Wednesday, August 27, 2014

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 4


HUWAG MO AKONG MAHALIN  Chapter 4

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Kinabukasan maaga palang  gising na si Kelvin ayaw niyang ma late sa unang araw niya sa opisina. Noong ipakilala siya ni Mr.Ramirez ang mga kababaihan mga kinilig sa bago nilang head department.  Guapo na at mukhang kay bango nang magiging boss natin. Kaya lang mukhang suplado ang tipid ngumiti bulong ng isa sa mga empleyado. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Kelvin ang lahat kaya medyo lumingon siya para malaman nito na narinig niya ang sinabi .

Naku Joyce narinig ka ni Mr guapo  sabad ni Daisy. Lagot ka hayan  o  sama ng tingin sa iyo. Dahil sa pag lingon ni Kelvin biglang natahimik ang mga bulong bulungan ng mga empleyado.  Kaya naman noong makaalis na si Mr. Ramirez ay kinausap ni Kelvin ang lahat ng mga under niya sa departamento.

Kung sinoman sa inyo ang may ayaw sa pamumuno ko  sa department na ito .sabihin ninyo sa aking ng harap harapan. Hindi iyong pag nakatalikod ako saka kayo nag bubulungan . Sa akin ninyo ideretcho kung anuman ang ibig ninyong sabihin. Ayaw ko na mayroon maririnig kung ayaw ninyo sa akin bukas ang pintuan ng office ko sabihin ninyo lahat  kung ano ang gusto ninyong sabihin at makikinig ako. Yong ayaw sa pamumuno ko Malaya kayong mag palipat sa ibang departamento o mag resign. Nag kakaintindihan ba tayo.

Mukhang mahigpit ang bago nating boss di tulad ni Mr Santos . Naku mag sitigil na kayo baka marinig nanaman kayo ay unang araw niya ehh masabong tayo ng dalawang beses. Nagtawanan silang lahat. Huwag kayo, mukha naman siyang mabait ahh. Saka di naman siya mukhang galit kanina noong pulungin tayo. Medyo may pagka prangka lang kung ano ang ayaw at gusto niya. Maganda nga ang ganoon para di tayo nangangapa kung ano ang gusto niya.

Pero napapaisip si Mando kapangalan lang kaya ni Kelvin ang bago nilang boss.  Bakit ganito ang aking pakiramdam? Parang si Kelvin na kasama ko noon at itong bagong boss naming ay parang iisa lang . ipinilig  ni mando ang kanyang ulo. At sabay saway sa sarili. Mag tigil ka nga Mando patay na ang kaisa isa mong itinuring na kapatid. Namatay siya mahigit na (16) labing anim na taon na ang  nakakaraan, patay na siya.  Pero kung nabubuhay ito maaaring mag kasing edad sila.talagang di mawala sa isipan ang mga isiping si Kelvin kaibigan niya noon at ito ay iisa.

Si Kelvin ang batang nagpamulat sa kanya ng tama at tuwid na pamumuhay. Utang niya ang mga tinatamasa niya ngayon. Ultimo ang pag mamahal ng ina nito at kanyang naranasan. Utang niya ang lahat ng kung ano mayroon siya ngayon.

Siguro kung hindi sila naging mag kasangga noon ni Kelvin hindi siya aampunin ng ina nito.  Kahit kasi ano ang gawin niya hindi niya mapantayan si Kelvin sa puso ng kinikilala niyang ina ngayon. Hindi niya magawang mapunuan ang puwang sa puso nito. Si Kelvin pa rin ang hinahanap hanap  kahit alam niya na matagal ng patay. Ramdam naman ni Mando na mahal siya nito. Pero hindi pa rin niya mapantayan  si Kelvin. Ano nga ba laban niya dito si Kelvin ang tunay na anak at siya ay isang ampon lang .

Ehem! Hindi niya napansin nasa tabi napala  niya si Kelvin. Sa lalim ng kanyang iniisip. Mukhang lumilipad ang isip natin sa sabi ni Kelvin kay  Mando. Kanina pa ako dito nakatayo sa harapan mo hindi mo ako pansin. Tagos tagusan ang tanaw mo. Oras ng trabaho mukhang nanaginip ka. Hindi naman nag iisip lang ako tungkol doon sa bagong  project nang  ating department. Ganoon ba ,iyong nga sana ang itatanong ko sa iyo. Kailangan ko ang case study nito. At yong proposal  kailangan ko na itong pag aralan.

