Tuesday, September 16, 2014

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 8


HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 8

 Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Masayang masaya si Kelvin  noong umagang magising mababakas mo kasi  napapangiti ito mag isa. Bago pumasok sa opisina dumaan muna sa isang flower shop. Balak niyang bigyan ng mga bulaklak si Alice. Pag dating sa parking lot  ay   muling  sinulyapan ang  binili niyang bulaklak. Sana magustuhan  ito ni Alice. Ang mga biniling  bulaklak na kay titingkad na kulay pula tulad ng pag ibig niya kasing tingkad ng mga rosas.Tulad ng puso niya na punong puno ng pag mamahal . bawat bulaklak ay para bang nakangiti tulad ng kanyang  puso punong  puno  ng pag asa. Pag dating niya sa parking lot nag dadalawang isip siya kung aakyat na siya o iintayin na lang si Alice doon. Kaya naman nag desisyon siya na intayin na lang nito anumang sandali  darating na ang dalaga. Lagi namang nasa oras ito kung pumasok. Madalas nag kakasabay pa nga sila sa pag baba sa kanilang kotse. Laging mayroong ngiting nakalaan sa kanya ang dalaga.

Pero naiinip na siya wala pang  Alice na dumarating . nagtataka siya bakit wala pa ito. Maaga kayang pumasok  kaya hindi niya nakita  dumating. Kaya naman kinuha niya ang mga bulaklak at tinungo niya ang elevator.  Pag dating niya sa itaas dumeretcho na siya sa opisina ni Alice. Nais na niyang iabot ang mga bulaklak at humingi ng sorry sa mga masasakit na salitang kanyang binitawan noon. Gusto niyang makita ang magiging reaction nito sa gagawin niya. Siguradong matutuwa ito sa kanyang peace offering .

Pero si Kelvin pala ang masosopresa. Wala pa rin si Alice hindi pa rin ito pumasok. Laglag ang balikat na tumuloy  sa kanyang office. Kaya naman inuutos na lang niya sa isang empleyada na ilagay sa isang flower vase ang mga bulaklak. Napansin ni Mando ang pagiging matamlay ni Kelvin. Bro bakit may sakit ka ba masama ba ang pakiramdam mo?  Sana hindi ka na lang pumasok kung masama ang pakiramdam mo. Ang sunod sunod na pag aalala ni Mando para kay Kelvin. Bro wala akong sakit wala lang ako sa mood. Ang mabilis na sagot nito.  Huwag mo na lang akong pansinin lilipas din ito.Puede bang sa inyo ako mag dinner gusto ko lang mag palipas ng aking nararamdaman ko. Baka sakaling gumaan pag kasama ko si mama Andrea. Oo ba matutuwa si mommy pag tumawag ako at sabihin doon ka mag didinner mamaya. Alam mo naman yon basta ikaw napakasigla niyang mag luto pag darating ka sa bahay. Kailan mo nga ba balak ipag tapat sa kanya ang buong katotohanan na ikaw ang pinanabikan niyang anak. Huwag kang mag alala malapit na.

Lingid sa kaalaman ni Kelvin pag katapos nilang mag kitang muli ni Alice sa mall nag pasya itong umalis muna. Natatakot kasi siya na maling signal na naman  ang hatid  nang mga ikinikilos ni Kelvin. Baka lalu lang siyang masaktan. Kaya naman noong oras na maghiwalay sila ni Kelvin kinausap niya ang papa niya. Na aalis muna siya at sa ibang bansa siya muna  hahanap ng katiwasayan ng isipan at damdamin. Saka na niya iisipin ang  tungkol sa kanilang negosyo .

Nag tataka man si Mr Ricky Ramirez  sa mga ikinikilos ni Alice hindi pa rin ito nag  tanong kung ano ang nangyayari sa anak. Kabisado na niya ito . Na kahit anong gawin niya hindi  mapipilit na ipag tapat sa kanya  kung anuman ang dinaramdam nito. Lumaking malayo ang loob ni Alice sa kanyang ama buhat noong mamatay ang kanyang  ina. Alam din niya na siya ang sinisisi nito kung bakit namatay na malungkot ang Ina  ni Alice. Wala daw mahalaga sa kanya kundi ang kanilang company. Kahit na malubha na ang karamdaman ng  Ina niya hindi pa rin mahagilap ang papa niya . lagi itong wala sa bahay laging walang oras para sa kanilang mag Ina. Naitindihan naman niya ang kanyang papa ang  lahat ng ginagawa nito ay para din sa kanilang dalawa ng mommy niya. Pero kahit ganoon mayroon pa rin siyang nararamdamang hinanakit dito.

Hanggang ngayon hindi pa rin niya maitanong sa kanyang ama bakit parang bale wala lang ito sa kanya.  Bakit hindi niya nakitaan ng kahit kaunting  pag dadalamhati sa pag kakasakit ng kanyang Ina. Madalas niyang itanong noon sa kanyang sarili mahal ba  ng  kanyang Ama ang kanyang Ina. Pero kahit minsan hindi niya maisatinig ang mga katanungan sa kanyang Ama. Natatakot siya sa maaaring isagot nito. Natatakot siya na matuklasan ang katotohanan. Na hindi sila minahal ng kanyang Ama .lolokohin niya ang sarili kung sasabihin niya na malaki ang pag kukulang nito bilang Ama. Sa totoo lang binibigay nito ang lahat ng pangangailangan niya. Buhat noong bata pa siya,  tama sa mga material na bagay bastante siya. Bagkus sobra sobra pa nga sa kanyang inaasahan.

