano makaganti
si Erica sa ginawa ni Bryan sa kanya. Lumipas ang mga araw handa na ang lahat
ng artistang gaganap sa theatro. Maganda ang kinalabasan ng kanilang palabas.
Nakasubaybay si Erica sa pag pra practice
ng mga gaganap. Nangingiti si Erica tuwing makikita niyang kung paano
nag hihirap ang kalooban ni Bryan
dahil sa pag kakalayo nila ni Erica. Kahit man lang sa kanyang obra maging
guilty sa kanyang sarili si Bryan .
Kahit nga ba ibang pangalan ang kanyang ginamit pero sa kanyang sarili alam
niya si Bryan
ang nasa katauhan ng bidang lalaki.
Lingid
sa kaalaman ni Erica sa totoong buhay nag sisi si Bryan kung bakit siya natakot
sa kanyang sarili. Natatakot siyang harapin ang katotohanang mahal na mahal
niya si Erica. Natatakot din siya na masaktan ng dahil sa sobra niyang pag
mamahal dito kaya naman sa takot niya ang puso naman ni Erica ang kanyang
nasaktan ng todo. Takot siya dahil hindi niya alam kung paano mag mahal ng
lubos. Mas natatakot siya sa kanyang sarili sapagkat hindi niya alam paano mag
pakita ng tunay nararamdaman. Paano niya ipaparamdam kay Erica na mahal na
mahal niya ito.
Nabalitaan ni Bryan
ang obra ni Erica ay ipapalabas na. Hindi siya nag aksaya ng oras. Kailangan
nandoon siya para mapanood ang balitang balita na napaka ganda ng bagong
storyang sinulat ni Erica. Ibig manikip ang kanyang dibdib noong kanyang
pinapanood ang palabas. Tanging siya at si Erica lang ang nakaka alam na silang
dalawa ang bida sa palabas na iyon. Ramdam na ramdam ni Bryan ang sakit na naramdaman ni Erica sa
kanilang pag kakalayo. Hindi napigilan ni Bryan
ang sobrang emosyon at nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Hindi
nakayanan ng puso ni Bryan
ang sobra sakit nararamdaman. Kaya sa pangalawang pag kakataon inatake siya sa
puso.
Naramdaman
niyang naninikip na ang kanyang dibdib kaya tumawag na siya ng emergency. Wala
pa yong tinawagan niya ay tuluyan ng bumigay ang kanyang puso. Kaya naman nag
kagulo ang ilang audience na malapit sa kanya. Dali dali siyang dinala sa
hospital para malapatan ng lunas. Bryan kung hindi ibayong pag iingat ang
gagawin mo baka sa susunod mong atake hindi ka na makaligtas pa. Buti nasa
maraming tao ka inatake . Paano kung nag iisa ka at walang tutulong sa iyo. Di
doon ka na malalagutan ng hininga. Nag iingat naman ako kaya lang hindi ko
napigilan ang nadarama ng puso ko.
Nabalitaan ng mga staff ang nag yari sa isang audience. Kaya nag
kaayayaan sila na dalawin nila ng sabay sabay ang taong muntik ng atakihin sa
panonood ng kanilang show. Walang kamalay malay si Erica na ang dadalawin nila
ay si Bryan .
Ang lalaking bida sa kanyang isinulat na storya. Pero bakit ganoon na lang ang
kaba ng kanyang dibdib. Hindi naman niya kilala kung sino ang inatake dahil sa
kanyang sinulat. Bakit kaya nasobrahan ba ito sa katatawa o tinamaan siya sa
karakter ng bida. Kahit ano gawin ni Erica kinakabahan siya hindi niya mawari
kung ano. Mayroon kayang nangyayari sa kanyang anak o sa kanyang minamahal na
lalaki. Kahit ilang buwan na rin na hindi sila nag kikita nito hindi naman
nababawasan ang pag mamahal niya sa lalaki.
