Thursday, August 2, 2012

LOVE STORY "ELIZABETH" chapter 7

LOVE STORY “ELIZABETH” chapter 7

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




              Sa pag uusap ni Anthony at ng mga magulang ni Elizabeth nauwi sa magandang usapan. Tulad ng inaasahan ni Anthony napaniwala niya ito na sa ikakabuti ng lahat ang kanilang pag iisang dibdib. Ipinangako niya kahit kasal na sila ni Elizabeth tuloy parin ang pag tulong nito hanggang makatapos sa pag aaral ang kanyang mga kapatid. At hindi niya papabayaan ang kanyang mga magulang hanggang sa pag tanda nila. Sisiguraduhin niya na mamumuhay sila na masagana. Tutulungan nila ito sa kanilang kabuhayan. At hindi niya papabayaan ang kanilang anak. Mamahalin niya ito at aalagaan ituturing na parang isang princesa.

              Nalulula ang kanyang mga magulang sa mga pangako ni Anthony. Hindi nila alam na isa pala itong haciendero sa Palawan. Hindi nila akalain ang sinasabi ng kanilang anak na boyfriend isang napakayaman at nag iisang anak. Napakasuerte naman ng kanilang anak at mayroon nakagusto na isang katulad ni Anthony. Ang akala nila sa isang fairytales lang nag yayari ang isang mayaman mag kakagusto sa isang mahirap na katulad nilang isang kahig isang tuka. Iyong mga sandaling iyon pinag usapan nila kung kailan pupunta ang kanyang mag magulang para hingin ang kamay ni Elizabeth. Pero yong ay isang pormal na lang . kasi ngayon palang sarado na ang usapan nila na idaraos ang kanilang kasal sa susunod na pag bilog ng buwan. Ok lang kay Anthony na sundin lahat ang nakaugalian ng pag papakasal ng mga magulang ni Elizabeth walang tutol sa lahat ng mga gusto nito maliban na lang sa pag hahanda at location ng kanilang kasal. Gusto kasi ni Anthony na maibigay kay Elizabeth ang kakaibang kasal. Gusto niya na hindi makakalimutan nito ang araw na yon.

              Tumawag si Anthony  sa kanyang mommy at daddy para sa pamamanhikan . sinabi na rin niya ang lahat ng kasunduan nila ng mga magulang ni Elizabeth. Ok lang sa kanyang mga magulang na tulungan sa kabuhayan ang mga ito. Hindi naman mabigat para sa kanila ang mga kahilingan ng mga ito. Si Elizabeth din naman ang gusting maging manugang ni mommy Lily. Alam niya na magiging mabuting may bahay ito para sa kanyang anak. Itinuring na niyang parang anak si Elizabeth noong ito kanyang makasama sa kanilang tahanan. Hindi siya nag kamali sa pag kilatis kay Elizabeth. Alam niya ang katulad ni Elizabeth ang pupukaw sa pihikang puso ng kanyang anak. Sa nakikita niya talagang mahal ng kanyang anak si Elizabeth.

              Ipinag paalam na ni Anthony na susunduin niya si Elizabeth at mag didinner sila.ito ang una nilang pag de date. Kaya naman pinag handaan mabuti ni Anthony. Ibinili siya ng damit na isusuot ni Elizabeth sa kanilang 1st date. Pati na sukat ng sapatos hiningi ni Anthony sa magiging biyanan niya. Hindi niya akalain na mababait naman pala ito basta makuha mo ang kanilang loob. Hindi inakala  ni Anthony makakasundo niya nag kanyang magiging biyanan sa maigsing panahon. Sa tulong ng mga ito nagawa ni Anthony ang gusto niyang sopresa para kay Elizabeth.

              Kaya naman noong sunduin niya si Elizabeth saka niya sinabi na nakausap na niya ang kanyang mga magulang at pumayag ang mga ito na mag date sila ngayon. Laking gulat ni Elizabeth dahil napapayag nito ang kanyang mga magulang na mag date sila. Huwag kang mag taka sa date natin baka lalu kang humanga sa boyfriend mo kung sabihin ko sa iyo na payag na sila na mag pakasal tayo sa susunod na pag bibliog ng buwan. Anu ang ginawa mo sa mga magulang ko at napapayag mo sila sa ating pag papakasal. Wala akong ginawa kundi kinausap ko lang sila sa puso sa puso. Naging matapat lang ako sa kanila. Sinabi ko kung gaano kita kamahal. Na hindi ako mabubuhay kung wala ka sa piling ko.  Ikaw ang aking buhay kaligayahan ikaw ang gusto kong makasama habang ako’y nabubuhay.

