Wednesday, May 29, 2013

LOVE STORY "REYNALDO"


LOVE STORY “ REYNALDO”

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


               Pangalawa buhat sa panganay  kaya noong mag asawa ang kanilang panganay na kapatid sa kanyang balikat naatang ang pag tulong sa kanyang ina sa pag papa aral ng mga nakakababatang kapatid.  Nag aral ng paka Police pero di nagamit ang pinag aralan at nag trabaho agad. Masaya naman siyang nakakatulong sa kanyang ina. Sabi nga ang mabait na anak hindi kayang tiisin ang ina na  hihirapan sa pag pasan sa  kanilang mag kakapatid.  Maaga kasing pumanaw ang kanyang ama kaya naman hirap ang kanyang ina sa kanilang kabuhayan. Sa gusto niya siya na ang tumatayong panganay sa kanilang mag kakapatid. Ang kuya niya mayroon ng sariling pamilya.

               Noong makilala niya si Isabel  tumibok ang kanyang pihikang puso. Sinuyo niya hanggang mapasagot . naging sila at nag plano ng masayang pamilya. Kaya naman noong sapitin ni Reynaldo ang edad 26 nag plano silang mag pakasa l ni Isabel. Anong ligaya ni  Reynaldo at makakasama  na niya habang panahon ang babaeng kanyang nililiyag. Bumoo ng isang payak at tahimik na pamilya.  Ginawa niya ang lahat para bigyan ng maalwang buhay si Isabel. Kaya naman ang gabi ginagawa niyang araw para kumita ng malaking pera.

                Noong ipanganak ang panangay nila anong ligaya ni Reynaldo sa wakas mayroon ng bunga ang kanilang pag mamahalan ni Isabel. Lalu niyang minahal ang asawa sa pag bibigay nito ng isang malusog na anak na lalaki. Wala siyang pag siglan ng kanyang kagalakan noong marinig niya ang unang uha ng kanyang anak. Nasambit niya ganito pala ang piling ng nagiging isang ama. Kanyang nabulong sa sanggol anak gagawin ko ang lahat mabigyan ka lang ng magandang kinabukasan. Kay liit ng baby natatakot hawakan ni Reynaldo baka mabali niya ang mga buto nito. Napaka fragile naman ng isang bagong silang na sangol. Nasisiyahan na siyang pag masdan at hipuin ng kanyang mga daliri ang baby.

               Lalung nag sumikap si Reynaldo sa kanyang trabaho para sa kanyang mag iina. Habang dumadaan ang mga araw lumalaki ang baby nila ni Isabel lumalaki na rin ang gastusin. Kahit anong gawin niya ganoon pa rin ang buhay. Walang pag babago at pag asenso. Kahit na nga yata mag dumapa siya sa pag kayod hindi sila aasenso. At muling nag dalantao si Isabel.  Dala dala na nito ang kanilang pangalawang anak.  At muli isang lalaki ang kanilang bagong baby.

                 Lumipas ang mga taon nag aaral na ang mga bata. Ang panganay nila nasa  grade 4 at ang bunso nasa grade 2. Ngayong pareho na silang nag aaral lalung hirap na sila sa mga gastusin nahihirapan ng I budget ang kinikita ni Reynaldo. Nag iisip silang mag asawa kung paano ang kanilang gagawin para kahit papaano mabigyan ng ginhawa ang mga anak nila. Kaya naman nag desisyon si Reynaldo na mag abroad. Nag appy siyang isang industrial technician sa isang company sa Saudi Arabia. Sinuwerte naman at nalakad agad siya at maganda naman ang kita . Kaya kahit papaano nakakalasap na ng ginahwa ang kanyang mag iina.

               Ibayong hirap ang dinanas ni Reynaldo . halos masiraan siya ng bait sa kanyang nararamdamang homesick. Pero tuwing maiisip niya kaya siya nandoon ay para sa kinabukasan ng kanyang mag mahal sa buhay. Nakakayanan niya ang kanyang homesickness. Lagi niyang iniisip gaano lang yong dalawang taon . mabilis lang naman itong lilipas.  Bawat araw na mag daan check niya ang mga number nito sa kalendaryo. Araw araw binibilang niya kung ilang araw nalang at makakauwi na siya at makakapiling muli ang kanyang mag iina. Noong mag bakasyon si Reynaldo after 2 years anong saya nilang mag anak. Para na nga ayaw na niyang bumalik uli sa Saudi. Pero kailangan niyang bumalik para sa kanyang mag iina. Para sa kanilang kinabukasan.

               Sa muli niyang pag lisan  mas ibayong sakit nanaman ang kanyang naramdaman noong iwanan niyang muli ang mga ito.hanggang isang araw tumawag si Isabel at ipinag paalam na yong isa nitong pinsang babae ay makikitira sa kanila. Hindi nag dalawang isip si Reynaldo sa pag sagot ng oo. Ang iniisip niya makakabuti sa kanyang asawa ang mayroong makakasama para hindi gaanong mainip tulad niya. Hindi niya akalain ito pala ang pinakamalaki niyang pag kakamali. Mahilig ang pinsan niyang  makihalubilo sa mga kalalakihan. At kung minsan naiimpluwensyahan nito si Isabel na sumama sa mga lakad nito. Dito nag umpisa ang kalbaryo ni Reynaldo.

                 Marami ang nakakaratin sa kanyang balita na ang kanyang asawa ay gunagawa ng hindi maganda. Noong una hindi siya naniniwala. Kilala niya ang kanyang si Isabel. Hindi ito haliparot tulad ng ibang babae. Pero dahil sa pinsan nito na masamang impluwensya. Natutong mapalapit sa ibang lalaki. Kaya naman humingi siya ng bakasyon para pag usapan nilang mag asawa ang pag labas labas nito at pakikipag mabutihan sa ibang lalaki. Noong umuwi siya ramdam na niya na mayroon naiba sa kanyang asawa. Naramdaman niya ang pag lalamig nito at wala na ang dating Isabel na mapag kalingan at mapag aruga sa asawa. Nag usap sila at inayos ang pag kakaroon nila ng mis communication. Bago bumalik si Reynaldo sa Saudi ang buong akala niya natapos doon ang problema nilang mag asawa.

                 Nag kapatawaran sila. Humingi ng tawad si Isabel at binigyan niya ito ng pangalawang pag kakataon. Nangako na mag babago na ito. Iiwasan na niya ang tukso. Parang ayaw na ni Reynaldo bumalik ayaw na niyang iwan ang asawa. Baka sa pag alis niya muling matukso ito. At muli pag taksilan siya. Pero pinagtulakan siya ni Isabel. Paano na daw ang buhay nila kung hindi na siya mag aabroad. Paano na yong mga anak nila. Matitigil sa pag aaral sa pribadong  school. Ibabalik ba nila  uli sa public school. Tuwing maiisip niya ang kapakanan ng dalawa niyang anak.  Lumalakas ang loob niyang bumalik uli sa Saudi. Muling lumisan at nag hanap buhay sa malayong lupain ng Saudi Arabia. Para sa kinabukasan ng mahal niyang asawa at mga anak. Kahit may agam agam sa kanyang puso . wala siyang magawa kundi muling mag tiwala sa kanyang asawa.

               Saktong limang taon na siya sa Saudi noong muling mayroong siyang nababalitaan. Kahit anong tanong niya kay Isabel laging sinasabi nito na sinisiraan lang siya. Kasi naiingit lang ang mag ito sa gumaganda na  nilang pamumuhay. Unti unti na silang nakakapag pundar ng mga gamit at mayroon na silang sariling bahay. Pero hindi mapakali si Reynaldo sa kanyang mga nababalitaan. Malakas ang ugong ng mga balita na mayroong kinakasama ang kanyang asawa. At ang kanyang pinapadalang pera ang ginagastos nila para mag pakaligaya.

               Hindi nakatiis si Reynaldo at hindi siya mapakali. Masama ang kanyang kutob na hindi pa nag babago ang kanyang asawa. Patuloy pa rin siyang niloloko. At nag papasasa sa kanyang pinaghirapan sa Saudi. Kaya naman lingid sa kaalaman ni Isabel kumuha siya ng private inbistigator. Pinasubaybayan niya ang kanyang asawa. At dito nakakuha siya ng solid na ebidensya na pinuputungan siya ng tae sa ulo ng kanyang asawa. Mayroon nga itong lalaki ni walang hanap buhay. Kundi umaasa lang sa kanyang pinapadalang pera. Kaya naman noong mayroon na siyang katibayan pinutol na niyang lahat ang sustento. At  umuwi si Reynaldo ng walang pasabi. Lihim siyang umuwi upang hulihin sa akto ang asawa.