Kung alam lang ni Alice  ang buong katotohanan hindi siya mag tatanim ng kahit kaunting hinanakit sa kanyang Ama.  Alam ni Alice sa puso niya mahal na mahal niya ito. Kahit marami silang hindi napag kakasunduan madalas. Hindi nag babago ang pag galang at pag mamahal niya sa Ama niya. Yong nga lang hindi niya alam paano nga ba maging malapit dito. Ito na ang nakasanayan nila ang maging malamig sa isa’t isa. Pareho nilang hindi alam paano nga ba ipapakita ang tunay nararamdaman sa bawat isa.

Habang papalayo ang eroplanong sinasakya ni Alice alam niya ang kanyang puso naiwan. Ang pag ibig niya kay Kelvin na kahit minsan alam niya na hindi mag kakaroon ng katuparan. At ang matagal na niyang iniintay na mahalin din siya ng kanyang Ama. Ang maramdaman niyang hindi siya laging nag iisa. Kailan nga ba siya masasanay  sa pag iisa. Bakit lagi siyang umaasa na sanay mahalin din siya ng mga taong kanyang minamahal. Sadya bang ipinanganak siya sa mundong ito na laging namamalimos ng pag mamahal. Kung alam lang ni Alice mahal na mahal siya ng kanyang ama at ng lalaking mahal niya na si Kelvin. Hindi lang marunong mag paramdam ng pag mamahal ang kanyang ama. Ang alam niya basta ibinigigay niya ang lahat ay sapat na ito para maipadama ang pag mamahal niya. Basta sagana at maginhawa sa buhay magiging kuntento na. kung alam lang ng papa niya hindi niya kailangan ang mga karangyaan binibigay nito sapat na yong lagi silang mag kasama tulad ng ibang mag aama .

Hindi namamalayan ni Alice bumabalong na pala ang kanyang mag luha. Bakit nga kay aga binawi ang hiram na buhay ng kanyang Ina. Di sin sana punong puno siya ng pag mamamhal nito. Ang kanyang ina lang naman ang tunay na nag mamahal sa kanya. Mis na mis na kita  mama sanay buhay ka pa .  Hinahanap hanap ko ang mga haplos mo sa aking buhok pag ganitong ako’y nalulungkot. Isang haplos lang ng iyong pag mamahal  lahat ng lungkot at pag aalala napapalis.  I wish sana kapiling pa rin kita hanggang ngayon.

Pinahid ni Alice ang mga luha  at sabay usal na mag pakatatag ka babae wala na ang iyong Ina  matuto kang lumaban sa agos ng buhay. Huwag kang maging mahina sa mga mata ng taong walang pag papahalaga sa iyo. Wala silang iniintay kundi ang pag kalukmok mo. Ang pag bagsak mo sa iyong kinalalagyan. Huwag mong hayaan na maging masaya sila sa iyong pag luha. Huwag mong ipakitang mahina ka. Lumaban ka sa agos ng buhay.  Walang lalaban para sa iyo kundi ikaw. Unti unting naiba ang expression ng mukha ni Alice matapos pag sabihan ang sarili. Ito na ang huling iyak mo Alice Ramirez. Ipangako mo ito sa iyong sarili. Sumilay ang isang mapaklang ngiti sa kanyang mga labi.

Lumipas ang mag hapon na wala sa mood si Kelvin. Iniisip niya paano muli niyang makakausap si Alice. Noong mag uuwian na nakasabay niya papuntang parking lot si Mr Ricky Ramirez.  Nag kabalitaan at nag kamustahan. Kaya naman nag karoon siya ng pag kakataon itanong bakit hindi na pumapasok si Alice.  Ewan ko ba sa batang iyon pabago bago ang isip . sabi niya sa akin noon nag eenjoy na siya sa pag tratrabaho dito tapos bigla bigla na lang ayaw ng pumasok tapos kahapon laking gulat ko na nag papaalam na lilipad siya papuntang America. Kaya ayon  kaninang umaga sumakay siya sa unang eroplanong lumipad papuntang  America.  Hindi ko alam kung kailan nanaman siya babalik. Sabay bungtong hininga. Alam ni Kelvin na mabigat sa kalooban nito ang pag alis ng nag iisa niyang anak.

Lalung naging malungkot si Kelvin noong malaman na umalis ng bansa si Alice. Alam niya na siya ang isa sa mga dahilan bakit ito bilaang umalis . bagsak ang balikat ni Kelvin noong sumakay sa kanyang kotse. Nag lulumo siya sa katotohanang hindi na niya muling makikita si Alice.  Ngayong umalis si Alice  ano na ang kakahinatnan ng mga nadarama nilang damdamin sa isa’t isa. Kailan kaya nila aaminin  na mahal nila ang isa’t isa.*****ABANGAN*****

Friday, September 5, 2014

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 7


HUWAG MO AKONG MAHALIN  chapter 7

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Kailangan tapusin na niya ito. Gagawa na siya ng paraan para patunayang  anak siya ni Ricky Ramirez. Kung papa ano may naisip na siya . kailangan ma pa test niya ang DNA nilang dalawa. Sa ganitong paraan lang hindi na maitatanggi nito na anak siya.  Pero paano , hindi naman puedeng humingi siya ng sample para mapa test.  Ahh ! si Alice mas madaling kuhanan ng sample. Kailangan makipag bati siya dito . lalapitan niya ito hihingi siya ng sorry sa kagaspangan ng ugaling ipinakita niya  para maaya niyang mag kape o kumain sa labas para makuha niya kung  ano  ang kailangan niya para sa pag test ng DNA.