Hindi
niya malaman kung ano mayroon si Bryan
at minahal niya ito ng todo. Kahit sinaktan siya nito hindi niya makuhang
kalimutan. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Bakit biglang sumagi sa kanyang
isipan ang lalaking ito. Tapos bigla siyang kinabahan. Kamusta na kaya siya?
Wala na siyang balita buhat noong huminto itong kulitin siya. Siguro nag sawa
na at nakalimutan na siya. Sa ganitong isipin may kirot siyang nararamdaman. Sana naman hindi pa siya
nakakalimutan. Sana
naman tunay ang kanyang pag mamahal na inalay sa kanya. Ang bulong ni Erica sa
kanyang sarili. Alam niya at naramdaman niya na totoong minahal siya ng
lalaking babaero na yon. Nangiti si Erica kahit ganoon yon wala siyang
maipipintas noong sila pa. maalaga mapag mahal at maasikaso. Sabagay mamahalin
ba niya ng lubos ito kung hindi ipinaramdam sa kanya ang mga ito.
Naputol
ang pag daloy ng mga alaala noong tawagin siya ng isa nilang kasamahan. Nakuha
na daw nila ang room number at puede naman daw dalawin . sabi ng nag tanong
kawawa naman pala yong inatake. Kung hindi daw naagapan malamang na dedo na
sya. Kailangan daw operahan ibabaypass
daw. May ugat na barado. Na ngingiti si Erica sa kasamahan niya na nag tanong
sa information. Halos nasagap na niyang lahat ang tungkol sa pasyente. Alam
ninyo ba guys broken hearted pala yon. Kaya pala epektado masyado sa palabas natin. Babaero daw kasi kaya ayon iniwan
ng syota niya. Ehh ! kung sino pa daw yong tunay na mahal yon pa ang nang iwan
sa loko kaya ayon miserable ang buhay ngayon. Ikaw talaga bakla ka napaka
chismosa mo. Pati ba yon nasagap mo na. inutusan ka lang naming na itanong kung
anong room ehh ! kung anu ano na ang nakuha mong balita. Paano po sya yong
pinag chi chikahan doon. Paano daw guapo
at mayaman good catch daw sabi ng mga nurse.
Bakit
biglang kumabog ang kanyang dibdib. Sa kanyang mga narinig. Ok guys huwag ng
maingay ahh. Nandito na tayo dadalaw tayo hindi mang gugulo sa pasyente. Ready
ninyo yong camera para sa news na ilalabas natin tungkol sa inatake audience ng
ating show. Noong pumasok sila nakita agad ni Erica naka oxygen ito hindi niya
kita ang mukha kasi nakatalikod ito sa pintuan. Naramdaman sigurong may pumasok
sa kanyang roon kaya kumilos paharap sa pintuan. Muntik ng himatayin si Erica
sa kanyang nakita. Si Bryan pala ang kanilang bibisitahin. Natutop ni Erica ang
kanyang bibig parang gusto niyang mahiyaw ng panangis. Awang awa siya sa
kalagayan ng kanyang mahal. Inilibot ni Bryan
ang kanyang paningin sa mga dumalaw sa kanyang
pag lilibot ng mata nahagilap niya si Erica sa karamihan at nagtama ang kanilang mga mata ni Erica.
Sa pag
tatama ng kanilang mga mata hindi mapigilan ni Erica ang hindi umagos ang mga
luha niya. At ganoon din si Bryan .
Laking pag tataka ng mga kasamahan niya. Ano ang nangyayari sa kanilang writer
at impit na umiiyak ito. Nag papalit palit ang kanilang mga paningin sa dalawa
at nahulaan nila na may ugnayan ang dalawa. Kahit hindi mag salita si Erica
alam na nila kung sino ang nobya ng pasyente. Nag kalabitan ang mga kasamahan
ni Erica at isa isa itong lumabas ng kuarto. Para
bigyan nila ng pag kakataong maka pag solo ang dalawa.
Noong
sila na lang dalawa ang nasa room saka palang lumapit si Erica sa kama . Inilahad ni Bryan
ang kanyang mga kamay para mayakap niya ang kanyang minamahal. Unti unting
lumapit si Erica kay Bryan
at isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya. Iyon lang kumawala na ang ipit na
iyak ni Erica. Saka palang nakita niya ang kay laking nabago sa kanyang irog.