                Kitangkita ng kanyang dalawang mata ang kataksilan ni Isabel. Para siyang pinag sakluban ng langit at lupa. Kung di niya napigil ang kanyang sarili baka napatay niya ang mga ito. Tinatanong niya sa kanyang sarili ano ba ang nagawa niyang pag kakamali at ganito siya ay pinaparusahan . wala naman siyang hinangad kundi ang bigyan  sila ng magandang kinabukasan. Kahit ganoon pa man handa pa rin niyang patawarin si Isabel iwan lang nito ang lalaki niya. Pinapili ni Reynaldo ito ang sabi niya kakalimutan niya ang lahat iwanan na niya ang lalaki niya. Anong kinabukasan ang maibibigay sa kanya nito isang tambay at walang hanapbuhay.

               Lalung nadismaya si Reynaldo noong ang lalaki nito ang pinili ni Isabel. Ibig ipamukha nito sa kanya na mas mahal na niya ito kaysa kanya. Nakalimutan ni Isabel ang kanilang pag mamahalan sa loob lang ng limang taong pag kakahiwalay. Napilitan lang siyang lumayo para sa kanilang kinabukasan . bakit ganito ang hinangad  niya ay magandang buhay para sa kanila . bakit ang pag sasakripisyo niya ay nauwi sa pag kawasak ng kanyang masaya at buong pamilya. Ito ba ang bunga ng pag papakahirap niya sa malayong lugar ng Saudi Arabia. Kaunting ginhawa kay laki ng hininging kapalit.

                Nalaman niya kaya pala yong lalaki niya ang pinili dinadala nito ang una nilang anak. Muling nag dadalang tao ang kanyang asawa pero hindi na siya ang ama. Kung noong anong ligaya niya noong dalhin nito ang kanilang anak ngayon naman ibayong kalungkutan ang dulot nito sa kanya. Upang makalimot at makaiwas sa mga taong makakati ang dila nag pasya si Reynaldo bumalik na muli sa Saudi Arabia. Sa muli niyang pag lipad laylay ang kanyang balikat. Kung noon Masaya siyang umaalis dahil sa isipin gagawin niya ang lumayo para sa kanyang mga mahal sa buhay. Pero ngayon aalis siya para kalimutan ang mga masasakit na nangyari sa kanya.lalayo upang kalimutan ang mahal sa buhay.

               Tatlong taon na ang nakakalipas buhat noong huli siyang lumisan sa pilipinas. Pero eto pa rin siya sariwa pa ang sugat na nilikha ng kanyang asawa. Tuwing naiisip niya parang binibiyak ang kanyang dibdib sa sakit na nararamdaman niya. Sabi nga ng mga kaibigan at kasamahan niya sa trabaho. Mag hanap ka na ng bagong mamahalin para mawala ang sakit ng puso mo. Nahihirapan na siyang mag tiwala muli sa mga babae. Natatakot siyang muling masaktan.  Lalu na ang dami niyang naririnig sa kanyang mga kasamahan na halos pareho ng kanyang karanasan.

               Ngayon ang tingin ni Reynaldo sa mga babae marurupok sa tukso.  Mahirap pag katiwalaan. Matalikod kalang sandali nag hahanap na ng ibang kalinga. Kung puede lang  huwag ng muling mag mahal ang puso niya. Ayaw na kasi niyang masaktan muli. Hirap mag hilom ang sakit. Tuwing naalala niya si Isabel muling nag nanaknak ang sugat ng puso niya. Lagi niyang tinatanong hanggang kalian ito. Kung siya ang tatanungin gusto na niyang makalimot ng tuluyan. Ayaw niya ang kanyang nararamdaman.

                Kalian kaya matutong mag patawad ang kanyang puso? Kailan babalik ang sigla ng buhay? Saan masusumpungan ang tunay na kaligayahan? Mayroon pa bang magandang bukas  na mag iintay sa kanya? Matututo pa bang mag mahal muli ang kanyang sugatang puso? Kay daming katanungan walang makapang kasagutan.siguro hanggang sariwa pa ang sugat sa puso ni Reynaldo ang lahat hindi siya matutotong mag mahal. Wala naman siyang ginawa kundi hangarin at pangarapin bigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mag iina. Pero ano itong kanyang  natamo. Saan ba siya nag kamali lagi niyang tanong sa kanyang sarili? Sana makaalpas na siya sa pighating kanyang  nararamdaman. ** THE END**  ni   Rhea Hernandez 5/29/13  ….   

Monday, May 27, 2013

LOVE STORY "KRISTINE"


LOVE STORY “KRISTINE”

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


               Isinilang sa Mogpog Marinduque , panagnay sa apat na mag kakapatid. Sa murang edad ramdam  na hindi  mahal ng kanyang ama. Kakaiba ang turing sa kanya. Samantala yong tatlo  pang kapatid mahal na mahal naman. Sa mura  edad nag tataka  pero kahit anong isip ang gawin  wala  makapang kasagutan sa kanyang munting kaisipan. Di ba ang dapat  ang panganay  ang unang mabubuhosan ng pag mamahal ng kanyang ama. Pero ano itong nararamdaman niya Para  hindi nakikita ang presensya niya sa ama. Pati sa kanyang ina wala  magawa para sa kanya.

               Sa murang isip naitatanong tuloy niya tunay nga ba siyang anak o ampon lang? lagi naman nilang sinasabi na tunay siyang  anak. Pero hindi ito maramdaman ni Kristine. Lagi  nag hahanap ng kalinga at pag mamahal. Pag dumadating ang kanyang ama may pasalubong para sa mga kapatid  pero para sa kanya ay wala. Parang hindi siya nakikita. At hindi pinapansin. buti pa siguro kagalitan  para kahit papaano mayroon siyang papel sa buhay ng kanyang ama. Na  Kahit papaano mapansin din siya. Sa murang edad ramdam  na niya  kakaiba siya  sa mga kapatid . ang kanyang ina lang ang nag mamahal sa kanya pero hindi naman niya mapakita ito sa kanya pag nandoon ang ama.hanggang sapitin niya ang ika 9 na kaarawan. Na hinding hindi niya makakalimutan.

               Pinag bihis siya ng kanyang ina at pinag lagay ng ilang pirasong damit sa bag. Nagtataka man si Kristine kung saan sila pupunta.Tumalima siya sa utos ng kanyang ina. Tuwang tuwa naman siya ang buo niyang  akala  ipapasyal  siya ng kanyang ina. Na ni minsan hindi pa nito ginawa  kay Kristine. Ang inisip na lang  noon baka dahil birthday niya kaya bibigyan siya  ng supresa. Masiglang masigla siya at pakanta kanta pa nga  habang nagbibihis. Iyon pala panandalian lang ang kanyang kaligayahan. Dinala siya sa bahay ng isa niyang tiyahin na matandang dalaga. At ang sabi  buhat ngayon dito ka na titira. Hindi niya maintindihan ang kanyang ina noon bakit siya ipinapasa sa pag ngangalaga ng kanyang tiyahin. Na ni minsan hindi rin siya kinakitaan ng pag mamahal. Hindi naman siya salbaheng bata bagkus pinipilit pang mag pakabait para mahalin din siya ng mga ito pero wala din.

               Nagtataka bakit pati ang tiyahin niya malayo ang kalooban sa kanya. Hindi niya madama ang pag mamahal . sadya bang ipinanganak  na hindi makakaramdam ng kahit kaunting kalinga ng mga kamag anak. Kailan  kaya masusumpumpungan ang tunay na pag mamahal. Kaya naman nagsumikap na lang sa pag aaral. Para kahit papaano mayroon  marating. Lumipas ang mga taon na hindi  nakakaramdam ng pag mamahal buhat sa kanila.pinagtatanong paano ba mahalin. Dala ng kahirapan pag ka graduate ng high school  vocational lang ang kanyang  tinapos. Na ok naman sa kanya alam naman niya na wala siyang sapat na pera sa pag aaaral . sa murang edad naranasan  mag trabaho para sa kanyang sarili. Kasi ba naman wala naman  maaasahan sa  mga kamag anak. Lalu na sa kanyang ama.

               Noong sumapit sa tamang edad . Nag lakas loob na mag pa Maynila at hanapin ang kanyang kinabukasan. Nag hanap nang trabaho at isinabay ang pag aaral muli. Kahit mahirap iginapang                                                           makatapos ng  medtech mahirap din ang pag sabayin ang trabaho at pag aaral. Pero napagtagumpayan . Umiwas sa barkada at sa mga lalaki. Alam niya na sakit lang ng ulo ang mga ito. Masisira lang ang kanyang  konsentrasyon sa pag aaral. Sa awa ng poong maykapal natapos din niya ang pag aaral ng walang lalaking naging storbo .  ang buo niyang akala hindi na siya iibig. Sumapit siya sa 25 yrs old na di nag kakaroon ng kasintahan.