Samantala sa tagal na mag kakasama sila Mando at Kelvin sa iisang opisina naging close na rin sila at mag kasundo sa maraming bagay. Tulad dati noong mga bata pa sila  madali napalapit sa isa’t isa.  Pakiramdam nila matagal na silang mag kakilala. Lingid sa kaalaman ni Kelvin unti unting tinutuklas ni Mando ang buong pag katao nito. Kahit sa kinikilala nitong magulang . nalaman niya ang storya ng buhay ni Kelvin. Hindi lang kasi sa opisina ang pagiging mag kaibigan nila.  Naging mag kabarkada kahit sa labas ng opisina. Mag kasama sa mga gimikan ng mga tulad nilang mga binata. Nag kataon naman na iisa lang ang hilig nilang sport. Pati sa pag kain mag kasundo sila kaya naman madalas silang lumalabas  after office hour.

Dahil dito ang lihim ng pag katao ni Kelvin hindi na mahirap para kay Mando na alamin. Dahil dito napatunayan niyang ang Kelvin noon at sa ngayon ay iisa. Gustong gusto na niyang sabihin dito ang kanyang natuklasan pero paano pag sinabi niya ito mawawalan siya ng mommy. Babawiin kaya ni Kelvin ang kinikilala niyang ina. Na alam na alam niya na hindi pa nabubura sa puso nito ang nawawala niyang anak. Saan  siya pupulutin after ipag tapat niya ang katotohanan.

Pero dala ng kanyang konsensya hindi niya matiis na itago kay Kelvin ang katotohanan sa kanyang mga natuklasan. Kahit wala itong maalala sa kanilang kahapon .  ipinagtapat ni Mando ang lahat. Sinabi niya ang mga araw na mag kakasama sila sa sandikatong kanilang nasalihan noon mga bata pa sila. Sa mga pag kukuwento ni Mando unti unting bumabalik sa kanyang alaala ang kahapon.  Sa tulong ni Mando ang nawawalang karanasan sa kahapon ng buhay ni Kelvin ay kanyang naalala na ngayon. Ang mga pasakit at hirap na dinanas nila sa loob ng sindikato. Ang magandang samahan nilang dalawa. Ang pag tuturingan nila na parang mag kapatid.

Kaya pala ang gaang agad ng loob ko sa iyo kasi ikaw pala ang aking kuya. Doong sa madilim kong kahapon ikaw pala ang aking karamay. Nag yakap sila hindi mapigilan ni Kelvin ang pag agos ng kanyang mga luha. Parang bumalik siya sa pag kabata noon na si Mando ang kanyang taga pag ligtas. Ang nag iisang tumayo lumaban para sa kanya noon.

Mayroon pa akong ipag tatapat sa iyo. Ang tunay mong ina ang siya kong kinikilalang ina. Siya ang umampon sa akin noong malaman niya na para tayong  mag kapatid. Noong mabatid niya na patay kana ang mga alala mo dahil sa akin lagi niyang binabalikan. Hindi siya nag sasawa na makinig  sa pag kukuwento ko tungkol sa iyo.  Kahit anong gawin ko hindi ko mapalitan at matumbasan ang pag mamahal niya sa iyo. Ang kawalan mo hindi ko mapunuan sa puso ni mama. Kahit kailan hindi kita napalitan sa puso niya. Alam ko minahal din niya ako pero ibang klase ang pag mamahal niya sa iyo. Isa siyang ulirang ina. Naging mabait siya sa akin at busog ako sa pag mamahal niya. Ang mga gusto niyang ipalasap sa iyo sa akin niya ginagawa. Kahit alam kong hindi para sa akin natutuwa ako mayroong isang ina akong nasasandalan hanggang ngayon. Maraming salamat dahil sa iyo naranasan ko mag karoon ng isang ina.

Tara sumama ka sa akin ipapakilala kita kay mama. Kay tagal ka niyang kinasabikan. Ngayon na kaagad agad. Hindi kaya siya mabigla kung mag papakilala ako agad na anak niya?  Ano gusto mo ipakilala muna kitang kaibigan ko? Hayaan mo munang mag kalapit kami saka ako mag papakilala sa kanya. Dahil sa kahilingan ni Kelvin ganoon nga ang ginawa nila. Unang kita palang ni Kelvin iba na agad  ang naramdaman niya. Ibig niyang yakapin at sabihing inay ako ang nawawala mong anak. Pero paano baka mabigla siya at atakihin sa puso. Baka hindi niya kayanin ang katotohanan.  Sabi nga ni Kuya Mando mahina ang puso nito. Kailangan unti unti ang gagawin niyang palapit dito.