              Isang halik ang ikinintal ni Elizabeth sa pisngi ni Anthony. Dahil sa kanyang katuwaan pero biniro siya ni Anthony. Anu ako bata halik sa chick kuntento na. isang pinong kurot ang ibinigay ni Elizabeth sa tagiliran ni Anthony. Kaya naman isang malakas na tawa ang pinakawalan nito. Nahawa na si Elizabeth sa pag tawa nito. Kaya naman napuno ng halakhak nila ang kotse minamaneho ni Anthony. Paano naman kita hahalikan sa iyong mga labi ehh nag mamaneho ka. Aha! Pag dipala ako nag mamaneho isang maalab na halik ang aking makakamtam. Sige rain check ko yan ahh! Mamaya sisingilin ko sa iyo. Kahit ilang halik ang hingin mo laging nakahanda itong aking mga labi para sa iyo. Ikaw lang ang naka angkin nito at mag mamay ari habang ako’y nabubuhay. Hindi lang aking mga labi ang aking ihahandog sa iyo pati na ang aking puso at buong pag katao handa kong ialay sa iyo. Ganyan kita kamahal.

              Pag ibig na wagas lang ang kaya kong ibigay sa iyo. Alam mo naman kung gaano kami kahirap.pero kahit ganito ang katayuan namin sa buhay kung mag mahal naman ay tapat at wagas. Ganoon ba pero huwag kang mag alala tutumbasan ko ng kapwa pag mamahal o higit pa sa pag mamahal mo ang nadarama kong pag ibig para sa iyo. Kaya gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang. ibibigay ko ang lahat para maging akin kalang habang buhay. Kaya naman pati ang mga magulang mo napaniwala ko sa aking pag mamahal sa iyo . alam ko nadama nila ang pagka sinsero ko sa aking mga sinasabi. Nababasa nila sa aking mukha kung gaano kita kamahal.

              Busog na busog na si Elizabeth sa pag mamahal na pinaparamdam ni Anthony. Noong dumating sila sa hotel kung saan sila mag hahapunan binigyan siya ni Anthony  ng pag kakataon para makapg bihis. Sa room na inaakupa ni Anthony siya nag bihis. Hindi niya akalain na may nag iintay sa kanya doon para mag ayos sa kanya. Talagang pinaghandaan ito ni Anthony ang hilig niyang mag bigay ng supresa. Ibig sumabog ang puso niya sa kaligayahan. Hindi niya akalain na gagawin ito ni Anthony sa kanya sa kanilang unang date. Isang baklang beautician ang inabutan niya sa room. Siya daw ang naatasan para ayusan siya. Wala nang nagawa si Elizabeth kundi sundin ang plano ni Anthony. Nag bihis siya at inumpisahan na siyang ayusan.

              Noong matapos na ang lahat na pa wow ang bakla. Ang ganda mo ineng! Oo kanina maganda ka kahit alang make up pero ngayon lalung lumabas ang tinatago mong ganda. Hindi ko masisi si sir na ma in love sa iyo. Ako nga bakla napapahanga ng kimi mong ganda. Sayang kay tagal mo itong tinago. Isang ngiti lang ang isinukli ni Elizabeth sa baklang humahanga sa kimi niyang ganda. Maya maya lang may kumakatok sa pintuan. Lihim sa kaalaman ni Elizabeth tinawagan na ng beautician si Anthony na tapos na sila. Si anhony ang kumakatok sa pintuan. Napa sipol sa kanyang nasilayang ganda ng kanyang mahal. Sabay isang damping halik sa kanyang mga labi.  Iniabot ni Anthony ang mga bulaklak na hawak at inabot nito ang  kanyang kamay tanda ng pag aanyaya sa kanya para tumayo sa kinauupuan niya. At sabi lets go sa dinner natin nag iintay na ang pag kain natin.

              Akala ni Elizabeth sa restaurant sila kakain pero sa isang parang garden siya dinala ni Anthony. Na mayroon live na tumutugtog na violin. Parang sa alapaap siya nag lalakad habang hawak ni Anthony ang kanyang mga kamay. Hindi alam nito kanina pa siya kinikilig sa kagalakan. Daig pa niya ang isang princesa kung ituring nito. Sa mga pag alalay sa kanya . sa totoo lang sa mga movie lang niya ito napapanood. Hindi niya akalain na mararanasan niya ito . sadyang mahal na mahal siya ni Anthony. Ibinibigay sa kanya ang lahat na noon sa panaginip lang niya nakikita. Sabi nga niya kahit sa panaginip hindi niya inisip na mararanasan niya ang lahat ng ito. Napakasuerte niya sa kanyang pag ibig. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili humarap siya kay Anthony at dalawang kamay ang ginawa niyang yakap sa leeg nito at sabay dampi ng kanyang mga labi sa labi ni Anthony. Isang ngiti ang pinakawalan ni Anthony at tanong happy ka ba babes?