                Totoo pala ang kasabihan na kahit hindi mo hanapin ang pag ibig kusa itong lalapit sa iyo. Nakilala ni Kristine sa pamamagitan ng isang kakilala itong si Aries. Ang lalaking nag patibok ng kanyang puso. Unang pag kikita palang nag pakita na ng interest  sa kanya. Noong una iniiwasan pa ni Kristine dahil takot siyang mag mahal. Pero naging masigasig ito sa pan liligaw. Hindi naman kaguapuhan itong si Aries pero malakas ang appeal sa mga babae. Malapit sa mga kababaihan siguro dahil na rin maganda ang bukadura nito. Pala biro at mapag biro sa mga babae. Ang buong akala ni Kristine pala kaibigan lang ito kaya malapit sa babae.

               Dahil sa tamis ng dila ni Aries nasungkit nito ang matamis na oo ni Kristine. Mapag mahal at malambing si Aries. Kaya naman tuluyan ng nahulog ang damdamin ni Kristine dito. Anong ligaya niya sa wakas mayroon ng tunay na nag mamahal sa kanya. Kay sarap pala ang pakiramdam na mayroong nag mamahal sa iyo . mayroong nag aalala sa kalagayan mo. Kaya naman noong ayain siyang pakasal ni Aries hindi siya nag dalawang isip. Sumagot agad siya ng oo. Kaya hindi nag tagal ikinasal sila. Sa unang mga buwan anong ligaya ni Kristine. Sa wakas natagpuan na niya ang tunay na kaligayahan. Lagi niyang dinadasal sana huwag ng matapos ang kanyang kaligayahan nararamdaman.

               Iyon pala panandalian lang ang malalasap niyang kaligayahan. Pinatikim lang ito sa kanya tapos ibayong kalbayo ang kanyang papasanin. Ang buo niyang akala wala ng katapusan ang kanyang saya. Pero ano ito kanyang sinapit ibig na niyang pag sisihan kung bakit siya nag pakasal sa ganitong klaseng lalaki. Ang buo niyang akala kay sarap ng buhay may asawa iyon pala isang mabigat na krus ang iyong papasanin habang buhay. Sa  una lang pala Masaya ang pag aasawa. Laluna  ang mapapangasawa mo ay tulad ni Aries . Nag umpisang mag bago si Aries noong ipag buntis niya ang kanilang panganay. Naramdam ni Kristine ang pag lalamig nito sa kanya. Siguro dahil buntis siya.

                Wala siyang ginawa kundi intayin ang pag uwi ng maaga nito galing sa trabaho. Pero laging bigo si Kristine. Madalas inuumaga sa pag uwi at naka inom pa. pag uwi ibabagsak ang pagal na katawan sa kama. Hindi na inisip ang asawang kay laki na ng tiyan. Na halos na mag damag siyang inintay sa pag uwi. Walang magawa si Kristine kundi mag tiis sa mga ipinapakita ng kanyang asawa. Habag sa kanyang sarili ang kaulayaw niya sa maghapon at mag damag. Sadya bang ganito ang buhay may asawa. Masaya lang kayo pag bagong kasal.  Pag lumaki na ang tiyan halos di ka na pansinin. Ang buong akala ni Kristine natagpuan na niya ang kaligayahan sa piling ng kanyang asawa. Pero ibayong pighati ang nadarama niya ngayon. Dapat ba niyang sisihin ang bata sa kanyang sinapupunan? Kung bakit nag bago ang kanyang asawa. Pero hindi ibubuhos niya lahat ang pag mamahal sa kanyang anak. Ipapalasap niya dito ang hindi niya natikman sa kanyang ina.

                   Noong ipanganak ni Kristine ang kanyang panganay na anak anong saya niya at isang malusog na bata. Tumulo ang kanyang luha at umusal na dalangin sana sa pag silang niya muling mag bago ang ama nito at mag balik sa dating Aries ang mapag mahal na asawa. Pero ang lahat ay isang panaginip lang . nag patuloy si Aries sa pag inom at barkada. Walang mahalaga dito kundi ang kasiyahan sa labas ng bahay. Doon napag tanto ni Kristine ito ang tunay na pag katao ng asawa. Walang pakialam sa asawa at anak. Kaya dapat siguro tanggapin na lang niya ang ganoon. Total hindi naman sila pinapabayaan ng kanyang anak sa mga gastusin sa bahay. Kahit papaano hindi pa naman sila ginugutom nito.

               Lumipas ang mga araw nasasanay na si Kristine sa sitwasyon nilang mag asawa. Tanggap na niya napala barkada at pala inom ito.  Hindi niya namalayan muli nabuntis si Kristine sa pangalawa niyang anak. Dito niya naramdaman na dilang mga barkada ang karibal niya kay Aries. Mayroon ng ibang babae kasama sa masama niyang bisyo. Dito na nag simula ang panibagong kalbayo ng buhay ni Kristine. Dito na nag higpit sa pera si Aries. Inuubos niya ang kanyang sueldo sa barkada at babae. Halos wala nang natitira sa kanilang mag iina. Ngayon dalawa na ang kanyang anghel sa buhay. Gagawin lahat ni Kristine para mabigyan ng magandang buhay ang mga ito.

               Kaya napilitan mag hanap ng trabaho si Kristine. Hindi naman siya nahirapang mag hanap ng trabaho. May pinag aralan naman kasi kaya kahit papaano hindi siya nahirapan mag hanap ng mapapasukan. Dito muling natutong mag ayos sa kanyang sarili si Kristine. Kailangan pumasok siya na nakaayos hinihingi ng pag kakataon. Dito lumabas ang isa pang ugali ni Aries ang pakaseloso nito. Kaya daw siya nag papaganda dahil may ibang lalaki sa buhay ni Kristine. Kahit anong paliwanag ang gawin nito kay Aries di naniniwala. Bakit ganoon siya itong kaliwa’t kanan ang babae siya pa ang may ganang mag bintang . hindi na malaman ni Kristine ang gagawin niya sa asawa niya.

               Isang araw habang nasa trabaho si Kristine sumugod si Aries. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito sa kanya. May dalang baril tinutukan siya at pinag bantaan ng papatayin siya. pag hindi niya itinigil ang pag pasok sa trabaho. Dahil daw dito natuto siyang mang lalaki. Hindi malaman ni Kristine kung ano ang kanyang gagawin. Nag uunahan ang kanyang mga luha sa pag patak. Anu bang klaseng asawa mayroon siya. Bakit di siya binigyan ng kahit kaunting kahihiyan sa kanyang trabaho. Bakit siya ginaganito. Wala naman siyang ginagawang masama. Hindi naman niya dinudungisan ang kanyang pangalan. Malaki ang pag papahalaga ni Kristine sa kanilang kasal kaya ni sa guniguni hindi niya inisip ang mang lalaki. Kahit ubot ng babaero lasenggo ang kanyang asawa.

               Dahil sa pangyayari napilitang mag resign si Kristine sa trabaho. At nag stay na lang sa bahay at asikasuhin ang dalawang anak at asawa. Para makatipid pina alis na niya ang kanilang kasambahay at siya na ang nag asikaso sa kanyang mag aama. Nag babakasali siyang sa kanyang gagawin ay matauhan ang kanyang asawa. Pero hindi naganap ang kanyang inaasahan. Naging lalung pasakit ang kanyang dinanas. Ang pag inom at babae nito nadagdagan pa ng pananakit sa kanya pag nakauwi ng lasing. Kahit nasa bahay na lang siya pinag seselosan pa siya na  may lalaki. Halos dina nga siya lumalabas ng bahay para wala ng masabi si Aries. Iniisip na lang ni Kristine natatakot siguro si Aries na gawin niya ang ginagawa nitong pang babae.

              Noong mag  high school ang panganay nilang anak. Ang itunuturing ni Kristine na inainahan pinayuhan siyang mag abroad na lang para makalayo sa pasakit na dinadanas niya sa piling ng asawa. Layuan na niya ito at maiwasan na niya ang mga pananakit sa kanya pisikal at mentally ang hirap na dinadanas niya. Kaya naman noong mag karoon siya ng pag kakataon ang hanap ng agency na puedeng mag palakad sa kanya. Talagang maawain ang Diyos sa kanyang pinuntahan nangangailangan agaran na ipapadala. Kaya naman sa loob ng ilang buwan tumulak siyang mag trabaho sa ibang bansa. Dito nag karoon si Kristine ng katahimikan .