Hayaan mo pag natapos ko na ang proposal dadalhin ko sa office mo. Kakayanin mo bang matapos hanggang bukas ng hapon. Susubukan  ko kung kakayanin bukas. Huwag mong subukan  gawin mo para matapos. Alam ko di mo kayang tapusin yan hanggang bukas. Kahit nga ilang araw di mo makakayang mag isa iyan. Wala namang  ginagawang apurahan ang mga kasamahan mo. Bakit di ka gumawa ng grupo  para matapos hanggang bukas yong gagawin ninyong proposal.

Team work ang kailangan lalu na sa ganitong situation.  Ngayon mo subukan ang kakayahan mo na humawak ng mga tao. Maging isang captain  ng mga kasamahan  natin . Siguro sa tagal mo dito kilala mo na kung sino at ano ang mga kakayahan  ng bawat isa.

Mukhang mahihirapan siyang pakisamahan ang bago nilang boss. Ibang iba style niya kay Mr. Santos. Sabagay may punto naman talaga siya. Kung di kaya, aminin hindi naman masamang humingi ng tulong sa kasamahan sa trabaho.Sabagay tama naman lahat ng sinasabi niya. Wala naman masama sa mga sinabi niya kanina.bagkus favor naman lahat sa akin!  Siguro  mas tamang sabihin ay nasaling ni Kelvin ang pride ko! ang bulong ni Mando sa kanyang sarili.

Kaya naman tinawag ni Mando ang lahat na kasamahan niya at hiningi nito ang tulong na kailangan niya. Tulad ng sabi ni Kelvin sya ang tumayong captain ng  buong team. Noong una mga tahimik at super seryoso. Isipin mo nga naman kailangan nasa table na ni  Kelvin ang  proposal ng bagong project kinabukasan. Pero noong bandang hapon nag kakatawanan na sila . kasi ba naman malapit na nilang matapos ang pinapagagawa ni Kelvin.  Napapangiti si Mando kung sya lang  gagawa nito baka next week pa niya matapos. Pero sa tulong ng kasamahan niya eto matatapos na.

Hello Kelvin  nagulat pa siya sa pag tawag ni Mr Ramirez. Nagulat siya kasi pinuntahan pa siya talaga ng president ng company. Puede naman na tawagan sya sa telephono. Mayroon ka bang  gagawin tonight? Wala naman .kung ganoon puede mo ba akong samahang mag dinner. Habang nag di dinner mayroon akong idi discuss syo. Walang pong problema. Anong oras po ba gusto ninyong mag dinner at saan .

Huwag ka nang mag abala tungkol dyan nakapag pa reserve na ako . sabay na lang tayo lumabas ng opisina mamaya. Ipasunod mo na lang sa driver ng company yong car mo sa restaurant. Para naman habang daan nakakapag usap tayo.

Sige po , mag kita na lang tayo sa ibaba mamayang uwian. Anu kaya ang pag uusapan namin. Gaano kaya kahalaga iyon. Bakit dina lang dito sa opisina pag usapan. Kailangan pa naming lumabas. Talaga ang mga mayayaman ang daming  ka ek ekan nalalaman.

Kung ano ano lang naman napag usapan nila sa loob ng car. Noong sapitin nila ang restaurang lumapit  ang isang waiter at sinamahan sila  kung saan ang table nila . Nag taka si Kelvin bakit hindi for two ang set ng table. Mayroon pa silang kasama sa dinner sino kaya ito. Noong nakaupo na sila mayroon isang magandang babae na papalapit sa kanila. Simple lang sya pero mababakas mo sa kanyang mga kilos na isa syang sopistikada, napapabilang sa alta sociadad.

Hindi maialis ni Kelvin ang kanyang mga paningin sa babaeng ito. Sa kauna unahang pag kakataon tumibok ng ganito ang puso niya. Ano mayroon ang babaeng ito at ang bilis ng tibok ng puso niya. Sa unang pag kakataon yata ma iin love na siya. Sa isang babae na di niya alam kung sino .

Pero para siyang binuhusan ng isang timbang tubig na may yelo sa kanyang nabatid. Ang babaeng nag pabilis ng tibok ng puso niya ay nag iisang anak Ni Ricky Ramirez yon ang akala niya. Kapatid niya sa ama si Alice Ramirez. Hindi nila alam na mag kapatid sila sa ama. Kailan kaya niya masasabi sa boss niya na siya ang panganay na anak nito. Na kanyang tinangihan buhat noong pumintig siya sa sinapupunan ng kanyang ina. Hindi pa siya inilalabasa sa sanlibutan inaayawan na siya ng kanyang ama.

