Thursday, September 6, 2012

KAILAN LALAYA ANG PUSO?


KAILAN  LALAYA ANG PUSO?

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Ang kalimutan ka bakit di ko magawa

Pilit iniwawagsi sa isipan bawat ala ala

Dito sa puso ko at isipan hindi mawala

Lagi kong tanong anong gayuma meron ka

 

Hanggang ngayon alipin mo ang puso ko,sinta

Batid ko naman na mayroon kang mahal ng iba

Bakit kay igsi ng ating kasaysayan aking sinta

Sa maigsing panahon bumuo ng magandang alaala

 

Sa aking isipan laging tinatanong bakit ikaw pa

Kung puwede turuan ang puso mag mahal ng iba

Sana matagal ko nang tinuruan ang puso ko sinta

Bakit nga ba minahal kita ng sobra sobra talaga

 

Kahit mahabang panahon ang lumipas na sinta

Nadarama ko para sa iyo hindi nag babago talaga

Ikaw pa rin nilalaman ng puso’t isipan di maikaila

Kailan titigil ang pag tibok ng puso ko iyo sinta

 

Noon ang ating mga pangarap naman ay kay ganda

Bakit bigla kang nag bago nag mahal ka ng iba

Pangarap nating gumuho noong makilala mo sya

Pagdating ng panahon ako ba babalikan mo pa

 

Kay daming tanong dito sa puso ko bakit ganito

Bakit nga ba mga pasakit nagyayari ang mga ito

Itinatanong sa sarili ko anu naging kasalanan ko

Ang ating matatamis na suyuan nag laho giliw ko

 

Nasaan ang mga pangako di mag mamaliw sinta

Lahat naglaho na parang bula di ko na madama

Pag ibig ko sa iyo kailan makakalaya sa nadarama

Sana puso ko makalimot sa pag ibig na walang wenta

By Rhea Hernandez September 6 /2012

Wednesday, September 5, 2012

PALAYAIN ANG PUSO


PALAYAIN ANG PUSO

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Ikaw aking nakilala de guapo pero simpatico

Bakit itong aking puso sa iyo laging natutuliro

Hindi akalain ang dating kong batong puso

Buhat noong makilala ngayon kinikilig lagi syo

 

Marami mga dalaga hinahangad na ikaw masolo

Walang ibig kundi makamtam ang pag suyo mo

Kay daming nag hahangad masungkit ang puso

Isa na ako napabilang sa mga ito sana piliin mo

 

Sadya bang sarado na yaring puso mo

Hindi pa ba limot ang dating pag suyo

Kahit nandito na ako nag aantay sa iyo

Kailan ko mabubuksan yaring puso mo

 

Sana’y pag limot mo sa kanya ako’y nandito pa

Habang nag hihintay sa pag suyo mo naka nganga

Sana sa mahabang panahon maintay pa rin kita

Sana’y ako nalang ang nasa katayuan niya sinta

 

Susubukin kong pasukin ang puso mo

Sana’y pag buksan mo sa pag katok ko

Sadya bang nakapinid nakakandado pa ito

Kung ganoon pipilitin limutin at lumayo

 

Sayang na pag ibig natin di nag katagpo

Mahal kita pero iba ang gusto ng puso mo

Kay saklap naman kapalaran ng pag ibig ko

Ngayon tangap ko na iba tinitibok ng puso

 

Handa na akong sa iyo magpakalayo layo

Bigyan ng katahimikan ang mundo mo

Pag ibig na aking nadarama lilimutin ko

Hahanapin ko ang para sa king pag suyo

 

Papalayain ang pusong umi ibig sa iyo

Para matahimik yaring aking mundo

Panahon na mag sasabi kung magtatapo

Ang mga landas nating liko tuliro puso

By Rhea Hernandez September,05,2012

 

BAKIT NGA BA IKAW ANG AKING MINAHAL!