Pero di alam ni Kelvin unang kita palang sa kanya ng kanyang ina iba na ang naramdaman nito.  Nag tataka siya bakit tuwing makikita niya ang kaibigan ni Mando kay lakas ng tibok ng kanyang puso.  Bakit kung nawawala na ito sa kanyang paningin hinahanap hanap niya ito. Kaya naman madalas sabihan niya si Mando na kumbidahin ang kaibigan niyang doon sa kanila mag hapunan  at mag luluto siya. Na siya namang gustong gusto ni Kelvin para mapalapit siya sa kanyang ina. Kaya naman noong lumaon naging tambayan na nila ni Mando ang bahay nito.

Lumabas na ang DNA nila ni Alice Ramirez bakit ganoon negative ang resulta. Hindi sila mag kapatid.  Ano ang katotohanan hindi siya anak ni Ricky Ramirez  o kaya si Alice Ramirez ang hindi anak. Dahil sa resulta ng DNA naging palaisipan sa kanya ang buo niyang pag katao. Sino nga ba ang tunay niyang ama. Dahil dito naging masaya ang puso niya. Hindi na niya kailangan supilin kung ano ang nararamdaman niya. Hindi pala sila mag kapatid ni Alice. Kay tagal niyang pinarusahan ang kanyang sarili na hindi naman pala dapat.

Dahil sa resulta ng DNA nila nag karoon ng kalayaan ang mga nararamdaman nila sa isa’t isa. Wala ng hadlang para tikisin pa ni Kelvin kung ano ang nararamdaman niya kay Alice. Saka na niya problemahin kung sino sa kanilang dalawa ang tunay na anak ni Ricky Ramirez. Ang mahalaga ngayon may laya na siyang ligawan si Alice. Ang babae unang nag patibok ng kanyang puso. 

Masiglang masigla si Kelvin noong pumasok siya sa opisina. Sabik na siyang muling masilayan ang kanyang minamahal. Sana nga pumasok na uli ito  ngayon. Parang kay tagal na hindi sila nag kita. Muli sinulyapan ni Kelvin ang mga bulaklak na kanyang binili bago pumasok.  Halos mabingi siya sa lakas ng kalabog ng kanyang dibdib. Ngayon lang siya mag bibigay ng bulaklak sa  isang babae. At ngayon din lang siya manliligaw kung saka sakali. Sana naman hindi siya pahirapan ni Alice. Sa dami  binigay niyang pasakit dito natatakot siya na baka naging manhid na ang puso nito para sa kanya.

Naalala pa niya ang huli niyang sinabi dito na  HUWAG MO AKONG MAHALIN  na kahit kailan hindi mag kakaroon ng katuparan ang kanyang nararamdaman para sa akin. Sana mapatawad niya ako  ang usal na dalangin ni Kelvin.  Alam niya kasi na sobra nasaktan si Alice sa kanyang mga binitiwang salita  dito. Sana naman hindi pa huli ang lahat para sa aming pag mamahalan.  Bakit kasi hindi niya agad naisip na mag pa DNA.  Di sana matagal na silang naging masaya  at hindi niya nasaktan ang damdamin ng dalaga. Mapatawad kaya ni Alice si Kelvin?  *****ABANGAN*****

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 6


HUWAG MO AKONG MAHALIN  chapter 6

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Lumipas ang maraming araw , linggo at buwan hindi nagsawa si Alice sa pag paparamdam kay Kelvin na  mahal niya ito. Pero ganoon pa rin ito sa kanya malamig pero nararamdaman naman niya na may care ito sa kanya. Kaya naman naguguluhan siya sa kung ano talaga ang saloobin nito sa kanya. Tulad kanina sa may parking lot pag baba niya sa kanyang car hindi siya tumitingin sa dinaraanan niya mayroon kasi siyang kinakalikot sa kanyang bag. Hindi niya napansin ang paparating na sasakyan na muntik na siyang mabundol nito. Nandoon si Kelvin para I save siya sa muntikan niyang aksidente.

Doon ramdam na ramdam niya ang pag aalala nito sa kanya. Pakiramdam nga niya para siyang babasaging cristal kung pangalagaan at ingatan. Ang kanyang  yakap at titig ng mga sandaling iyon habang  siya  inililigtas  sa aksidente. Para bang punong puno ng pag  aalala at pag mamahal. Tumatagos sa kaibuturan ng kanyang puso. Halos mag dikit na nga ang kanilang mga labi.

Ipinikit ni Alice ang kanyang  mga mata at kanyang iniintay na mag lapat ang kanilang mga labi. Pero walang labing lumapat sa kanyang  mga labi bagkus isang nakakabinging salita ang narinig niya. Sa mga labi nito. Anu ba Alice bakit ba kung mag lakad ka ay tatanga tanga ka. Kung di ko naagapan nabundol ka ng sasakyan ng isang tatanga tangang  driver. Sa susunod kasi kung tatawid ka mag iingat ka at huwag yong kung ano ano ginagawa mo.

Sa kanyang narinig para siyang napahiya sa kanyang sarili . para makabawi sa masasakit na salitang binitiwan ni Kelvin isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha nito. Sabay sabi bitiwan mo nga ako. Para kang nakakaloko niyan hanggang ngayon yakap yakap mo ako. Anu ka sinasamantala mo ang pag kakataon para mayakap mo ako. Dahil doon bigla siyang binitawan nito. Kaya naman muntik na siyang  mapasalampak sa semento.