Lingid sa kaalaman ni Kelvin unang tingin palang  sumasal na tibok ng puso ni Alice Ramirez. Sya ba ang matagal ko nang hinahanap. Ang lalaking  mag papatulala at mag papakilig. Simpleng sulyap lang nito para na siyang pinapaso.  Siya ba ang matagal konang hinahanap. Ito ba ang sinasabi nilang pag ibig. Kay tagal kong nag intay para makita si mr right.

Samantala si Kelvin hindi mapakali. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Hindi maaari mag kapatid kami sa ama. Mali ito mali ang iniisip ko , kaya may kakaibang nararamdaman, baka marahil sa lukso ng dugo. Tama kapatid ko sya kaya ganito ang aking nararamdaman at pag didikta ni Kelvin sa kanyang sarili.

Saan hahantong ang mga nararamdaman nila Kelvin at Alice. Sa unang pag kikita palang nag pahiwatig na ang mga puso nila na nag mamahal na ito.*****ABANGAN*****

Saturday, August 23, 2014

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 3


HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 3

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Tuwang tuwa ang mga umampon kay Kelvin. Nag tapos na may karangalan ang tinuturing nilang anak. Hindi sila nag sisi sa pag kupkop nila dito. Napapaisip si Kelvin siguro mas masaya siya kung ang tunay niyang mga magulang ang kasama niya ngayon sa mahalaga at masayang yugto ng buhay niya. Sana sa kanila niya iaalay ang mga karangalang kanyang tinanggap ngayon araw na ito. Siguro matutuwa sa kanya ang kanyang ina’t ama sa pag aabot niya ng kanyang diploma. Hindi niya maiwasan isipin ang kanyang mga magulang. At sabay tanong bakit siya pinabayaan ng mga ito.

Pag katapos ng graduation sa isang sikat na restaurant sila tumuloy. Isang masaganang hapunan ang kanilang pinag saluhan. Ngayon tapos ka na Kelvin ano na ang plano mo.

Pinag iisipan ko pa po kung alin sa mga offer sa akin ang tatanggapin . marami rami din naman po yong malalaking company na nag padala . di palang po ako nakakapag desisyon. Lahat po kasi maganda agad ang magiging posisyon ko.

Sabagay ikaw nga yong mag graduate ng suma cum laude kung di ka putaktihin ng offer . hindi lang yon ikaw  ang isa sa mga  nag top sa board exam. Wala na talaga kaming mahihiling pa syo. Sobra sobra pa ang ibinigay mo sa kahilingan naming mag aral kang mabuti.

Dahil dyan siguro tama lang ang ibigay naming regalo sa iyo ang katotohanan. Ang lihim ng iyong pag katao. Lingid sa iyong kaalaman anak. Pinaimbistigahan namin ang tunay mong pag katao. Saan ka nag mula at ano talaga ang nangyari sa iyo noong araw na aming kang natagpuan sugatan at nag aagaw buhay. Nakita  ng mag asawa ang kislap sa mga mata ni Kelvin.

Talaga po alam na ninyo kung sino talaga ako? Sa wakas hindi na isang puzzle ang aking pag katao.

Oo at sa palagay naming handa kana para harapin ang katotohanan. Nasa tamang panahon na siguro . kaya lang di naming masabi sa iyo noon ay baka di mo maunawaan kasi masyado ka pang bata. Ngayon nasa hustong gulang kana siguro ito na nga ang tamang panahon.

Kung ganoon po  kilala ninyo ang tunay kong mga magulang at kung paano ako nabaril. At sino ang may kagagawan noon.

Isang mahinang tango lang ang isinagot ang mama at papa niya. Noong araw nakita ka naming sugatan at  walang malay. Iyon din araw na yon nabuwag ang isang grupo ng  sindikato na nag kikidnap na mga bata at ginagawang pulubi sa langsangan. Yong iba namamalimos, nag nanakaw at maging  mandurukot. Dahil bata hindi mahirap sa kanila na turuan ang mga ito. Hindi ka na naming ini report kasi ang akala nila napabilang kana sa mga namatay at nasunog. Napag alaman din naming na ikaw ang naging dahilan kung bakit nabuwag ang sindikato. Hindi lang yon galit na galit sa iyo ang mga ito. Mayroon pang member ng sindikato nakatakas.at ang iba ay nakakulong.  Kaya nag pasya kami na hayaan na ang akala nila na patay kana. Para dina muling manganib ang buhay mo.