Mahaba na ang balbas nito at bigote
parang ang dumi na ng kanyang mukha. Dati rati kay kinis hindi niya
hinahayaan mag mukhang madumi siya. At makikita mo ang hapis sa kanyang mukha
at lungkot sa mga mata niya. Ano ba ang pinag gagawa mo sa sarili mo at ganyan
ang itsura mo. Hindi ka naba nag aahit man lang.
Dahil
katabi niya si Erica mababakas mo na sa kanyang mga mata ang sigla. Masayang
Masaya si Bryan sa pag dalaw ni Erica sa kanya. Hindi mabitaw bitawan ni Bryan ang mga kamay ni
Erica. Huwag mo na akong iiwan ha! Ang samo ni Bryan kay Erica. Ikaw naman ang
naging salawahan kaya ako lumayo. Sinaktan mo ang maramdamin kong puso ang
balik na tugon ni Erica. Hindi naman wala namang babae pumalit sa iyo dito sa
puso ko. Buhat noong naging tayo wala naman akong naging karelasyon. Ikaw ang
hinahanap ng puso ko. Hindi kita makalimutan pero ano ang aking magagawa kung
ayaw mo na akong harapin. Pinag tataguan mo ako. Tuwing dadalaw ako sa iyo
hindi mo man lang ako pinag bubuksan ng pintuan. Ni hindi mo sinasagot ang mga
tawag ko sa iyo. Ni minsan hindi ka nag reply sa mga msg ko sa iyo. Kahit sa
ating chat room hindi ka na pumapasyal man lang. ni hindi mo sinasagot ang mga
msg ko.
Inilagay
ni Erica ang kanya hintuturo sa mga labi ni Bryan para patigilin ito sa pag sasalita ng
mga hinaing. Baka makasama lalu sa kanya ang pag sisintir. Baka lalung makasama
sa puso niya ang sobrang pag alala sa mga masasakit na pang yayari sa pag
iibigan nilang dalawa. Isang halik ang ibinigay ni Erica kay Bryan . Para
matigil ito sa pag lilitanya ng kanyang nararamdaman. Anu ibig sabihin nito
pinapatawad mo na ako sa aking kasalanan. Isang tango lang ang pinakawalan ni
Erica. Ibig lumundag ni Bryan sa tuwa
niya. Pero pinigilan siya ni Erica. Baka makasama sa iyong kalagayan ang
sobrang katuwaan. Alalahanin mo ayan at naka oxygen ka pa. hindi ko na kailangan
ang mga iyan ikaw ang aking buhay.
Natawa si Erica sa binitiwang salita
ni Bryan. Di yata bigla kang gumaling noong mahalikan kita ang tudyo ni Erica
kay Bryan .
Yakapsul at kispirin pala ang gamut mo sa iyong atake sa puso. Sabay silang nag
tawanan parang nabura at inagos ng malakas na alon ang mga bagay at dahilan ng
kanilang pag kakalayo. Ang matagal niyang pag tatampo kay Bryan ay nawalang bigla mas nanaig ang pag mamahal niya
dito. Sa wakas matatahimik na ang puso ko sa pag hahanap ng iyong pag mamahal
at pag suyo. Alam mo ba ikaw ang nag bibigay buhay at sigla sa akin. Ikaw lang
ang hinahanap ng puso ko. Kahit sabihin ko wala ka na ayaw mo ng itong pansinin
ayaw niyang tumigil sa pag hahanap sa iyo. At muli isang mahigpit na yakap ang
itinugon ni Erica sa kanya. Ok sabihin mo dyan sa puso mo tumigil na sa pag
aalala dahil nandito na ako.