              Salamat sa magndang sopresa mo sa akin. Alam mo ba sa mga pelikula ko lang napapanood ang mga ito ni sa hinagap hindi ko pinangarap na mararanasan ang mga ito. Ok upo na tayo para makakain na. kanina pa nag rereklamo ang bituka kong maliit gusto na kasi siyang kainin ni bitukang malaki. Alam naman ni Elizabeth na nag papatawa lang ito. Tumawa siya kahit corny ang kanyang jokes. Habang sila kumakain ani na lang subuan siya nito sa pag kain napaka maasikaso ni Anthony. Walang pag siglan ng galak ang puso niya. Sa sopresang bigay sa kanyang unang date. Pag katapos ng dinner niya pina serve ni Anthony ang kanilang dessert. Pero hindi isang dessert ang nakalagay sa plate kundi isang napakagandang singsing.  Iniluhod ni Anthony ang isang tuhod niya at sabay sabi will you merry me? Nag unahan tumulo ang kanyang mga luha at sabay sabing YES! Hindi niya akalain sa unang date doon mag papahayag ng pag hingi ng kanyang pag sang ayon sa pag papakasal dito.

              Pag katapos nilang mag dinner at pag ask ni Anthony sa kanyang kamay inihatid na siya nito sa kanila. Masyado ng late para sa kanya. Noong dumating siya sa kanila. Hindi makapaniwala na si Elizabeth ang pumapasok sa kanilang bahay kasama si Anthony. At saka nila ipinagtapat sa kanyang mga magulang ang pag ask ni Anthony na pakasal sila at singsing na bigay sa kanya. Hindi na nabigala ang mga magulang niya sapagkat nag paalam na si Anthony sa kanila na hihingin niya ang permiso na pakasalan nitoang kanilang anak.at napag usapan na rin nila kung kailan ang kanilang kasal. Saka palang nalaman ni Elizabeth na inayos ng lahat ni Anthony noong nakipag usap ito sa kanyang mga magulang. At sinabi na rin nito na darating na linggo darating ang kanyang mga magulang para mamanhika sila ng pormal.

              Nang gabing iyon halos hindi nakatulog si Elizabeth sa bilis ng mga pangyayari. Parang hindi talaga siya makapaniwala sa mga ito. Hindi kaya nanaginip lang siya sa mga sandali yaon. Pero kinurot niya ang sarili gising pa rin siya at hindi pa natutulog. Sana kung panaginip man huwag na siyang magising pa. alam niya sa puso niya mahal na mahal niya si Anthony. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong pag mamahal sa isang lalaki. Kay bilis ng mga panyayari isipin mo ikakasal na siya sa susunod na buwan. Hindi kaya kulang ang panahon para ayusin ang lahat para sa kasl. Sa gabing iyon hindi makatulog si Elizabeth sa mga pangyayaring naganap sa buhay niya sa araw na ito. Pero pinilit niyang makatulog para hindi siya mag mukhang puyat na puyat. Sa wakas nakatulog din siya.kahit kay dami niyang iniisip.

              Kinabukasan ring ng kanyang cellphone ang gumising sa kanya. Hindi na siya nag tataka kung sino ang tumatawag nakasanayan na niyang ginigising siya ni Anthony sa umaga. Hindi sumala ang kanyang hula si Anthony nga ang tumatawag sa kanya. Isang masayang pag bati at matamis na mga salita ang kanyang pangising sa inaantok pang diwa.  Babes bihis na mamaya maya nandiyan na ako at susunduin kita para ihatid sa iyong trabaho. Nag paalam na siya sa kanyang mahal at bumangon na siya para mag handa sa pag pasok.

              Hindi pa siya nakakatapos sa pag gayak sa pag pasok nandoon na si Anthony at sinusundo na siya. Habang nag lalakbay sila papunta  sa kanyang trabaho mayroon ibig sabihin si Anthony sa kanya. Ibig nito na mag resign na siya sa kanyang trabaho para asikasuhin nila ang kanilang nalalapit na pag iisang dibdib. Alam niya ito ang hihilingin ni Anthony. Kagabi pa niya iniisip na mag bakasyon sa trabaho para sa kanilang kasal pero di sumagi sa kanyang isip na mag resign. Sabagay tama naman si Anthony kailangan harapin niya ang pagiging may bahay nito. Alam niya na din a niya kailangan mag trabaho pa. kayang kaya naman siyang buhayin nito at magiging masagana pa ang buhay niya. Kaya naman pag dating niya sa trabaho nag paalam na siya sa kanyang supervisor na aalis na siya sa kanyang trabaho at siya mag aasawa na. laking gulat ng mga ito kasi di nila alam na may boyfriend pala siya.

