LOVE STORY “ELIZABETH” chapter 6
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Habang dumadaan ang mga araw lalong lumalalim ang pag mamahalan nila Anthony at Elizabeth . At hindi na kaya pang mag tiis ni Anthony na hindi niya Makita ang kanyang minamahal. Hindi siya kuntento na nakakausap lang ito sa telepono. Kaya naman minadali niya ang pag aayos ng mga problema sa kanilang negosyo. Si mommy Lily nag tatanong na kung kailan sila mamanhikan. Gusto na niyang mag ka apo sa madaling panahon. Puede po bang mag intay pa kayo ng kaunting panahon dyan din kami mauuwi ni Elizabeth. Pero huwag natin siyang apurahin. Pero sa kalooban ni Anthony gusto niya makapiling na niya si Elizabeth .
At muling nag uusap sila Anthony at ang sabi niya mga ilang araw na lang makakaluwas na siya ng Maynila. Sa pag luwas niya mag papakilala siya at hihingin na niya ang kanyang kamay sa kanyang mga magulang. Laking tuwa ni Elizabeth sa mga tinuran ni Anthony. Hindi niya akalain ganoon kadali at kaigsi ng panahon ang kanyang ipaghihintay niya para siya ayain ni Anthony na mag pakasal. Biglang nag isip si Elizabeth hindi pa niya nasasabi sa kanyang mga magulang. Wala na siyang dapat aksayahing panahon para sabihin niya ito. Baka dumating si Anthony na hindi pa niya nasasabi ang tungkol sa kanila ni Anthony.
Babes nandiyan ka pa ba? Bakit bigla kang nanahimik? Sinabi niya ang kanyang iniisip. Dapat babes sabihin mo na ngayon ang tungkol sa atin para di sila mabigla sa aking pag dating. Tama ka dapat ko ng ipaalam sa kanila ng tungkol sa atin. Bukas na bukas din kakausapin ko sila tungkol sa ating relasyon. Sana hindi sila tumutol sa maagang pag aasawa ng kanilang magandang anak. Siguradong magugulat sila hindi nila inaasahan mag aasawa ako agad. Ang inaasahan nila tutulungan ko silang mag paaral ng aking mga nakakabatang kapatid. Huwag kang mag alala dyan kahit mag asawa na tayo itutuloy mo pa rin ang pag tulong sa kanila. Sisiguraduhin ko sa iyo yan at kung papalarin ang mag susumikap mag aral ang mga kapatid mo tutulungan natin sila na matupad ang kanilang mga pangarap. Hindi magiging hadlang ang ating pag papakasal sa pag tulong mo sa iyong mga magulang.
Kaya naman kinabukasan humanap ng tamang oras para mag paalam sa kanyang mga magulang. Hindi niya malaman paano niya uumpisahan ang pag tatapat dito. Alam niya na mahihirapan siyang kumbinsihin ang mga ito. Ang napili ni Elizabeth na mag tapat sa kanyang mga magulang habang sila kumakain ng hapunan. Tulad ng kanyang inaasahan nabigla ang mga ito at hindi mapigil ng kanyang ina ang mapanangis. Hindi nila inaasahan mag aasawa agad ang kanilang anak. Sinabi din niya ang pinag usapan nila ni Anthony na tuloy pa rin ang kanyang pag tulong sa pag papa aral sa kanyang nakakabatang kapatid. Hindi napigil ng kanyang ama ang nadarama nasuntok nito ang kanilang dingding dahil flywood lang ito lumusot ang kamoo ng kanyang ama.
Ngayon lang niya nakitang magalit ang kanyang ama pero ang galit niya at kanyang inukuyom sa kanyang damdamin. Natatakot ngaon si Elizabeth sa pag dating ng lalaking kanyang minamahal. Mukhang mahihirapan siyang makuha ang pagsang ayon nito. Siguro kailangan lang nila ang kaunting oras para matangap nila na mag aasawa na ang kanilang anak. Natapos ng wala sa oras ang kanilang hapunan. Walang ibig mag umpisa ng usapan kaya nanahimik na si Elizabeth . Baka sa mukha niya mag landing sa susunod ang mga kamay ng kanyang ama. Takot na takot si Elizabeth sag alit ng kanyang ama. Noon lang niya nakitang nagalit ng ganoon ang ama. Pati ang mga nakakababata niyang kapatid walang imik. Natulog siya na walang malinaw ang kanilang usapan.
Sa muling pag tawag ni Anthony sinabi niya ang nagging reaksyon ng kanyang mga magulang. Isang malalim na buntong hininga lang ang narinig ni Elizabeth sa kabilang linya. Hayaan mo ako ang kakausap sa kanila sa pag luwas ko ng Maynila. Huwag kang masyadong mag alala makakakita tayo ng paraan kung paano natin sila mapapayag sa ating pag papakasal. Alam ni Elizabeth kayang kayang makumbinsi ni Anthony ang kanyang mga magulang. Magaling syang negosyante kaya alam niya makipag deal sa iba’t ibang klase ng tao. Sana nga hindi ito mahirapang kumbinsihin ang mga ito. Huwag kang mag alala babes ako ang bahala kumausap sa kanila. Siguro kaya ganyan hindi pa nila ako kilala at masyado lang silang nabigla sa mga sinabi mo.