Gigil na gigil si Alice  pero sa totoo lang may kilig siyang naramdaman sa pang yayari.  Iyong isipin na halos mag lapat na ang kanilang mga labi. Amoy na niya ang hininga nito. Sayang sana hinalikan na siya nito. Hindi naman siya tatangi. Bagkus  tatanggapin niya ng taos puso. Siguro siya na ang pinakamaligayang babae kung nag kataon. Isang matamis na ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi. Sayang talaga, mayroon din kaya pag mamahal sa kanya si Kelvin? Natatakot lang dahil mag kaiba ang mundo aming ginagalawan.

Samantala si Kelvin sinisisi ang sarili. Ano ba ang pumasok sa isipan mo at muntik mo nang halikan ang kapatid mo! Ang paninisi ni Kelvin sa kanyang sarili.  Bakit ba pag dating sa kanya nasisira ang pag control sa iyong sarili. Bakit hindi isang pag mamahal ng isang kapatid ang nararamdaman mo  sa kanya.  Sabi ng kanyang isip pero ang puso niya iba ang idinidikta. Mahal na mahal niya ito. Hanggang kailan niya kayang kalabanin  ang nadarama ng kanyang puso.

Kailangan kausapin na niya si Alice na ibaling sa iba ang nararamdaman nito. Hindi sila ang para sa isa’t isa. Kailangan tapatin na niya ito para mabaling sa iba ang kanyang nararamdaman. Baka umasa siya na mag kakaroon ng katuparan balang araw ang nadarama niya para sa akin. Kaya naman nag lakas loob si Kelvin na tapatin na si Alice. Kumakatok si Kelvin sa opisina ni Alice panay ang buntong hininga niya. Kaya ba niyang saktan ang babae ito. Alam  na alam niya sa puso niya kung maaari huwag makaramdam ng sakit at pighati ang babaeng  pinaka  mamahal niya. Pero kailangan tapatin na niya ito. Para hindi masaktan lalu pag dating ng araw.

Noong makita ni Alice na si Kelvin ang bisita niya sa kanyang opisina. Parang lumundag sa tuwa ang puso niya. Ano kaya nakain ng lalaking ito at naisipan siyang  dalawin sa kanyang opisina.  Matagal tagal na rin siya dito pero ngayon lang siya sinilip nito .  kaya naman siya nag papakahirap mag opisina araw araw para lang mapansin siya nito. Alam na alam ng papa niya na wala siyang balak mag trabaho. Noon kahit anong pilit nito na pag aralan ang pag papatakbo ng kanilang negosyo lagi niyang tinatanggihan. Pero eto siya nag oopisina at siya pa ang humiling sa papa niya na mag tratrabaho siya.  Kahit nag tataka hindi na nag dalawang isip ito na bigyan siya ng mataas na posisyon sa kanilang company. Hindi naman nag sisi ang papa niya sa pag bibigay sa kanya ng nasabing posisyon kasi ginagawa naman niyang ang lahat para magampanan ang posisyon niya. Para  mapansin ni Kelvin ang kanyang kakayahan.

Ayaw niyang isipin nito na abo ang laman ng kanyang ulo. Nakikipag tagisan siya ng talino dito. Alam niya ang gusto ni Kelvin sa babae yong  may laman ang utak . kaya naman ginagawa niya ang lahat para hindi siya mapahiya dito.  Sadya namang may angking galing at talino si Alice pag dating sa negosyo.  Yong nga lang may pagka spoil brat kung minsan.

Malalim ba ang iniisip mo papansin ni Kelvin .  Ano ba ang kailangan mo at naligaw ka sa opisina ko? Alam ko naman na iniiwasan mong magawi dito. Kung hindi importante hindi mo ako papasyalan dito sa opisina ko. Oo tama ka mayroon akong importanteng sasabihin sa iyo. At sana maintindihan mo ako kung ano at bakit.

 Sabihin mo at pilit kong iintindihin kung anoman ito. Alam ko magiging masyado akong rude sa iyo pero kailangan sabihin ko ito para hindi ka umasa at masaktan pag dating ng panahon. Mmmm bakit naman ako masasaktan? Alice kung maaari ay HUWAG MO AKONG MAHALIN!  Hindi dapat at masasaktan ka lang . kaya hanggang maaga pigilan mo ang puso mo na mahalin ako. Dahil hindi mag kakaroon ng katuparan ito kahit kailan. Huwag mo nang  itanong bakit ko nasabi ito. Basta ilagay mo sa iyong isipan at sa puso mo na hindi ako karapat dapat sa iyong pag mamahan. Huwag na huwag mo akong mahalin  masasaktan kalang pag dating ng araw.

Dahil sa sinabi ni Kelvin sa kanya hindi lang pag kapahiya sa kanyang sarili ang naramdaman niya kundi nanliit siya. Ganoon ba ang dating niya sa lalaki ito. Masyadong haling sa pag mamahal dito. Halata ba masyado na mahal na mahal niya ang lalaki.  Ano nga ba ang kulang sa kanya at hindi siya kayang mahalin nito. Hindi niya akalain na tatapatin siya ng ganito.  Sadya bang mahirap siyang mahalin? Bakit kasi siya pa ang minahal ng puso niya. Kay dami namang lalaki diyan. Na gustong masungkit ang matamis niyang oo. Pero eto si Kelvin harap harapan sinasabi sa kanya na huwag ko siyang mahalin.

