Thursday, August 30, 2012

BAKIT NGA BA?


BAKIT NGA BA?

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

isang araw lumapit ka nag pakilala

nababakas sa iyong mukha ang saya

ibig mong mabatid kung ako malaya

crush mo ako sa kilos at galaw halata

 

noon di kita pansin pero mapilit ka

ipinadama mo mahal mong talaga

sa panunuyo naging matiyaga ka

kahit anong tagal hindi ka nag sawa

 

handang mag intay abutin man ng buwan

ang pusong bato natinag sa pananambitan

tanging hiling huwag mo sanang sasaktan

naniwala sa pangakong mag pakailan man

 

pag lipas ng mga araw ligaya nadama

bawat sandali pinakita ang pagpapahalaga

ang puso punong puno ng saya aking sinta

sa piling mo anong ligaya walang kapara

 

bakit isang umaga bigla kang nag bago sinta

nag laho bigla ang tuwa sa aking mga mata

ang akala wala ng katapusan ang ligaya

pero ngayon dulot ay lungkot tuwi tuwina

 

ipabatid kung ano ang pag kakasala

ang tamis ng pagsuyo biglang nawala

kung may iba papalayain kita sinta

kung sa piling niya ikaw liligaya

 

ang mahalaga masaya ka sa piling niya

sana’y mahalin kaniya nang lumigaya

kahit itong puso ko ang mag durusa

hindi mag hihinayang na palayain ka

by Rhea Hernandez  8/30/12

 

No comments:

Post a Comment