Inaasahan na ito ni Anthony alam niya na tututol ang mga ito. Kasi ba naman ni minsan hindi pa siya nakakaharap ng mga ito. Paano nga naman sila papayag na pakasal ang anak nila sa isang estranghero sa kanila. Kailangan humanda siya sa pag papakilala sa kanyang magiging biyanan. Kailangan makunbinsi niya ang mga ito na sa mabubuting mga kamay mapupunta ang kanilang mahal na anak. Hindi siya titigil hanggang hindi niya nakukuha ang kamay ng kanyang minamahal. Na nanabik na siyang makasama ito habang buhay. Hindi niya sinabi kay Elizabeth na nag hahanda na siyang mag pa Maynila sa darating na linggo. Sinabi lang niya na malapit na. susupresahin niya ang kanyang mahal sa kanyang pag dating.
Dumating ang pinakakaiintay na araw ni Anthony. Nasa airport na siya papasakay sa eroplano. Sa isang hotel siya tutuloy habang nasa Maynila siya. Naayos na niyang lahat naibook niya bago pa siya lumipad. Nasa hotel na siya noong tumawag siya kay Elizabeth ang akala nito nasa Palawan pa siya. Alang kaalam alam ito bukas ng umaga susunduin niya para ihatid ito sa kanyang trabaho. Excited na siyang Makita ang kanyang mahal. Gusto na niyang puntahan ngayon sa kanila pero nag pipigil lang siya gusto niyang bukas na lang. inayos na lang muna niya ang mga bagay na kakailanganin niya habang nag stay ditto sa maynila. Kumuha siya ng isang rent a car para sa pang araw araw niyang gamit. Kailangan hatid sundo niya ang kanyang girlfriend habang nandito siya. Isusulit niya ang mga sandali mag kasama sila.
Kinabukasan kay aga mayroon kumakatok sa pintuan ng bahay nila na hindi pang karaniwan. Kaya naman taking taka ang kanyang ina. Noong buksan ang pintuan laking gulat nito isang matipunong lalaki at mukhang kagalang galang, at mukhang isang mayaman. Nag tataka ang kanyang ina kung sino itong naligaw sa kanilang munting barong barong. Ngayon lang sila nag karoon ng ganitong bisita at sa umagang umaga pa. si Anthony ang bumasag ng katahimikan. Napatulala ang kanyang ina sa kanyang kaharap. Inabot ni Anthony ang kanyang kamay at nag pakilala. Saka palang nahimasmasan ito. Ang lalaking sinasabi ng kanilang anak na nag aayang pakasalan siya. Di yata isang mayaman ang lalaking nagugustuhan ng kanilang anak.
Puede po ba akong tumuloy saka palang pinatuloy ng kanyang ina si Anthony. Susunduin kop o sana si Elizabeth para ihatid sa kanyang trabaho. Nandiyan pa po ba siya. Napaka galang ni Anthony sa ina nito. Isang tango lang ang tinugon nito sa lalaki. Saka niya tinawag si Elizabeth at ang sabi mayroon itong bisita. Laking pag tataka ni Elizabeth sino ang magiging bisita niya eh hang aga aga pa. saka papasok na siya sa trabaho. Saka pa mayroon dumating na istorbo. Medyo nakasibangot pa si Elizabeth ng lumabas ng kanyang kuarto nay sino po ba ang bisita ko. Hindi pa natatapos ang kanyang sinasabi natanawan niya ang kanyang boyfriend. Ibig niyang takbuhin at yakapin ang pinanabikan niyang mahal. Pero pinigil niya ang kanyang sarili kasi nakatanaw ang kanyang ina. Babes handa ka na bang pumasok ihahatid kitasa trabaho mo. Hanggang nandito ako sa Maynila ihahatid sundo kita sa work mo.
Saka palang niya naalala ipakilala sa kanyang ina ang kanyang boyfriend. Oo nakilala ko na siya kanina. Nag pakilala sa akin bago kita tinawag. Baka makalimutan mo naka tsinelas ka pa mag sapatos ka na muna saka ka pumasok sa trabaho mo ang sabi ng kanyang ina. Saka palang niya napansin hindi papala siya handa sa pag pasok. Hindi malaman ni elizabethang gagawin noong pumasok sa kanyang room. Gulat na gulat siya sa pag dating ng kanyang mahal. Sa wakas nakatapos din si Elizabeth . Nainip ka ba sa pag hihintay. Hindi naman ok lang alam ko nabigla kita sa aking pag dating. Saka nag paalam na sila sa kanyang ina na papasok na . at ganoon din si Anthony nag paalam ng maayos ito.