Layas lumayas ka sa opisina ko! Pumunta ka lang dito para sabihin sa akin na napaka tanga ko . nag kakagusto sa iyo at sino ka para sabihan ako ng ganyan? Sino ka ba para insultuhin ako ng ganito ? ano ang ipinag mamalaki mo at nakaya mo akong ipahiya ng ganyan?  Alis ! ka na ayaw kong makita yang pag mumukha mo!  Sino ba siya para sabihan akong huwag ko siyang mahalin!

Hindi mapigil ni Alice ang pag agos ng kanyang mga luha. Umiiyak ba siya dahil nasaktan siya sa sinabi ni Kelvin o dahil hindi pa man wala na siyang pag asa sa pag ibig nito. Alin nga ba ang totoong iniiyakan niya. Aminin man niya sa hindi ang pag agos ng kanyang mga luha ay dahil sa pag kabigo niya sa pag ibig ni Kelvin. Kaya niyang tanggapin ang lahat ng masasakit na salita galing dito. Pero ang katotohanang wala na siyang pag asa sa pag mamahal nito hindi niya kayang tanggapin.

Nag sisiman si Kelvin sa ginawa niya pero wala siyang magawa. Ayaw man niyang saktan ang nag iisang babae na nag patibok ng puso niya wala siyang magawa. Ayaw niyang mag kasala sa mata ng Diyos. Kapatid niya sa ama si Alice . bakit ba siya pinaparusahan ng ganito. Ano nga ba ang nagawa niya bakit kailangan niya masaktan  ng labis labis ang babae minahal niya ng wagas.

Ilang araw  hindi pumasok si Alice sa kanyang opisina. Tinatanong siya ng kanyang papa bakit hindi siya pumapasok. Lagi niyang sagot tinatamad siya. Hindi naman siya mapilit ng papa niya . alam nito pag ayaw niya walang nakakapilit sa kanya. Hindi naman niya masabi ang tunay na dahilan. Baka pag buntunan ng galit ay si Kelvin. Kahit sinaktan nito ang puso niya ang kapakanan parin nito ang iniisip niya.

Samantala hindi na mapakali si Kelvin nag aalala na siya sa hindi pag pasok ni Alice. Hindi niya alam kung ano na ang nag yayari dito. Gustong gusto na niyang tanungin ang papa nito kung bakit hindi pumapasok si Alice. Sinisisi niya ang sarili sa mga pangyayari.hindi niya malaman ang gagawin mag tetext siya pero di naman niya ma I send.  I dial niya ang numero ng telephone pero di niya mapindot ang call.  Alalang alala na talaga siya. Para siyang manok na di mapangitlog. Hindi siya mapakali sa opisina niya.

Kaya naman pati trabaho niya hindi siya makapag concentrate . masissiraan yata siya ng ulo pag hindi niya malalaman ang kalagayan ni Alice. Mis na mis na niya ito gusto na niya itong makita. Ano ang gagawin niya. Total hindi siya makapag trabaho ng maayos naisipan niyang mag lakad lakad muna.  Mag ikot ikot  baka sakali mawala sa isipan niya si Alice.

Samantala ganoon din si Alice bored na bored na siya sa bahay . ilang araw na rin siyang nag kukulong sa kanyang kuwarto. Kaya naman naisipan niyang mag ikot ikot para makapag isip ng tuwid. Baka sakali luminaw ang utak niya kung makakasagap siya ng sariwang hangin. Hindi niya akalain ang makakasalubong niya sa kanyang pag lalakad ang lalaking hinahanap ng puso niya na ayaw niyang makita . Ganoon din si Kelvin  hindi niya inaasahan ang hinahanap hanap ng puso niya sa pag lalakad niya doon lang pala niya makikita.

Hindi napigil ni Kelvin ang puso niya sa kasabikan makita si Alice . kaya naman sabik na sabik siyang niyakap ito. Parang  kay tagal  nilang hindi nag kita. Gulat na gulat man si Alice sa ikinikilos ni Kelvin ay hinayaan niya ito. Sapagkat ang puso niya tigib din ng tuwa sa pinapamalas ni Kelvin. Hindi niya akalain na mis din siya ng lalaking ito . noong mahimasmasan ito saka nag sorry . kung nasaktan man kita hindi ko sinasadya. Naging makatotohanan lang ako.  Hindi tayo puede , bakit nga di tayo puede?

Bakit  hindi ka na pumapasok? Ako ba ang dahilan? Mmm masyado naman yata lakas ng kompiyansa mo sa iyong sarili? Nag pahinga lang ako nag bakasyon iniisip mo na agad  dahil sa iyo? Sino ka ba para maging dahilan ng hindi ko pag pasok sa trabaho? Kung ganoon papasok kana bukas? Ang tanong ni Kelvin. Oo naman tapos na kasi ang bakasyon ko. Ikaw ano ginagawa mo dito oras ng trabaho ahh! Mayroon lang akong bibilhin kaya ako nandito. Hindi masabi ni Kelvin ang totoo.  Kaya siya nandoon dahil sa kanya.  Hindi siya makapag trabaho ng maayos ng dahil kakaisip sa dalaga. Kaya siya nag papalipas ng oras sa mall. Ohh ! sige balik na ako sa opisina. See you tomorrow sa office. Isang tango lang sinagot ni Alice.