Mayroon kang kasamahan na Mando ang pangalan hindi naming alam kung kaibigan mo o kapatid. Sa pag iimbistiga lumabas na kaibigan mo lang ito pero itinuring mong kapatid. Ang huli naming pag kakaalam mayroon din umampon dito. At maganda na rin ang buhay niya.

Hindi lang yon ang regalo naming sa iyo. Ang tunay mong ama ay sya nag mamay ari ng isang pinakamalaking mall . Ang iyong ina  ay isang sales lady nasabing department store.  Ang bali balita noon nabuntis ang iyong ina at ayaw panagutan ng iyong ama. Kasi that time mayroon nang pamilya ito. Ayaw ng iyong ama na maiskandalo sya .

Ricky Ramirez ang pangalang ng iyong ama at Andrea Cruz naman ang iyong ina. Siguro naman kilala mo ang iyong ama. Sya ang may ari ng Ramirez company inc.  Pero wala kaming makuhang balita sa iyong ina. Ang huling tala aming nakalap noong mag karoon ito ng car accident kasama ang nag iisang anak nito. Pero ayon sa balita nawawala din ang batang ito.

Ngayon alam mo na ang buo mong pag katao ano ang plano mo?  Papa kailangan mapatunayan kong si Mr Ramirez ang tunay kong ama. Ito ang aking tutuklasin. Isa ang Ramirez Company Inc. ang nag offer sa akin ng magandang posisyon. Ngayon hindi na ako mahihirapan pang mag desisyon  kung saan ako papasok.

Kelvin anak ano ang mga binabalak mo. Huwag na huwag kang gagawa ng masama. Hindi ka naming pinalaki at binigyan ng magandang kinabukasan para lang sirain mo dahil sa walang hiya mong ama   na walang puso. Ipasa Diyos mo na lang ang lahat. Hindi naman natutulog ito.

Humanda ka Ricky Ramirez pag babayaran mong lahat ang mga ginawa mo sa aking ina at sa akin.  Pag sisisihan mo ang mga ginawa mo sa aming mag ina. Ipapalasap ko sa iyo ang lahat ng sakit at pag hihirap na dinanas ng aking ina. At ang mga di mailarawang sakit noong bata pa ako.

Kaya naman kinabukasan lumakad si Kelvin at nag punta sa Ramirez Company upang tanggapin nito ang trabahong inaalok sa kanya. Mismo si Mr Ricky Ramirez ang nag interview sa kanya. Bakit ganoon kahit kaunti wala siyang mabakas na kahawig niya ito. Wala yong tinatawag nilang lukso ng dugo.  Kahit kumukulo ang dugo niya sa kanyang ama nakukuha pa ring ngumiti dito. Kailangan makuha niya ang 100% na pag titiwala ng sarili niyang ama. Na ni minsan hindi siya itinuring na anak. Nasa sinapupunan palang siya ay inaayawan na siya nito.

Sige Kelvin bukas puede kanang mag simula sa trabaho mo. Tuwang tuwa naman siya dahil walang kahirap hirap natanggap agad siya. At heto mag uumpisa na siya bukas. Saan ka pa hahanap newly graduate kaagad isang department ang hahawakan niya. Iba talaga ang nagagawa ng nag graduate na magna cum laude.

Pag uwi ni Kelvin tuwang tuwa sya noong ibalita niya sa kanyang papa’t mama na tanggap na siya at mag uumpisa na siya kinabukasan. Masayang masaya sila sa naging kapalaran ng kanilang anak. Pero hindi nila maialis ang kaba sa kanilang dibdib. Hindi nila alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Kelvin.

Kinabukasan malakas ang ugong ng bulong bulungan sa Ramirez Company Inc. kung sino ang bago nilang head department. Sino kaya ang bagong promote sa mga kasamahan nila. Iisa lang naman ang napipinto at puede pumalit sa dati nilang head department .  matagal tagal na rin ito kanang kamay ni  Mr .Santos siguro mahigit kumulang 2yrs na sa kanila department ang batang bata at guapong si Mando.

Si Mando na nagsikap at nag aral na mabuti sa tulong ng umampon sa kanya. Itinuring niyang tunay na ina ito. At ganoon din siya parang isang tunay na anak ang turing sa kanya.kahit alam ni Mando na kahit anong gawin niya hindi niya kayang palitan sa puso nito ang pag mamahal sa tunay niyang anak na nawalay sa kanya at matagal na daw patay ang pag kakaalam nila.