               Noong mag paalam si Kristine sa kanyang asawa bago umalis. Sinabi niyan hinding hindi na siya babalik pa sa piling nito. Kaya ganoon na nga ang ginawa ni Kristine dina muling nag balik pa sa piling ni Aries. kahit papaano nag kakaroon sila ng kommunikasyon para sa mga bata. Pero noong lumaki na ang mga ito at nasa hustong gulang na inihinto na niya ang pag tawag tawag dito deretcho na sa mga bata ang ipinapadalang pera. Para na lang talaga sa kanyang dalawang anak kaya siya nag pakalayo layo . ayaw na niyang balikan ang bangungot ng buhay niya.

                 Buhat noong lumisan si Kristine sa pilipinas hindi siya nag palit ng amo . hanggang ngayon ito pa rin ang boss niya. Itinuring na siyang isang kapamilya ng mga ito. Napamahal na siya dito at dina itinuturing na iba. Mag lilimang taon na siya dito naninilbihan. At hindi pa rin umuuwi sinabi niya sa kanyang sarili hindi siya uuwi hanggang buhay si Aries. Last February namatay si Aries . baka this coming yearr umuwi dalawin ang mga anak na kinasasabikan niyang Makita sa loob ng limang taon. Hindi niya alam kung babalik pa siyang mag abroad o manatili na lang sa piling ng mga anak.

               Hindi alam ni Kristine pag katapos ng mga dinanas niya sa piling ni Aries ay matuto pa siyang mag tiwala muli sa mga lalaki. Kung sakaling mag mahal siyang muli sana naman makatagpo na siya ng isang lalaking mag papahalaga sa kanyang pag kababae at pag katao. Ito lang naman ang dinadasal niya ang matagpuan ang tunay na kaligayahan.  Ang tunay na mag mamahal sa kanya at tatangapin siya kung sino siya at higit sa lahat ang tanggapin ang dalawa niyang anak. Ang dalangin niya sana dumating ang panahon na makalasap ng ligaya at hindi puro pasakit. Sana may magandang bukas na nag hihintay sa kanya.*** THE END*** written by: Rhea Hernandez *** 5/27/13***

         

Thursday, May 23, 2013

LOVE STORY " JULES"


 

LOVE  STORY “ JULES”

NI Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

              Isang binatang pihikan sa pag pili ng babae. Sabi naman ng ibang nakakakilala sa kanya isa daw itong gigolo. Kasi hindi yata marunong  tumangi sa mga babaeng lumalapit sa kanya. Hindi naman sa pag yayabang nasa kanya na yata lahat ang hinahanap ng isang babe. Graduate ng business administration  kaya naman siya ang nag papatakbo ng kanilang negosyo. Ipinag katiwala ng kanyan ama ang pamamahala  nito. Kasi bata pa lang siya inimulat na sa kanya paano patakbuhin ito. Kaya naman related sa business ang kinuha niyang kurso. Umabot siya sa edad 30 na binata pa. ipinagtutulakan na siya ng kanyang ina na mag asawa na. gusto ng kanyang ina bago ipikit ang mga mata maalagaan niya ang magiging apo niya kay Jules.

               Ito ang malaking problema ni Jules. Hindi pa niya nakikita ang tamang babae para sa kanya. Sa daming babaeng nag daan sa kanyang buhay ni isa dito walang nag pakilig sa kanya. Ang hinahanap niya yong sinasabi ng iba na halos sumungaw na ang puso mo masilayan lang ang iyong iniirog.  Kaya madalas niyang itanong sa kanyang sarili mayroon bang  ganitong pag ibig. Totoo kaya ang mga  sinasabi ng marami. Na ang tunay daw na pag ibig yong kahit malayo hindi mo ito papansinin. Kung kahit mahirapan ka ipag lalaban mo pa rin ito. Mayroon nga bang gaanitong klase ng pag ibig. Ito ang gusto kong maranasan. Pag dumating na ito sa buhay ko mag aasawa na talaga ako. Laging sagot ni Jules sa kanyang ina pag kinukulit siya nito sa pag aasawa. Sa totoo lang kunukulili na ang kanyang tainga sa kakatanong ng ina kaya ito ang kanyang sinasagot. Para lang tumigil sa kakakulit sa kanya.

               Kahit anong oras puede na syang mag asawa. Nakahanda siya sa magiging magandang kinabukasan ng magiging asawa niya at mga anak. Malakilaki na rin ang kanyang saving. Pero talaga lang wala pang babae makabihag ng pihikan niyang puso. Maalinsangan ang gabi hindi makatulog si Jules kaya naman nag bihis siya at balak mag libang libang. Ayaw niyang uminom mag isa sa kanyang bar. Masyadong tahimik ang kanyang condo. Para uminom mag isa. Ayaw naman niyang tawagan ang mga kabarkada niyang lumabas. Kaya mag isa na lang siyang pumasok sa isang sikat na bar. Nakamasid lang sya sa mga umiinom at ini enjoy ang kanyang  bote ng beer. Talagang buhay na buhay ang gabi dito sa Las Vegas. Kahit wala kang ka date ok lang mag e enjoy ka pa rin ang bulong ni Jules sa kanyang sarili.

                 Habang tinutunga ni Jules ang bote ng beer mayroon isang pumukaw sa kanyang interest. Isang babae maganda sexy. At nag iisa walang kasama. Nakita niyang palinga linga ito.  Siguro hinahanap niya ang kanyang ka date. Pero nag kamali siya nag hahanap ng pala  ito ng bakanteng table. Nag kataon naman na akupado ng lahat ang table. Ang table lang niya ang may bakanteng upuan. Nanghihinayang man yong waiter na paalisin siya wala namang magagawa kasi alang ng bakante. Pero mapilit ang babae gusto nitong pumasok at uminom. Kaya naman lumapit ito sa table ni Jules at siya na ang nag tanong kung puede syang maki share sa table nito.  Nangngiti si Jules mukhang game ang isang ito . kaya sagot niya ok lang sa akin kung ok sa iyo na kasama ako sa table.

                Yon lang ang inintay nito at umupo na agad. Sabay order ng margarita sa waiter. Pag dating ng kanyang order ininom ito na parang soda lang ang iniinom. Pag katapos umorder ulit ng isa pa. at ganoon din ang ginawa. Hindi nakatiis si Jules at nag tanong siya sa kanyang kasama sa table. Nag papakalasing ka bang talaga. Para ka lang umiinom ng tubig kung tunggain mo yong drinks mo.  Sandali lang lasing ka na niyan. Iyon naman ang gusto ko ang malasing at makalimot sa sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko. Kahit ngayong gabi lang ito. Ang walanghiyang iyon akala niya siya lang ang lalaki sa mundong ito. Makikita niya makakakita rin ako ng higit pa sa kanya. Pag sisihan niya ang ginawa niyang pag iwan sa akin at ipinag palit sa walang kuwentang babaeng iyon.

               Ngayon alam na ni Jules kung bakit ganito ang inaasal ng babae. Sayang maganda pa naman siya. Lokong lalaki yon pinakawalan pa niya ang isang katulad nito. Sa pag bubukas ng saloobin ng babae kay Jules nag kapalagayan sila ng loob. Hanggang sinabayan ni Jules ang pag inom ng babae. Nag kakatawanan na sila at kung ano anona  ang napag uusapan nila. Mukhang nakalimutan nito ang problema sa kanyang boyfriend. Kung kanina mag kaharap lang sila sa table ngayon mag katabi na sila. Nahahawakan na ni Jules ang kamay nito at nakakaakbay na siya sa babae.  Ang bulong sa kanyang sarili ok ito game siguro kaya niya itong ikama ngayong gabi. Hindi nag taka si Jules noong mag aya siyang umuwi  hindi pumalag ang babae.

               Sandali lang mag restroom muna ako. Tawag ng kalikasan.  Ang sabi ni Zhenah , nag tangkang tumayo ito . dala marahil ng kalasingan nawalang ng balance bumagsak ito sa  kandungan ni Jules. Oopps sorry lasing lang. hindi mo na yata kaya samahan na kita sa restroom. Inalalayan ni Jules si Zhenah hanggang sa labas ng restroom. Nag intay siya sa walkway ng papasok ng restroom. Sumandal siya sa wall kasi pakiramdam niya umiikot ang paligid. Lasing na rin yata ako. Naparami ang inom ko dahil sa babaeng iyon.  Huwag ka maganda siya. At parang kay bango bango. Siguro kay sarap halikan ang kanyang mga labi. Ipinilig ni Jules ang kanyang ulo. Bakit siya nag kakaganito. Ngayon lang niya nakilala si Zhenah pinag nanasahan na niya. Gusto ba siya ng aking puso? Hindi matatapos ang gabing ito na hindi kami magiging close sa isa’t isa. Hindi ako papaya na dito matatapos an gaming pag kikilala. Magiging bahagi siya ng buhay ko. Sinusiguro ko ito iba ang dating niya .

