BAKIT NGA BA IKAW ANG AKING MINAHAL
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Buhat noong mag kakilala di nawala sa isipan
Bakit nga ba ginugulo mo yaring aking katauhan
Noon tahimik aking buhay ngayon nahihirapan
Dahil ikaw ang aking minahal walang kalayaan
Akin pang natatandaan una tayo nag kakilala
Unang pag tatama ng ating mga mata kakaiba
Pati na aking dibdib ayaw tumigil sa pag kaba
Ang iyong pakilala walang asawa ikaw malaya pa
Sinuyo mo ako pina ibig pinaikot ng husto
Ako’y naman nahulog itong puso ko sa iyo
Hindi mapigilan tumibok yaring puso ko
Damdaming nadarama kay sarap damahin ito
Dahil sa alay na pag ibig nag kulay rosas paligid ko
Masasarap na suyuan at lambingan ipinalasap mo
Sa piling mo parang laging akong nasa paraiso
Mag kasama binuo ang mga pangarap at pagsuyo
Anong ligaya ng bawat sandali sa piling mo
Matatamis na mga labi ang natikman ko
Bawat oras ikaw ang hanap hanap ng puso
Anong ligaya ko buhat noong tayo pinagtagpo
Bakit ang maliligayan araw ngayon ay kay pait
Bawat sandali ngayon puso nadarama puro pasakit
Hindi akalain dalawa kami dyan sa puso nakaukit
Ngayon wala ng halaga ang matatamis na sinasambit
Ang pag mamahalan natin bakit hindi nag tagal
Nasaan na mga pangako tayo’y mag papakasal
Ano itong aking natuklasan dina malaya ikaw kasal
Ngayon aking tanong Bakit nga ba ikaw ang aking minahal?
By Rhea Hernandez September 5, 2012
No comments:
Post a Comment