Kaya naman siya ang inampon nito kasi alam niya na malapit ito sa yumao niyang anak na si Kelvin. Yong ang buo nilang akala na matagal na itong patay kasama sa mga nasunog noong mabuwag ang grupo ng mga sindikato.  Si Andrea Cruz ang umampon  at  kinikilalang ina ni Mando. Na siyang tunay na ina ni Kelvin. Na ngayon na siyang makaka agaw ni Mando sa posisyon kanyang pinapangarap.  Gusto niya ang posisyong iiwanan ni Mr Santos. At matagal tagal na rin syang tinuturuan ni Mr Santos  kung saka sakaling mag retiro na siya si Mando ang gustong niyang  pumalit sa kanya. Ito lang ang kanyang napipisil na puedeng   pumalit sa posisyon iiwanan niya.

Subalit noong dumating si Kelvin at Mr Ricky Ramirez at inanunsyo na ang bago nilang head department ay walang iba kundi si Kelvin. Hindi mapigil ang mga bulong bulungan ng mga empleyado bakit iba ang inilagay ni Mr Ramirez bakit hindi si Mando. Bagsak ang balikat ni Mando ang inaasahan niya na siya ang ma pro promote bilang head. Akala niya pag uwi niya makapag mamalaki na siya sa mommy Andrea niya. Pero iba ang inilagay ng may ari. Kaya naman laking panghihinayang ang nadama niya.

Ngayon mag kakasama na sa isang company si Mando at Kelvin babalik kaya ang dati nilang samahan/ makikilala pa kaya nila ang isa’t isa? *****ABANGAN*****

Friday, August 22, 2014

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 2


HUWAG MO AKONG MAHALIN  chapter 2

Ni  Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Hiniling ni Mando na sa kanyang grupo mapasama si Kelvin.  Pinagbigyan naman siya ng big boss ng sindikato. Ang buong akala ni Mando malaki ang maitutulong ni Kelvin sa kanya. Lalung babango ang pangalan niya sa big boss. Pero maling mali siya isang tuwid at may paninindigan ito. Ayaw sumunod sa utos niyang  mag nakaw at mandukot.

Kelvin kung gusto mong tumagal dito kailangan kang mag nakaw at kaya mandukot ng mayroon kang malaking intrega sa ating big boss. Para matuwa siya sa iyo. Kung hindi makakatikim ka ng kanyang mala bakal na kamoo.

Bakit naman kailangan kong mag nakaw para kumita ng pera? Puede naman kumita sa malinis na paraan. Hindi natin kailangan mag nakaw at gumawa ng masama. Kailangan lang natin mag sipag at mag tiyaga.

Hindi akalain ni Mando sa murang  edad ni Kelvin mayroon itong maganda  at matatag na paninindigan .  napapahanga siya dito. Sa totoo lang di naman likas ang kanyang kasamaan. Tulad ni Kelvin gusto din niya ang matuwid at malinis na pamumuhay pero ano magagawa niya kung kailangan niyang kumapit sa patalim para mabuhay. Hindi madaling makibaka sa magulong buhay at walang magulang na masasandalan. Walang kamag anak na gustong tumulong at kumalinga sa kanya. Kaya naman dito siya napasama sa sindikato. Dito niya nakita pag kalinga. Kahit ang kapalit gumawa siya ng masama. Mayroon naman siyang kasama.

Alam mo bang para kang matanda na kung mag salita at mag isip. Daig mo pa ako samantala malaki ang katandaan ko sa iyo. Isang matamis na ngiti lang ang ibinigay ni Kelvin kay Mando.

Hindi mapilit ni Mando na sundin siya ni Kelvin. Alam niya na malalagot ito sa kanilang big boss pag walang maintrega malaki. Ano nalang kikitain niya sa pamumulot ng basura at panlilimos. Kaya naman nakakatikim ito ng kamoong bakal ng kanilang big boss. At nakakatulog na walang hapunan. Ganoon pa man hindi natitinag ang paninindigan nito . halos araw araw bugbog sarado ang katawan nito sa kanilang big boss. At walang pag kain.

Dahil sa awa ni Mando pinag tatakpan niya ito sa big boss nila. Kaya naman pinag bubuti niya ang pandurukot, pagnanakaw  lahat na ginawa niya para lang mapag takpan niya si Kelvin. Sa sandali  panahon ng kanilang pag sasama napamahal na ito sa kanya. Hindi mahirap mahalin si Kelvin. Mabait , maalalahanin, at mapag mahal. Kay Kelvin natitikman niya ang tunay na pag mamahal. Itinurin na niya ito na nakakabatang kapatid. Sa maigsi  panahon na kanilang pag sasama.