               Sa isip naman ni Zhenah ngayong gabi lang siya mag wawala. Pag katapos nito tapos na ang kanyang kabaliwan. Papatunayan niya sa kanyang sarili na hindi totoo ang sabi ng ex boyfriend niya na kapatid niya si Maria Clara. Total hindi naman niya kilala ang lalaking sasamahan niya. Gaano ba yong hawak kamay at akbay. Maligo lang wala na ang mga iyon. Basta mag e enjoy siya ngayong gabi. Mapapatunayan niya sa kanyang sarili na magiging Masaya siya kahit iniwan siya ng lalaking iyon. Bahala na mag patangay sa agos ngayong gabi. Bukas pag gising balik na ulit siya sa totoong Zhenah.

               Patuloy ang kanilang pag inom hanggang hindi na nila kaya ang sarili. Nag tataka man si Jules bakit siya naging ganito sa babaeng ito. Hindi naman niya gawing mamulot ng babae basta basta. Oo marami na siyang naka date pero puro pakilala ng kaibigan niya at hindi ganito unang kita pa lang nila para na silang close sa isa’t isa. Sa totoo lang di pa niya alam ni pangalan ng babae. Saka palang niya naalala itanong dito kung ano ang pangalan niya. Zhenah  ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko. Kaya puede mo na rin akong tawagin Zhenah. Di ba mag kaibigan na tayo. Saka palang sinabi ni Jules ang pangalan niya. Sabay akbay kay Zhenah ayan mag kakilala na tayo kaya friends na tayo. Sabay pa silang tumawa ng malakas.

                Kinawayan ni Jules ang waitress kinuha ang bills nila at sabay na silang lumabas ng bar. Pareho silang susuray suray . kumaway ng taxi at nag pahatid sa kanyang condo si Jules. Pag pasok pa lang sa taxi nag lapat na ang kanilang mga labi. Kung hindi pa sila parehong kinapos ng hangin baka hindi na sila nag hiwalay. Nag tataka si Zhenah at Jules sa kanilang sarili bakit ganoon ang pakiramdam nila sa isa’t isa. Parang kilala ng kanyang puso ang puso ni Zhenah. Sa daming labi kanyang nahalikan na iba ang tamis at dulot ng saya sa kanyang puso ang halik na kanyang nalasap. Para bang mayroong nag bubulong sa kanya na higit pa sa halik ang gusto niyang maganap sa kanila. Kaya naman may ibinulong siya kay Zhenah. Para itong kiniliti sa kanyang bulong pero sabi nito. Hindi ko ibibigay ang pag kababae ko sa lalaking hanggang hindi niya ako pinapakasalan.

               Hindi problema yan kahit ngayon mag papakasal tayo. Kung iyan ang gusto mo. Basta payag kang ibigay ang gusto ko. Oo basta pakasalan mo muna ako. Kaya naman mamang driver narinig ninyo yon gusto ng mahal ko na mag pakasal  muna kami bago ang lahat. Ngingiti ngiti ang driver ng taxi. Kasi alam niya dito sa Las Vegas maraming ganoon. Kaya naman alam na niya kung saan niya puedeng dalhin ang dalawa para makasal. Kahit anong oras mayroong nag kakasal doon kahit madaling araw na. kaya siguro tinawag na sin city ito. Para sa katulad nila. Nag eekis ang kanilang mga paa pag baba ng taxi at pumasok sa isang maliit na parang chapel. May dinatnan silang ilang tao sa loob mga pupungas pungas. Siguro madalang ang nag papakasal  sa ganitong oras.

               Kumpleto rekado sila mayroon na tumayong ninang at abay . ilang minute lang ang inintay niya at nag wika na ito na kiss mo na ang iyong asawa. Di yata may asawa na siya ngayon kay bilis ng pangyayari. Ayan kasal na tayo puede na. mag hohoney moon na tayo. Muling tumawag si Jules ng taxi at nag pahatid sa kanyang condo. Pag bukas palang ng pintuan isa isa ng inaalis ni Jules ang saplot nila. Kakaiba ang nadamang ligaya niya. Kakaiba sa mga babae nag daan sa buhay niya. Ano ang mayroon kay Zhenah na wala sa ibang babae. Parang hindi siya mag sasawang mahalin ito. Parang hinahanap na siya ng puso niya.  Ito ba ang pag ibig sa unang pag kikita. Si Zhenah ba ang babaeng sadyang nakatakda para sa kanya. Pinag saluhan nila ang kaligayahan sa buong mag damag.

               Nakatulog silang dalawa na mag kayakap na ni isang saplot sa katawan ay wala. Tanghali na mga tulog pa sila. Si Zhenah ang unang nagising. Pag dilat niya ng mata bakit wala siya sa bahay nila. Nasaan siya.  Saka palang niya napansin mayroong kamay nakayakap sa kanya. Sinong lalaki ito? Saka niya nakita pareho silang walang damit. Sumigaw siya ng ubod ng lakas. Na siyang ikinagising ni Jules. Love bakit ka sumigaw. Bakit ako nandito ? ano ang ginawa mo sa akin? Bakit wala tayong damit pareho? Ano naman kung pareho tayong walang damit ehh mag asawa naman tayo na. hindi mo na natatandaan ikaw pa nga ang may gustong mag pakasal muna tayo bago ang lahat. Kaya ayon nag pakasal tayo saka nag honeymoon.

                Sinamantala mo ang aking kalasingan kagabi. Hindi kita pinilit gusto mo rin ang nagyari. Saka dina  tayo mga bata . mayroon na tayong mga sariling desisyon . gusto kita gusto mo ako ano pa ang kulang doon at isa pa kasal na tayo. Kagabi lang tayo nag kakilala tapos ngayon mag asawa na tayo. Ibinalot ng kumot ang katawan ni Zhenah at isa isa niyang pinulot ang kanyang mga damit. Saka niya tinutop ng dalawang kamay ang kanyang ulo. Hindi niya maisip bakit niya nagawa ito. Bakit kay dali niyang naisuko ang kanyang pag kababae kay Jules. Samantala kay tagal nilang pinag talunan ng boyfriend  niya ito. Di ba ito ang dahilan ng kanilang pag hihiwalay ang pagiging maria clara niya. Ayaw niyang ibigay hanggang hindi pa sila nakakasal.

                 Pero eto siya ngayon ala pang 24hrs niyang kakilala nakuha na ang lahat sa kanya. Alam ni Jules kagabi pa  niya nabatid  siya ang unang lalaki sa buhay ni Zhenah. Nag tataka man siya bakit bumigay ito sa ganoong kaigsing panahon .  tulad kaya niya ang nadarama ni Zhenah. Pag ibig sa unang pag tatagpo. Sa una palang pag tatama ng kanilang mga mata nanuot na hanggang puso nila. Alam ni Jules ngayong wala ang spiritu ng alak malaki ang mababago. Sabagay kahit sino namang babae mabibigla sa mga nangyari . pero gagawin ko lahat para mapaibig si Zhenah. Ngayong natagpuan ko na ang hinahanap ko hindi ko na ito papakawalan pa. ang bulong ni Jules sa kanyang sarili. Ito pala ang hanap ng puso niya. Ang wagas na pag ibig kahit sa unang kita palang. Ito siguro ang destiny niya. Ito ang sadyang guhit ng palad niya.

                Pareho na silang nakabihis . nag usap ng masinsinan kung ano ang nararapat nilang gawin. Hindi matatanggap ng pamilya ni Zhenah ang mga naganap sa kanya.  Kailangan bumalik sila sa umpisa. Kailangan ligawan siya at umakyat ng ligaw sa kanila ang kanyang asawa. Hindi pa sila puedeng mag sama. Kailangan muna makilala siya ng mga magulang at kapatid ni Zhenah. Kailangan pag daanan ni Jules ang proseso ng isang mangliligaw sa dalaga. At kailangan din na ipakilala ni Jules sa kanyang mga magulang si Zhenah. Gagawin lahat ni Jules para mapaibig niya si Zhenah alam niya na hindi siya mahihirapan  pasukin ang puso ng babae. Naramdaman niya ito noong pinag sasaluhan nila ang pinakamasayang sandal ng buhay niya.