Magaang na ang dibdib ni Kelvin sa pag balik niya sa opisina. Sa pag kikita nila ni Alice sa mall parang laking ginhawa ang kanyang naramdaman. Ano nga ba mayroon ka Alice nagugulo mo ang mundo ko? Isang sulyap lang muli mong naayos ang takbo ng buhay ko. Bakit ikaw pa kay dami naman dyan? Hanggang kailan kakayanin ni Kelvin sikilin ang nararamdaman niya para kay Alice*****ABANGAN*****

Thursday, September 4, 2014

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 5


HUWAG MO AKONG MAHALIN  chapter  5

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Hindi akalain ni Kelvin na mag e enjoy siya sa dinner nila ni Mr Ramirez. Akala niya ito na ang pinaka boring niyang dinner. Pero mali siya dahil kay Alice Ramirez ito na yata  ang  pinakamasayang  dinner sa talang buhay niya. Hindi niya alam kung bakit walang pag siglan  ng tuwa ang puso niya. Hindi niya alam kung ano mayroon si Alice bakit hindi siya pinatulog mag damag.  Kahit ano gawin niyang pikit sa kanyang mga  mata hindi siya dalawin ng antok.  Ayaw maalis sa kanyang isipan ang  maamong mukha ni Alice Ramirez. Ngayon lang niya naramdaman ang ganitong kaligayahan dahil lang sa isang babae. Hindi niya maitatanggi na attractive siya dito.

Pero ano ang gagawin niya? Alam niya na kapatid niya ito sa ama. Kaya ba niya ito nararamdaman dahil lukso ng dugo. Kaya ba isang istranghero damdamin para sa kanya? Dahil ngayon lang niya nakita ang nag iisa niyang kapatid. Naguguluhan si Kelvin sa kanyang nadarama. Pero alam niya sa kanyang sarili hindi pag mamahal bilang isang kapatid ang kanyang nararamdaman. Hindi siya maaaring mag kamali sa nararamdaman niya. Hindi puede kailangan supilin niya kung ano man ito. Makakasira sa kanyang mga plano sa pag hihiganting gagawin niya sa kanyang ama.

Saka hindi niya gustong isali si Alice sa binabalak niyang pag hihiganti. Walang itong kasalanan sa kanya. Hindi niya kasalanan na maging anak ni Ricky Ramirez. Kung kinilala lang siya nito di sin sana lumaki silang mag kasama o mag kakilala.  Bakit nga kaya di siya kinilala ng kaniyang ama.dahil kaya isang sales lady lang  ang kanyang ina. Hindi nababagay sa kanilang angkan?

Dapat na niyang kalimutan kung ano ang kanyang nararamdaman .  Ngayon palang patayin na niya kung ano man damdaming umuusbong sa puso niya.  Ang dapat niyang pag tuunan paano niya makukuha ang pinakamataas na posisyon sa company. Maging kaagapay ni Mr Ramirez. Kung president siya ang pagiging vice president naman ang target ni Kelvin. Kailangan niyang mag pakitang  gilas. Alam niya hindi mag tatagal makukuha din niya ang posisyong iyon.  Bukas na bukas din uumpisahan ko na ang pag papabango kay Mr Ramirez ang mahinang bulong sa kaniyang sarili.

Kahit puyat at halos walang tulog maaga pa rin pumasok ayaw niyang may  masabi ang mga kasamahan niya sa departamento niya. Isinubsob ang ulo sa mga tambak na trabahong iniwanan ni  Mr Santos.  Kasalukuyang hinihilot niya ang kanyang batok ng bilang  may kumatok sa kanyang office.  Tuloy ano kailangan mo ? ang tanong niya na hindi man lang pinag aksayahan tapunan ng tingin kung sino ito. Mukha yatang sumasakit ang batok mo sa dami ng trabaho. Bati ng pumasok. Biglang tinaas ang ulo sa nadinig niyang boses. Hindi siya maaaring mag kamali  boses yon ni Alice Ramirez. Ano ang ginagawa ng babaeng ito sa opisina niya?

Galing ako sa opisina ni papa . tinanong ko sa kanya nasaan ka? At saan ang  opisina mo? Noong una ayaw niyang ibigay sa akin at sigurado daw siya na guguluhin kita sa trabaho mo.  Pero kinulit ko siya. Kaya eto ako ngayon. Alam kasi ni papa hindi ko siya titigilan hanggang di niya binibigay.

Kasi alam ng papa mo na masyado kang spoil sa kanya. At alam din niya na wala kang ginusto na di mo nakukuha. Kasi nga laki ka sa layaw. Lahat ng maibigan nakukuha kahit sa anong paraan. Hindi ba tama ako sagot ni Kelvin kay Alice.

Ang sama naman ng pag kakilala mo sa akin . hindi naman ako ganoon. Alam mo bang istrikto si papa. Lalu na noong bata pa ako. Lahat nga sabihin niya batas sa aming bahay. Wala nakakabali noon . kahit ako. Kaya nga lumaki akong malayo sa kanya. Nag tataka nga ako ngayon bakit ako ininvite niya kagabi sa dinner ninyo. At laking pasasalamat ko na pinag unlakan ko siya. Dahil doon nakilala kita.