Hindi alam ng big boss unti unti ng napapaniwala ni Kelvin ang mga bata na mali ang kanilang ginagawa. Masama ang mag nakaw , mandukot. Hindi nila kailangan gumawa ng masama para mabuhay. Mali ang kanilang ginagawa. Bawal sa batas at sa mata ng Diyos  hindi kaiga igaya.

Pero walang secreto na di nabubunyag. Nalaman ng kanilang big boss ang pinag  gagawa ni Kelvin.kaya naman bugbog sarado nanaman ito.

Big boss tama na baka mapatay ninyo si Kelvin.  Hoy! kayong mga bata nakikita ninyo ano ang napapala ng matigas ang ulo. Ang ayaw sumunod sa patakaran ko. Ganito ang sasapitin. kaya kayo mga bata huwag ninyong pamarisan ito kung hindi lahat kayo makakatikim sa akin. Dahil sa kanya napag iinitan tayo ng mga parak.  At ikaw Mando bantayan mong mabuti yang bata mo pag di ako makapagpigil diyan pag pifiestahan sya ng mga daga sa estero.

Unti unting naimulat ni Kelvin ang mga mata ng mga batang kasamahan nila. Na hindi tama ang ginagawa ng big boss nila. Na gawin silang isang pusakal na mag nanakaw tulad nito. Kaya naman nag pasya si Kelvin na isumbong sa mga police ang kanilang sindikato.

Dahil kay Kelvin nabuwag ang sindikato. Kaya ganoon na lang ang galit nito kay Kelvin. Halos mapatay na nang big boss nila si Kelvin. Tanaw na tanaw ni Mando na barilin ito at napahandusay . Ang pag susumbong niya sa police. Ito ang naging daan para mawala si Kelvin.  Kitang kita niya sa malayo na tinamaan ito ng baril .  Ganoon na lang ang iyak ni Mando. Pakiramdam niya namatayan siya ng isang super  hero ng buhay niya. Nawala ang kaisa isang itinuring niyang kapatid. Ang nag palasap sa kanya kung ano talaga ang tunay na pag mamahal. Hindi maubos ubos ang luha niya sa sinapit ni Kelvin. Lingid sa kanyang kaalaman humihinga pa ito.

 Ito ang nag bigay sa kanilang kalayaan . kaya naman ang mga bata kasamahan nila dinala lahat sa bahay ampunan kabilang  si Mando. Dito na nag umpisa ang magandang buhay. Sa bahay ampunan doon naalagaan sila kumakain sa oras laging malinis ang katawan. At higit sa lahat nakakapag aral na sila.

Hindi nag tagal mayroon umampon kay Mando . Buhat noon gumanda na ang buhay nito. Mahal na mahal siya ng umampon sa kanya. Pero di niya makakalimutan ang mga araw na kasama niya si Kelvin. Ito ang nag bigay sa kanila ng maganddang pag kakataon .  Hindi niya sasayangin ang pag bubuwis ng buhay ng kanyang kapatid kahit hindi niya ito tunay na kapatid.

Lingid sa kaalaman ni Mando .mayroon nakakita kay Kelvin tinulungan ito at saka inampon. Itinuring na isang anak. Binigyan ng magandang kinabukasan. Na hindi naman pinag hihhinayangan kasi lumaking napakabait na bata at mapag mahal. Hindi lang yon lagi pang nangunguna sa kanilang klase.

Mayroon isang bagay nabago kay Kelvin. Wala siyang maalala sa naging buhay niya bago siya mapulot ng mga umanpon sa kanya. Ang alam lang niya halos agaw buhay na siya at may tama ng baril. Kung bakit at papaano hindi na niya matandaan. Ang sabi ng doctor sa sobrang troma na inabot niya kusang isinarado ng kanyang utak ito. Kaya wala siyang maalala. Panahon lang ang makakapag sabi kung babalik pa ang alala niya.

Mabilis lumipas ang mga araw taon . ngayon mag tatapos na ng kolehiyo si Kelvin na mayroon mataas na karangalan. Isa siya sa natatangin studyante  sa kanilang university. Tuwang tuwa ang kanyang itinuturing na mga magulang. Hindi sila nag sisi sa pag ampon dito. Hindi lang isang mabait na anak kundi isang mapag mahal.