                Tama si Jules hindi siya mahihirapan paamuin si Zhenah. Dahil sa umpisa palang alam na niyang mayroon siyang pag asa na mahalin siya ng lubos ni Zhenah.lumipas ang mga araw at buwan  ang dalawang pamilya tanggap na sila bilang mag kasintahan . siguro time na para ipag tapat nila na hindi lang sila mag kasintahan ngayon kundi matagal na silang mag asawa.  Sa pinag tapat nila sa mama  ni Jules muntik na siyang batukan nito. Loko kang bata ka noon pa kita pinpilit mag asawa para mabigyan mo ako ng apo. Yon pala may asawa ka na di mo pa sinasabi sa akin. Isang malakas na tawa lang ang isinagot ni Jules dito.

                  Paano yan Zhenah uumpisahan na natin ang gumawa ng apo ni mama. Baka lalung magalit yan abutin na ako ng pamalo niya. Ngayon isang masayang pamilya na sila ni Zhenah sa piling ng kanilang dalawang anak. Pinagtagpo ng isang pag kakataon nauwi sa isang wagas na pag mamahalan. Ang pag ibig  nga naman kahit hindi mo hanapin kusang lumalapit sa iyo . kahit saan walang pinipiling lugar at sitwasyon. Kaya maging matiyaga lang tayo sa pag iintay ng para sa atin. Huwag madaliin  baka mausyami. Buti na lang buti kung matutulad sa kanilang ang kinalabasan.

        *****THE END**** Written by : Rhea  Hernandez *****5/23/13

Wednesday, May 22, 2013

LOVE STORY "MELDY"


LOVE   STORY  “MELDY”

Ni  Rhea  Hernandez

Pinoy poems


               Habang nag lalakad sa kahabaan ng isang madilim na eskinita. Nakaramdam ng isang papalapit na panganib si Meldy. May dalawang lalaki na sumusunod sa kanya. Kaya naman binilisan niya ang kanyang hakbang ng di siya abutan ng mga ito. Abot abot ang kanyang kaba. Pakiramdam kasi niya mga masasamang tao ang mga ito. Hindi nga siya nag kamali mga holdaper ang mga ito.  Kahit ano kasi ang gawin niyang hakbang inabutan siya ng mga ito. Kaya naman pilit kinukuha ang kanyang hand bag. Nakikipag laban siya sa mga holdaper kasi nandoon lahat ang kanyang pera .

                Paano na siya pag makukuha ang kanyang pera. Saan siya pupulutin sa kalye siya matutulog. Kay lakas kasi ng kanyang loob na lumayas. Kahit ang buhay niya itataya niya para sa kanyang bag. Ayaw niyang mamalimos sa kalye sa darating na mga araw. Sigaw siya ng sigaw para mayroon makarinig sa kanya. Pero mayroon palang dalang panaksak ang isa. Inilabas ito at ang sabi pag di pa niya ibibigay ang kanyang bag sasaksakin siya.  Kaya naman niluwagan niya ang pag kakahawak sa kanyang bag.

                Handa na niyang ibigay ang kanyang bag bahala na kung sa kalye siya matulog sa mga darating na mga araw ang mahalaga buhay siya. Hindi niya itataya ang buhay niya sa kakaunting halaga. Pero hindi niya akalain mayroon isang tutulong sa kanya. Mula sa likuran ng dalawang lalaki mayroong sumipa sa kanila sabay bunot ng baril at itinutok sa kanila. At sabi isauli ninyo ang bag sa babae. Kung hindi mabubutas ang katawan ninyo. Walang nagawa ang dalawa kundi sundin ang sabi ng lalaki. Pag katapos pinadapa ang mga ito sa lupa. Isa palang alagad ng batas ang tumulong sa kanya. Huwag kang mag alala miss mga dati ng wanted ang mga ito sa kasong pang hoholdap.

               Isinama siya ng pulis sa prisinto para mag sampa ng kaso laban sa dalawang holdaper. Natapos na ang pag sasampa ng kaso. Pero hindi pa rin makatayo si Meldy sa kinauupuan niya. Iniisip niya saan siya mag papalipas ng gabi. Alanganin ng mag hanap siya ng matutuluyan masyado ng malalim ang gabi. Sino pa bang matinong kasera ang mag bubukas sa kanya para lang sa mag tatanong siya kung mayroon pang bakante puede niyang matirhan. Saan kaya siya makakakita ng room na puedeng maupahan yong mura lang baka maubos agad ang baon niyang pera. Kailangan tipirin niya ito hanggang makakuha siya ng mapapasukang trabaho. Kahit ano lang basta marangal.

               Nilapitan siya noong pulis na tumulong sa kanya. Bakit di ka pa umuwi  lumalalim na ang gabi. Tinanaw niya ito sa kanyang mga mata. At parang sinasabing puede ba akong dito na lang mag palipas ng gabi bukas na lang ako aalis. Para makasiguro akong safe. Baka pag umalis ako dito mayroon na namang mga loko na pag samantalahan ako. Nag layas ka sa inyo ano kaya ka ayaw umuwi. Sabihin mo sa akin kung saan ka nakatira at ihahatid na kita. Baka nag aalala na ang mga magulang mo. Sa Mindanao ako nakatira ihahatid mo ako doon? Ang tanong ng dalaga. Mayroon ka bang mauuwian dito sa Maynila. Isang mahinang iling ang sagot ni Meldy. Napakamot sa batok si Randy sa tinuran ng dalaga. Ang lakas ng loob mong mag layas ala ka naman palang pupuntahan.

               Kung gusto mo doon ka muna sa apartment ko mayroon akong isang room na bakante. Kung mag titiwala ka puede kang matulog ngayong gabi sa akin apartment. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Meldy. Hindi na siya sa prisinto matutulog. Noong nag lalakad na sila papunta sa jeep ni Randy. Napapakamot ng batok ito. Anu ba ang pumasok sa kukote niya at inalok niya ang kanyang apartment para mayroong matuluyan si Meldy. Ewan ba niya bakit ang gaang ng loob niya agad kay Meldy. Parang mayroong nag bubulong sa kanya na tulungan niya ito. Hindi niya ugaling mag sama ng ibang tao sa kanyang bahay. Kung maaari lang walang pupunta dito maliban sa kanyang taga linis at taga laba.

              Hindi idineretso ni Randy ang kanyang  jeep sa kanyang bahay. Inihinto niya ito sa isang karinderya . hindi pa kasi siya nag hahapunan. Inalok niya si Meldy kumain pero tumangi ito . kasi kakain pa lang niya kanina.tubig lang ang kanyang ininom habang kumakain si Randy. Bakit ka nag layas sa inyo. Wala lang gusto ko lang hanapin ang aking kapalaran dito sa Maynila. Alam mo ba na masyadong delikado yang ginawa mo. Alam ko akala ko husto na ang aking lakas ng loob para mabuhay dito. Kung ang inaakala mo natitisod lang ang pera dito sa Maynila nag kakamali ka. Ang daming mapapariwara ang buhay kasi kumakapit sila sa patalim para lang mabuhay dito.

               Pagdating nila sa bahay ni Randy maayos ang bahay at malinis. Yong nga lang para bang ang tingin ni Meldy malungkot alang kabuhay buhay ang dating. Mahahalata mo talagang alang babaeng kasama sa bahay. Itinuro ni Randy ang magiging kuarto niya. Iniayos niya ang kanyang gamit sa isang cabinet. Gusto na niyang ilapat ang kanyang likod at pagod na pagod siya sa napakahaba niyang araw ngayon. Ito na yata ang pinakamahaba niyang araw sa talang buhay niya. Kay daming nang yari na di niya inaasahan.pero kailangan pa niyang bumaba at kausapin si Randy.

               Gusto mo dito na lang ako tumira sa iyo. Ako na lang ang mag lilinis at mag lalaba mag luluto para sa iyo. Basta libre tira ako at pag kain. Isang malutong na halakhak ang itinugon nito sa babae. Sige pag iisipan ko ngayong  gabi kung ok lang na dito ka tumira. Tara mag situlog na tayo alam kong pagod ka na rin sa mag hapon  ganoon din ako masyadong madami kaming trabaho sa prisinto. Ang daming mga loko na dapat hulihin . umakyat na ulit si Meldy sa room at sinugurado niyang na ka lock ang pintuan . kahit sa tingin niyang mabait na tao si Randy iba na yong nakakasigurado.