              Laking gulat ng kanyang bestfriend noong sabihin na niya ito na ang kanyang lastday sa pag pasok. At sinabi din niya na mag papakasal na sila ni Anthony sa susunod na kabilugan ng buwan. Laking gulat nito na mapaka dali naman ang kanilang pag kikilala tapos ngayon ay ikakasal na siya. Hindi ka ba nabibigla sa iyong pag papasya na mag asawa agad. Hindi mo pa lubusang kilala si Anthony kung tutuusin kailan pa lang kayo nag kakilala at nagyon ikakasal na kayo. Best naunahan mo pa ako ahh! Yan sabihin mo hindi mo inisip kahit kailan na mauunahan kita sa pag asawa kasi masyadong mapili ang puso ko. Saka nag tawanan silang dalawa. Sa totoo lang best natutuwa ako sa maganda mong kapalaran. Naag puan mo na ang tunay mong pag ibig at swak na swak sa iyong kaligayahan. Hangad ko na sana lumigaya ka sa piling ni Anthony. Paano yang bihira na tayo mag kikita. Mamimis kita ng husto malalayo ako sa bestfriend ko.

              Nag paalam na siya sa lahat ng kanyang kasamahan sa trabaho. Ito na ang huli niyang araw. Pero nag promise siya na babalik siya para dalhin ang invitation sa kanyang kasal. Aasahan ko kayong lahat sa araw ng aking kasal. Sige iintayin naming ang invitation mo.natapos ang kanyang mag hapon na alang tigil  sa kakatanong ng mga kasamahan niya kung sino ang kanyang mapapangasawa. Kay dami niyang naririnig na naiingit sa kanya. Kasuerte daw niya nakabingwit siya ng matabang isda. Mayroon naman nag sasabi ginamit lang niya ang kanyang utak sa pag pili ng mapapangasawa. At mayroon din siyang nadinig na ginamit niya ang kanyang kagandahan para makabingwit ng mayamang lalaki.ang lahat ng ito pinapapasok lang niya sa isang tainga at pinalalabas naman niya sa kabila. Para bang wala siyang naririnig. Iyong iba pabulong kung mag usap at ang iba naman ay sadyang pinaparinig sa kanya. Kung hindi lang siya nakakapag pasensya baka huling araw na lang niya sa trabaho ay mapaaway pa siya. Ang mahalaga sa kanya Masaya siya  sa piling ni Anthony.

              Wala siyang pakialam kung anuman ang isipin ng iba. Hindi naman ang mga ito ang kanyang pakikisamahan sa habang panahon. Basta mahal niya si Anthony at mahal na mahal naman siya nito. Ito lang ay sapat na sa kanya para maging matatag at harapin ang mga sasabihin ng mga tao. Alam niya marami ang maiingit at mag tataas ng kilay sa araw ng kanyang kasal.  Pero kakayanin niya ang lahat basta nasa tabi niya si Anthony. Ito ang nag bibigay sa kanya ng lakas ng loob. Hanggang nadarama niya ang init ng pag mamahal ni Anthony hindi siya pag hihinaan ng loob. Ito ang kanyang kalasag sa lahat ng kanyang pag dadaanan. Kahit ano kaya niyang harapin basta nandiyan lang siya sa kanyang tabi.

              Noong sunduin siya ni Anthony sa trabaho niya sinabi niyang nakapag paalam na siya at ito na ang kanyang huling araw sa pag pasok dito. Naramdaman ni Anthony na mabigat ang kanyang pakiramdam sa pag reresign sa trabaho. Pero kailangan na niyang bitiwan ito para harapin ang nalalapit nilang kasal at ang buhay may asawa. Pinilit ni Anthony na pasayahin si Elizabeth para gumaang ang nadaramang lungkot sa pag kawala ng trabaho at pag kakalayo sa kanyang mga kaibigan. Sabagay hindi naman mapuputol ang kanilang communication pero hindi na sila mag kikita kita araw araw.

              Anong klaseng kasal kaya ang ibibigay ni Anthony kay Elizabeth?  Isa kayang napakagarbong kasalan o simpleng kasalan lang ang magaganap?sino ang masusunod sa pag dating sa araw na ito? ABANGAN! Copyright by Rhea Hernandez 8/2/12


No comments:

Post a Comment