Mag krus pa kaya ang landas nila Kelvin at Mando ***** ABANGAN*****

Tuesday, August 19, 2014

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 1


HUWAG  MO AKONG MAHALIN  chapter 1

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poem


Namulat ang mata ni Kelvin at nag kaisip siya nakung saan abutan ng gabi doon sya natutulog. Kasama ang mga tao walang mga tirahan. Ang mga itinuturing na tahanan ay ang langsangan. Mas madalas nakakatulog siya ng kumakalam ang sikmura.  Suerte na yong mayroon siyang mapulot na tira tira sa basurahan. At kung mag ka minsan mayroong naawa sa kanya mag bigay ng kaunting limos o tirang pag kain.

Maaga siyang natutong lumaban. Para maitawid ang pang araw araw na buhay. Kahit walang magulang na gumagabay lumaking magalang at masikap sa buhay niya. Pero palaban sa mga taong gustong siyang lunukin ng buo. Kahit bata pa siya makikitaan mo na siya na may angking talino. Minalas lang siya na walang magulang na gumagabay sa kanya. Kahit bata pa nangangarap din siya na balang  araw makakaalis din sya sa kinalalagyan niya. Mararating din niya ang tagumpay.

Hoy ! bata ano ginagawa mo dyan? Sa aming territory ito . noong lumingon si Kelvin isang grupo ng mga kabataan ang nakatingin sa kanya. At sa palagay niya ang pinaka lider nito ang nag sasalita. Tumayo si Kelvin at hinarap ng may kompiyansa sa sarili.

 Sino naman kayo para sabihin sa akin na pag aari ninyo ang lugar na ito. Ang pag kakaalam ko sagot ni Kelvin Public  place ito. Kailan ninyo pa naging pag aari ito?

Dahil sa sinabi ni Kelvin napahiya sa mga kasamahan si Mando. Kaya naman isang malakas na suntok sa sikmura ang inabot niya. Gaganti sana siya ng suntok pero mabilis ang mga kasamahan nito. Nahawakan siya sa dalawang kamay. At isa pa di hamak na malaki ito sa kanya. Kahit anong isip niya di niya kakayaning patumbahin ito.

 Bitawan ninyo ako mga walang hiya kayo. Sino sino ba kayo ? bakit pati ako ay pinag tritripan ninyo. Wala naman kayong mapapala sa akin. Ni wala nga akong pera pang bili ng pag kain ko.

Bitawan ninyo ako wala kayong mapapala sa akin. Ang malakas na sigaw ni Kelvin. Kahit nag papakita siya ng tapang sa kanyang isipan natatakot siya. Sana naman hindi ito ang huling araw niya sa mundong ibabaw.

Nakangisi si Mando at sinabing  Anu ka sinusuerte. Sige dalhin yan kay boss siguradong matutuwa yon sa atin may dala tayong bago member. Siguradong papakinabangan natin sya.

Noong dumating sila sa kanilang hide out nakaliyad ang dibdib ni Mando. Paano naman goodshot nanaman siya ngayon.mayroon syang pasalubong sa kanilang big boss.

Nakangesi si Mando noong humarap sa kanyang Amo. Boss may pasalubong kami sa inyo. Ang pag mamalaki ni Mando.

 Sino naman yang daladala mo Mando. Baka pasakitin lang ang ulo ko niyan.naku boss hindi mukhang may angas palaban . pakikinabangan natin ang tatag at tapang nito. Ayos na ayos  isabak hindi basta sumusuko palaban.

Kaunting hasa lang diyan puedeng isabak. Mukhang madaling matuto sa ating mga raket. At mayroon potential na maging leader ng mga bata sa pag durukot at magnakaw. Sa sinabi ni Mando napangiti ang kanilang amo.

 Ang hirap baka ako ang kalabanin niyan . malalaman natin ang tigas niya. Ilagay siya sa room ng mga baguhan. Isama sa mga bagong dating tulad niya. Opo boss masusunod po !sagot ni Mando. Sabay talima sa utos ng kanilang big boss. Parang maamong tupa si Mando sa pag sunod sa mga utos ng kanilang big boss. kaya naman di siya nakakatikim ng latigo nito.  Ayaw niya maparis sa mg kasamahan niya na laging may latay ng latigo. Dahil hindi sumusunod sa patakaran ng boss nila.