Noong nasa car na sila mararamdaman mo talaga na isang tunay na gentleman si Anthony. Sa paglalakad sa pag sakay ng car ipag bubukas ka niya ng pintuan at aalalayan na ngayon lang naranasan ni Elizabeth kaya naman punong puno ng saya ang puso niya. Pag sakay ni Anthony sa car saka siya kinntalan ng isang halik sa labi. Ramdam ni Elizabeth ang pananabik ni Anthony sa kanya. At ganoon din naman ang pakiramdam niya. Gusto niyang yakapin ng mahigpit ang lalaki na minamahal niya. Ang lalaking nag bigay kulay ng tunay na pag ibig sa kanya. Habang tumatakbo ang sasakyan nila hindi napuputol ang kanilang usapan at kamustahan. Siempre pa hindi binibitawan ni Anthony ang kanyang mga kamay habang siya nag mamaneho. At paminsan minsan dinadala nito sa kanyang mga labi at hinahalikan. Sana daw kung di siya nag mamaneho sa kanyang mga labi siya hahalik. Isang pinong kurot ang ibinigay niya sa tagiliran ni Anthony. Dahil doon isang malutong na halakhak ang pinakawalan niya.
Pag dating nila sa mall na pinapasukan kataon sa kanyang pag baba nakita niya naman ang kanyang bestfriend na si Mhara. Nakatanaw sa kanya at nakakintal ang ngiti sa kanyang mukha. Kaya naman tinawag niya ito at pinalapit sa kanila. At pinakilala niya sa kanyang bestfriend ang kanyang kauna unahang nagging boyfriend at sa palagay niya ito ring ang magiging huling lalaki sa buhay niya. Nag kamay ang dalawa ang nag kamustahan. Paano yang friend kailan tayo mag double date? Nandito na ang prince charming mo puede na hindi ka na makakatangi niyan ahh. Si Anthony ang sumagot sa tanong ni Mhara. Ikaw kailan mo gusto habang nandito ako sa maynila kahit araw araw double date tayo. Huwag naman sabi ni Mhara di tatagal an gaming kaban sa iyo. Saka paano kayo mag kakasarilinan kung lagging kasama kami ng BF ko.
Sige na babes pasok ka na sa work mo susunduin kita mamaya sa labasan mo. Ang buong panahon ko ngayon ay para lang sa iyo. Isang halik sa labi ang ibinigay ni Anthony sabay paalam. See you babes, ingats sa pag mamaneho iba dito kaysa Palawan . Huwag kang mag alala sa akin. Lagi akong mag iingat para sa iyo. Lingid sa kaalaman ni Elizabeth namili lang ng pasalubong para sa mga magulang nito at muling bumalik si Anthony sa bahay nila. Gusto niyang makausap ang ama’t ina nito. Gusto niyang makuha ang pag sang ayon sa madaling panahon. Gustong gusto na niyang makasama si Elizabeth ganoon niya ito kamahal. Talagang handa siyang gawin ang lahat maging asawa lang niya ang babaeng kay tagal niyang hinanap. Ngayon kanyang natagpuan hinding hindi siyang papayag na mawala pa ito sa kanya. Kahit lumuhod siya sa mga magulang ni Elizabeth gagawin niya. Mapa sang ayon lang niya ang mga ito sa kanilang kasal. Kahit anong kondisyon tatangapin niya para lang makasama niya ito habang buhay. Ganito niya kamahal si Elizabeth . Alam niya marami ang hindi maniniwala na ganoon katindi ang kanyang nararamdaman para dito. Siya lang ang babae pumukaw sa maselan niyang puso. Kay tagal niyang hinanap ang ganitong pag mamahal hindi niya akalain matagpuan niya ito kay Elizabeth . Talagang mahiwaga ang pag ibig. Hindi mo maaarok kung gaano ito kalalim at kahiwaga.
Sa muling pag haharap ng ina ni Elizabeth at ni Anthony hindi na ito nabigla. Naging magalang naman ito sa kanila at hiniling niya nasana makausap ng masinsinan silang mag asawa. Hindi akalain ng ama ni Elizabeth na maginoong kausap ang boyfriend ng kanilang anak. Ginagamit ni Anthony ang lahat ng kanyang nalalaman sa pakikiharap sa tao. Sana naman hindi siya mabigo sa kanang pakay sa mga ito. Malaki ang kompiyansa niya na makukuha niya ang pag sangayon ng mga ito. Ano na lang ang will power niya sa pag kumbinsi ng tao. Kahit na nga mga magagaling sa negosyante nakukumbinse niya ito pa kaya mga magulang ni Elizabeth na pinag handaan talaga niyang mabuti. Buhat noong malaman niya kay Elizabeth na tahasang inaayawan siya ng mga ito.
Anu ang magiging resulta ng pakikipag usap ni Anthony sa mga magulang ni Elizabeth? Gumana kaya ang mga paraan niya para sumangayon sa kanyang pamamanhikan? Matuloy kaya ang kasal na kanilang pinapangarap? Maging maligaya kaya sila ? ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez 8/1/12
No comments:
Post a Comment