BAKIT NGA BA IKAW ANG AKING MINAHAL

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Buhat noong mag kakilala di nawala sa isipan

Bakit nga ba ginugulo mo yaring aking katauhan

Noon  tahimik aking buhay ngayon nahihirapan

Dahil ikaw ang aking minahal walang kalayaan

 

Akin pang natatandaan una tayo nag kakilala

Unang pag tatama ng ating mga mata kakaiba

Pati na aking dibdib ayaw tumigil sa pag kaba

Ang iyong pakilala walang asawa ikaw malaya pa

 

Sinuyo mo ako pina ibig pinaikot ng husto

Ako’y naman nahulog itong puso ko sa iyo

Hindi mapigilan tumibok yaring puso ko

Damdaming nadarama kay sarap damahin ito

 

Dahil sa alay na pag ibig nag kulay rosas paligid ko

Masasarap na suyuan  at lambingan ipinalasap mo

Sa piling mo parang laging akong  nasa paraiso

Mag kasama binuo ang mga pangarap  at pagsuyo

 

Anong ligaya ng bawat sandali sa piling mo

Matatamis na mga labi ang natikman ko

Bawat oras ikaw ang hanap hanap ng puso

Anong ligaya ko buhat noong tayo pinagtagpo

 

Bakit ang maliligayan araw ngayon ay kay pait

Bawat sandali ngayon puso nadarama puro pasakit

Hindi akalain dalawa kami dyan sa puso nakaukit

Ngayon wala ng halaga ang matatamis na sinasambit

 

Ang pag mamahalan natin bakit hindi nag tagal

Nasaan na mga pangako tayo’y mag papakasal

Ano itong aking natuklasan dina malaya ikaw kasal

Ngayon aking tanong Bakit nga ba ikaw ang aking minahal?

By Rhea Hernandez September 5, 2012

 

Tuesday, September 4, 2012

BATCH '79 (ngayon)


BATCH ’79 (ngayon)

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Ang batch’79 ngayon isang solid barkadahan

Kung mag kakasama walang nagkakapikunan

Sa bawat sandali punong puno ng kasiyahan

Pag mag kakasama ang grupo panay hagalpakan

 

Lumilipas ang oras na hindi nila namamalayan

Ang mga kuwentuhan laging nilang kinasasabikan

Kahit sa kagipitan nagtutulungan at maaasahan

Ito ang batch’79 isang tunay magandang samahan

 

Hindi kailangan ang isang  magarbong handaan

Kahit mani at butong pakwan ok ng pagharapan

Ang mahalaga lagi lang silang nag kakamustahan

Dito nila muling binabalikan ang kahapon nagdaan

 

Ang mga magagandang kasaysayan at mga kalokohan

Pati na nga ang kanilang naging kasintahan , niligawan

Ang mga lalaking noon na tunay  kanilang kinakikiligan

Sa ngayon kanilang natuklasan di naman pala kaguapuhan

 

Mahabang panahon ang lumipas na hindi nagkikita kita

Halos 33 taon na ang lumipas muling nag kasama sama

Ang batch’79 ay muling binubuo nagtitipon tuwina

Sa mga okasyon malungkot man o ito ay masaya

 

Dito sa batch’79  ang maganda kapalaran tinamasa nila

Iba’t ibang tagumpay ang nakamit ng bawat isa

Iyong masasabi na naging Don and Donya na sila

Naging matagumpay ang landas na tinahak nila

 

Nakakalungkot mang isipin may namaalam na

Sa piling ng Poong Maykapal sila’y masaya

Sadyang ang tao may kanyang kapalaran talaga

Sa ayaw at gusto mamaalam tayo sa mundo isa isa

 

Sa batch’79 dito mo makikita walang plastikan

Hindi nila kailangan ang magarbong handaan

Para sa kanila ang mahalaga ang mag kuwentuhan

At sa bawat sandali ang matutunog na halakhakan

 

Hindi mo matatawaran ang saya iyong mararamdaman

Sa mga pagtitipon tipon na kanila ng nakaugalian

Sa bawat okasyon laging silang nag babatian

Nag sasaya ng walang katapusan nilang tawanan

 

Nakakapanghinayang di ako nakakasama sa barkadahan

Pero humanda kayo pag uwi ko tayo’y magkukuwentuhan

Kukulangin ang mag hapon sa tawanan at ating chikahan

Hindi naman ako maselan puede na ang mani’t butong pakwan…..

Written by Rhea Hernandez September 4, 2012