Si Mando tulad din Kelvin na batang gala. Walang magulang at sariling tirahan.kaya naman noong mapasama siya sa grupo sinabi niya sa sarili na gagawin niya ang lahat upang manatili dito.  Maging mabait lang siya at masunurin sa big boss mayroon na siyang matutulugan kahit matigas ang kama niya ok na kaysa noon sa malamig na semento sya madalas natutulog . kumot ay mga diyaryo o kaya karton na kanyang napupulot sa basurahan.

Maging masipag lang siya at laging abot ang kota niya siguradong hindi niya problema ang pag kain sa mag hapon. Hindi siya matutulog ng kumakalam ang sikmura. Kaya naman eto siya ngayon isa na siya sa mga lider ng mga bata. Mayroon na siyang grupo na sumusunod sa mga inuutos niya.  Basta lang ayon sa patakaran ng group nila. Kaya naman pinipilit niya na umabot sa kota ang lahat ng batang hawak niya. Ngingiti ngiti si Mando habang hatid niya si Kelvin sa kuwarto ng mga bagong salta sa group. Sana sa kanya ibigay ni big boss si Kelvin. Sigurado siyang magiging maganda ang kanilang team work nito.

Unang kita palang niya kay Kelvin nakitaan na niya ng angking galing at talino. Di tulad niya na tapang  at pag ka tuso ang puhunan niya.

Ano ang magiging papel ni Mando sa buhay ni Kelvin?***** ABANGAN*****

HUWAG MO AKONG MAHALIN


HUWAG  MO AKONG MAHALIN

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poem


Lumaki sa langsangan walang magulang na nakilala. Ang alam lang kailangan makibaka  para mabuhay . para mag kalaman ang sikmura mamalimos o mamulot ng pag kain sa basurahan. Natutong lumaban sa murang  edad. Alam niya na wala siyang maaasahan sinoman. Sya si Kelvin ang naalala lang niya  sa  kanyang ina mahal na mahal siya nito. Hanggang ngayon ramdam niya ang mga yakap at halik nito. Kung paano nag kalayo sila di niya matandaan. Hindi nga niya tiyak kung pangarap lang niya na yakap yakap siya ng kanyang ina noong bata pa siya . kasi ito lang ang natatandaan niya . ultimo mukha ng kanyang ina di na niya matandaan.  Pero ang mga halik yakap ang maalab na pag mamahal nito ramdam pa rin niya.

Napasama sa isang sindikato, natutong ng mga gawaing masama labag man sa kanya naging sunod sunuran sya sa mga ito. Naging isang mahusay na tauhan para makamtam niya ang kaunting sarap ng buhay. Sya naging lider ng isang pangkat.  Sya ang pinag kakatiwalaan ng pinakalider nila. Umaga palang nag kalat na mga kasamahan niyang bata sa kalye. May namamalimos pero mas mandurukot. Kung mayroon makikita ng pag kakataon.

Nabuwag ang sinasamahang sindikato at napasok sa isang bahay ampunan. Mayroon isang umampon sa kanya pinag aral binigyan ng isang magandang kinabukasan. Pero ang mga ito ay may katapat na kapalit. Na kung minsan iniisip niya na sanay dina sya inampon at pinag aral. Parang mas gusto pa niya ang kalagayan niya sa loob ng sindikato.

Mulat sapul hinahanap na niya ang kanyang ama . gusto niyang itanong dito kung bakit sila iniwanan ng kanyang ina. Bakit pinabayaan siya. Kung di siya inabandon sana di siya nag hihirap ngayon . ang kanyang ama ang sinisisi niya sa lahat .

Hanggang ang kanyang adopted father isang araw kinausap siya na kilala nito ang kanyang tunay na ama. At mayroon syang isang kapatid dito.

Nagsumikap siyang maging isang magaling sa negosyo para mapasok sa company ng kanyang tunay na ama. Hindi niya akalain na sa kanilang pag lalapit makilala niya ang kanyang half sister na di niya sinasadya umibig sya dito.

Paano niya malalabanan ang kanyang nararamdam sa itinuturing niyang kapatid sa ama. Paano siya makakapaghiganti sa kanyang ama na hindi niya masasaktan ang pinakamamahal niyang babae. Sa unang pag kakataon natutong mag mahal ang kanyang puso sa akala  niyang kapatid sa ama. Saan makakarating ang kanyang  pag ibig. Paano niya sasabihin dito na mag kapatid sila. Walang  mararating ang kapwa nilang nararamdaman. Hanggang kailan niya maitatago ang laman ng kanyang puso.