               Pag lapat ng kanyang likod sa kama nakatulog agad. Mataas na ang araw noong magising siya noong lumabas siya nakaluto na ng almusal si Randy.gising ka na pala kain na at saka natin pag usapan yong alok mong maging taga linis at taga laba ko basta libre tira at pag kain. Ohh  ano payag ka na. sige na pumayag ka na wala akong matitirhan dito sa Maynila. Ok lang sa iyo na walang sueldo kasi maliit lang kinikita ko hindi ko kayang mag bayad ng isang kasambahay. Ok lang walang bayad pero ok lang na mag hanap din ako ng mapapasukan. Para makaipon ako at makatapos ng aking pag aaral. Isang taon na lang matatapos ko na rin ang aking kurso.  Pero huwag kang mag alala sisiguraduhin kong malinis ang bahay at malinis lahat ang damit mo. At higit sa lahat ayos ang pag kain mo sa iyong pag uwi ng bahay.

                Ok sige payag ako nakakaawa ka naman wala kang ibang kamag anak na tutulong sa iyo dito. Nag iwan ng pera si Randy para sa pambili ng pag kaing mailuluto niya sa araw na yon. Pag alis ni Randy saka lang siya nag libot sa buong bahay. Pumasok siya sa room ni Randy hindi niya akalain napaka linis ng room niya at nasa lugar lahat ng gamit. Organize ang lahat nakakahiya siya kasi  hindi ganito ka sinop sa kanyang mga gamit. Sabi nga ng kanyang nanay napaka burara niya sa kanyang gamit kung saan saan nakakalat.kahit malinis naman yong kuwarto ni Randy nag linis pa rin siya.kinuha ang mga maduming damit at nag laba siya. Napansin lang niya wala man lang kurtina ang bahay ni Randy at wala man lang mga halamang tanim sa bakuran.

               Pag katapos niyang mag laba at mag linis ng bahay . nag sadya na siya sa palengke. Bumili siya ng ulam at mga sahog sa lulutuin niya. Noong madaan siya sa tindahan ng mga halaman bumili siya ng ilang paso halaman na may bulaklak yong mumurahin lang at ilang pirasong kurtina para sa living room para mag karoon ng buhay ang loob ng kabahayan. Masabing mayroon babaeng nakatira doon. Noong umuwi si Randy nakita niya agad yong halaman na itinanim ni Meldy sa harapan. Maganda naman kahit maliliit pa may bulaklak na. at laking gulat niya noong pumasok siya mayroon ng nakakabit na kurtina sa kanyang living room. At naaamoy niya ang bagong saing na kanin at aroma ng ulam na niluluti ni Meldy. Ohh nandiyan ka na pala hindi ko napansin na dumating ka na.

               Mag palit ka na ng damit mo at matatapos na itong niluluto ko puede na tayong kumain ng hapunan. Kaagad tumalima si Randy umakyat siya sa kanyang room at nag bihis. Nag mamadali siya at agad bumaba nakaramdam siya ng gutom sa amoy ng pag kain. Kay tagal ng hindi siya umuuwi ng maaga sa bahay na iyon. Ni hindi siya nag hahapunan dito. Laging sa karinderya siya nag hahapunan. Uuwi lang siya para matulog. Pero ngayon ang aga niyang umuwi  para mag hapunan at tikman ang niluto ni Meldy.  Masarap mag luto ang dalaga kaya naman naparami ang kanyang nakain. Kay tagal na niyang hindi nakakatikim ng lutong bahay. Puro kasi sa labas na siya kumakain.

               Saan ka kumuha ng pambili ng halaman at kurtina. Sa pera ko sagot ni Meldy mayroon naman akong sariling pera. Papalitan ko kung mag kano yong nagastos mo tipirin mo yong pera mo para sa iyong pag aaral. Di ba sabi mo balak mong tapusin ang kurso mo. Oo sana pero kailangan kong mag hanap muna ng mapag kakakitaan. Kailangan makaipon ng pang tuition fee . kinabukasan  pag alis ni Randy umalis din siya. Subukan niyang mag apply kahit isang sales lady sa isang department store. Pero lahat ng puntahan niya walang bakante. Waiting pa siya kahit iniwan niya ang kanyang bio data alam niya pana sa dilim kung matatanggap siya doon.

                Sa pag lalakad niya nakasalubong niya ang isang babae na nag lalako ng miryenda . nag karoon siya ng idea paano siya kikita ng pera habang wala siyang trabaho. Mayroon pa naman siyang pera para maging puhunan. At isa pa masarap siyang mag luto ng mga kakanin sabi ng nanay niya. Kaya naman nag daan na siya sa palengke namili ng gamit . mag luluto siya ng biko at lumpiang pinirito. Subukan niya kung makakapag benta siya at kikita. Pag dating ni Randy sasabihin niya ang kanyang plano. Mag titinda lang siya pag tapos na siya sa lahat ng Gawain niya sa bahay. Hindi ka ba mahihirapan ang tanong nito sa kanya. Kaya ko naman sanay naman ako sa hirap ehh

                Kinagabihan inihanda na niyang lahat ang kakailanganin para sa pag lalako niya ng mga kakanin. Noong matapos na niyang hiwain lahat ng sahog ng gagawing niyang lumpiang prito inilagay niya sa  ref. at saka niya niluto ang biko. Ok lang na lutuin na niya ngayong gabi hindi naman masisira agad ito. Basta lang maganda ang pag kakahalo. Noong maluto na niya ang biko inilagay niya sa isang maliit na bilao na nilatagan niya ng dahong saging. At nilagyan niya ng latik bawat hiwa. Itinabi niya sa kusina ang niluto niya at umakyat na siya sa kanyang room para mag pahinga. Dahil sa pagod madali siyang nakatulog. Gumising siya ng maaga para sa pag luluto ng almusal ni Randy. Masigla ang kanyang katawan sa isiping kahit papaano makakaipon na siya ng pera para sa kanyang pag aaral. Sa susunod na taon.

               Medaling nakaubos ng mga paninda si Meldy. Sa may palengke siya nag lako alam niya doon maraming tao at marami ang puedeng bumili ng mga kakanin. Nagawi  sya sa may paradahan ng mga sasakyan . nakapila doon ang mga jeep na pabiyahe. At mga tricycle.  Dahil nga may angking kagandahan si Meldy kaya pinag kulupunan siya ng mga driver. Halos lahat bumili sa kanya kaya nakaubos siya agad ng paninda niya. Yong iba nga tahasan sinasabi bibili lang ako kung sasabihin niya ang kanyang pangalan. Hindi naman madamot si Meldy ibigay ang kanyang name. basta ang alam niya nakaubos siya ng mga paninda. Madali lang pala ang mag tinda ng kakanin.

               Tuwang tuwa si Meldy noong umuwi. Binilang niya ang mga pinagbilhan ng kanyang paninda. Madali lang pala ang kumita ng pera basta masipag ka lang sa pag hahanap nito. Kaya naman masigla ang kanyang katawan sa pag aayos muli ng ititinda niya kinabukasan.  Iniisip niya na iba ibang klaseng miyenda ang lulutuin niya para hindi mag sawa ang kaniyang mga suki. Naging regular na niyang suki ang mga driver sa  paradahan. Sinasadya niya talaga ito para bentahan . alam na alam niya na  hindi makakatiis ang mag ito hindi bumili sa kanya.  Kasi kahit may asawa o wala nag papalipad hangin sa kanya. Sabi ng marami hindi bagay sa kanya ang nag lalako ng kakanin . mas bagay daw sa kanya maging isang de opisina.isang matamis na ngiti lang ang isusukli niya sa mga  lalaki.

                Nagtataka si Randy sa kanyang sarili kung bakit lagi syang nag mamadaling umuwi ng bahay. Hindi niya napapansin umiibig na pala siya kay Meldy. Isang araw napaaga ang uwi niya nadaanan niya si Meldy nag lalako pa rin ng kanyang mga paninda. Kitang kita niya na nakikipag tawanan ito sa mga driver ng tricycle at jeep. Pakiramdam niya selos na selos siya sa mag  sandaling iyon. Anu nga ba ang karapatan niyang mag selos. Di ba parang kasangbahay lang niya ito. Wala naman silang relasyon sa isa’t isa.sa tindi ng kanyang selos hindi na siya tumuloy sa pag uwi.  Sa isang beerhouse sya tumuloy at uminom.

               Para uhaw na uhaw siya sa beer isang  tungaan  lang ang laman ng  bote. Bakit ako nag kakaganito ang tanong ng kanyang isipan. Anuba mayroon ang babaeng iyon bakit ako nasasaktan Makita siyang nakikipag mabutihan sa ibang lalaki. Umiibig naba ako sa kanya  ang tanong ni Randy sa kanyang sarili. Susuray suray na siya noong maka uwi sa bahay. Bubuksan pa lang niya ang pinto bigla na itong bumukas. Kanina papala nag iintay si Meldy sa kanyang pag uwi. Buhat kasi noong tumira siya sa bahay ni Randy ngayon lang ito umuwi ng late. Hindi lang yon lasing na lasing pa siya. Kaya naman nag aalala si Meldy baka mayroon malaking problema ito.

