BATCH ’79 (ngayon)
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Ang batch’79 ngayon isang solid barkadahan
Kung mag kakasama walang nagkakapikunan
Sa bawat sandali punong puno ng kasiyahan
Pag mag kakasama ang grupo panay hagalpakan
Lumilipas ang oras na hindi nila namamalayan
Ang mga kuwentuhan laging nilang kinasasabikan
Kahit sa kagipitan nagtutulungan at maaasahan
Ito ang batch’79 isang tunay magandang samahan
Hindi kailangan ang isang magarbong handaan
Kahit mani at butong pakwan ok ng pagharapan
Ang mahalaga lagi lang silang nag kakamustahan
Dito nila muling binabalikan ang kahapon nagdaan
Ang mga magagandang kasaysayan at mga kalokohan
Pati na nga ang kanilang naging kasintahan , niligawan
Ang mga lalaking noon na tunay kanilang kinakikiligan
Sa ngayon kanilang natuklasan di naman pala kaguapuhan
Mahabang panahon ang lumipas na hindi nagkikita kita
Halos 33 taon na ang lumipas muling nag kasama sama
Ang batch’79 ay muling binubuo nagtitipon tuwina
Sa mga okasyon malungkot man o ito ay masaya
Dito sa batch’79 ang maganda kapalaran tinamasa nila
Iba’t ibang tagumpay ang nakamit ng bawat isa
Iyong masasabi na naging Don and Donya na sila
Naging matagumpay ang landas na tinahak nila
Nakakalungkot mang isipin may namaalam na
Sa piling ng Poong Maykapal sila’y masaya
Sadyang ang tao may kanyang kapalaran talaga
Sa ayaw at gusto mamaalam tayo sa mundo isa isa
Sa batch’79 dito mo makikita walang plastikan
Hindi nila kailangan ang magarbong handaan
Para sa kanila ang mahalaga ang mag kuwentuhan
At sa bawat sandali ang matutunog na halakhakan
Hindi mo matatawaran ang saya iyong mararamdaman
Sa mga pagtitipon tipon na kanila ng nakaugalian
Sa bawat okasyon laging silang nag babatian
Nag sasaya ng walang katapusan nilang tawanan
Nakakapanghinayang di ako nakakasama sa barkadahan
Pero humanda kayo pag uwi ko tayo’y magkukuwentuhan
Kukulangin ang mag hapon sa tawanan at ating chikahan
Hindi naman ako maselan puede na ang mani’t butong pakwan…..
Written by Rhea Hernandez September 4, 2012
No comments:
Post a Comment