Thursday, August 30, 2012

DALAWA KAMI SA PUSO MO


DALAWA KAMI SA PUSO MO

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

hindi ako nag sisi na minahal kita

naramdaman ko naging maligaya

tayong dalawa nagsalo sa tuwa’tsaya

sa piling mo nadama maging masaya

 

pero di ko kayang makihati sa iba

pumili ka sa aming dalawa ako o siya

handa akong ipag laban ka sinta

kung siya papalayain magpaparaya

 

kahit puso ko malulumbay sinta

mag titiis maging maligaya ka

hindi ko kaya na kaming dalawa

mag hahati sa puso mo sinta

 

bakit naging salawahan ang puso

nasan na mga pangarap na binuo

lahat ng ito bigla na lang nag laho

ang mga matatamis mong pagsuyo

 

hindi akalain bigla nalang maglalaho

ang buong akala ako lang mahal mo

bakit ngayon dalawa kami sa puso mo

puede mag mahal ng dalawa ang puso?

 

Buong akala ko pag suyo ay wagas

Pero ngayon luha nag lalandas

Ang pagsusuyuan biglang kumupas

Ang pag ibig mong handog nagwakas

 

Iniwanan mo wasak ang puso ko

Nangungulila sa iyong pag suyo

Dapat na nga ba akong sumuko

Salawahan , kaya puso nagdurugo

 

Panahon na para palayain ko

Ang pighating nadarama ko

Mag hanap  ng bagong kasuyo

Nang lumigaya yaring puso….

By Rhea Hernandez 8/30/12

 

No comments:

Post a Comment