               Inalalayan niya hanggang sa loob ng room at tinulungan ihiga sa kama. Kumuha siya ng tubig na mainit at towel pinunasan niya ang mukha ni Randy at katawan para mahimasmasan ito. Para makaramdam ng ginhawa hinubad ni Meldy  ang damit ni Randy.  Habang inaalisan niya ng damit ito nag tataka siya bakit siya kinakabahan. Hindi niya alam kung nasisiyahan siya sa kanyang ginagawa o natatakot siyang magising ito at makitang hinuhubaran niya ang lalaki. Matatapos na siya sa pag pupunas ng buong katawan ni Randy nag bigla itong kumilos at hinawaakan ang mga kamay ni Meldy.  Sa pag kabigla napasigaw siya ng malakas at nabitawan ang hawak na towel.

                Ang higit na ikinagulat niya ang mga sinasambit ni Randy. Di yata mahal siya nito. Dala lang ba   ng kanyang kalasingan ang mga katagang lumalabas sa kanyang bibig. Bakit ganoon nag papakiklig sa kanya ang mga katagang sinasambit nito. May lihim ba siyang pag tatangi sa lalaking ito ang bulong ni Meldy sa  sarili. Mayroon bang katugon ang nadarama niya. Ang akala niya naaawa lang ito sa kanya kaya siya pinatuloy nito. Kaya naman noong halikan siya nito nag paubaya siya. Naging napakakulay ng buong mag damag para sa kanila. Dasal ni Meldy sana nga dina matapos ang gabi. Manatiling silang mag kayakap . pero kailangan niyang gumising baka nanaginip lang siya. Ang naganap dala lang ng kalasingan ni Randy. Siya itong hindi nakainom dapat hindi niya pinatulan ito. Wala sa sariling katinuan dala ng spiritu ng alak kaya nagawa ang pagkalimot. 

                 Maagang nagising si Meldy dahan dahan niyang inalis ang mga brasong nakayakap sa kanya. Ingat na ingat siya sa pag kilos baka magising si Randy. Tulad ng pang karaniwang araw inihanda niya ang almusal at damit ni Randy sa pag pasok. Parang walang nangyari noong nag daang mag damag. Pag gising ni Randy wala na sa kanyang tabi si Meldy. Isa lang bang panaginip ang naganap hindi niya matandaan. para lang siyang nanaginip na kayakap at kasiping niya si Meldy sa buong mag damag. Bakit wala siyang mabakas sa mukha ni Meldy. Bakit walang kakaiba. Isa ngalang bang panaginip ang lahat. Nag iintay lang si Meldy na bangitin ito ni Randy. Bale wala lang ba ang mga naganap sa kanila. Hindi ba mahalaga dito ang pagpapaubaya niya ng kanyang pagkababae.

                Lumipas ang mga araw parang ang nangyari nabaon na sa limot. Pero ano ito nag susuka na siya tuwing umaga. Laging mabigat ang kanyang pakiramdam. Ngayon kinakabahan na si Meldy  ang minsan niyang pag papaubaya ng kanyang pag kababae sa lalaking hindi naman natatandaan ang mga naganap.  Ano na ngayon ang kanyang gagawin . paano siya pananagutan ni Randy ngayon hindi naman nito alam na mayroon  naganap sa kanilang dalawa. Paano niya ipapaako ngayon ang kanyang dinadala wala naman silang relasyon sa isa’t isa. Napapansin na ni Randy ang kanyang pananamlay at walang ganang kumain.  Mayroon ka bang dinaramdam gusto mo dalhin kita sa doctor para malaman natin kung ano na yan. mamaya lang ok na ako huwag kang mag alala.

                 Pag alis ni Randy nag sadya siya sa botika bumili siya ng kit para makasiguro siya sa kanyang hinala. tama buntis nga siya kompirmado positive ang test na ginawa niya. Paano na ngayon ? paano niya sasabihin kay Randy na siya ang ama ng kanyang dinadala? Ni hindi nga niya natatandaan na mayroon nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya aangkinin ang isang responsibilidad na di niya alam na kanya? Paano na ang kanyang mga pangarap? Ito ba ang parusa sa kanya sa kanyang pag lalayas? Kay daming katanungan ni isa wala siyang makapang kasagutan.

                Nag pasya siyang bumalik na lang sa kanila. Siguro kaya naman siyang tanggapin muli ng kanyang ina. Kahit kagalitan siya at saktan nito tatanggapin niya . basta lang mayroon siyang masasandalan  habang  buntis. Sisiguraduhin niyang mabibigyan niya ng magandang kinabukasan ang magiging baby niya. Iniintay na lang niya si Randy para makapag paalam ng maayos sa kanyang pag alis. Naka impake ng lahat ang kanyang mga gamit. Hindi niya malaman dapat bang sabihin niya nag tunay na dahilan kaya siya uuwi na sa kanila o ililihim niya ang katotohanan. Bahala na kung mag kakaroon siya ng lakas ng loob mamaya sa pag papaalam niya sasabihin niya ang buong katotohanan. Na siya ang ama ng kanyang ipinag bubuntis. Tanggapin niya o hindi ito atleast nasabi niya dito ang katotohanan. 

               Kainip inip kay Meldy ang mga   oras . ginawa pa rin niya ang mga nakagawian niyang trabaho sa bahay. nakahanda na lahat pati ang damit na pag bibihisan nito. Pag pasok pa lang ni Randy kita na niya ang mga gamit ni Meldy. Nag tataka siya bakit naka impake na ito. Tinanong siya ni Meldy kung gusto na nitong mag hapunan.  Pag katapos mag bihis. Pero hindi siya pinansin nito bagkus siya ang hinarap at tinanong bakit nakaimpake ang mga gamit niya. Babalik na ako sa amin . paano yong plano mong mag aral. hindi naman ako makakapag aral na lalu na ngayong nag dadalantao ako. Sa pag kasabi niya na buntis siya parang ipinako sa kanyang kinatatayuan si Randy.

                May kasintahan ka ba? Sino ama ng dinadala mo? Wala ka namang pinapakilala sa akin? Wala namang pumupunta dito para ligawan ka? Paano ka na buntis? Sunod sunod na tanong ni Randy. Wala akong kasintahan. At wala din nanliligaw sa akin.  Kung ganoon sino ang ama ng dinadala mo? Tinitigan siya ni Meldy sa mga mata at sinabing ikaw ang ama ng bata sa aking sinapupunan. Natatandaan mo noong minsang umuwi kang lasing na lasing? Mayroong nangyari sa ating dalawa. Akala ko after ng gabing iyon wala na akong problema. Kahit hindi mo naalala na mayroong naganap sa ating dalawa. Pero  eto dala dala ko ang minsang aking pag kakamali. Pero hindi ako nag sisi sapagkat anak ito ng lalaking aking unang natutunang mahalin. Ang lalaking unang umangkin ng aking pag kababae.na siya ring magiging ama ng aking magiging anak.

                  Iyon lang at napalundag na sa tuwa si Randy. Magiging tatay na  ako.   Niyakap si Meldy at binuhat niya ito. Ibaba mo ako baka ako mahulog kawawa naman ang baby.hindi ka aalis hindi mo puedeng ilayo sa akin ang magiging baby ko. At ikaw di mo ako puedeng iwanan ngayon pang nalaman kong mahal mo din ako. Sabay tayong uuwi sa inyo hihingin natin ang pahintulot nilang makasal tayo. Bubuo tayo ng isang masaya at tahimik na pamilya. Bubusugin natin ng pag mamahal ang ating magiging mga anak. Ang lahat ng agam agam ni Meldy sa kanyang puso lahat ay nawala. Napuno ng kasiyahan ang puso niya. Hindi niya akalain na sa ganito hahantong ang lahat. Nag uunahang umagos ang kanyang mga luha sa sobrang kaligayahan. Ang lalaking kanyang minahal sa unang kita palang ay mayroong katugon pala ang pag ibig na kanyang nararamdaman.

                Lumipas ang mga araw buwan isinilang niya ang unang supling nila ni Randy. Wala siyang makapang kahit kaunting pag sisi kung bakit siya nag layas. Dahil dito nasumpungan niya ang tunay na kaligayahan sa buhay. Natagpuan niya ang tunay na pag ibig sa piling nag lalaking kanyang tagapag tangol noon at ngayon dakilang asawa at ama sa kanyang anak. Wala na siyang mahihiling pa. dahil kapiling niya ang kaunaunahang lalaking kanyang minahal ng wagas.

                         ******THE END****** written  by: Rhea Hernandez 5/22/13