Buhat
ngayon hindi ko na hahayaang maligaw pang muli at mailto yang puso mo. Kasi sa ayaw at sa gusto mo
ikakadena ko na siya at sususian para hindi na muling mag hanap at bumaling pa
sa iba. Oo at hindi ko na rin hahayaan na pag taguan mo pa ako at hinding hindi
na kita bibigyan ng pag kakataong iwasan ako. Ngayon palang kahit dito sa
hospital igagapos na kita. Isang malakas na halakhak ang pumailanglang sa loob
ng kuwarto ni Bryan. Hoy lalaki tama na ang sobrang tuwa bawal din dyan sa puso
mo. Baka nakakalimutan mo. Sa gitna ng kanilang tawanan mga katok ang bumasag
sa kanilang katuwaan. Nakalimutan ni Erica mayroon pala siyang kasamahan nasa labas
ng room. Lumabas lang para bigyan sila ng pag kakataong mag usap.
Noong
pumasok ang mga kasamahan ni Erica katakot takot na kantiyaw ang inabot niya.
Ikaw pala ang dahilan ng pag ka atake nito ahh! Ang sabi ng kanilang producer.
Siya ba yong bidang lalaki sa ating palabas. Isang ngiti lang ang isinagot ni
Erica kaya pala may buhay yong storya mo ay tunay na kasaysayan. Kaya pala
nabigyan mo ng magandang buhay at kaya pala isa yong kahilingan na subaybayan
ang pag iinsayo ng mga gaganap para makita mong kung ano ang nasa isip mo yon
ang lumabas sa eksena. Kaya hindi nakakapag taka kung isa itong kakaiba sa mga
sinulat mo na.
Nag
paiwan na si Erica sa hospital. Gusto niyang alagaan ang kanyang minamahal. Gusto
niya bawat sandali kapiling niya si Bryan .
Natatakot siyang mawala ito sa kanya. Kaya naman lahat ginagawa niya sa maagang
pag galing nito. Hindi maipaliwanag ng mga doctor kung bakit kay bilis ng
kanyang pag ka recover sa nakaraang atake. Nakahanda na nga ang lahat para sa
kanyang operasyon. Pero hindi ito natuloy sa malaking himalang naganap. Kahit
ang mga dalubhasa hindi nila maipaliwanag bakit nag kaganoon. Himala na parang
nag dahilan lang ang kanyang puso sa nakaraang atake nito. Kahit anong gawin
nilang pag susuri lahat ay bumalik sa normal. Pati ang pag tibok nito.
Hindi na
niya kailangan ma bypass para sa kanyang nag hihingalong puso. Isang malaking
himala ang naganap. Malaki talaga ang nagagawa ng tunay na pag ibig. Kahit si
kamatayan kaya niyang hadlangan. Ang pag mamahal ni Erica ang naging daan ng
pag galing ng puso niya. At ang mga dalangin nito at pag aalaga. Sa muling pag
galing ni Bryan sa bahay bakasyunan uli siya umuwi kasama si Erica. Gusto
nilang dugtungan ang naputol nilang pag mamahalan ng dahil sa selos at sa
kanyang pagiging pag kababaero. Hinding hindi naniya gagawin saktan ang babae karugtong
ng tibok ng puso niya. Si Erica ang nag bibigay buhay sa puso niya. Ito ang
dahilan kaya tumitibok ng normal. Siya at tanging siya lang ang hinahanap nito.
Kaya
naman nag tapat na siyang kay Erica na handa na mag patali habang buhay basta
si Erica ang kanyang papakasalan. Tuluyan na siyang mag babago. Ilalaan na lang
niya ang kanyang buhay sa piling ni Erica. Hinding hindi na siya titingin pa sa
ibang babae. Siya na lang ang pag lalaanan niya ng kanyang panahon. Hinarap ni Bryan ang kanyang takot
sa pag harap ng pag aasawa. Si Erica lang ang kanyang buhay. Siya ang dahilan
kung bakit tumitibok pa ang kanyang puso ng normal. Si Erica na ang kanyang
soulmate na hinahanap sa mahabang panahon. Mag papakasalan niya ito at mag
sasama habang buhay… THE END copyright
by Rhea Hernandez 11/6/12
No comments:
Post a Comment