Ganoon ba ! bakit ka nga pala napasyal sa opisina ko? Mayroon ba akong maipag lilingkod sa inyo kamahalan! Sabay yuko tanda ng pag saludo sa isang prinsesa.

Anu bayan para naman akong isang  prinsesa niyan. Sabay tampal sa braso ni Kelvin. Busy ka ba sa trabaho? Baka naman puedeng samahan mo akong mag shopping o mag pasyal pasyal matagal tagal na rin akong wala dito. Itinapon ako ni papa sa  ibang bansa para mag aral. Kaya naman medyo ligaw na rin ako dito.

Napakamot sa kanyang batok si Kelvin. Ano gagawin mo akong alalay mo? O isang bodyguard mo? Di ba mayroon  ka namang  driver ? bakit ako pa yong napili mong istorbohin? Alam mo naman kakaumpisa ko pa lang isang tambak ang trabaho ko. Humanap ka ng ibang aabalahin at huwag ako.  Dahil sa mga sinabi ni Kelvin parang napahiya si Alice. Nag mamadaling lumabas ng opisina ni Kelvin. At noong isara yong pintuan ay gumagalabog.

Alam ni Kelvin napahiya ito. O sumama ang loob sa kanya. Na siya namang gusto niya at sinasadyang gawin. Na sanay  iwasan na siya nito. Para hindi siya mahirapan supilin kung ano manang umuusbong na kanyang nadarama para dito. Hindi dapat kasi nga half sister niya ito na di niya alam na anak siya ng papa niya sa isang saleslady nila dati.

Kailan kaya siya mag kakalakas loob na sabihin dito na anak siya nito. Hanggang ngayon kaya itatangi parin na anak siya nito. Kahit nakikita na niya na karapat dapat siyang ipag malaki kahit na sinong magulang. Sa mga naabot niya walang magulang ang ikakahiya siya kahit isa siyang putok sa buho.

Samantala si Alice isang bakol ang mukha halos hindi maipinta sa sama ng loob at sa karanasan pag papahiya sa kanya ni Kelvin .bakit ganyan ang mukha mo Alice ang tanong ni Mr Ramirez sa nag iisa niyang anak. Papa kung mahal mo ako tanggalin mo dito si Kelvin. Akala mo kung sino kung mag salita yong hambog na yon. Hindi siya nararapat dito sa company natin. Ni wala pa siyang napapatunayan ang yabang yabang na mag salita.

Bakit naman anak anu ba ang ginawa ni Kelvin sa iyo at nag puputok yang butse mo. At gusto mo pang tanggaling siya sa posisyon niya. Alam mo ba yang hinihiling mo?hindi nakakibo si Alice kasi alam din naman niya na siya ang mali. Hindi nga naman tama yong inasal niya kay Kelvin. Pero alam niya kaya siya nakapag salita ng ganoon dahil napahiya siya sa kanyang sarili.

Alice tinatanong kita ano ginawa ni Kelvin sa iyo at ganyan na lang ang galit mo sa kanya. Noong Makita ni Alice na   galit ang kanyang papa kay Kelvin saka niya naisip na mali siya at hindi na dapat siya nag sumbong dito. Baka nga tanggalin ng papa niya ito sa trabaho mawalan na siya ng pag kakataon na mapalapit dito. Mahal na yata niya ito. Alam niya na mayroon na siyang nararamdaman . Hindi niya kailangan sabihin sa kanyang papa ang lahat. Kaya naman nag isip na lang siya ng palusot. Kasi ba naman hindi yata niya ako natandaan . noong masalubong ko siya kanila malapit sa opisina niya ni hindi man lang niya ako pinansin. Para bang hindi niya ako kilala .

Yon lang ba ang ikinagagalit mo?  Iyan din ang mga naririnig kong bulong bulungan ng mga kababaihan dito na may pag ka suplado daw itong si Kelvin. Pero pag kausap ko naman ito hindi ko napapansin iyon. Ang totoo magalang na bata ito. Mabait  at masipag sa trabaho.  Wala akong nakikitang dahilan para tanggalin siya sa kanyang posisyon. Bagkus itaas ng posisyon ang nararapat sa kanya. Sa sipag at talino niya hindi malayo na mangyari ito. Karapat dapat sa kanya. Iniintay ko lang na mag karoon siya ng sapat na kaalaman tungkol sa company natin at bibigyan ko siya ng promotion.

Lihim na napangiti si Alice sa tinuran ng kanyang ama. Kung saka sakali mapaibig niya ito hindi siya mahihirapan sa kanyang papa. Baka ito pa nga ang gumawa ng paraan para sa kanila ni Kelvin . intayin na lang kaya niya na dumating ito. Ang kailangan nalang ay paano niya mapapa ibig sa kanya ang mailap na binata. Wala pang lalaking tumangi sa aking kong kagandahan. Ang bulong ni Alice sa kanyang sarili. Humanda ka Kelvin isa ka rin mapapa ibig sa akin. Ang mahinang bulong ni Alice sa kanang sarili.

 

Saan kaya hahantong  ang pag mamahal ni Alice kay Kelvin***** ABANGAN*****